Alin sa dalawa: mansion o house and lot?

Karel

09-08-2005, 09:40 PM

Hello once again sa mga taga TF, hihingi po ako ng suggestion or advice sa inyo esp. sa mga kababayan natin na matagal na dito sa jpan dahil alam kong marami na silang alam sa nihon no seikatsu.

Humihingi po kasi ng advice ang isa sa mga friend ko sa akin (fil.) balak palang kasi niyang bumili kong alin sa dalawa ang mas reasonable na dapat bilhin dito sa jpan.Ang mansion ba (condu) or house and lot?

Please share your opinion and comments are welcome.
Thanx in advance sa mga mag rereply:cool:

puting tainga

09-08-2005, 10:16 PM

Pros for buying a house
1 Mukuhang mayaman
2 Pets (esp. malaking aso)
3 Libre ang parking
4 May hardin

Cons for buying a house
1 Baka talagang makulit ang kapitbahay
2 Baka may malaking lindol
3 Kahit sa mansyon, baka may hardin, ok na ang mga pets
4 Karaniwa’y mas mahal kaysa sa mansyon na parehong size.

ning2

09-08-2005, 11:04 PM

Hello once again sa mga taga TF, hihingi po ako ng suggestion or advice sa inyo esp. sa mga kababayan natin na matagal na dito sa jpan dahil alam kong marami na silang alam sa nihon no seikatsu.

Humihingi po kasi ng advice ang isa sa mga friend ko sa akin (fil.) balak palang kasi niyang bumili kong alin sa dalawa ang mas reasonable na dapat bilhin dito sa jpan.Ang mansion ba (condu) or house and lot?

Please share your opinion and comments are welcome.
Thanx in advance sa mga mag rereply:cool:

Hello Karel,

Depende sa gustong lifestyle ng friend mo. at kung ano ang kaya ng budjet nila.
may house and lot kasi na halos kasing halaga ng mansion or vise versa. kung saan sila comportable kasi malaking halaga ang involve dyan eh.
kung mansion: mayron yang monthly bill for maintenance, parking space. etc.
kung house and lot: sila ang bahala for maintenance ng bahay, etc.

pero para sa akin mas gusto ko ang house and lot!:slight_smile:

honey

09-08-2005, 11:31 PM

nagtanong ako sa hubby ko sabi nya ang…

mansion - space ang bibilhin mo pero habang buhay na ganun style.

house and lot - pwede mo baguhin ang ayos ng bahay mo kung sakaling gusto mo kahit ano pwede mong gawin kasi sayo na walang nakaduktong sa bahay mo.

house and lot tingin ko mas ok pero tip lang tingnan na nila yung bibilhin nilang bahay kahit mansion o house and lot kailangan malapit sa mga pangangailangan nila mahirap kasi na malayo.kung ako nga ang tatanungin gusto ko malapit sa hospital kasi pagkain pwede iref. pero yung sakit na nararamdaman hindi matitiis kahit sabihin pang may ambulance na darating pano kung ikaw lang mag-isa diba.:slight_smile:

dstar

09-09-2005, 01:34 AM

Hello Karel,

Tama ang mga sinabi nila “puting tainga, ning2 at honey”. Minsan tinanong ko ang kumare ko na kasal sa hapon na kung"Bakit mansion ang binili nila at hindi bahay at lupa?" Eto ang mga sagot (Advantages/Disadvantages) niya sa akin:

  1. Kung bahay at lupa ang bibilhin ay maraming mga seremonyas sa pagpapatayo ng bahay. Which she doesn’t like it!:nono: Because of too much “rituals or superstition” to build a house; Eh! :bowdown: si Jesus lang ang kinikilala niyang Diyos; ayaw niyang magdasal kung kani-kaninong Diyos meron ang bansang Hapon;

  2. Pagnatapos na at nakalipat ka na sa “Bagong Bahay” sabi niya ay kailangan mong "dumalaw or magbigay ng mga “regalo” sa mga kapit-bahay mo or sa “community area” mo - "to introduce your family is moving in that place/area and the typical “Yorushiku Onegai Itashimasu” w/ matching bow. Masakit na raw ang likod niya sa “non-stop” bowing (not being disrespectful, kaya lang may sakit na siya sa likod :eek: :)In mansion, you are not really oblige to do it(sabi niya);

  3. Sigurado ang mga kapitmansion (:eek:) I mean, kapitbahay niya ay hindi niya nakakalayo ng mga gulang/edad. Kasi kung sa bahay’t lupa naman, ay puros Obasan/Ojisan ang nakapaligid sa kanya. Eh! di “feeling” tumanda agad siya :frowning: :(.

  4. Once in a while, they have to do some cleaning to their area/community. Sometimes once a month. But the place they were interested, they have to do it every week. Naawa agad bigla ang asawa
    niya kasi "magmu-mukhang “Metro-Aide” daw si Misis (Uy! sweet naman ni Mister.) Well, she doesn’t mind to help and participate in cleaning the area. Pero kung may mga anak ka at si Mister ay sa linggo lang naroroon sa bahay, masyadong mahirap kay Misis at kulang ang oras para sa " familyday " nila;

  5. Kung tungkol sa titulo ng mansion at bahay. Laging si mister :japanese: (asawang hapon) ang nakasulat na may ari ng bahay at lupa, maging ang mansion.

  6. Mas madaling linisin ang mansion kaysa sa bahay’t lupa. Sayang naman ang front/backyard mo, kung hindi mo pagagandahin or tataniman. Sa mansion(kung tama lang ang laki ng sukat ng veranda mo) pwede na sa mga paso ang halaman, prutas/gulay at bulaklak;

  7. At kung tag-lamig (Winter) naman, may mga maglilinis or mayroon "maintenance service " ang mansion. Kung bahay’t lupa, you have to do everything.:banghead : Imagine, if you are living in Hokkaido. Non-stop snowing and using snowplow. Nakakapagod di ba?

  8. Kung magpa-party ka naman daw sa mansion, maliit na grupo lang daw, pero mas maigi kasi kahit ilang beses pwede. Kumbaga ay “batch by batch”. Kung sa bahay’t lupa naman daw. Dapat ay “malakihan at grande” (parang istilong pista sa atin :band:) kung may bahay’t lupa siya.:wink:

  9. Nowadays, mansions are mostly located in the city/cities. It is very convenient to go to hospital/clinics, supermarkets, schools, shopping malls and etc…
    Kaya nga lang, medyo maingay lalo na kung malapit ka sa “eki” train station or main road (pero hindi lahat). Most of all, you don’t need to drive a car. Bicycle can do it! Naku! Nakatipid ka na sa gas at may exercise ka pa!:wink:

I hope these infos will help your friend :thumb:
Good luck to her!

Karel

09-09-2005, 01:51 AM

Thanx sa mga advice ninyo puting tainga, ning ,honey…dstar tama rin po yong sabi nyo.Salamat sa mga advice nyo…makakarating po sa kanya ito.

janieserq

09-09-2005, 12:43 PM

Thanx sa mga advice ninyo puting tainga, ning ,honey…dstar tama rin po yong sabi nyo.Salamat sa mga advice nyo…makakarating po sa kanya ito.

tama nga silang lahat Karel

limited nga lang ang magagawa sa condo kasi may mga restrictions sila unlike if u own the place you can renovate it or expand it horizontally or vertically if there’s still any space but…

mas convenient nga naman ang condo kasi u can find it with in the city na accessible sa lahat, where as ang house and lot eh nasa rural areas na…na dapat may sarili kang sasakyan.:slight_smile:

kalypso

09-09-2005, 01:45 PM

yup, looks like a 419 scam to me. :eek:

http://home.rica.net/alphae/419coal/

Calling administrators;
This should not be here - another fraudulent scheme. (can’t even spell orphanage correctly)

Maruchan

09-09-2005, 10:29 PM

yup, looks like a 419 scam to me. :eek:

http://home.rica.net/alphae/419coal/

Huh??? :confused: Where did this come from?Teka lang…naguguluhan na ako.

If hubby and I decided to live in Tokyo sana, mansion ang pipiliin namin kasi parang mas convenient. But in the end, we chose to live in Yokohama kasi 25 minutes lang naman by train to Shibuya or 25 minutes by car to Meguro ang place namin tapos we have a small lawn pa. The thing is, sa dami naming mga landscaping projects (DIY), dahil super excited magka-garden of our won, eh, paliit ng paliit ang aming grassy area…halos isang tatami na lang yata. :hihi: Pero enjoy naman…so okay lang.

kalypso

09-10-2005, 12:42 AM

Maruchan, sorry for the confusion. my post actually had nothing to do with the mansion vs. house and lot thing. it was just a sort of reinforcement to stanfordmed’s post addressed to the admin concerning something which looked like a scam letter someone posted in this thread.

to the admin: could you please delete my previous post?

09-10-2005, 01:06 AM

Okay lang, Kalypso, nalito lang ako. Muah! :slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.