A question for parents

cyclops

01-26-2005, 10:59 PM

I was watching a news last night, at ang topic was “How do you protect your childrens?”
Dahil sa marami na ang naging biktima ng Kidnapping at slaughtery ng mga bata dito sa Japan, ipinakita nila kung ano ang iba’t ibang paraan ang ginagawa dito sa Japan ngayon.

  1. Elementary School Bag(backpacks) with built-in GPS transmitters.
    parents can check their kids location through telephone, Internet or mobile phone.
    medyo mahal nga lang 35,000Yen( but for your kids safety mahal nga ba?).

  2. I.C. Card.
    isang school sa Tokyo na ang mga students at school personells ay may built-in IC card sa kanilang mga bags. Sa gate ng school may naka-installed na sensor, and connected so parents can check whether their kids are in or out of the school.

  3. Kids Security.
    this one naman ay para sa mga parents na nag-hahatid sundo ng mga anak nila.
    kung hindi sila pwedeng mag-hatid o mag-sundo, this Kids Security(Bodyguard) will do the job for them. This cost 2,500Yen/service.

  4. Monitoring Camera.
    isang town sa Ibaraki Prefecture ang nag-installed ng 8 monitoring camera’s sa bawat entrance ng town. 2 monitoring cameras installed in a park and parents can access and check via internet.

So how do you PARENTS protect your KIDS???
AKO… after seeing the news last year na mismong ang kapit-kuwarto lang ang kumuha sa bata… although hatid sundo ang daughter ko ng school bus nya, sinasamahan ko sya hanggang sa makasakay siya sa loob ng wagon at sa gabi ako na rin ang kumukuha sa kanya sa loob ng wagon.

maple

01-27-2005, 07:33 PM

Hello Cyclops,

Nasabi mo na hatid-sundo mo ang anak mo, may I assume na nasa hoikuen or youchien pa lang siya? As I have experienced with my kids, pag tungtong nila ng elementary, merong tinatawag na “shuudan toukou”. Children go to school in groups, sa ganitong paaran at least hindi masyadong magwo-worry ang mga parents. Pero walang “shuudan gekou”…yan ang ipinagtataka ko? Napapansin ko sa mga news, parng nagkakaroon lang ng shuudan gekou kapag may nangyari nang hindi maganda sa isang batang estudyante.

Yung “randoseru” na 35000 with GPS, hindi expensive para sa akin, in the first place, anim na taon naman gagamitin ang randoseru na iyon. Pero yung GPS naka install, anim na taon din kayang gagana yun :confused:

To all parents, better be paranoid…than sorry.

Maple

cyclops

01-27-2005, 09:28 PM

Maple-San,
Yung tungkol naman sa “randoseru”(backpack) with GPS (http://www.kyowa-bag.co.jp/news/05.html) installed according to the site it cost from 33,000Yen.
Then yung GPS kailangan ipa-register sa isang Security agency(SECOM) which will cost you
7,350Yen( registration fee 5,250 + the GPS unit 2,100). And a monthly fee of 525Yen or 840Yen, depende sa course na pipiliin mo.

About my daugther naman she is 8years old now in grade 4, may service kasi ang school na pinapasukan nya, so wala silang “shuudan toukou”.
Cyclops

maple

01-27-2005, 10:58 PM

Hello again Cyclops,

So you have an 8 year old daughter, she must be the “apple of your eyes!” (O wag na natin i-translate into “red of your eyes”:stuck_out_tongue: )

Walang katapusang gastos pala yang GPS tsuki randoseru na yan?

Private school ba ang pinapasukan na anak mo kaya may service na hatid-sundo?
Inaka kasi itong lugar namin kaya walang ganyang service dito.

Korekara mo yoroshiku ne.

Maple

chameleon

01-28-2005, 09:35 AM

Hey, to all parents like me…Here is an interesting webpage in both English and Japanese yata for kids in Japan.

Check this out…It is really helpful for kids and parents as well

http://web-japan.org/kidsweb/index.html

Cheers,

Ellen

reon

01-28-2005, 09:02 PM

noong lumabas yong balita tungkol sa nara, naisip ko rin ang safety ng mga bata dito sa tabi naming elementary school. meron din silang “shuudan toukou” dito at sa pagkakaalam ko may “shuudan gekou” din. usually equipped ang mga randoseru ng buzzer. dito sa amin, meron din (daw) na patrol cars (paminsan-minsan) pag labasan ng mga bata. (kaso mahirap talagang protektahan ang mga bata 100% of the time.)

okay yang gps-equipped randoseru, pero siyempre tandaan natin na yong batang na-kidnap at napatay sa nara ay walang dalang randoseru. pero merong siyang gps-equipped na cellphone (na walang bisa siyempre kung naka-off ang power). ironically, may mga reports na nagsasabi na tinarget yong bata dahil may dala siyang cell phone (nakasabit yata sa leeg niya).

minsan, naiisip ko ring bigyan ng cell phone ang anak ko, pero nakatago sa loob ng bag.

PILIPINAS

05-29-2006, 06:35 PM

May tanong din ako sa mga magulang dito. Napansin ko lang, na karamihan dito sa Japan ay dalawa ang anak. I just like to ask your opinion, bakit kaya?
Kayo ilan ang anak ninyo? Para naman sa wala pang anak, hanggang ilan ang balak ninyong gawin?

Thank you for those who will share.:slight_smile:

wolfgang

05-29-2006, 06:45 PM

hello!!! pilipinas…ako isa unica hija lang at 3 yrs old pa lang siya…at hanggang 2 lang din siguro ang gusto namin anak nang habibi ko…kasi una sa lahat mahirap akong manganak kasi teyosekai ako eh…tapos ang hirap nang buhay…siyempre iisipin din yung future nang bata…mahirap mag-palaki nang bata…mahal pa ang gastusin.ngayon…kay a siguro konti lang din yung iba mag-anak dahil sa iniisip din yung gastusin at yung future nang bata…yon ay sa opinion ko lang:)

PILIPINAS

05-29-2006, 07:29 PM

@wolfgang
Ako din, isa lang ang anak ko, my only son. The truth is, hindi na masundan. May mga kapit-bahay akong makukulit. Parati nagsasabi ng sundan na daw. Pwede daw magpagamot or whatever. Well, Japan is in crisis because based on statistics, mas dumadami ang senior citizens kaysa sa number ng mga pinapanganak na bata. Kaya siguro hinihikayat ang mga magulang na gumawa pa ng maraming bata.
This afternoon, I was caught up in a very bad mood. May nagsabi nanaman sa akin na gumawa pa daw ng isa. Sabi, “sure, basta ikaw ang magaalaga”. Nagulat ako sa sagot ko, at bigla kong binawi, sabi ko “joke lang”, (joudan des!).:stuck_out_tongue:

Autumn

05-29-2006, 09:04 PM

malalaki na kasi mga kids ko…pero noon pa man may dala na silang buzzer na nakakabit sa randseru nila.kasi noon pa man may mga crimes na ang involve mga bata. hindi nga lang masyadong naibabalita kaya nga may mga incharge na kogai ( outside school leader) para ma monitor ang galaw ng mga bata… yun shuudan gekko at shuudan tooko para lang kasi iyan sa mga grade one to three…
hindi na mahal yan mga bagong bag na may gps yun nga lang six years nga bang gagana yun? yun ang tanong…:confused:

tsaka ngayon marami na din mga parents patrol.yun ibang companya …kapitbahay nakiki join na rin sa patrol.kaya lang minsan hindi mo rin masigurado kung kailan at sino ang gagawa ng krimen…minsan yun iba nakiki joine kuno pero nag aantay lang din ng pagkakataon kung kailan gagawa ng hindi maganda . wala talagang kasiguruhan anoh…?

yun tungkol naman sa tanong na ilan ba ang anak…ako dalawa .karamihan talaga eh dalawa pero mas marami na iisa lang ang anak.dahil dito sa japan ang isang bata gagastusan mo ng 1sen mangyen…hanggang mapagtapos mo ng pag aaral depende pa sa course na kukunin nya pag college na…

sam_227

05-29-2006, 09:23 PM

Ako isa lang talaga sa katulad namin pareho nagtatrabaho mahirap para sa amin maging dalwa pa ang baby.Isa pa ang hirap din ng buhay habang lumalaki ang bata papalaki din ang gastos.Kung isa lang anak ko mabibigay pa namin ng sapat na pangangailangan nya.

eto po opinyon ko lang po.:slight_smile:

myukasky

05-29-2006, 10:06 PM

Ako dalawa na anak ko isang girl 3 years and 5 months old at isang boy 1 year and 4 months old. Sa amin tama na yang dalawa, actually una pa lang isa lang gusto ko kasi hirap ako magbuntis pero normal naman ako noong nanganganak sa pagbubuntis lang ako shindoi. Kaya lang namin sinundan kasi yung sister in laws ko at brother in laws parang malabo pa sa tubig na magkakaanak. Syempre mahirap naman yata yung anak ko na walang kamag-anak o kapatid konti lang kasi family ni hubby. Tapos sa pagpapaaral pa syempre gusto din namin mabigyan ng maganda future yung anak namin kaya dalawa lang . Ngayon sinasabi sa TV isang bata isen man yen pataas eh dalawa na sila paano pa kung dagdagan. Pero para sa akin may isa pa akong dahilan, aba mahirap yata mag-alaga at magpalaki lalo na kapag nagkakasakit yung bata abut abot ang dasal mo.

Noong one year old na yung panganay ko sabi ko talaga sa sarili ko tama na yung isa kasi di ako makakapagtrabaho at di ako makakatulong sa family ko sa pinas na sarili bang kita. Pero naisip ko kawawa naman sya at naisip ko din kailan ako magbubuntis ulit kung kailan matanda na ako eh ang trabaho dyan lang makakapag intay pero yung pagtanda hindi. Kaya ayon nakadala na rin at ang priority namin ngayon ay alagaan na lang sila at mabigyan ng magandang kinabukasan. May nagsabi nga sa akin dapat dagdagan pa daw isa, sabi ko ikaw nga dalawa lang anak mo tapos ako gusto mo tatlo. Sabi nya kasi noong panahon nila mahirap buhay nila kaya di na nila dinagdagan anak nila. Sagot ko naman parang sinabi mo naman na napayaman namin ayon natawa lang si hapon sa sinagot ko sa kanya:D

Ako ang ginagawa ko di ko talaga inaalis sa paningin ko yung dalawa kong anak lalo na nasa labas kami, aba mahirap na seconds lang marami ng nangyayari kaya dapat alert din. Lalo na ngayon di mo na alam kung saan ang safe, minsan nasa school may nangyayari din o di kaya sa kouen kaya ingat lang talaga. Lalo na bata ang ginagawaan ng masama kasi sila lang yung kaya nila.

adechan

05-29-2006, 10:26 PM

over here, grade 3 na po ang panganay ko.

compulsary po sa kanila ang bohan buzzar, then may whistle pa sila.

every 2pm may houso na po sa buong city about campaign for the safety of the children. May mga grupo po na nag-start nang mag patrol, parang mga barangay tanod sa atin, mga naka uniform pa sila, lahat nang mga area kung saan dumadaan ang mga bata may mga nag a-assist.

Marami ka pong makikitang naka bicycle na police kung saan saan, tapos tuwing pauwi ako about 3 lagi kong natitiyempuhan ang police patrol car na may speaker din na nag a announce na parang patungkol mismo sa mga bata, na huwag magtakbuhan pag uwi, check the red and blue light bago tumawid sa predestrian line etc. etc.

About myself protecting my children, ever since hindi na po at ease na pabayaan ang mga bata sa labas na hindi ko tinitignan.

Pero grade 3 na, have to leave her on her own lalo na pag sa bahay nang classmate niya maglalaro, pag medyo malayo sa bahay, hatid sundo ko. One year ko ding pinag keitai … kaya lang amari imi nai naman, kaya i kinansel ko na rin.

aprilluck

05-29-2006, 11:44 PM

Ako naman dalawa ang anak ko , 15 and 8 years old parehong lalaki,pero parang gusto ko pang manganak ,wala kasi akong babae ,and siguro dahil galing ako sa malaking pamilya kaya gusto ko rin iyung marami kami sa bahay .Sa nakita ko sa amin ,walang imposible kahit mahirap lang kung may abilidad ang magulang na itaguyod ang mga anak.

Tungkol naman sa seguridad ng mga bata dito,tulad din ng mga nabanggit ,may mga toban sa patrol,then iyung pinaka latest ay “walking bus” ,actually wala namang bus na sasakyan iyung mga shoggakusei ,kundi naka schedule ang uwi ng mga bata, dito sa amin dalawang schedule
lang,may mga linya -linya rin , may dispatcher, then iyung mga naka assigned na mga magulang ang bale driver (wala namang dina -drive) naglalakad ang magulang sa unahan at sinusundan naman ng mga bata,ang parang mga bus stop ay ang mga syugou bashou ,kaya iyung mga batang kailangang umuwi ng maaga or di puwedeng sumabay sa walking bus ay kailangang sunduin ng magulang,dahil di papayagan na lumabas ng school mag-isa .
Bale parang tulong ko sa school, nag volunteer akong maglakad kasama ng mag bata every Tuesday,6 kilometers lang naman ,exercise ko na rin nakatulong pa ako .

Sa nakikita ko kasi parang hirap na hirap na rin ang school kung paano titiyakin ang security ng mga bata ,in and out sa school ,kaya sana kung mayroon tayong free time na puwede nating iambag sa school sana tayo na ang mag kusang loob ,para din naman sa kapakanan ng mga anak natin iyon.:slight_smile:

sensei

05-30-2006, 08:03 AM

Para naman sa wala pang anak, hanggang ilan ang balak ninyong gawin?

Thank you for those who will share.:slight_smile:

Ako po gusto ko 2, girl & boy…kaso:cry: :cry: :cry:
Malamang kahit anong randoseru or GPS kahit mahal bibili ako…ok lang talaga maging paranoid just to protect my babies:O baka nga maging over-protective pa ako…

meteor

05-30-2006, 03:30 PM

Until now yan pa rin ang tanong na di ko kayang sagutin.
hmmm it seems not easy to say i can do this or im capable
doing this for my child. pero parang big ? pa rin
di naman kasi natin hawak ang mang yayari sa araw araw.
so ang ginagawa ko na lang kung pupunta siya sa sch.
kahit may bohan buzzer or may mga kasama siya. call
pa rin ako sa sch. to check kung dumating na ba ang unica ko.
pag uwian naman call rin ako sa sch. kung anong oras lumabas.
kung may time naman ako susunduin ko siya.
then pag dating niya ask ko kung sino sino ang nakakausap
or nakakasalubong niya out side the sch. even if she ask me
na mag lalaro siya sa labas or koen. ill make it sure
na dun lang talaga siya pupunta at tinatanong ko kung sino
sino ang mga kalaro niya.everyday im dealing with the same routine.
it makes me feel comfortable kahit sitsugoi daw ako.:slight_smile:

japina

05-31-2006, 02:09 AM

hi!! pilipinas!!! ang anak ko 1 lang 4yrs. old na sya. hindi na nasundan dahil na ceasarian ako nung nganak. happy na ako sa onli daughter ko (he!!he!!)

love0308

10-17-2006, 09:32 AM

Interesting topics i learned a lot from it, well maliit pa si baby kaya lagi ko sya katabi no worries:D

This is an archived page from the former Timog Forum website.