Avenida memories

lily

12-13-2005, 03:17 PM

Natatawa ako pag naaalala ko ang aking kabataan tuwing nagagawi ako diyan sa Sta.Cruz Manila at Recto…Eto ang aking kwento…May hardware kami diyan sa may tomas mapua dating Miserecordia yun sa kabilang kalsada ng Aranque Market.TO SUY HARDWARE …Pangalan ng Papa ko.Ngayon King OF SCREW na siya at marami na ring branches.Yung bahay namin noon ay isang unit sa building sa tapat ng MAPUA.Ang school ko naman ay kahilera lang hardware namin malapit lang siya.MANILA PATRIOTIC SCHOOL Chinese school siya na mandarin ang language na tinituro.Nursery palang ako noon ng malaglag ako sa balkon ng building na tinitirhan namin mula 3rd floor hanggang sa baba.Bali ang buto ko sa binti at sa braso …buti na lang buhay pa at nadiyaryo pa ako!Sobrang kalikutan ko noon…ultimo lalagyan ng alahas ng mama ko nabukbuksan ko yun at sinusuot ko lahat ng alahas na gusto ko,siyempre sobrang busy ng papa ko sa tindahan niya at mama ko naman laging out of town travelling kasi nga bata pa siya at sunod sa layaw,kasi matanda na ang papa ko.Pag uwi ng mama ko,bubuksan niya yung alahasan niya konti nalang laman…malalaman niya ako ang kumuha ,bali ang hanger na kahoy sa katawan ko at puro dugo ang mukha ko sa sampal niyang tumatagaktak kasi ang lalaki ng singsing na suot niya.Di narin niya makita pa ang mga alahas kasi suot ko yun lahat pag pina liguan na ako ng yaya ko nawawala na.Maraming nakatira sa amin kasi mga tindera at tindero sa hardware lahat halos nun ay kamag anak ng mama ko galing sa CEBU.Ewan ko ba mabigat talaga ang dugo sa akin ng mama ko o salbahe lang talaga ako.6 yrs.old lang ako noon ha!Pati nga kaha ng papa ko kinukuha ko ang laman pero yung kinukuha ko noon eh yung tig pi pisong coin na nakabalot marami yun.Ginagawa ko doon…pag pasok ko sa school namin pinapaagaw ko yun sa mga schoolmates ko,yung iba binibigay ko sa mga pulubing nakahilera sa Avenida hanggang sa maubos yun.Tapos maglalayas na ako gagala gala na ako sa QUIAPO UNDERPASS ,ESCOLTA.Papasok ako ng sinehan sa Avenida …takbo lang !hahabulin naman ako ng takilyera sa loob pero di ako nahuli…paglabasan naman sabay na ko sa mga tao kaya thank you na lang!Minsan sa sobrang antok ko…may nakita akong mga bata natutulog sa bangketa sapin diyaryo may bakante pa tumabi ako doon at natulog.Pag 3 days na medyo maitim na ko sa dumi pati panty ko tutong na nga eh uwi na ko niyan tiyempuhan ko lang kung on travel na naman ang mama ko.Pag nakita na ako ng papa isang palo lang sa puwit ang aabutin ko …PAPA’s GIRl kasi ako eh.Tapos paliliguan na ako ng aking yaya.One time sabi ko sa classmates ko …alam nyo sa amin yung ALIMALL sa may Avenida…sabi ng classmate ko talaga?Punta tayo!sabi niya…sabi oo ba!Punta kami lima silang kasama ko.Pagdating doon…sabi nila pwede bang kumuha sa inyo naman ito di ba?Sagot ko ,ok sigekuha kayo ng gusto ko nyo.Hala dampot ,saksak sa bag ang ginawa nila !Pag labas namin sinita kami ng guard siyempre sa takot ko…takbo na ako bilis kong tumakbo no di ako maabutan yung kawawang classmates ko nahuli!Anyway,rich naman sila puro anak ng chinese …walang problema yun!Kinabukasan sabi ng classmates ko…Sabi mo sa inyo yung Alimall bakit kami hinuli?Sagot ko binibiro ko lang kayo eh,naniwala naman kayo!!Badgirl talaga ako no?Lahat naman ng gusto ko binibigay sa akin ng papa ko…pero di ako masaya …lahat ng damit na binibili sa akin ng papa puro laces yung magaganda,pinabibiga y ko lahat sa pinsan ko sa CEBU.Things ko sa school from Hongkong pa lahat yun,pasalubong sa akin ng anak ng papa ko galing sa CHINA.4 na lalaki ang anak ng papa ko sa unang asawa niya.SA mama ko 2 kami kuya ko at ako.Kuya ko MAMA`s BOY naman…pero nuknukan din ng tigas ng ulo…mas salbahe siya kesa sa akin,pag may nagawang kasalanan yun…pinapasok sa sako tinatali at ibinibitin sa labas ng balkon namin sa 3rd floor.Grabe magparusa sa amin ang mama ko noon !Pero nung mag 7 yrs. old na ako medyo magulo na ang relasyon ng parents ko…dahil sa paglipat ng mga anak ng papa ko sa PILIPINAS.Nung time na nagkademandahan na silang 2 i mean my parents tungkol sa ari arian at iba pa…Sinabi sa akin ng secretary namin na ampon lang kami ng kuya ko.Dahil doon wala akong pinili sa kanilang 2 na samahan…kahit mahal ako ng papa ko ayoko sa kanya kasi nga ang lungkot ng buhay ko,sa mama ko naman bugbog sarado naman ako palagi!May resthouse kami sa Taguig dati LOLA ko Ang nakatira mother ng mamako,pero love na love ako nun kesa sa tunay niyang apo,kaya dun na ako tumira sa kanya…kaso nabubuhay lang din yun sa allowance ng papa ko,nung maghiwalay ang parents ko naputol na rin yung sustento.Doon na nagsimulang mabago buhay ko.ANYWAY,AVENIDA MEMORIES PA LANG ITO,Hope you enjoy reading this!if not boring!KUNG GUSTO NYO NG PART 2 ok lang…nextime…just let me know…more interesting and adventures ang mga sumusunod na nobelang mababasa nyo!!!THANKS FOR READING!!!

rodem

12-13-2005, 03:59 PM

Lily, nakakatuwa na nakakalungkot naman yang experience mo sa avenida pero parang nauwi yata sa talambuhay e… hehehehe…:smiley: pero familiar akong lahat sa lugar na sinasabi mo kasi marami akong friends na nakatira sa bambang… yung Toh Suy Hardware na tindahan ng turnilyo, dyan makikita ang hard to find sizes ng turnilyo… rich kid ka pala at super duper sutil… brat ba… siguro isa ka sa mga kumakain ng makimi sa Ha Yuan no…:smiley:

Malapit lang kasi yung haus namin sa avenida kaya hindi-hindi ko din yan malimutan kasi dyan ako nadukutan ng wallet e nung grade skul pa lang ako… sa may bandang odeon ba… wala pang mga pok pok na nagkalat nung time na yun dun… kapag ganito xmas season, dinadayo yang avenida kasi masarap mamili ng gamit dyan… sapatos, damit… lahat-lahat… kahit mga GSM (galing sa magnanakaw) marami kang mabibili… dami ding biglang liko na antik dyan… kung familiar ka sa Sun Wah Chinese Resto na ngayon is Wah Sun na… masarap kumain dun kahit parang sinasalaula yung pagkain dami pa ding kumakain… madalas kaming pumunta nun sa fairmart, fair center, plaza fair, isetann at sm sa sta. cruz na carriedo na ngayon at ang sikat na syvels sa escolta…:slight_smile:

alam kong lahat yan kasi laking manila ko…:stuck_out_tongue: :smiley: :stuck_out_tongue:

ichimar

12-13-2005, 04:05 PM

Lily, nakakatuwa na nakakalungkot naman yang experience mo sa avenida pero parang nauwi yata sa talambuhay e… hehehehe…:smiley: pero familiar akong lahat sa lugar na sinasabi mo kasi marami akong friends na nakatira sa bambang… yung Toh Suy Hardware na tindahan ng turnilyo, dyan makikita ang hard to find sizes ng turnilyo… rich kid ka pala at super duper sutil… brat ba… siguro isa ka sa mga kumakain ng makimi sa Ha Yuan no…:smiley:

Malapit lang kasi yung haus namin sa avenida kaya hindi-hindi ko din yan malimutan kasi dyan ako nadukutan ng wallet e nung grade skul pa lang ako… sa may bandang odeon ba… wala pang mga pok pok na nagkalat nung time na yun dun… kapag ganito xmas season, dinadayo yang avenida kasi masarap mamili ng gamit dyan… sapatos, damit… lahat-lahat… kahit mga GSM (galing sa magnanakaw) marami kang mabibili… dami ding biglang liko na antik dyan… kung familiar ka sa Sun Wah Chinese Resto na ngayon is Wah Sun na… masara kumain dun kahit parang sinasalaula yung pagkain dami pa ding kumakain… madalas kaming pumunta nun sa fairmart, fair center, plaza fair, isetann at sm sa sta. cruz na carriedo na ngayon at ang sikat na syvels sa escolta…:slight_smile:

alam kong lahat yan kasi laking manila ko…:stuck_out_tongue: :smiley: :phello rodem,laking maynila ka pala,pareho tayo,batang maynila din ako,sa avenida,dyan kami sumasakay papuntang bataan,philippine rabbit.tapos dyan sa isetann recto,yan ang tambayan ko,sa food court sa ibaba,masarap kumain…wala na nga diyan yung uniwide dati dyan kami namimili ng mama ko,kasi mura…pero,nakaka tuwa at nakakalungkot ang kuwento ni lily,ganyan talaga ang buhay,paiba iba,kaya dapat lagi kang handa sa lahat ng oras:)

lily

12-13-2005, 04:12 PM

:open_mouth: :slight_smile: OK lang ba!!NAKU! lahat ng sinabi mo,paborito kong puntahan…pwera lang sinehan…marami pa rin hanggang ngayon patayo tayo sa tabi tabi nagaabot ng picture!Kung mandurukot napakarami minsan nga naglalakad ako sinabayan ng lalaki at babae magkabila yung babae dinudukot yung wallet ko sa bag habang naglalakad ako…ginawa ko biglang atras ako at abante siya huling huli ko siya!kinompronta ko siya sabi ko tagarito ako no,laki ako rito!tumigil na lang akong magsalita ng namalayan kong may lalaki sa tabi kong kasama niya!Ay ,naku …pero tuwing umuuwi ako sa PILIPINAS punta pa rin ako ng punta doon!

rodem

12-13-2005, 04:17 PM

hello rodem, laking maynila ka pala, pareho tayo, batang maynila din ako, sa avenida, dyan kami sumasakay papuntang bataan, philippine rabbit. tapos dyan sa isetann recto, yan ang tambayan ko, sa food court sa ibaba, masarap kumain… wala na nga diyan yung uniwide dati dyan kami namimili ng mama ko kasi mura… pero, nakakatuwa at nakakalungkot ang kuwento ni lily, ganyan talaga ang buhay, paiba iba, kaya dapat lagi kang handa sa lahat ng oras:)

hi ichimar, san ka ba sa manila? ako sa may malapit sa UST campus lang kaya malapit sa amin ang mga sinabi mo… hindi mo na siguro inabot yung avenida dati na maraming tao pag xmas season… kasi ngayon malaki na ang pinagbago ng lugar na yun e… ginawa na syang park… yung mga old establishment giniba na… yung madalas mong panooran ng sine na Odeon e wala na din… saka yung sinehan na may lover seat sa Recto wala na din… ang dumami dun is mga street children, mandurukot at mga solvent boys…

oo tama ka, yung uniwide nga ang pinakamurang supermarket dati… saka sila yung unang establishment na may food court at may live band pa… siguro isa ka sa mga tambay ng Mug 'N Chef no? o di kaya Campus Bubbles… hehehe…:smiley:

ichimar

12-13-2005, 04:21 PM

hi ichimar, san ka ba sa manila? ako sa may malapit sa UST campus lang kaya malapit sa amin ang mga sinabi mo… hindi mo na siguro inabot yung avenida dati na maraming tao pag xmas season… kasi ngayon malaki na ang pinagbago ng lugar na yun e… ginawa na syang park… yung mga old establishment giniba na… yung madalas mong panooran ng sine na Odeon e wala na din… saka yung sinehan na may lover seat sa Recto wala na din… ang dumami dun is mga street children, mandurukot at mga solvent boys…

oo tama ka, yung uniwide nga ang pinakamurang supermarket dati… saka sila yung unang establishment na may food court at may live band pa… siguro isa ka sa mga tambay ng Mug 'N Chef no? o di kaya Campus Bubbles… hehehe…:Dhi hi hi,tama ka dyan sa sta.ana ako,kaya lang malapit kasi yung school ko nung college sa lugar na yan,kaya alam mo na happenings,marami din akong memories sa lugar na yan…oo nga parang divisoria na din ang dating,ang daming vendors,mga mamimili,at higit sa lahat mga mandurukot…:slight_smile:

striver

12-13-2005, 05:58 PM

hay naku, di ko rin makakalimutan ang buhay recto ko. halos araw araw eh nandyan ata ko when i was still a student. recto, sta.cruz, avenida, doroteo, raon, isentan at mga kadikit nyan. halos nakabisado ko ang paikot ikot dyan. i was studying in TIP quiapo before. 4 years din ako dyan, kasi nahinto ako when i pass the scholarship her in japan. lalo la na mula 1st to 2nd year ako kasi meron pang rotc kaya halos everday eh nandyan ako. dyan kasi ang daan ko pauwi ng bulacan. i was riding a mini bus in sta.cruz. dyan sa sta.cruz na holdap ang classmate ko. he was waiting for a jeep papasok ng mapua, ng biglang may umakbay sa kanya at sinabihan syang holdap at wag daw sya papalag, bata raw sya ni boy recto. eh mdyo payat ang classmate ko, ayon po natangay pera nya. meron pa kong classmate na naholdap din at natangay ang pang matrikula nya dyan. mahaba rin siguro story kong kukwento ko here. pakunti kunti na lang po. nagbago na ba avenida? matagal na rin kasi kong di nagagawi dyan eh.

docomo

12-13-2005, 06:12 PM

memories to ha… syempre lab ko yang avenida , recto … batang mendiola ako eh… CEU grad … pag may rally , half day kagad wala na kagad pasok take note kaloka nun laging walang pasok …aliw !!.. at syempre takbo na kami sa sinehang magka-ka klase … tambayan namin ang shakeys at dyan sa may miranda bookstore sa gilid may maliit dyang canteen ginawa na naming tambayan he he … nandun pa kaya yon… ayoko lang pag umuulan kasi bumabaha , bukod sa nakakasira ng shoes , pumuputim ang aking uniporme … alala ko pag dating ng 6 or 7 ng gabi hala pahirapan ng sumakay pauwi … pero gusto ko ang jeep nun, grabe tanggal ang tutuli mo sa sounds :smiley: pero ang pinaka maganda … nagkalat ang chiks at fafah sa buong kalye … :stuck_out_tongue:

lily

12-13-2005, 06:12 PM

Alam mo…STRIVER,hinding hindi ko talaga makakalimutan yang lugar na yan …aaaaaaavenida!kasi sa bandang 3rd ave.natagpuan ang bangkay ng kuya ko.Noong panahon na yun 1992 or 93 ba sa Valenzuela sa may Malinta Exit malapit ang tirahan ko,sa kin na tumutuloy ang kuya ko noon.Trabaho niya operator ng makina sa factory ng tiyahin namin diyan sa may royal Balintawak,araw ng sweldo niya nagshopping siya sa mall…ewan ko bkit siya napunta ng 3rd ave. eh sa Mapua ang sakayan ng bus papuntang malinta di ba?Sabi ng pulis naholdap ,nanlaban kasi marunong ng judo yun,pero siguro maraming kaengkwentro isang saksak lang sa puso ang tama niya at mmay mga pasa siya.Wala na ang wallet niya pero yun siniyapping niya naiwan.Napakasakit talaga yung nangyari sa kuya ko.Kaya dapat bigay mo nalahat tutal pera lang yan di ba?

rodem

12-13-2005, 06:12 PM

nagbago na ba avenida? matagal na rin kasi kong di nagagawi dyan eh.

malaki na ang pinagbago ng avenida at marami nang establishment ang giniba, nasunog at tinayuan nang bago… nagsimulang magbago ang lugar na yun nang si Lito Atienza na ang alcalde ng maynila… dahil sa project nyang “buhayin ang maynila”… halos karamihan nang mga sinehan na antigo na sa lugar na yun ay giniba na din… katulad nang odeon, janet, etc… halos yung mga yun ay binili ng gobyerno para sa mrt-line 3 project… ang buong avenida na dating dinadaanan papuntang sta.cruz church ay ginawa nang parke… develop na halos ang buong avenida which is good kasi ang ganda-ganda na pero nakakapanghinayang lang dahil kung sa ibang bansa yung mga teatro na antigo is nirerestore… sa atin ginigiba na lang… sana man lang may project ang city goverment na i-restore sya pero wala e… ibang-iba na talaga…

rodem

12-13-2005, 06:16 PM

memories to ha… syempre lab ko yang avenida , recto … batang mendiola ako eh… CEU grad … pag may rally , half day kagad wala na kagad pasok take note kaloka nun laging walang pasok …aliw !!.. at syempre takbo na kami sa sinehang magka-ka klase … tambayan namin ang shakeys at dyan sa may miranda bookstore sa gilid may maliit dyang canteen ginawa na naming tambayan he he … nandun pa kaya yon… ayoko lang pag umuulan kasi bumabaha , bukod sa nakakasira ng shoes , pumuputim ang aking uniporme … alala ko pag dating ng 6 or 7 ng gabi hala pahirapan ng sumakay pauwi … pero gusto ko ang jeep nun, grabe tanggal ang tutuli mo sa sounds :smiley: pero ang pinaka maganda … nagkalat ang chiks at fafah sa buong kalye … :stuck_out_tongue:

uyyy… bringing back the college days ha… sinabi mo pa ang daming chikas na magaganda sa may mendiola na hindi mo na kailangang manligaw basta maganda auto mo sama na… :smiley:

cleopatra

12-13-2005, 08:25 PM

Natatawa ako pag naaalala ko ang aking kabataan tuwing nagagawi ako diyan sa Sta.Cruz Manila at Recto…Eto ang aking kwento

Nakakalungkot naman ang kwento mo :frowning: …kahit na ba hindi mo sila tunay na magulang hindi tama yun ginawa ng nanay mo , ang magulang dapat ang mag-gabay sa mga anak… (hate ko kasi yung mga tao/magulang na nananakit, lalo na pag bata ang sinasaktan :mad: )

Di ko din makalimutan Avenida dahil dyan ako 2 beses nadukutan nung studyante pa ko…haayy naku avenida…

TO ICHIMAR-SAN, taga sta. ana ka rin pala, ako din sa sta. ana, malapit sa sta. ana church, saan ka sa sta. ana?

lily

12-13-2005, 09:01 PM

:confused: Would you imagine till the age of 18,nakakatikim pa ako sa mama ko ng palo gamit kahoy…!Kaya nag nagstow away ako from visayas back to Manila.Kadalasan nga ,ngayon minana yata ng mga anak ko dito sa Japan yung ugali ko…kaya pati ako namamalo …sinturon pa, as early as 1 yr.old nakakatikim na anak ko.Sabi ng asawa pag sinaktan ko daw yung anak ko,mananakit din sila sa iba maybe gawin din nila ang ginagawa ko sa kanila.Sabi ko disiplina lang,pero nung nabasa ko yung topic dito sa forum about discipline nga…sa nabasa kong studies,i remember my childhood experiences na yung feeling ng takot ko sa mama ko tuwing tatawagin niya ako,ni ayaw ko siyang tingnan ng diretso o hawakan man lang.Nerbiyos ,yung hindi mailabas yung totoong ako dahil sa takot pag nandiyan siya.Pagwala para akong nakawala sa hawla.So negative!Natakot akong mangyari sa anak ko iyun,ayokong magtanim siya ng galit sa akin!Kaya dapat tayong mga parents pala,kailangan sensitive din tayo sa feelings ng anak natin,give them praises pag may achievement o nagawang maganda,hug them kiss them.Dahil yun ,di ko natikman sa mama ko.Kaya nga promise ko sa sarili di na ko mamamalo…at lahat ng pagmamahal at atensyon ibibigay ko sa mga anak ko…:slight_smile: :slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

crister

12-13-2005, 10:29 PM

@striver
TIP ka rin pala …Tapunan ng Istudyanteng Pogi…hehehehehe

sa TIP din ako, Batch 91…sino ba naman ang makakalimot sa Avenida eh nasa likod lang ng Aranque Market and Bernardo Campus, from 3rd year to 5th year,araw araw ako naglalakad sa may area na yan, lalo na pag lagari sa location…bernardo>arlegui>puyat

kaya nga nasanay ako na walang suot na alahas, kasi nga dami holdaper…kung kailan matao saka sya mas delikado.

pero masarap din maggala sa Avenida lalo na kung gabi na, ibat ibang klase na ng attraction ang makikita mo…bawas man ang holdaper sa gabi…lumalabas naman ang mga MAGNANAKAW ng LAKAS sa tabi-tabi…hehehehehe

@docomo
CEU ka pala, buti naman at nakapagconcentrate ka sa pagaaral mo…hehehehe

fremsite

12-13-2005, 11:24 PM

lily san … kakalungkot naman mga pinagdaanan mo …:frowning:
mabuti na lang at hindi ka naligaw ng landas…
muntik-muntikanan na nga lang …mahirap makalimutan
mga naranasan mo … ang pahirap sa yo ng mama mo ,
ang love ng papa mo … death ng kuya mo … isipin mo na
lang na masamang panaginip ang lahat ng hindi magandang
nangyari sa buhay mo … isipin mo na lang ngayon na may anak
ka na … na hindi sana maka-experience ng katulad ng naranasan
mo sa mama mo … tama ka … tama yung na-realize mo tungkol
sa pag-disiplina ng anak … and sana … maging masaya ka na
ngayon sa pamilya mo. Gob Bless :slight_smile:

Paul

12-14-2005, 01:23 AM

Parang pelikula yung kuwento mo lily. Nakakalungkot.

Ang memories ko lang ng Avenida ay nung bata pa ko. Ang natatandaan ko ay yung Good Earth Emporium. Diyan kasi kami lagi bumibili ng bagong sapatos tuwing magpapasko. Kabisado ko pa noon ang bawat kanto ng Avenida papunta dun sa mga pinsan kong nakatira sa may Tayuman. Ang palatandaan ko noon ay yung pulubing laging nakaupo sa kanto ng Batangas St. Dun kasi kami bumababa. Minsan nasabi sa 'kin ng ate ko, “Paano 'yan kung mamatay yung pulubi, e di hindi mo na alam kung saan ka bababa?”. Oo nga naman. Tuwing luluwas kami ay dun kami sa Avenida nagpupunta para mamili ng mga damit at gamit pang-iskwela. Tapos maglalakad papunta sa Simbahan ng Quiapo. Mula doon sasakay ng jeep papunta sa bus terminal sa may City Hall pauwing Laguna.

docomo

12-14-2005, 10:28 AM

uyyy… bringing back the college days ha… sinabi mo pa ang daming chikas na magaganda sa may mendiola na hindi mo na kailangang manligaw basta maganda auto mo sama na… :smiley:

uy! hindi lahat ha :stuck_out_tongue:

DJchot

12-14-2005, 11:10 AM

lily,

pampelikula talaga tong buhay mo. ganyang buhay din ang inasam ko noon e. di rin pala masaya. sabi nga ni fremsite, mabuti at di ka naman naligaw ng landas.

masyado pa akong bata noong nasa maynila pa ako. pero natatandaan ko pa rin yung mga landmark na sinabi ni rodem. yung pinakanaaalala ko ay yung good earth kasi may restaurant sa rooftop yon e. dun kami kumakain din madalas.

mug n chef naman during college days hehe. MIT naman ako :slight_smile:

JEM_jp

12-14-2005, 11:10 AM

uy! hindi lahat ha :stuck_out_tongue:

Yeah… not all… its depend, its dependot…:bonk: :smiley:

Little Johnny

12-14-2005, 12:19 PM

MIT naman ako :slight_smile:

MIT? Men with Irresistible Testicles? kaya pala ang galing mo djchot… sa math! :smiley: :stuck_out_tongue:

nadadaanan ko lng ang avenidz nung nag-review ako for board exams. panay ang sabi ng friends ko na mag-ingat sa ako sa isnatser. buti na lang at wala pa ako celfone nun at pera. hehehe. sinubukan ko rin pumasok sa isang sinehan dyan pero nde ako tumagal ng 15 mins sa loob… puro jokla ang nandun… yaaaiiiikkkssss:eek: :yuck:… pero nde nman nila kasama si chibi nung panahon na yun… ahihihihi:D :stuck_out_tongue:

striver

12-14-2005, 12:57 PM

@crister
yes sa TIP rin me 93 to 97 po. going to 5th year na ko nang nahinto me don. kasi i decided to study here in japan. di ko na inabutan iyong sa bernrdo ba? pati sa aranque. sarado na raw iyon in our batch, nag start iyong sa arligue. pinalakihan kasi sinunog iyong sa puyat daw.

@docomo
sa CEU ka ba? wow. i like their uniform ha, white with pink. ganda ng combination. there is something about your uniform kasi tingin ko kahit panget eh gumaganda pag suot iyong uniform nyo. girl na girl ang dating. napapalingon ako. he he he. lalo na pag dumadaan ako don sa may simbahan. i forgot the name. swerte nyo pag may rally ano. kayo lagi ang walang pasok noh. by the way, sa taas ng TIP Arligue kitang kita ang loob ng campus nyo. pag nandon iyong ibang student sa 6th floor eh may dala dala silang binacular para mambuso. he he. kakatuwa. baka nabusuhan ka don. he he he.

hay naku avenida, dami talagang kwento dyan. i experience to walk from divisoria to avenida dahil sa traffic at luneta to avenida rin. di kasi umuusad sa trafik. i remember pag uwi ko laging maitim ilong ko. grabe, nanggigitata po. iyong isetann naman, ginagawa lang naming cr. dadaan lang kasi don para umihi. meron din akong na experience dyan sa may odeon na sinihan. its sunday morning, papunta ko ng rotc po. i stop there for a while kasi malakas ang ulan. then marami ng mga pukpok don na nakatayo. 3 po sila. iyong isa inalok iyong isang mama for 500 lang daw. sumabat ang isa, 250 lang daw sa kanya. eh medyo wala siguro tomer sumagot ang pangatlo, sabi nya 100 hundred na lang daw sa kanya. ayaw patalo ng nauna, 50 na lang daw. mas lalong di nagpatalo ang pangalawa, 20 pesos na lang daw. pangkape lang nya. grabe nagulat ako. for coffee lang papaano na sya. grabe nagulat talaga ako. medyo napapangiti lang ko. then kinuwento ko sa mga barkada ko, dapat daw tinawaran ko ng 10 pesos. he he he. grabe hirap ng buhay talaga.

hotcake

12-14-2005, 02:07 PM

Alam mo…STRIVER,hinding hindi ko talaga makakalimutan yang lugar na yan …aaaaaaavenida!kasi sa bandang 3rd ave.natagpuan ang bangkay ng kuya ko.Noong panahon na yun 1992 or 93 ba sa Valenzuela sa may Malinta Exit malapit ang tirahan ko,sa kin na tumutuloy ang kuya ko noon.Trabaho niya operator ng makina sa factory ng tiyahin namin diyan sa may royal Balintawak,araw ng sweldo niya nagshopping siya sa mall…ewan ko bkit siya napunta ng 3rd ave. eh sa Mapua ang sakayan ng bus papuntang malinta di ba?Sabi ng pulis naholdap ,nanlaban kasi marunong ng judo yun,pero siguro maraming kaengkwentro isang saksak lang sa puso ang tama niya at mmay mga pasa siya.Wala na ang wallet niya pero yun siniyapping niya naiwan.Napakasakit talaga yung nangyari sa kuya ko.Kaya dapat bigay mo nalahat tutal pera lang yan di ba? Hello lily, welcome to TF.:slight_smile: Ang ganda naman ng umpisa ng story mo, makulit ka rin pala.:smiley: Marami na rin nag-share ng kanilang avenida memories.:slight_smile: Pero ng dumating na sa part ng post mo na ito ay napatigil ako kasi halos magkapareho pala tayo ng experience.:frowning: pwede rin ba mag-share din dito ng story ko…

Di ko lang alam kung malapit sa avenida ang recto, di kasi ako palagi nagagawi sa lugar na iyan.:frowning: Noong May 1991 namatay ang kuya ko, nagtatrabaho siya as a Display artist sa Ever Caloocan, noong araw na namatay siya ay papunta siya at ang kasamahan niya sa Ever recto para doon magdisplay. Kaso sa kasawian palad ay naholdap sila. Nakasakay ang kuya ko at ang kasama niya sa sasakyan ng Ever, dahil sa traffic may kumatok daw sa bintana sa side ng brother ko at sabi holdap daw. Kaso ang ginawa ng kuya ko ay sinara ang bintana, habang sinasara ng kuya ko ang bintana ay binaril siya ng holdaper sa sintido. Kaso sabi ng mga nakakita sa pangyayri ang holdaper ay di man lang daw tumakbo, naglakad lang na parang walang nangyari.:mad: Sinugod ang kuya ko sa ospital kaso DOA.:frowning: Ang sakit mawalan ng kuya, lalo na paborito mo at ka-vibes mo talaga…

Tama ang sabi mo lily, dapat bigay mo na lahat kung sakaling maholdap. Tutal pera lang iyan, ang mahalaga ay ang buhay.

Stacie Fil

12-18-2005, 10:16 PM

I also grew up in Manila and has Avenida memories. Nakakatuwa…nakakat awa…nakakakilabot. …nakakalungkot. I can relate with everyone’s post and also all the places mentioned. The beginning part of avenida up to Recto(former Azcarraga-for older viewer) kagaya nang sabi sa previous post, has change/closed for utility vehicles by Atienza regime. Aside from the LRT which has change most of its face during the 80’s and 90’s, halos ganoon pa rin. I think. Traffic, conjested, but part of the heart of Manila. Hope the good changes keeps on. The place is really a melting pot for many Pinoy, most specially those whose life evolves with in Manila. For professionals,busine ses, and mostly to students near and around the University belt. Good or bad, maraming contribution ang lugar na yan sa mga kababayan natin now living there and here and other places abroad.

Stacie Fil

12-27-2005, 01:53 AM

Natatawa ako pag naaalala ko ang aking kabataan tuwing nagagawi ako diyan sa Sta.Cruz Manila at Recto…Eto ang aking kwento…

.ANYWAY,AVENIDA MEMORIES PA LANG ITO,Hope you enjoy reading this!if not boring!KUNG GUSTO NYO NG PART 2 ok lang…nextime…just let me know…more interesting and adventures ang mga sumusunod na nobelang mababasa nyo!!!THANKS FOR READING!!!

Tagal naman nang karugtong…mag nu-new year na.
Helloooooooooooooo Lily, anybody home?
:smiley:

lily

12-27-2005, 08:16 AM

:stuck_out_tongue: :stuck_out_tongue: Merry Christmas And Happy New Year to you and all the readers and members here in Timog Forum!!Huling punta ko sa Sta.Cruz, year 2000…di pa gaanong nabago,baka ngayong pag uwi ko sa march,makapunta uli ako para makita ko kung maganda na nga.Marami rin akong friends diyan sa baesa…sa looban…sana madalaw ko rin sila.Thanks pala ha,stacey for reading this posts!Happy holidays!!!:tiphat: :tiphat: :tiphat: :wavey:

lily

12-27-2005, 08:48 AM

Sorry to hear that too Hotcake!!Isipin mo,halos pareho tayo ng experience…eto pa,sa Ever gotesco pa nag shopping ang kuya ko,bago siya naholdap.Napakasakit mawalan ng kapatid lalo na in a cruel way pa.In my case…Di ko pa nga totoong kapatid yung kuya ko,though pareho kaming inampon…magka iba naman kami ng pinanggalingan.Sa akin siya nakatira noong mapatay siya,and i was with my bestfriend in Tacloban leyte vacationing on that time when the incident happened!Akala ko it was just a joke when i heard that he was dead,kasi siya pa ang naghatid sa amin sa terminal ng bus pauwi ng Tacloban.Kaya pagbalik ko ng Maynila sa Funeraria Internacional ko na siya nakita…nakaburol!An g sakit sakit,ayokong tanggapin…pero hayan siya sa harapan ko…wala na akong magawa kundi maawa at umiyak.Nang halungkatin ko ang gamit niya,nakita ko ang address ng tunay niyang pamilya…kaya sinama ko ang friend ko hinanap namin sa tondo malapit lang sa avenida…Bumabagyo noon basang basa kami sa ulan …pero di ako tumigil hanggat di ko natagpuan ang pamilya niya.Finally,nung nakita na namin,mga kapatid lang niya ang naroon…dahil ang nanay niya nasa America na at tatay naman niya patay na.Pero they met already before pa…dahil nagpa published sa diyaryo ang kuya ko ,para makita ang true family niya nung buhay pa siya.Tatay niya pure chinese at nanay naman niya…eh galing ng leyte at mga BAUTISTA at may capihan daw sa Cavite.Kaya yun,nagpunta sila sa burol…at naging friends ko rin ang mga kapatid niya…and they all goodlooking family i can say!I love my kuya kahit di kami magkadugo…eh di lalo ka na Hotcake!!Sad story…isnt it?Pero we have to move on…thats life…!:dowave: :wavey: :wavey: :wavey: :tiphat: :tiphat: :tiphat: :tiphat:

RODSKI

01-15-2006, 10:19 PM

memories to ha… syempre lab ko yang avenida , recto … batang mendiola ako eh… CEU grad … pag may rally , half day kagad wala na kagad pasok take note kaloka nun laging walang pasok …aliw !!.. at syempre takbo na kami sa sinehang magka-ka klase … tambayan namin ang shakeys at dyan sa may miranda bookstore sa gilid may maliit dyang canteen ginawa na naming tambayan he he … nandun pa kaya yon… ayoko lang pag umuulan kasi bumabaha , bukod sa nakakasira ng shoes , pumuputim ang aking uniporme … alala ko pag dating ng 6 or 7 ng gabi hala pahirapan ng sumakay pauwi … pero gusto ko ang jeep nun, grabe tanggal ang tutuli mo sa sounds :smiley: pero ang pinaka maganda … nagkalat ang chiks at fafah sa buong kalye … :p. . . . . . . hehe:D :stuck_out_tongue: kuya DOCOMO, CEU grad ka pla:cool: , grad. din sister ko jan DENT. naman, malaki na pinagbago ng MENDIOLA ngayon,wala na yung mga nagtitinda ng banketa burger,at foot long sa tapat ng BEDA at CEU maganda na din yung MRT sa tapat ng mendiola at sa kahabaan ng recto, good thing is nandoon pa yung shakeys at yung miranda bookstore:D BASTE grad kse ko hihihi!:smiley: so mejo pamilyar ako sa mga binanggit mo hehe! nga pala yung mga ibang bilyaran dun sumisipa pa din.:smiley: :stuck_out_tongue:

RODSKI

01-15-2006, 10:35 PM

Natatawa ako pag naaalala ko ang aking kabataan tuwing nagagawi ako diyan sa Sta.Cruz Manila at Recto…Eto ang aking kwento…May hardware kami diyan sa may tomas mapua dating Miserecordia yun sa kabilang kalsada ng Aranque Market.TO SUY HARDWARE …(snip) . . . .hanep ang nobela mo ah:D sino ba naman ang di makakalimot pag biabanggit ang nobela mo(este avenida pala:D :stuck_out_tongue: ) jan nanggaling ang mga malulupit na bilyarista ng pilipinas ang SUNRISE kung san nanggaling si EFREN BATA,at ang nkakatakot na ODION THEATER,HOLIWOOD THEATER huuuuuuuuu! at syempre ang ARANGQUE,may mga tropa kse ko na may alahasan jan sa ARANGQUE,BASTE grad kse ko,ibang klase tlaga pag napapagusapan ang AVENIDA mapapangiti ka db!:stuck_out_tongue: :smiley: :slight_smile:

docomo

01-16-2006, 01:27 AM

. . . . . . . hehe:D :stuck_out_tongue: kuya DOCOMO, CEU grad ka pla:cool: , grad. din sister ko jan DENT. naman, malaki na pinagbago ng MENDIOLA ngayon,wala na yung mga nagtitinda ng banketa burger,at foot long sa tapat ng BEDA at CEU maganda na din yung MRT sa tapat ng mendiola at sa kahabaan ng recto, good thing is nandoon pa yung shakeys at yung miranda bookstore:D BASTE grad kse ko hihihi!:smiley: so mejo pamilyar ako sa mga binanggit mo hehe! nga pala yung mga ibang bilyaran dun sumisipa pa din.:smiley: :stuck_out_tongue:

ala kung maka kuya ka dyan ha ~uy bagets pa ko ha :smiley: baka ka batch ko pa sister mo? Law ba course mo sa BEDA?? baka ka batch mo naman kafatid kow ? ka~ka take lang ng bar :wink: andun pa ba yung tabi-tabing canteen sa may gilid ng bridge after CEU ?? si intsik mami beho? :stuck_out_tongue:

RODSKI

01-17-2006, 11:39 PM

ala kung maka kuya ka dyan ha ~uy bagets pa ko ha :smiley: baka ka batch ko pa sister mo? Law ba course mo sa BEDA?? baka ka batch mo naman kafatid kow ? ka~ka take lang ng bar :wink: andun pa ba yung tabi-tabing canteen sa may gilid ng bridge after CEU ?? si intsik mami beho? :stuck_out_tongue: . . . . . . di ako beda kuya docomo,SAN SEBASTIAN (marketing) ako mag LAW?:smiley: nevaaaaah:p masisiraan lang ako ng ulo dun hehe:D nsanay nko tumawag ng kuya or ate,in respect lang po. oo dun pa yung mga canteen sa gilid ng tulay,sarap kumain dun ng student meal noh! tsalap:p iba pa rin pag sa MAYNILA.

pointblank

01-18-2006, 03:35 AM

Haaay naku, ewan ko sa inyo, pero ako, ang drama ko noon ay si Hilda Koronel sa Maynila sa Kuko ng Liwanag. O kaya’y sa Insiang, as in batang kalye.

Yang Misericordia, hindi lang sa hardware kilala - actually as mas famous yan bilang kalye ng mga pokpok na sampung piso isang putok. Hoy, malaking pera dati ang 10 pesos!

Hindi ko na masyadong matandaan, dahil over 15 years na akong di napapadpad sa downtown area. Pero dati ay malalakad kong nakapikit (well, almost) ang buong Quiapo, Sta. Cruz, Binondo, Tayuman, hanggang Mendiola at UST. Wala yata akong hindi pinasok na tindahan o building sa aking pagkagala. Pati yung lumang Good Earth Emporium, masasabi ko sa 'yo kung ilan ang poste.

O siya, how many of you remember the Avenida when you could still see the sky? Bago pa tinayo yung pangit na LRT? Nung meron pang Christmas display ang C.O.D. na malapit sa Alemar’s… Nung pinalabas ang Goldfinger ni James Bond sa Ideal at ang Japanese sci-fi na Watari sa Podmon. Nung merong umiikot na candy carousel (parang kaiten sushi) doon sa first floor ng Shoeworld … aber?

docomo

01-18-2006, 11:43 AM

@ pointblank

ALIW! dapat may aber pa talaga ha :stuck_out_tongue:

… maganda yang kay Hilda Koronel na movie… napanood ko yan hinakot nyan lahat ng klase ng award ha…

  • kung noon nakikita mo pa ang sky sa kahabaan ng maynila ngayon pag nagpunta ka na don … puro billboard na makikita mo, kulang na lang eh takpan na nila ang langit …
    Good Earth Emporium panalo sa akin yan… dami kong nabili dyan ha and Alemars was the best bookstore before … I love COD hindi complete ang pasko ko nun pag di ako nakapanood nyan… ayokong lugar ang Tayuman , Lardizabal dahil baku~bako ang daan dyan … bago ka maka~punta sa pupuntahan mo eh lamog na katawan mo sa sobrang pagkauga ng jeep na sinasakyan mo …

Ang natatandaan ko sa Avenida sa Quiapo mga sinehang walang kalatoy latoy ang palabas… konti lang na sinehan na disente ang mga palabas … karamihan puro ewan … kung noon isang katerbang vendors ang nakapaligid sa Quiapo ngayon naman medyo nabawasan na … and infairness gumanda na ng 5 points kahit papano…
… pero sa kahabaan ng maynila isa pa rin ang laging problema kapag umuulan laging may baha pa rin… and super trapik pa din hanggang ngayon :smiley:

fremsite

01-18-2006, 11:52 AM

Avenida memories … marami din yata ako nito … noon ., kahit saang sulok … alam ko pasikot-sikot dyan … mga short-cuts … kaya lang , sa sobrang tagal na din … nakakalimutan din pala . :frowning: one time , inaya ko brother ko punta kami sa may recto … laking pagbabago … di na tulad ng dati … marami ng pagbabago … ang mga dati kong alam na kalye … iba- iba na rin … ruta ng jeep … magulo … basta … di siya tulad noon … pero iisa pa rin ang amoy niya … hehehehe … at nangingitim pa rin butas ng ilong pagkagaling mo dun … hahahahahahaha!!!
si Hilda Koronel ba ? … dun siya dati sa school na pinapasukan namin ng brother ko … i remember … bata pa kasi ako nun ( pati brother ko ) may picture taking daw at artista nga kasi … so pakuha na rin my bro with Hilda … hayun ! hanggang ngayon yata … nasa kanya pa rin yung picture nila … ganda ngang babae and shy … soo shy sa people … as far as i remember ha… :stuck_out_tongue:

Summer!

01-18-2006, 03:34 PM

hi, lily. mukhang ang daming napasaya at nalungkot sa thread mo. Nalungkot dahil sa mga masasakit na pinagdaanan niyo, kasama na si hotcake sa pagkawala ng mga kuya niyo. Isa na ako doon sa nagulat at nalungkot. God bless you and your family.

Ako rin, nakatira parents ko sa Manila hanggang ngayon. Doon din ako lumaki, kung lumaki man.:smiley: Bumibisita madalas kuya ko sa bahay ng parents namin dun kaya lagi akong natatakot sa buhay niya, alam ko ang gulo sa Maynila. I always tell them na mag-ingat at kung may nag-aaway, huwag aawat, kasi kagawad ang tatay ko doon at peace and order ang hawak niya. Nakakatakot kasi minsan yung umaawat yun ang napag-iinitan. Siguro talagang ganyan ang buhay, dapat na lang nating kapitan ay ang awa ng Diyos na iligtas tayo sa anumang uri ng kapahamakan.

Hanggang ngayon, ang tatay ko tuwing magba-bagong taon ay pumipila sa Excelente sa Sta. Cruz para sa masarap na ham, at doon pa rin siya bumibili ng mga prutas na ilalagay sa mesa kapag media noche . Diyan sa Quiapo ako naligaw nung 9-10 years old pa lang ako. Buti na lang may mabait na muslim na naghatid sa akin sa bahay, sobrang iyak ko noon, hawak-hawak ko yung binili naming scrabble dahil yun yung gustong-gusto naming nilalaro ng buong pamilya. Pag nagbabalik-bayan ako kahit paano nababalikan ko rin yang Sta. Cruz, at napakain pa ako sa Ma Mon Luk na gustong-gusto ng nanay ko, pati Ramon Lee, laging laman ng kwento ng nanay ko. Di ko na lang alam kung napakain din yata ako doon kasama tatay ko. Hay, ang sarap din talaga alalahanin ang nagdaan. Sabi pa ng tatay ko noon, kapag daw nabanggit ang Escolta, e sosyal na lugar daw iyon, parang siguro ka-level daw ng Rockwell ngayon. Kaya sikat ka daw kapag diyan ka namili. Aba, ang buhay nga naman, ngayon mo banggitin na galing ka ng Escolta e, iisiping purita ka. :smiley:

ejrmm

01-19-2006, 08:06 PM

Hello Guys!

I’m just a new comer and while scanning all issues, bigla akong nagkaroon ng interest dito sa issueng Avenida…
Yeah! I survived my 2 year course diyan sa Philippine College of Criminology, sa panulukan ng Gonzalo Puyat o Raon ba 'yun? Mga guys, inabutan na ba ninyo 'yung “Good Earth Emporium”? wala pa kasing LRT noon at wala pa rin 'yang Isetan diyan sa Sta. Cruz…Uoppps! Napapaghalataan na may idad na ang tao neto, but it’s true I used to live in Natividad St., Felix Huertas Ave., Alvarez at diyan sa San Lazaro.
What a good auld days ne!

Wishing you all the best.

crister

01-19-2006, 08:49 PM

Goldfinger ni James Bond sa Ideal … aber?
sa pagkakaalam ko ito ang kauna unahang James Bond Film…aba …sobrang tagal na nga na alam mo ang avenida…

how about ang mga kalesa that time…magaganda pa ba at makikisig ang mga kabayo? inabot ko kasi nung mid-80’s kawawa na ang mga kabayo ng kalesa.:D:D:D

ejrmm

01-19-2006, 10:28 PM

Pointblank, what about those bigtime businessman, na nagkukumpulan sa ilalim ng footbridge sa Sta. Cruz, remember. Puro milliones na real estate property ang dealing diyan, 'di ba! :smiley: isama mo pa 'yung mga mangungutong diyan sa harap pa mismo ng simbahan opposite of Banco Filipino…

mOtt_erU

09-12-2006, 11:28 PM

…sabi ng parents ko AVenida o kilala din sa tawag na DOWNTOWN…
halos yan daw ang shopping district before…:slight_smile:
kaya jan daw siya nagkakaimono…

subasob12

09-20-2006, 01:14 AM

Taga TIP, MANILA ka pala…ako rin dyan ako nagtapos ng kolehiyo. Miss ko rin ang Manila,
masayang magulo. Nandyan ng lahat ng hinahanap mo, lalung-lalo na sa recto. Ka miss yung sinehan na tatlo palapag…orchestra, balcony at lodge. Tanda ko lagi kami sa balcony ng mga kaklase ko, sinisilip namin yung mga couple na nasa paligid lang at sa lodge. Minsan nga pag nakakatamad yung klase manonood na lang ng sine o kaya maglaro ng bowling. Uso pa nun yung duck pin sa tapat ng MIRAMAR cinema. May ka school mate din ako na nasaksak habang papauwi, pumalag kasi ng syang holdapin. Miss ko rin yung HARANA ng MUSLIM pag 3:00pm ng hapon sa likod ng school ay bahay ng mga muslim. Sumasakay ako ng bus sa may echague minsan nakatuwaan kong maglakad at dumaan sa mga bahay ng muslim…nakakatakot kasi pinagtitinginan ka nila, ibang mukha siguro hindi pamilyar sa kanila. Kaya bilis kong lumakas di na ako dumaan dun muli. Tanda ko rin yung siksikan sa ilalim ng tulay(underpass) katakot lalo na pag brown out ingat ka! bag ko nasa harapan ko. Alerto ako palagi pag naglalakad sa Manila, nagagawi rin ako sa avenida pag napagtr-tripan na maglagalag. Nakakamiss sa lahat at traffic lalo na pag may NAG AAKLAS! sa mismong intersekyon ng MENDIOLA! di na umuusad ang mga jeepney, nandyan yung maglalakad ka na lang walang k nang magawa.

Masaya, sarap gunitain…mag-ingat ka nga lang.

subasob12

09-20-2006, 01:28 AM

@striver
Sa TIP ka rin pala, dami talaga mga taga TIP kahit saan ako magpunta. Batch 95 ako, naabutan ko yung puyat ng nasunog iyon. May uniform na ngayon ang TIP take note mo, asensado na. Napunta rin ako ng Arlegui yung ibang subject ko dun, pero mostly sa Casal lang. Yung EE at ME yun ang mga may subject sa Bernardo, dun din grad yung brother ko batch 90 sya.

barabara

09-20-2006, 05:17 AM

avenida, naku diyan ako nagwork as a waitress sa isang sikat na restaurant … diyan ko napagaral ang 4 kong kapatid… 10 years akong lang naghahanap buhay sa amin dahil may sakit father ko. hatid,sundo ako ng mother ko… alala ko by bus ang bilis lang ng biyahe at walang traffic at bukas pa ang window ng bus…sa tip lang buhay na ako at lakas ng kita ko di ko pansin ang sweldo ko…daming memories na maganda sa akin ang Avenida…:smiley: :smiley: :wavey:

This is an archived page from the former Timog Forum website.