Bakit hinding hindi ako kakain ng kamote

Share ko lang itong nabasa ko kahapon:

Habang lumalaki ako noong 1980s at unang bahagi ng '90s sa Kenya, wala akong pribilehiyong pumili ng mga pagkaing makakain ko. Sa halip, ang aking mga magulang ay maghahain sa aming magkakapatid ng mga pagkaing napapanahon o na nakaligtas sa nakakapasong araw, mga pesteng insekto at mga sakit ng halaman–inani sa kanilang sakahan o binili sa palengke.

Kadalasan, ang mga pananim na ito ay may kasamang kamoteng kahoy, kalabasa, “boko-boko” na saging–at kamote. Maraming kamote.

Ang kamote at pati na rin ang kalabasa at kamoteng kahoy ay naging pagkain para sa agahan, tanghalian at hapunan. Ito ang pang-araw-araw na pagkain namin sa gusto man namin o hindi. Siyempre, iisa lang ang paraan kung paano sila niluto–at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakulo.

image

Araw-araw, kinakain namin ang mga pagkaing ito. Sa huli, umabot sa puntong hindi na namin kayang kumain ng kamote at kamoteng kahoy. At oo, may mga pagkakataong mas pinili naming magutom kaysa kumain ng kamote. Totoo ito: mas gugustuhin naming mga bata na laktawan ang tanghalian at hapunan at magutom kaysa kumain ng parehong lumang kamote at kamoteng kahoy.

Ang mga karanasang ito sa kamote at kamoteng kahoy habang lumalaki ay nagbigay sa akin muhi para sa mga pagkaing ito bilang isang may sapat na gulang. At hindi lang ako. Marami sa mga miyembro ng aking pamilya, kabilang ang aking kapatid na lalaki at tatlong kapatid na babae, ay hindi mahilig sa kamote at kamoteng kahoy. Ang totoo, noong lumaki na kami, hindi na ito tinatanim ng mga magulang namin. Wala na kahit sino–kahit isa sa amin–ang may gana pa sa mga ugat na gulay na ito.

Ang muhi ko sa kamote ay mayroon pa rin hanggang ngayon. Alam kong ito ang paboritong pagkain ng maraming tao, lalo na kapag Thanksgiving. Alam ko rin na ang kamote ay isang pagkaing punong-puno ng sustansiya.

Nalaman ko rin na ang nanay ko ay talagang paborito ang kamote. Lumaki siyang kumakain ng kamote, at natutuwa siya sa alala ng pagkain sa mga ito noon bata pa siya at noong pinapalaki niya kaming mga anak niya. Sinabi niya sa akin na madalas niyang sinasamahan ang kamote ng sabaw ng kamatis na gawa sa mabangong ligaw na lumalagong kamatis. Kaya mayroon siyang masasarap na alaala tungkol sa kamote.

At aaminin ko na sa isang sulok ng aking puso, pinahahalagahan ko ang kamote. Nagpapasalamat ako na ang aking mga magulang ay nagkaroon ng mga ugat na gulay na ito upang ipakain sa amin.

Pero hanggang ngayon, ayaw ko pa rin sa kamote. Ipinapaalala nila sa akin kung paano ang lumaki nang walang balanseng diet, nang hindi nakakapili kung anong uri ng pagkain ang gusto mong kainin bawat araw.

Baka isang araw–sabihin nating, sa isa pang 10 taon o higit pa–malalampasan ko ang aking mga negatibong damdamin at tingnan kung ano ang pakiramdam na kumain ng isang marangyang side dish ng kamote–marahil nilagyan ng marshmallow!

Pero hindi ngayong taon. Kailan lang ay nagpunta ako sa tanghalian kasama ang ilang mga kaibigan. Umorder ang isa sa kanila ng kamote. At naisip ko: “Hindi sa akin!”

Original: Opinion: Why I will never, ever eat sweet potatoes. I blame my Kenyan childhood

Masarap pa man din ang daigakuimo :slightly_smiling_face:

Ang ayaw ko siguro na ulam ay pinangat na isda. Niluluto namin ito nang may asin at berdeng manga.

Kung iisipin ay hindi naman masama ang lasa nito, lalo na kung sariwa ang isda, pero naalala ko noong maliit kami kung minsan mahirap sa pera at ito ang pagkain namin. Kasama din ang paksiw.