Arubaito at tax..

alexis

12-16-2005, 04:53 PM

Hello mga kaibigan! Unang post ko po ito at hindi ko sigurado kung tamang lugar ba itong aking napuntahan para i-post itong aking ‘problema’. Kung sakali mang hindi ito ang tamang lugar, nakikiusap ako sa moderator na paki-lipat na lang po itong aking liham sa kinakaukulang lugar. Salamat po!

Eto po ang aking tanong na talaga namang lalo pang nagpapagulo sa aking magulo ng pag-iisip! :slight_smile:

Kakakuha ko lang po ng arubaito nung isang linggo. At mayroon po akong dalawang katanungan…

  1. Kailangan ko bang magbayad ng tax or pwede ng hindi?
  2. Bale, sa bangko inihuhulog ang aking sweldo. Yung bangko ba dito sa Japan ay nagbibigay ng monthly/yearly report ng ating account? (Halimbawa, kung may account tayo sa Pinas, every once in a while makakatanggap tayo mula sa ating bangko ng status ng ating account…katulad ng kung magkano yung laman nun at kung ano anong activities and nangyari during the period na covered nung report.) meron din bang katulad nito dito sa Japan? Kung ganun, bakit wala akong natatanggap? Kung may guarantor ka sa pag-open nung bank account mo na nakapangalan sa iyo, may access ba yung guarantor sa account mo? Katulad ng pagkuha ng report sa bangko tungkol sa aktibidades ng iyong account?

Paumanhin po kung medyo magulo ang aking post. Sana mayrong mag-reply. Salamat!

Dax

12-16-2005, 06:26 PM

  1. Kailangan ko bang magbayad ng tax or pwede ng hindi?

Kailangan magbayad ng tax kahit na arubaito basta lumampas ng 1.3 million yen ang kinita sa isang taon. Itanong mo muna sa employer mo kasi baka kinakaltas na nila yung pinapadala sa account mo. Btw sa student yan, iba din siguro pag sa working visa et. al.

alexis

12-16-2005, 06:49 PM

Salamat Dax!

Estudyante ako dito. So, kung hindi aabot ng 1.3M Yen ang income then exempted sya sa tax…tama ba? hindi na kailangang mag-file? paano pala malalaman ng government na lagpas ng 1.3M yung income mo? chini-check ba nila ang back account para ma-determine if lagpas ka na sa ceiling or honesty system lang?

:slight_smile:

Dax

12-16-2005, 07:37 PM

Di ko alam ang sagot sa 2. alexis sorry. Siguro di naman nalalaman ng GOJ. Kung nagche-check man sila, mga mayayaman lang siguro. Puro siguro hehe.

Hindi pala 1.3 million kundi 1.03. Dito ko nakuha ang info:

maple

12-16-2005, 11:11 PM

Kakakuha ko lang po ng arubaito nung isang linggo. At mayroon po akong dalawang katanungan…

  1. Kailangan ko bang magbayad ng tax or pwede ng hindi?

hello alexis,

ang alam ko, basta’t lumagpas ng 80,000 yen ang sweldo mo sa isang buwan, kakaltasan ka ng “shotokuzei”. hindi ko naman alam kung ilang per cent ito:O

tapos yung boss mo naman ang mag sa-submit ng “Chokenminzei” (am not even sure kung eto rin ang tawag nito dyan sa Tokyo ha) sa city hall/ municipal hall. Kaya talagang malalaman ng gobyerno kung magkano na ang income mo.

pasensya ka na…am not helping at all yata:O

BTW, welcome to TF!

maple

docomo

12-17-2005, 12:21 AM

@ alexis

yung number 2 na question mo … pwede mo yang i-request sa banko kung ano yung bankong ginagamit mo … pumunta ka sa bank at may mag a-assist nyan sa yo kung san kang window pupunta para maka pag request ka

kung yung guarantor mo ang nag open ng account mo talagang may access sya … kahit nasa pangalan mo pa… pero kung ikaw mismo ang nag open ng account mo obviously wala syang access

striver

12-17-2005, 04:08 PM

hello alexis!

regarding to your question po about sa tax wala na silang ibabawas don pag nakapasok na sa bangko. what i know is your employer already cut that on your salary. part time ka lang kamo eh. almost all part timer with an income of not greater than 1,000 yen/hour dont have to pay taxes anymore. but if you have an annual salary of what dax said you have to pay for that and report it on your own. my bracket kasi, pero i think di aabot annual income mo don. so no need to worry po. the government always know kung magkano ang money mo in the bank. lalo na pag may malaki kang pera don. you have to pay taxes for that.

about sa bank account mo kamo, if you want to have that report you wanted, pumunta ka don sa branch ng bangko na pinag open ng account mo and make a request for that. pero it is also the same with the telephone, kung gusto malaman details ng mga calls mo monthly you have to pay for that report. pero kung matagal na iyong bank account mo na di nagagalaw po, sometimes my report na manggagaling don po sa bank. nangyari po sa akin iyan.

alexis

12-17-2005, 10:12 PM

Dax, Maple, Docomo and Striver… Salamat sa inyong mga reply! sobrang nakatulong lahat ng mga naisulat nyo upang maliwanagan ang aking pag-iisip tungkol sa mga bagay bagay! :slight_smile:

galing talaga ng TF! :slight_smile:

muli, maraming maraming salamat! :slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.