Any idea on PC warranty?

jramar

11-09-2005, 11:06 PM

bumili ako last year ng laptop pc ang brand HP last october ko sya binili to be exact oct 24, 2004 so lampas na sa 1 yr warranty. nung last sunday(nov 6) naisipan ko mag-upgrade ng memory ng ilagay yung memory hindi gumana so kumuha ng bago yun technician baka sira lang yung memory ganun din ang nangyari sa madaling salita hindi gumagana yung isang slot sabi ng technician. hindi ko naman mahahalata kung sira ang slot ng pc ko kahit 5 yrs pa ang warranty kung hindi rin lang ako mag-upgrade. ano sa tingin nyo sasagutin pa ba ng manufacturer ito o hindi na dahil lampas na ang warraty. any idea. may batas ba ang japan sa consumer rights.

makulit

11-09-2005, 11:34 PM

bumili ako last year ng laptop pc ang brand HP last october ko sya binili to be exact oct 24, 2004 so lampas na sa 1 yr warranty. nung last sunday(nov 6) naisipan ko mag-upgrade ng memory ng ilagay yung memory hindi gumana so kumuha ng bago yun technician baka sira lang yung memory ganun din ang nangyari sa madaling salita hindi gumagana yung isang slot sabi ng technician. hindi ko naman mahahalata kung sira ang slot ng pc ko kahit 5 yrs pa ang warranty kung hindi rin lang ako mag-upgrade. ano sa tingin nyo sasagutin pa ba ng manufacturer ito o hindi na dahil lampas na ang warraty. any idea. may batas ba ang japan sa consumer rights.

mahirap sagutin ang tanong mo. better call your manufacturer and ask.

docomo

11-09-2005, 11:57 PM

expired na po yung warranty , so that means tapos na po ang purpose ng papel na pinanghahawakan nyo… but if ever na willing naman na ayusin o magawan ng paraan yung manufacturer ng nabili nyo mas maganda… pero sa tingin ko may amount of money pa rin na involve, pero siguro di naman na ganon kamahalan… not unless may kailangan talagang pyesa na mahal na kailangan na talagang palitan dun lang magkakatalo siguro:)

crister

11-10-2005, 02:11 AM

na try ba muna na alisin ang current memory na nakakabit ngayon at ilipat sa slot na sinasabi mo na sira?

if nailipat at hindi nabasa ang RAM mo - sira ang slot mo
pero pag nabasa - di sira ang slot mo, maaaring mali lang ang type ng RAM na ginamit ng technician na pinagdalan mo

rodem

11-10-2005, 06:19 PM

I don’t think na sira yung memory slot mo… hindi lang compatible yung mga ikinabit nung technician kaya hindi na-detect… may mga branded computer kasi na namimili ng memory… like IBM… hindi pwedeng generic yung gagamitin mo, or kung branded man hindi pa din pwede… kailangan ang ilalagay mo dun na memory is IBM compatible talaga… usually nabibili lang yun sa distributor ng mga IBM pc pero mahal compare sa mga ordinary…

The best thing you can do right now is sa authorized dealer ka bumili or dun sa binilhan mo nung laptop mo ka magpa-upgrade… ang hirap kasi pag hindi sa mga authorized reseller ka bumili or nagpagawa, kapag nasira nila yung laptop mo hindi nila aaminin na sila ang nakasira unlike sa mga authorized guaranteed yung trabaho nila… if ever na sila makasira e babayaran nila yun… minsan papalitan pa ng mas bago… sa case mo kung yung technician mo ang nakasira you’ll never know, kaya sorry ka na lang…

And please take note na hindi ganun ka-simpleng magkabit nun… hindi porket nakabit mo na is yun na yun… may procedure sya… syempre dapat naka-shutdown, kailangan tanggalin mo yung battery, dapat magdischarge ka muna ng electric current before mo hawakan yung electronic components and dapat dahan-dahan lang… usually nasisira ang slot kapag napwersa or nalimutan na mag-drain ng electric current nung technician… remember may kuryente tayo sa katawan ha na pwedeng makasira ng mga electronic components such as IC, hard disk, etc…

jramar

11-10-2005, 06:57 PM

actually dun ko nga pina-upgrade sa pinagbilhan ko at ang sabi 3-5lapad ang magagastos pero subukan daw kung papayag yung HP na ihabol, kung hindi magbabayad ako ng 3-5 lapad. sabi ko sige babalik ako kukunin ko lang ung mga files na nakasave dun.

ganda_girl89

11-10-2005, 07:12 PM

ipadala mo sa HP through sa tindahan na binilhan mo.magbabayad ka ng 1,050 at pag nakita na ng HP ang sira,may option kang umayaw o pumayag sa estimate nila.minsan considerate nmn yung mga manufacturers.

dati nasira ang ccd ng handycam ko,may pinalitan na parts ang sony pero di na pinabayad sa akin kahit lampas na sa warrranty.

maitanong ko lng…pagkalagay ba ng memory module at nag on ng power,nag load ba ang windows ng maayos at di lng mabasa ang dagdag na memory?naisip ko din baka ibang memory ang inilagay kasi baka wala ng label yung OEM na memory at basta na lang nag rekomenda ang technician.

RAIN

11-10-2005, 07:27 PM

Ikaw ba ang nag upgrade ng memory mo? Ikaw ba bumili ng memory ikaw ka ba nag install.Bago mo dinala sa technician may problema na ba?Technician u mean computer shop staff.Comfuse lang ako computer never run w/ 1 slot memory may laptop din ako NEC nag upgrade din ako ng memory 256MB 144pin .Try to bring back the old memory.

jramar

11-10-2005, 10:52 PM

sila ang naglagay at nagbigay dahil un nga ang modelo ng memory. pag ikinakabit nung tech. ayaw bumukas at walang screen pero pag tinatanggal gumagana lahat. kaya un ang sabi ng tech. slot daw ang may sira.

crister

11-10-2005, 11:44 PM

pwede ba malaman ano ang model ng PC mo?

RAIN

11-11-2005, 07:08 PM

Jramar wala kang magagawa expired na ang warranty mo.goodluck pag may PC ka talagang magastos.
RAIN

jramar

11-11-2005, 07:48 PM

model HP nx9110. hindi kaya dahil ibang brand memory kaya ayaw?

rodem

11-11-2005, 08:00 PM

model HP nx9110. hindi kaya dahil ibang brand memory kaya ayaw?

actually wala namang HP brand na memory e… any brand of memory will do as long it is compatible with your laptop… tingnan mo na lang sa website ng HP kung ano yung upgrade memory ang compatible sa laptop mo… just look on the HP nx9110 model.:slight_smile:

jramar

11-11-2005, 10:10 PM

ok salamat sa mga info ninyo bukas susubukan ko uling ibalik at para malaman ko. kung pwede pa sa manufacturer.

crister

11-11-2005, 10:11 PM

model HP nx9110. hindi kaya dahil ibang brand memory kaya ayaw?

hindi naman brand ang basehan sa pagpili ng RAM

Specification ng PC mo (http://h18000.www1.hp.com/products/quickspecs/11867_na/11867_na.HTML)

katulad ng suggestion ko before : ilipat mo ang existing RAM mo sa slot na sinasabing defective

pag gumana > di sira ang RAM mo
syempre pag di gumana > eh di sorry , sira talaga:D

pero syempre may mga option ka pa rin:

  1. pag Good both slot , try mo humanap sa Sofmap or Computer Shop
    333-MHz DDR SDRAM para sa SODIMM SLOT (mababasa mo naman ito sa package ng RAM)

  2. pag No Good yung isang slot, you need to replace your exisiting RAM ng mas mataas na spec, kaya lang magiging sobra ang RAM mo, for spare na lang or benta mo.

jramar

11-11-2005, 10:56 PM

un na nga sana ang balak ko kung hindi talaga gumagana ung isang slot. sbi ko dun sa tech baka pwede palitan ko na lang ng 512 at ilagay ko dun sa slot na may 256MB sabi hindi daw pwede dahil hindi raw kakayanin ng pc ko hanggang dalawang 256 lang ang kayang ihandle ng board daw. paano ba malalaman ang limit ng memory na pwede sa pc. ang gamit ko kasi nx9110 2.8Ghz celeron 256mb.

crister

11-11-2005, 11:11 PM

@jramar
2.8 GHz na ang PC mo, kung yan eh lumang model pa eh may possibility na di kayanin ang 512 MB na RAM.

kung makikita mo sa link na ibinigay ko, kaya ng PC mo up to 2048 MB.

dahil sa sinabi mong yan, hindi masyado marunong sa computer ang nag ayos ng PC mo.

jramar

11-11-2005, 11:28 PM

ok salamat sa mga info nyo siguro nga hindi lang marunong un tech pero ung model na inilagay tama talaga at ayaw gumana baka dahil sa configuration kaya bukas susubukan ko ilipat ung memory dun sa kabilang slot kung talagang naghahanap ng compatible memory. pwede yun di ba? at yung 512 susubukan ko. dahil alam ko hanggang 2GB ang memory nito ayon sa manual nya.

jramar

11-11-2005, 11:33 PM

crister dun sa ibinigay mong manual spec hindi ba pang pentium4 un eto kasi celeron lang. 2GB rin kaya ang memory nito.

crister

11-11-2005, 11:41 PM

@jramar
no problem yan kasi same lang naman ang mother board and both of them ay Intel processor.

jramar

11-11-2005, 11:48 PM

ok salamat bukas susubukan ko.

jramar

11-12-2005, 12:16 AM

crister parang ang hirap yata buksan nito tapos hindi ko alam ang exact location ng slot pangalawa parang pag binuksan sama buong body kasi yung mga box slot na may screw kanya kanya ng laman HD, CD at memory. sabi dun sa manual na binigay mo ilalim ng keyboard e buo na itong matatanggal may mga screw pa rin.

crister

11-13-2005, 06:08 AM

try this kung makakatulong

and this

http://www.r3000forums.com/viewtopic.php?t=8&highlight=nx9110+ram +disassembly

jramar

11-13-2005, 11:59 AM

salamat crister nadownload ko na ung guide isa na lang ano dapat ko ingatan dito na baka may masira ako.

crister

11-13-2005, 04:48 PM

usually bag nagbabaklas ka ng PC, ingatan mo ang mga sumusunod:

  1. mahulog ang mga screw at di mo makita sa sobrang liit
  2. iwasan na magkaroon ng damage ang mgs FLEXIBLE Cable at connectors
  3. Iayos ang mga na disassembled na parts ayon sa pagkakasunod sunod para madaling ibalik
  4. dahan dahan sa pagalis n RAM sa slot baka mabali ang slot holder/lock

good luck…

jramar

11-13-2005, 07:56 PM

salamat uli sa info.

jramar

11-20-2005, 12:15 AM

bro crister na try ko na ung sabi mo na ilipat ung isang memory dun sa user accesible slot hindi rin gumana. ano sa tingin mo hindi kaya siguro pwedeng gamitin kung walang memory ung original slot. meron bang ganoon?

This is an archived page from the former Timog Forum website.