Anu-anong mga bagay ang nami-miss ninyo sa Pinas?

ichimar

10-11-2005, 02:15 PM

hello tf,gusto ko lng pong malaman,kung anu-anong mga bagay,o lugar ,pagkain,ang na mi-miss ninyo sa pinas…ako na mi miss ko na ang intramuros,malapit sagolf cost,yun kc ang tambayan ko nung college pa ako,malapit kasi yung school ko doon,na mi miss ko din yung robinson place,malapit kasi sa bahay namin,lagi akong nan doon,lalo na pag may bagong palabas sa sine,na mi-miss ko din yung wet market,madalas kong kasama yung nanay ko pag namimili maingay magulo diba…sa pagkain na mi miss ko yung fish ball w/matching kikiam at squid ball…hay ang pinas nga naman nakakamiss talaga:)

tank

10-11-2005, 03:49 PM

My gurlfriend!!!:biglau gh: Seriously, I miss everything in the Philippines most specially the foods! yum yum!!! I like jollibee chicken joy, max’s chicken, phils. K.F.C., Andok’s lechon manok, Kamayan’s lechon de leche, squid balls, fish balls, my dads balls…?!? I miss riding tricycles and jeeps although my skin and nose gets black coz of dust and smoke comin’ out of the rusty mufflers!!! (smoke belchers!!!) I miss my hometown and my friends but the last time i went there, my friends are all gone, some are also in the overseas, some are in their provinces and some are…missing!!! …huh! where are they??? childs before i left (the first time i came here) are taller than me now! i may say, i also have a height problem… maybe! be goin’ back there this Dec. to spend Christmas and New year.

docomo

10-11-2005, 04:19 PM

My gurlfriend!!!:biglau gh:

ji-no- joke mo kami dito ha tank …toink sa yo:bonk: :smiley:

… para di OT ~ i missed bonding with my college/high school friends … gimiks … :frowning:

honey

10-11-2005, 04:27 PM

mga friends, bahay namin at pagkain.

fremsite

10-11-2005, 08:27 PM

hello tf,gusto ko lng pong malaman,kung anu-anong mga bagay,o lugar ,pagkain,ang na mi-miss ninyo sa pinas…ako na mi miss ko na ang intramuros,malapit sagolf cost,yun kc ang tambayan ko nung college pa ako,malapit kasi yung school ko doon,na mi miss ko din yung robinson place,malapit kasi sa bahay namin,lagi akong nan doon,lalo na pag may bagong palabas sa sine,na mi-miss ko din yung wet market,madalas kong kasama yung nanay ko pag namimili maingay magulo diba…sa pagkain na mi miss ko yung fish ball w/matching kikiam at squid ball…hay ang pinas nga naman nakakamiss talaga:)

shopping !!! mura kasi compare mo dito :yippee:
foods ! cakes… masarap pa rin ang cake sa atin , for me ha …:drool: :smiley:
kare-kare and sinampalukang manok …hmmm… yummy! :tongue:

Chibi

10-11-2005, 08:52 PM

shopping !!! mura kasi compare mo dito :yippee:
foods ! cakes… masarap pa rin ang cake sa atin , for me ha …:drool: :smiley:
kare-kare and sinampalukang manok …hmmm… yummy! :tongue:
tsaka Crispy pata sa Max’s .:food:hay…di bale lapit na kong umuwi!

adechan

10-11-2005, 09:07 PM

ang miss na miss ko nang kainin ay ang MANGGANG HILAW na malutong lutong pa ang balat at halos bagong pitas, ang sarap isawsaw sa bagoong alamang o kaya ay bagoong isda

lansones
singkamas

yan lang yata ang hindi ko pa matagpuan dito sa japan

miss ko na rin ang new year at christmas sa atin, ang makipagsiksikan sa LRT, sumakay nang bus pauwing probinsiya, iyong mga may nagtitinda pa nang mga kung ano ano lalo na ang tsitsarong baboy

makipagsiksikan sa jeep, “pakisuyo po bayad ko,” at “para po sa tabi”

:slight_smile:

adechan

10-11-2005, 09:14 PM

sa pagkain na mi miss ko yung fish ball w/matching kikiam at squid ball…hay ang pinas nga naman nakakamiss talaga:)

about fishball, one time nakakain na ako dito, may nagbenta sa amin nang frozen fishball galing sa atin, pati sauce na-ka mini pack. Kaya lang isang beses lang namin natiyempuhan.

My cousin, once tried to made homemade fishball, mukang madali lang yatang gawin. Pag natyempuhan ko siya sa bahay nila, i will ask the recipe.

crister

10-11-2005, 09:33 PM

syempre si misis at mga anak ko…

halloween

10-11-2005, 09:59 PM

ang mag-simba sa Quiapo, kumain ng kare-kare na luto ng tita ko, sisig sa Paddis, puto bungbong, puto kawali, manood ng sine sa robinsons, magmasahe sa lola kong may rayuma, asarin mga pamangkin ko at maraming maraming marami pa.

ichimar

10-12-2005, 04:08 PM

naka ka miss din yung hot pandesal w/dairy cream,samahan mo pa ng mainit na kape…lalo na ngayon malamig lamig na dito sa umaga…:slight_smile:

Hungry eyes

10-12-2005, 09:14 PM

Miss ko na yung pangtulog pagkakain ng tanghalian sa bahay kubo sa likod ng bahay namin…pagakyat sa puno nang Aratiles:p at miss ko na yung pang aasar sa alagang ungoy ng kapitbahay…sarap gunitain…hindi kasi ako mahilig mag gala at pumunta ng mall …simple life:)

tower23ph

10-12-2005, 09:22 PM

silang lahat na aking iniwan at nagsabing, INGAT KA DON!

jhayelle

10-18-2005, 07:42 AM

malapit na ko umuwi, at pag nasa pinas ako manonood ako lagi ng sine, hehe. masaya mamasyal sa mall sa pinas. lalo na pag sine, kase mura lang. diba. :smiley:

mossimo

10-18-2005, 09:12 AM

ako kahit nandito miss ko yung nagcacaroling,bibing ka,puto bumbong at balot…:smiley:

Teddy

10-18-2005, 10:21 AM

malapit na ko umuwi, at pag nasa pinas ako manonood ako lagi ng sine, hehe. masaya mamasyal sa mall sa pinas. lalo na pag sine, kase mura lang. diba. :smiley:

Oo nga! Naiingit ako sa iyo…:open_mouth: 3 months pa at magbabakasyon kami sa Manila! Yey!:cool: Magmomall-hopping na lang! Tsaka magsasaisaki-buffei:D

ichimar

10-18-2005, 10:24 AM

Oo nga! Naiingit ako sa iyo…:open_mouth: 3 months pa at magbabakasyon kami sa Manila! Yey!:cool: Magmomall-hopping na lang! Tsaka magsasaisaki-buffei:Dingit ako sa inyo,uwi kayo pinas,siguro ako by next year na lang ,magastos kasi…itingin ninyo na lang ako sa pinas,he he he,and dont forget my pasalubong,joke lang po…:slight_smile:

rodem

10-18-2005, 04:00 PM

miss ko nang uminom ng malamig na san mig light sa pier one with matching lechon sisig as pulutan… but before we drink, kumakain muna kami sa dampa… bale tabi lang ng pier one yun… sa meralco avenue, ortigas center yung sinasabi ko ha… sarap ng mga seafoods… murang-mura lang… inihaw saka sinigang sa miso na panga ng tuna… wow! sarap… dun kasi kami madalas gumimik ng mga friends ko e…:open_mouth:

halloween

10-18-2005, 04:07 PM

Dampa sa Ortigas? Ang alam ko kasing dampa eh yung sa Paranaque, pwede mong ipaluto after kang mamili ng fresh seafoods. May karaoke pa at a very reasonable price.

rodem

10-18-2005, 04:16 PM

yes! meron na po ngayon dun… bago lang kasi yung mga establishment na nandun at isa na nga yung dampa na yun at pier one… yung area na occupied nila ngayon, if your familiar, yung area dati ng payanig sa pasig… na newly develop na yung area ngayon… ginawa nang commercial establishments like bar, resto, and shopping center… walang karaoke pero may kumakanta with acoustic guitar… cool yung place kaya ang sarap tumambay at mag-inom.:slight_smile:

meron din nga palang dampa na sa libis… pero wala ding karaoke ha di tulad sa paranaque…:slight_smile:

Dampa sa Ortigas? Ang alam ko kasing dampa eh yung sa Paranaque, pwede mong ipaluto after kang mamili ng fresh seafoods. May karaoke pa at a very reasonable price.

zenki

10-22-2005, 01:17 PM

haaay…miss ko na talaga ang pancit canton! Bakit ba kase di ako nagdala nun?? :frowning:
miss ko na rin manood ng sine, bago ako umalis, 1movie per week minsan twice a week pa kame nanonood…haay HarryPotter…mahal manood ng sine dito ha! Miss ko na din ang mga food chains/restaurant lalo na ang Max’s pati ang icemonster! gusto ko na umuwi!!

Summer!

10-22-2005, 03:37 PM

in,ang na mi-miss ninyo sa pinas…ako na mi miss ko na ang intramuros,malapit sagolf cost,yun kc ang tambayan ko nung college pa ako,malapit kasi yung school ko doon,na mi miss ko din yung robinson place,malapit kasi sa bahay namin,lagi akong nan doon,lalo na pag may bagong palabas sa sine,

hello ichimar, ako din malapit school ko sa golf course sa intramuros, malapit din ako sa robinson’s place, hehe, di kaya magkapitbahay pa tayo sa Pinas? Eh yung shingaling at saka La-La familiar ka ba don sa okashi na parating kinakain nabibili sa intramuros, wow, yun ang namiss at naalala ko…:rolleyes:

Maruchan

11-02-2005, 02:46 AM

Yes, nami-miss ko ang Simbang Gabi sa atin kasama ang mga siblings ko tapos breakfast kami ng traditional food like bibingka, puto, kutsinta and many more. But since I’m going home end of November, eh, makakatikim na naman ako ng Misa de Gallo tapos iinom ng mainit na Spanish tsokolate. :yippee:

Teddy san, kita tayo sa Pinas! :slight_smile:

ichimar

11-02-2005, 07:14 AM

hello ichimar, ako din malapit school ko sa golf course sa intramuros, malapit din ako sa robinson’s place, hehe, di kaya magkapitbahay pa tayo sa Pinas? Eh yung shingaling at saka La-La familiar ka ba don sa okashi na parating kinakain nabibili sa intramuros, wow, yun ang namiss at naalala ko…:rolleyes:hello summer,baka nga magkapitbahay tayo…:slight_smile:

depp

11-02-2005, 08:31 AM

na-mimiss ko na ung luto ng nanay ko lalo na ung adobong galunggong with manggang buro.tapos kinabukasan ipiprito pag may natira.at adobong tahong na pinatuyong maigi ang sabaw,sarap with beer.at siyempre sila,lalo na ung panganay ko.:slight_smile:

Hungry eyes

11-02-2005, 01:12 PM

ay miss ko na din ang pagkain ng puto bungbong with macthing tsaa…habang nanood or nakikinig ng caroling ng mga sintunadong bata.at wala sa tono:) lalo na yun kanta nila na after mo sila bigyan ng pera.na tenkyu…tenkyu…ang kukuripot nyo tenkyu…:smiley: .how i miss the day…

ichimar

11-02-2005, 01:15 PM

ay miss ko na din ang pagkain ng puto bungbong with macthing tsaa…habang nanood or nakikinig ng caroling ng mga sintunadong bata.at wala sa tono:) lalo na yun kanta nila na after mo sila bigyan ng pera.na tenkyu…tenkyu…ang kukuripot nyo tenkyu…:smiley: .how i miss the day…friend uwi tayo,nakaka miss kasi pinas,how i wish… …:slight_smile: :stuck_out_tongue:

Hungry eyes

11-02-2005, 01:19 PM

friend uwi tayo,nakaka miss kasi pinas,how i wish… …:slight_smile: :stuck_out_tongue:

Sana nga.kaya lang wala( tayong) MONEY …este ako pala wala…ang lalakas pa naman kumain ng ng buta este bata pala…pero sana no misan makasabay kitang umuwi…ang saya siguro…:slight_smile:

ichimar

11-02-2005, 01:22 PM

Sana nga.kaya lang wala( tayong) MONEY …este ako pala wala…ang lalakas pa naman kumain ng ng buta este bata pala…pero sana no misan makasabay kitang umuwi…ang saya siguro…:)sana maraming sana friend,enjoy na kang tayo dito sa tf,masaya naman ako,siguro by next year ko na iisiping umuwi…:slight_smile:

richie

11-19-2005, 11:07 PM

what a joke, I laughed my heart out, Docomo:D :smiley: ha ha ha ha nagulat ang anak ko sa lakas ng tawa ko:D

Na mi miss ko ang dagat sa Boracay! Ang hot lomi at 6:30 in the morning at ang mga soft spoken hotel workers.

Nami miss ko rin ang Cebu, ang dagat, pagkain at magshopping.

bhebhe

11-20-2005, 07:43 AM

1st ang namimis ko family ko cyempre diba?2nd ung haus namin,may room,ung soundtrip ko sa room namin,makipagbonding sa tropa ko,boracay?swimming, text message,pasa load?tsaka food marunong ako magluto pro iba pa din ang luto ni mama cyempre…:slight_smile:

tfcfan

11-21-2005, 02:40 PM

Namimiss ko mga pamangkin kong bugoy.
Kumain ng malutong na manggang hilaw with sardinas,sibuyas at kamatis kasama ang mga old friends.
Manood ng sine everyweek sa Sta.Lucia Mall-Cainta
Makipagcounter strike kasama yung mga pamangkin kong bugoy

fisher

11-22-2005, 09:02 PM

hello tf,gusto ko lng pong malaman,kung anu-anong mga bagay,o lugar ,pagkain,ang na mi-miss ninyo sa pinas…ako na mi miss ko na ang intramuros,malapit sagolf cost,yun kc ang tambayan ko nung college pa ako,malapit kasi yung school ko doon,na mi miss ko din yung robinson place,malapit kasi sa bahay namin,lagi akong nan doon,lalo na pag may bagong palabas sa sine,na mi-miss ko din yung wet market,madalas kong kasama yung nanay ko pag namimili maingay magulo diba…sa pagkain na mi miss ko yung fish ball w/matching kikiam at squid ball…hay ang pinas nga naman nakakamiss talaga:)

Ako isinilang na matakaw! Kaya ang pagkain ang miss na miss ko at saka iyong kumakain sa malaking dahon ng saging kasama ang mga friends ko.Tapos kantahan, inuman at sayawan.

One thing more ay ang paghigop ng mainit na kape sa umaga sa may terrace at sinasabayan pa ng music. Haayyy…uwi kaya ako sa bagong taon?:sneaky:

kendi

11-22-2005, 09:46 PM

miss ko na ang beach! tapos i heard pa from my friends that they went to galera last week. inggit ako! sobra!!!
that’s the first thing na gagawin ko pagbalik ko ng pinas.

of course, miss ko ang mommy ko. miss ko na magshopping kasama sya kase lagi akong libre. :smiley:

what else? food! kahit love ko ang japanese food, #1 p rin sa heart ko ang filipino foods.
miss ko na ang balot at mangga.

miss ko na ang room ko. miss ko na rin magtext worth piso.

miss ko na kumain sa jolibee kasama bes ko

butchw5

11-23-2005, 08:35 AM

miss my wife (almost 1 yr na kami di nagkikita, panay na lang chat and cam). pati na mga jokes ng mga anak ko na di ko magets sa tagal ko na dito sa japan.
anyway, i’ll be spending x’mas and new year sa pinas. ilang tulog na lang.

nikita

11-23-2005, 09:22 PM

miss na miss ko na ang pag kanta sa pinas678lalo na at maraming magbibigay sayo ng flowers w/ tips,maraming admirers,maraming palakpak.pati ang palagi kong pag biyahe sa pinas,pagkain ng halohalo especial:D nakaka inis

mOtt_erU

09-12-2006, 08:17 PM

HI Ichimar san:)

Namimiss ko sa Pinas yung pagsstroll sa Sm departo, tas kakain kame sa Jollibee.
Namimiss ko rin kumain ng daing na bangus na may itlog na maalat na may kamatis, maggang hilaw na may bagoong, tsaka BIBINGKA na may itlog na maalat…haay sarap!

ahccofharyne

09-12-2006, 08:28 PM

ako din miss ko ang BIBINGKA…:insane:
SINAMPALUKANG MANOK:jiggy: (nilito sa dahon ng sampalok huh)
ay shaka miss ko na rin yung mga tsismosang nakambay sa tindahan dun sa harap ng bahay nmin sa looban.:dogpile:

summergirl

09-12-2006, 09:22 PM

miss ko na ang mga tsimosong tambay sa kapitbahy namin,wala kasi noon dito,chicharon bulaklak,halo2,chick en sa max’s t lumpiyang sariwa,mapa pak ng hilabos ng talangka…Yummy

Chibi

09-12-2006, 09:30 PM

miss ko na si Booh,my doogie!:frowning:
miss ko na ring asarin mga pamangkin ko!!:smiley:
miss ko na kumain ng ginataang langka at pritong bangus.
dami ko pang misssssssssssssss… …

pero ang no. 1 na miss ko my dear mother.:slight_smile:

Tarena314

09-12-2006, 10:04 PM

ako miss ko na talaga ang mamuhay sa pinas,simple pero masaya:) :slight_smile:

fremsite

09-12-2006, 10:19 PM

miss ko na sa pinas ~~~ lanzones ~~~ !!! :stuck_out_tongue: :slight_smile:

myukasky

09-12-2006, 10:36 PM

Miss ko yung magtataho sa lugar namin sa malolos:D :smiley: :smiley:

love0308

09-13-2006, 03:41 PM

Ako miss ko na yung wet market or palengke, baywalk, mga malls, maiingay na tao at traffic he he, mga chismosa kong kapit bahay, :smiley: at syempre family ko.

michiko

09-13-2006, 05:00 PM

nakaka miss sa pinas yung pagka karaoke namin nina ate ko sa bahay tapos kung sino mababa ang score eh sya ang utusan namin…nakakamiss din yung dumadaang mag fi fishball sa tapat ng bahay namin…lahat kami na nasa bahay eh lalabas at kanya kanyang tuhog ng fishball at bilang kung magkano na ang nakain namin…:smiley: :stuck_out_tongue: tapos may palamig pang kasama…si kuya lagi ang taga bayad…

after ng fishball eh yung mamang magbabalot naman ang dadaan…:smiley: kain na naman…pati yung pagbabasketball namin ng pamangkin ko sa tapat ng bahay at pagbabadminton nakakamiss…:slight_smile: tsaka syempre yung pag sa shopping sa SM department store…nakakapagod maglakad dahil sa laki lalo na sa MALL of asia pero masaya…:smiley: :slight_smile:

ichimar

09-13-2006, 05:22 PM

hay ang daming na kaka miss sa pinas …lately na mi miss ko din yung kulitan namin ng mga kapatid ko…tsaka na ka ka miss din yung champorado ng nanay ko,minsan naman isang kalderong sopas,lalo na at ganitong umuulan…minsan naman lucky me noodles,na lalagyan ng itlog…hay na kaka miss…at minsan naman pritong tuyo,na may sawsawang suka at sili…hay nagugutom na ako:D

uvy

09-13-2006, 05:30 PM

na miss ko sa pinas tuwing umaga nagigising ako sa sigaw ng nagtataho at gigisingin na agad ako ng pamangkin ko,manghihingi ng pambili.miss ko na din na magkakasama kaming magkakapatid at nagkukulitan na parang mga bata,…tuwing hapon ang puto’t kutsinta naman sa meryenda,lagi kasing may dumadaan samin nun,…andami dami ko talagang namiss sa pinas,…hayyyy,…s ana makauwi na,…

ugnayan

09-16-2006, 12:25 PM

Miss ko ang mangga na sinasawsaw sa bagoong! :food:

barney

09-19-2006, 01:10 AM

nami miss kong kumain ng nilagang talbos ng kamote w/matching piniritong tinapa.ung alikabok sa daan pag bumibiyahe wala kc dito sa japan,hehehe!
na mi miss ko ung mga kapatid kong makukulit, lalo na ung ate kong parang newspaper kung mag tsismis hahaha! masaya kasi pag buo ung family sa pinas napag uusapan pa ung mga nakaraan…walang kasing saya.:smiley:

mamimo

09-22-2006, 06:11 PM

miss ko paputok sa mga kalye twing New Year kahit pa mangitim ilong ko sa usok na dulot nito…:slight_smile:

tfcfan

09-22-2006, 06:44 PM

miss ko yung panghihingi sa akin ng barya ng mga pamangkin ko,feeling nila bangko ako,:lol:(yung isa, ayaw ng barya gusto ube ,buti nalang di yellow ang hinihingi hehhehe!)

walang kaseng saya ang feeling lalo na kung magkakasama kaming nagkukulitan;)

chiquilin

09-22-2006, 09:06 PM

miss ko na po yung crush ko sa pinas :frowning: nabalitaan ko po na pumunta na sya ng america nalulungkot po ako baka di ko na sya makita. :rolleyes:

tarci

09-23-2006, 12:29 AM

namimiss ko ang kulitan ng lolo at lola ko na parang nagliligawan pa rin eheheh. namimiss ko ang ngiti nila pag dumadalaw ako at ang pagsabi nila ng “apo…” :stuck_out_tongue: miss ko ang 70-katao kong immediate family (from lolo at lola sa mother side lang, hanggang apo…o di ba???)

miss ko ang panggising ni tatay na pansit palabok. :bouncy: ang pangangain ko ng indian mango sa bubong namin, motorcycle driving, ang marathon ng CSI at fear factor. miss ko ang LIBRENG sariwang isda,:fish: tilapia, bagoong, bangus, sugpo, tuna, alimango, monggong luto ni tatay, galunggong, inihaw na tambakol, shawarma, pork steak, pancit bihon ng kapitbahay, Buddy’s Pizza, Pizza Hut, Joliibee fried chicken!!!, Chiken Inasal, Kenny Rogers…:food:

miss ko ang makukulit kong pinsan na daladala ko (mga 10-15 bulilit) sa SM at naglalaro sa arcade, kumain ng icecream at ang malling namin ng mga kapatid ko. Ang weekly cellmeeting at ang church ko. ang pagtakas ko sa bahay kasama ng bf ko:kiss: :love: heheh–

---- hay pinas… naiwan ko nga pala puso ko dun…:frowning: :weep: .

chris_rock

09-23-2006, 01:30 AM

sana namimiss nyo rin ito…:slight_smile:


kare kare


kare kare ulit


bulalo

http://img.photobucket.com/albums/v312/ramble_on/sinaingnatulingan.jp g
sinaing na tulingan


tokwa’t baboy

http://img.photobucket.com/albums/v312/ramble_on/sitawkalabasacrabs.j pg
ginataang alimasag


and the quintessential banana cue!

o, kaon na ta! :slight_smile:

chiquilin

09-23-2006, 03:44 AM

wahhhhhhh! uuwi na ko sa pinas!!! :food:

miss ko na talaga crush ko…

This is an archived page from the former Timog Forum website.