Ang saya ng Golden Week (o kung paano masira ang bakasyon dahil sa isang gasgas sa kotse)

sumabit ang van ko sa pader…
kapag nalilingat nga naman ang attention mo habang nag d drive…


Di bale marami pang araw ang natitira sa golden week. Gasgasan mo pa yung kabila para mas masaya.

1 Like

What a great way to start the golden week!

thanks nick. actually, company van yan kaya mas masaya kapag magre report na ako bukas sa office.

@moeki isn’t it? :smile:

but why are you driving the company van on a holiday? :confused:

asking the right questions :smile:

Update: masisira ang araw (o linggo) mo dahil sa napakaliit na aksidenteng ganito.

Napansin ko lang nang nakarating ako sa kaisha kaya kailangan kong balikan yung bakery kung saan nasadsad yung kuruma at mag-apologize. Okay naman daw, walang problema, siguro dahil marami nang sasakyan ang tumama doon.

Next pumunta ako sa pulis, kinuha ang usual na mga documents sa akin: driver’s license, shaken at jibaiseki hoken. Okay yung pulis sa koban, mabait, next time i-report mo kaagad doon mismo sa lugar ng aksidente sabi nya. Gagawin ko yan, sabi ko, pasensya na sa abala.

Gusto nilang makita ang lugar ng aksidente, kaya pumunta ulit kami sa bakery. Tinawag nila yung manager, tinignan nila yung gasgas sa pader, sabi sa amin mag-exchange kayo ng calling cards, tapos umalis na sila. Sayonara, bahala ka kayo kung anong gusto ninyong gawin.

Sabi naman ng manager, palagay ko wala namang kailangan i-repair pero just in case, confirm ko muna sa itaas. Tapos piniktyuran niya yung sasakyan at yung pader. Hanggang ngayon wala pa akong nariringi sa kanya.

Kailangan ko ngayong gumawa ng report sa office, para i-submit sa leasing company. Pero nung una para hindi makita yung mga papel kung kanino ni-lease yung van, haha.

Pagkatapos kailangang tawagan yung insurance company at yung dealer ng Nissan na gumagawa ng maintenance sa sasakyan. Tapos kailangang i-confirm kung paano ang gagawin sa replacement car habang nire-repair yung van, kung kailan kailangan, at anong klase. Hanggang 7,000/day lang ang provided doon sa insurance kaya sabi ko kahit na anong kotse basta hindi lalampas sa 7,000/day.

Pabalik-balik na tawag sa kung kani-kaninong tao, pero natapos din.

At may natitira pang apat na araw sa Golden Week kaya may tsansa pang malimutan ang stressful na event na ito. :smiley:

At ang moral ng kwento ay: mag-ingat palagi sa pagmamaneho at umiwas sa aksidente! :smiley:

1 Like

isipin mo kung may aite na kotse ka mas medokusai deshou! :smile:
tsaka maganda sa japan, madali lang kompyutin ang compensation sa mga aksidente, basta may tamang insurance ka.
awa ng diyos may ten years ng wala akong car accident. :smile: :smile:
ingat lagi!

moeki chan, good to know wala kang accident for 10 years

ako rin siguro mga 15 years na walang aksident tapos biglang ganito. kaya napaisip tuloy ako. hindi kaya dahil iniiwasan lang ako ng ibang motorista kaya hindi ako nagkakaroon ng aksidente? itong pader ay stationary kaya nasagi ko nang hindi nakaiwas. :smile: