Balikbayan Program for Indian national

makulit

10-26-2005, 09:43 AM

Meron bang member dito sa TF availing of Balikbayan Program for their kids? Ang anak ko is 3.5 yo, I have to go to Manila for quite awhile. Indian national. Pwedeng i-avail ang BP program di ba? Before everytime uuwi ako, apply ako ng tourist visa para sa anak ko, kaso naman super mahal tapos ganon din, pagdating ko naman sa Manila, extend ako ng extend. E pag na-extend naman kailangan ko pa din bumalik ng Immigration sa atin para kumuha ng clearance.

What to do? I asked na Embassy by fax, pero wala pang reply :doh:

v_wrangler

10-26-2005, 09:56 AM

Here’s the program primer http://www.philippine-embassy.de/ra9174.pdf
As far as i understood it - you and your foreign born child is entitled - so perhaps your child can avail of the one year visa-free entry to the philippines…

Teddy

10-26-2005, 12:11 PM

Anyway, take care and have a safe trip to Manila, makulit-san:) Hope to have you back soon on the Forum;)

hotcake

10-26-2005, 02:56 PM

Meron bang member dito sa TF availing of Balikbayan Program for their kids? Ang anak ko is 3.5 yo, I have to go to Manila for quite awhile. Indian national. Pwedeng i-avail ang BP program di ba? Before everytime uuwi ako, apply ako ng tourist visa para sa anak ko, kaso naman super mahal tapos ganon din, pagdating ko naman sa Manila, extend ako ng extend. E pag na-extend naman kailangan ko pa din bumalik ng Immigration sa atin para kumuha ng clearance.

What to do? I asked na Embassy by fax, pero wala pang reply :doh: Hello Makulit, pwede mong mapatatakan ang passport ng anak mo ng balikbayan visa. Noong umuwi ako with my kids, pagdating sa airport natin tinanong lang ako kung magtatatagal ako? Sabi ko “opo”, tapos non tinatakan na ng balikbayan visa ang mga passport ng anak ko.:slight_smile:

makulit

10-26-2005, 05:27 PM

Thanks Hotcake and v_wrangler!

@Teddy, Salamat. I’ll be online sa Manila. Will check TF regularly. Part na ang TF ng daily routine ko :smiley:

gvidanes

10-26-2005, 05:35 PM

makulit, wait kita here…ingat sa byahe…if you have time, kita kits tayo. sana pati c abeng. hanggang dito lang sa TF ko kc kayo kilala.

God bless…

liza_k

10-26-2005, 08:22 PM

As far as I know, if you arrive together with your kids or any of your immediate family automatic 1-year visa ang stamp sa passport ng anak mo. If you’re going to stay there for more than a year I recommend you apply a dual citizenship for your kid. That’s what i did for my daughter when we stayed their for 2 years. Kasi kung hindi after that first year, 2-mos. extension lang ang ibibigay sa kanya ng immigration sa atin (worth around P2,000) .biro mo yun kada 2-mos. renew ka ng renew ang gastos na stressful pa pumunta sa immigration office. Anyway, i applied for a dual citizenship for my daughter (costs around P10,000) got it within 3 months. Hope this info helps you.

makulit

10-26-2005, 08:39 PM

Oh my, 2000 pesos every 3 months? Grabe naman yan …
Not planning to stay for more than a year though. Hindi ko kasi pwedeng i-apply ng dual citizenship ang anak ko. Indian national kasi sya, single citizenship lang ang allowed.

What about permanent residence status? Any idea? Ang embassy natin hanggang ngayon walang reply:cry: hindi rin makausap sa phone, i-fax daw ang tanong at sasagot din sila by fax :cry::cry:

liza_k

10-27-2005, 08:15 PM

I tried applying for a permanent residency visa for my hubby too (the same time I applied a dual for my daughter) we got as far as submitting all the necessary papers- kaya lang the waiting period for the interview was taking so long, hindi na niya nahintay, bumalik na kami dito. Super dami ng requirements at napakamahal ng bayad kung ma-approve (P20,000 yata). Ewan ko ba, super hirap at stressful talaga ang immigration office sa atin.:mad:

Well, if you’re not staying for more than a year, then I guess, you don’t need to apply for an extension.

BTW, yung dual citizenship pala, hindi naman ilalagay sa passport ng anak mo it’s on a piece of paper. All you have to do is show that paper/certificate together with the passport upon arrival sa NAIA. Japan doesn’t allow dual citizenship either, (if I remember right, the person has to choose which nationality she wants to carry upon reaching age 20).

makulit

10-27-2005, 11:56 PM

Thanks Liza_K. Natatakot tuloy ako, baka pagdating sa immigration hanapan ng visa ang anak ko … tapos one way lang ang ticket na binili ko … :frowning:

tsk,tsk,tsk … ang embassy natin hanggang ngayon walang reply sa tanong ko. Ilang beses ko ba kailangan mag fax sa kanila? :mad:

hotcake

10-28-2005, 05:56 AM

Thanks Liza_K. Natatakot tuloy ako, baka pagdating sa immigration hanapan ng visa ang anak ko … tapos one way lang ang ticket na binili ko … :frowning:

tsk,tsk,tsk … ang embassy natin hanggang ngayon walang reply sa tanong ko. Ilang beses ko ba kailangan mag fax sa kanila? :mad:Hello makulit, kaninong ticket ang one way lang? Kung sa iyo ang ticket na one way lang, okay lang iyon walang problema… Pero kung sa anak mo na Indian national ang binili mo ay one way ticket rin ay hindi pwede. Magkakaroon ka ng problema sa airport dito sa Japan. :frowning: Kasi di nila papayagan pasakayin ang anak mo, tatanungin ka nila kung ang anak mo ay may dual citizenship.

Kwento ko lang ang na-experience ko.:smiley: Nuong umuwi kami ng mga anak ko, ang binili kong ticket namin ay puro one way lang. Tanong ko sa binilhan ko na agency kung pwede ang one way sa mga bata, sabi ay oo. E di bili naman ako, pagdating sa Narita, ay naku ayaw nila payagan pasakayin ang mga anak ko, kasi di daw pwede ang foreigner na oneway lang ang ticket papunta sa Pinas.:eek: Ang nangyari, tawag sa Phil. Embassy, tawag sa binilhan ng ticket…inab ot kami ng 5 oras doon. Di namin nasakyan iyong talagang flight namin. Hanggang sa inaway ko na iyong binilhan ko ng ticket, sa kinahulihan, iyong pinagbilhan ko ng ticket ay nag-issue sila ng ticket na back and forth para sa amin lahat with the same price ng oneway ticket… :stuck_out_tongue:

v_wrangler

10-28-2005, 09:26 AM

Hotcake, does your child hold a Japanese passport? If so, the Japanese Government is quite protective of their nationals lalo na kung minor - yong anak ni Makulit is an Indian national if I am not mistaken - so as long as she has permission from the Philippine Immigration - then the Japanese Immigration won’t have a say - The only thing is, make sure the child has a valid Re-entry permit to Japan the next time she comes back (Is she the one coming back soon?).

hotcake

10-28-2005, 12:33 PM

Hotcake, does your child hold a Japanese passport? If so, the Japanese Government is quite protective of their nationals lalo na kung minor - yong anak ni Makulit is an Indian national if I am not mistaken - so as long as she has permission from the Philippine Immigration - then the Japanese Immigration won’t have a say - The only thing is, make sure the child has a valid Re-entry permit to Japan the next time she comes back (Is she the one coming back soon?).Hello v_wrangler, oo japanese passport ang gamit ng mga anak ko. Then that time di ko alam na kailangan round trip ang ticket ng mga anak ko, kasi sabi doon sa agency pwede daw.:frowning: Iba nga siguro ang requirement kay makulit…:slight_smile:

Makulit, sorry ha at nagturo ata ako ng mali…:smiley: V_wrangler is right, dapat nga may re-entry ang anak mo…:slight_smile:

makulit

10-28-2005, 01:53 PM

thanks v_wrangler, hotcake.

hindi ko masiguro din … kasi yung friend ko japanese naman ang daughter nya, 1 year old lang. umuwi sya sa atin a couple of months ago, one way ticket lang ang anak nya. hindi naman sya nagkaproblema sa pag board ng eroplano.

kaya hindi ko talaga alam ang gagawin … as usual ang embassy wala pa rin reply.
nag email nga ako doon sa tatlong email address na posted sa website ng embassy natin. aba ang galing, yung isa naka-receive ako ng read receipt, walang reply till now. yung isa naman naka receive ako ng not read receipt, my email got deleted without the person even reading it! inis na inis na ako! :order::grrr:

isang linggo na akong naghihintay ng kasagutan sa tanong. embassy is suppose to assist people like me di ba?

v_wrangler

10-28-2005, 02:01 PM

The embassy is famous for its telephone system. If you are lucky to get through the operator - ask the local line to the Assistance to Nationals Office before saying you want to be patched to the Assistance to Nationals. Para the next time you call and you get the automated reply, you can dial yourself. …

hotcake

10-28-2005, 02:03 PM

Hello makulit, di kaya mas maganda na kulitin mo nalang sila by phone…idea lang naman ito… :slight_smile: Kasi di ka nila sinagot sa fax mo plus sa email din…

makulit

10-28-2005, 02:11 PM

Hello makulit, di kaya mas maganda na kulitin mo nalang sila by phone…idea lang naman ito… :slight_smile: Kasi di ka nila sinagot sa fax mo plus sa email din…

@hotcake, @v_wrangler

mula 11 o clock pa nga ako tumawatag sa embassy without success. lahat ng numbers doon sa website tinawagan ko na. walang nagpi-pickup, puro naka fax mode.

kaya nga since naka-fax mode lahat, sinend ko by fax ang inquiry ko. hindi naman kaya sabihin nila e hina-harass ko ang embassy. why send same question to all the numbers …

ang trunkline naman, walang operator na sumasagot, khit press ako ng press ng 0 to reach operator, balik pa rin sa automated voice :mad:

problema ko pa nito kailangan ko nang bayaran yung ticket, e tapos hindi ko maklaro ang one way ticket kung oks ba o hindi. ang hirap pa naman kumuha ng availability.

dstar

10-28-2005, 08:38 PM

Hello good day to you makulit,

I just want to remind you, :halo: All Saints/Souls Day are approaching. Maybe you forgot, The Embassy of the Philippines avail or really celebrate those days.:yesyes: My friend, I think they’re in " H O L I D A Y S ":rolleyes: now. Please just keep trying to phone and send fax to them. If there is no response, then you have to wait next week, maybe on Monday. But then, it will be November 1st, for sure :eek: “WALANG TAO SA OPISINA”. Simula na ang “Long Holidays” :band: nila.

:slight_smile: Good luck! Like some of the TF members said, “as long as your kid has (dependent) visa?” Don’t forget to get her "Re-entry visa to Japan.

Hope u don’t mind, since you have time to check (thru Internet), why don’t u try to log-in in “Indian Embassy”. From there you can check, that if u are an" Indian Citizen, what country/ies are you (your kid) allowed to visit w/o (needing) a Visa/Tourist Visa?" Then, since u said that you bought your ticket (for sure) in an Agency, maybe you forgot, Agency can help/apply to get you a " Tourist Visa" for (you) your child. Why don’t u ask them for help? Why don’t you tell your situation now?

I hope, this will help you. Relax and :slight_smile: i hope everything will be fine. Good luck and have a nice trip to the Philippines.

makulit

10-28-2005, 08:54 PM

hi dstar. thanks.

i know that my daughter needs a visa and i applied for her visa a couple times already. visa is very expensive, it is something that i dont really like to spend on.

but i read about balikbayan program and its very clear na pwede nga as per embassy website. but then again, i’d like to have confirmation from them.

they have office on sunday so i will call on that day. if they are still unable to reply to me, then i dont have an option but to apply for the visa again …

regarding agencies, i dont know which agency that you are talking about, pero normally they dont process visa and my agent doesnt do these things. chaca i dont have any problem naman taking care of the visa myself. gusto ko lang malaman talaga kung pwede nga ba sa balikbayan program.

regarding reentry permit. yup, may reentry permit sya.

anyways, thanks again. i’ll take care of things, i will make sure that i will not have any problem. i dont like problems …

Hello good day to you makulit,

I just want to remind you, :halo: All Saints/Souls Day are approaching. Maybe you forgot, The Embassy of the Philippines avail or really celebrate those days.:yesyes: My friend, I think they’re in " H O L I D A Y S ":rolleyes: now. Please just keep trying to phone and send fax to them. If there is no response, then you have to wait next week, maybe on Monday. But then, it will be November 1st, for sure :eek: “WALANG TAO SA OPISINA”. Simula na ang “Long Holidays” :band: nila.

:slight_smile: Good luck! Like some of the TF members said, “as long as your kid has (dependent) visa?” Don’t forget to get her "Re-entry visa to Japan.

Hope u don’t mind, since you have time to check (thru Internet), why don’t u try to log-in in “Indian Embassy”. From there you can check, that if u are an" Indian Citizen, what country/ies are you (your kid) allowed to visit w/o (needing) a Visa/Tourist Visa?" Then, since u said that you bought your ticket (for sure) in an Agency, maybe you forgot, Agency can help/apply to get you a " Tourist Visa" for (you) your child. Why don’t u ask them for help? Why don’t you tell your situation now?

I hope, this will help you. Relax and :slight_smile: i hope everything will be fine. Good luck and have a nice trip to the Philippines.

hotcake

10-30-2005, 07:32 AM

Hello makulit nag-check ako sa site ng Philippine Embassy at eto ang nabasa ko tungkol sa Balikbayan Visa…(Consular Services page at VIsa and Authentication category)…

Non Filipino spouses and unmarried non-Filipino children of Filipino Nationals or Former Filipino Nationals who are categorized as “Balikbayans” under Republic Act 6768 shallenjoy the privilege of a no-visa entry and stay for up to one (1) year in the Philippines.

  1. The last name of Filipino parent should be the same as that of his/her children;
  2. Filipino parent must travel with his/her children
  3. Alien family members should possess a round-trip ticket
  4. Filipino parent should inform the Immigration Officer that they wish to avail themselves of the Balikbayan Program. :slight_smile:

makulit

10-30-2005, 03:50 PM

Hi Hotcake! Thanks!

I was able to contact our embassy. Unfortunately, hindi daw pwedeng thru balikbayan program ang anak ko. Walang daw kasing reciprocal agreement between India and Philippines. So bukas, punta ako ng embassy to apply for visa. :doh:

Since tourist visa din ang anak ko, kailangan ko ng round trip ticket para sa kanya.

Maraming salamat sa concern. Maraming salamat po sa lahat ng nag-reply.

makulit

11-11-2005, 11:56 AM

Update ko lang po kayo. Na-release na po ang Visa ng anak ko. 59 days nga lang. Pagdating ko sa atin, i-extend ko na lang.

Tuloy na tuloy na talaga ang uwi ko!!! :king:

gvidanes

11-11-2005, 12:01 PM

Wow! Sa wakas, ok na. God bless your trip and hope to see you and your cute daughter here in manila…

makulit

11-11-2005, 12:11 PM

Wow! Sa wakas, ok na. God bless your trip and hope to see you and your cute daughter here in manila…

thanks gvidanes.

cge lets meet pagdating ko dyan. actually i’ll be meeting my friends too dyan
sa ayala.

gvidanes

11-11-2005, 12:14 PM

let’s keep in touch ms. makulit…dito naman tayo sa manila mag-EB

hotcake

11-11-2005, 02:13 PM

Congratulation makulit at naayos na rin ang visa ng anak mo. Have a nice and safe trip.:slight_smile: Sarap naman ng pasko at new year mo. Pagnagkaroon kayo ng Manila EB, post kayo ng pictures ha. Para makita naman namin ang mga kapamilya natin dito sa TF na nasa Pilipinas.:slight_smile:

makulit

11-11-2005, 02:22 PM

salamat hotcake. hmmm … magandang idea yan Manila EB. Marami bang members ang timog sa Manila?

gvidanes

11-11-2005, 02:38 PM

ako andito na sa manila. c abeng…dapat magparamdam c abeng…saka yung iba pa…

cguro mas maganda kung me ibang thread para sa Manila EB para makita ng mas nakakaraming TF members…wat ja tink?

Maruchan

11-11-2005, 02:43 PM

I’m also going home end of November so kung may Manila EB paki PM na lang ako. Join ako d’yan siempre. Yay! :yippee: Si Chibi yata uuwi din. :slight_smile:

makulit

11-11-2005, 02:46 PM

I’m also going home end of November so kung may Manila EB paki PM na lang ako. Join ako d’yan siempre. Yay! :yippee: Si Chibi yata uuwi din. :slight_smile:

wow maruchan, cge EB tayo dun!
nov 26 ako uwi sa atin. baka may gustong
maging organizer ng Manila EB dyan :smiley:

hotcake

11-11-2005, 02:55 PM

Ako na naman, makikisali lang sa inyong usapan. Di kaya mas maganda na mag-open kayo ng bagong thread gaya ng sabi ni gvidanes para malaman niyo kung sinu-sino ang nasa manila. :slight_smile: Nabasa ko sa ibang thread na si Gabby ay uuwi rin sa January. Si Crister din ay uuwi na rin . Si Pinkaholic din ay nasa Manila rin ata at may isa pa na nasa manila kundi ako nagkakamali ay si Bootylicious. Ayan medyo marami na rin kayo. :stuck_out_tongue:

Maruchan

11-14-2005, 02:03 AM

wow maruchan, cge EB tayo dun!
nov 26 ako uwi sa atin. baka may gustong
maging organizer ng Manila EB dyan :smiley:

Wow, naman, Makulit, talagang magkasunod pa ang uwi natin, ha? Sige, see you na lang sa Manila EB (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=137 9) natin. :slight_smile:

makulit

11-14-2005, 10:44 PM

Wow, naman, Makulit, talagang magkasunod pa ang uwi natin, ha? Sige, see you na lang sa Manila EB (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=137 9) natin. :slight_smile:

Oo nga Maruchan! Mauna lang ako sa yo ng isang araw.
Tapos na akong mag-impake :smiley: Ikaw, sinimulan mo ba?
See you sa Manila EB!

Maruchan

11-19-2005, 01:29 AM

Oo nga Maruchan! Mauna lang ako sa yo ng isang araw.
Tapos na akong mag-impake :smiley: Ikaw, sinimulan mo ba?
See you sa Manila EB!

Makulit, naku, hindi matapus-tapos. Nag-order na ako ng isang jumbo box sa FOREX kasi alam mo na…Christmas…ang daming pasalubong. Feeling ko ako si Santa Claus. :smiley: Oo, see you sa Manila EB. Excited na nga ako, eh. Yay! :yippee:

This is an archived page from the former Timog Forum website.