Bill Enclosed

maple

03-17-2005, 06:13 PM

hello TF members,

please tell me if anyone here has experienced getting billed for an international call from your landline, which you don’t remember placing at all.

early today, i was surprised to see our bill from japan telecom stating 17 calls to AUSTRIA:eek:
Sus ginoo, wala po kaming kakilala sa Austria–kaya naman sigurado ako we didnt place those calls.

My husband called japan telecom to check this out, pero ang sabi sa kanya ay, “give us a week to find out”.

Kung walang balak mag-bayad ang beauty ko (pag-bigyan nyo na ako gamitin ang salitang beauty, am already having a bad week), ide-demanda ba ako ng japan telecom?

maple

reon

03-17-2005, 08:09 PM

hello maple,

may napanood akong bangumi sa tv, tungkol sa isang teenager na nagkaroon ng maraming unaccounted overseas calls yata at nag-complain sila sa docomo pero ang nangyari, kailangan pa rin nilang bayaran dahil responsibility daw nila iyon (parang hindi sila naniniwala doon sa teenager na hindi nya ginawa yong mga tawag). malabo ano?!

mas maganda siguro kung hintayin mo na lang yong resulta ng imbestigasyon nila (kung ginagawa talaga nila). hindi ka naman siguro made-demanda sa mga unpaid bills, no?

Dax

03-18-2005, 11:19 AM

may mga ganyan nga! :mad: just search the net for “架空請求 国際電話”.

maple

03-18-2005, 07:00 PM

hi reon and dax, thank you. will check this kakuseikyuu later.

maple

hotcake

03-19-2005, 12:56 AM

hello TF members,

please tell me if anyone here has experienced getting billed for an international call from your landline, which you don’t remember placing at all.

early today, i was surprised to see our bill from japan telecom stating 17 calls to AUSTRIA:eek:
Sus ginoo, wala po kaming kakilala sa Austria–kaya naman sigurado ako we didnt place those calls.

My husband called japan telecom to check this out, pero ang sabi sa kanya ay, “give us a week to find out”.

Kung walang balak mag-bayad ang beauty (http://69.42.87.214/cgi-bin/ezlclk.fcgi?id=9099) ko (pag-bigyan nyo na ako gamitin ang salitang beauty, am already having a bad week), ide-demanda ba ako ng japan telecom?

maple

Hello Maple,

Gusto ko lang itanong sa iyo kung iyong bill na dumating sa iyo ay ang internet line mo ay dial-up? Kasi nangyari na rin sa amin iyan, before ang internet line namin ay dial-up then ng dumatin ang bill namin galing sa NTT ay may international call kami sa canada ng madaling araw. Syempre wala naman kaming family sa canada so ang ginawa ko ay nagreklamo ako sa NTT and sabi ng husband ko ay di namin babayaran iyon. Nag-check ang NTT and ang sabi nila nagyayari daw ito sa dial-up internet line. So in the end hindi kami nagbayad kasi bakit ka magbabayad kung di ka naman gumamit.:slight_smile:

pointblank

03-23-2005, 06:26 PM

Gusto ko lang itanong sa iyo kung iyong bill na dumating sa iyo ay ang internet line mo ay dial-up?

Hello Maple,

Just to follow up on the comment of Hotcake - kung YES ang sagot mo sa tanong above (meaning na ang internet connection mo ay dial-up nga), then ito ang susunod na tanong (na medyo sensitive): meron ba kayong pinuntahan na site na medyo delikado? :eek:

May mga sites kasi na “ayashii” ang contents na mag-o-offer ng kung anu-anong free viewing o free sampling, pero di mo alam, pinalitan na pala secretly ang dial-up number mo from your provider to a fly-by-night provider in Burkina Fasso. You might want to check your Internet connection settings again para siguraduhin na number ng provider mo lang ang nakalista sa dial-up! :slight_smile:

maple

03-23-2005, 09:10 PM

hello Hotcake and Pointblank,

Up until March 10 (this year), for 4 years primitibong klase ng dial up nga ang koneksyon ko, isang pipitsugin na ISP ang ginamit ko.

eto ang nangyari: on Feb.12 bigla na lang akong hindi maka-connect sa Internet. I noticed at once na naiba ang ‘user name’ ko. I called up my server to report this. But then, I also mentioned to my server that my new PC is on its way.
So my server said, “tsaka na lang ako pupunta sa bahay mo kapag dumating na ang bagong PC mo, para isang trabaho na lang”.

As far as i can remember, umabot ng 2 linggo bago dumating ang bagong PC ko.

Now, my Japan telecom bill last week says, I called up Austria from Feb.12 up to Feb16 (17 times all in all) and the span of each call was just for a few minutes.

Pointblank, please lang, 'wag mo naman akong kausapin na para bang matalino ako…:o ( Crispee knows well kung gaano ako ka-engot and maybe Nick has noticed that too…heheh…huhuh pala) What is Burkina Fasso?
para ba yang “Ang Pacquiao?” (Nick kumibo ka dyan!:smiley: )

serious na uli, pointblank, wala akong matandaan na pinuntahan na ‘delikadong site’—peks man (mamatay man ang dati kong server!).

This afternoon, we received a call from japan telecom, they’re confirming those calls were placed from our landline nga raw. Na baka nga raw may virus ang pc ko…blah-blah-blah…
And then my husband said, “if we were to pay, will you issue us a written proof that we really made those calls?” Ang sagot naman nila ay yung bill na nga raw ang proof.

Eh??? malowlowka talaga ang beauty ko!

pointblank and hotcake, thank you.

reon

03-23-2005, 10:03 PM

hello maple,

burkina faso (http://news.bbc.co.uk/1/hi/world/africa/country_profiles/1032616.stm), the former “upper volta”, isang bansa sa west africa. yung nga siguro, dahil dial-up connection ang ginagamit mo, at medyo ayashii yang “napalitan ang username mo” meron sigurong isang tao sa burkina faso (o austria) na nagbago ng settings ng dial-up connection mo. most likely, pero hindi siyempre ako sigurado. malamang kailangang bayaran yan, hehe. tapos, magpakabit ka na ng adsl. :slight_smile:

Paul

03-23-2005, 11:15 PM

kahit naman hindi ka pumunta sa isang kaduda-dudang site ay pwede pa ring mangyari sa iyo 'yan kung gumagamit ka ng dialup (unless na mac o freebsd ang gamit mo o kumpletos rekados ang firewall, anti-virus, anti-spyware at anti-malware ng windows pc mo). mas maliit ang tsansang mangyari ito sa yo kung naka-adsl ka kasi hindi naman nagdi-dial ng numero ang pc mo para kumonekta sa internet. pero, kung may mautak na hacker diyan na gumawa ng trojan na may dialer na kayang mag-dial mula sa adsl router ay pwede pa ring mangyari ito kahit naka-adsl.

sorry maple kung medyo may pagka-geek ang sagot ko.

goldhorse

03-23-2005, 11:29 PM

…pero, kung may mautak na hacker diyan na gumawa ng trojan na may dialer na kayang mag-dial mula sa adsl router ay pwede pa ring mangyari ito kahit naka-adsl.

So ang pinaka safe na gawin siguro ay mag Hikari Fiber ka o mag cable internet at paputol ang lahat ng landline? :grinny:

Paul

03-24-2005, 12:52 AM

So ang pinaka safe na gawin siguro ay mag Hikari Fiber ka o mag cable internet at paputol ang lahat ng landline? :grinny:

kung hindi mo naman kelangan ng landline, e bakit hindi? nabuhay nga ako ng tatlong taon dito ng walang landline, e.

maple

03-24-2005, 08:23 PM

hello reon,
thank you for this B. Faso info.
nanghihinayang talaga ako sa ichiman nisenyen pero para matapos na ang gulo, magba-bayad na lang ako.

hi paul,
this “computer thing” is still a conundrum to me. napilitan lang ako bumili ng pc para masabing “in”.
ngayon ko lang talaga narinig yang ‘anti spyware’ :o thanks.

goldhorse, thank you sa suggestion mo na Hikari Fiber…but, you guys (I mean all TF members) should come here, let’s clambake:p …este, and see for yourselves pala kung gaano ka-remote area itong tirahan namin.

Halos lahat ng tao dito sa town namin ay hindi makapag-pakabit ng Flets ISDN agad-agad. Sa bawat bahay kasi dito merong speaker that is connected to our Municipal Hall, lahat ng klase ng announcements (someone gave birth, someone passed on, missing pets, missing person,etc) are broadcasted 3 times a day. Yang speaker na yan ang kulprit!

Incompatible ang linya ng speaker from our town hall with Flets ISDN’s. It will cost more than 10 man yen to have both fixed. Kaya karamihan sa amin nagtitiyaga sa dial-up. But, if you have two or more landlines, madali lang magpa-kabit ng Flets ISDN.

eto ang siste, kung di ba naman kami parehong engot ng Mister ko, nakalimutan namin na dalawa nga pala ang landline namin, 4 years akong nagpaka-hirap sa pinaka-mabagal na klase ng dial up na iyon! Magka-iba nga pala ang phone line sa main house at sa annex namin. Baka deshou!? Kaya early this month lang ako nakakabit sa Flets ISDN (dial up pa rin ang beauty ko!)

yan naman ADSL, petition pa lang dito, my former server is still collecting signatures para i-submit (ewan, kung saan?), para makahila ng cable. Helllloooo…am I in Japan???

Matagal na akong naglalaway diyan sa ADSL na yan! sorry medyo napahaba ito. thanks again.

reon

03-24-2005, 09:20 PM

you guys (I mean all TF members) should come here, let’s clambake:p …este, and see for yourselves pala kung gaano ka-remote area itong tirahan namin.

Halos lahat ng tao dito sa town namin ay hindi makapag-pakabit ng Flets ISDN agad-agad. Sa bawat bahay kasi dito merong speaker that is connected to our Municipal Hall, lahat ng klase ng announcements (someone gave birth, someone passed on, missing pets, missing person,etc) are broadcasted 3 times a day. Yang speaker na yan ang kulprit! hello maple, naintriga naman ako sa lugar ninyo kaya tinignan ko sa mapa, hehe. malapit na pala kayo sa nagano, sa gitna ng Hijiri-dake, Kita-dake at Fuji-san! remote nga! mukhang maganda dyan at malamig.

may maganda bang hiking route dyan sa malapit? nagbabalak kasi kaming mag-trek during the holidays dyan sa may parteng minami alps. ano ba’ng magandang season ng pagpunta?

pointblank

03-25-2005, 03:19 PM

What is Burkina Fasso?

Hello Maple,

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan exactly yung Burkina Fasso pwera lang na nasa isang lupalop siya ng Afrikah! :confused:

Pinili ko lang ang pangalan na yan dahil sa napaka-exotic ng dating, di bah?

Yung tipong naririnig mo lang once every four years tuwing Olympics, na may kasama sa parada na dalawa o tatlong itim na athletes (na nananalo naman ng gold medal sa track & field dahil sanay sila na tumakas mula sa mga tigreng humahabol sa kanila!). O kaya naman ay every year tuwing Miss Universe, pero once mo lang maririnig ang pangalan dahil mate-tengkyu gerl kaagad (for the uninitiated: in short, eliminated sa first round, kaya “thank you, girls!”) at di na lilitaw uli sa programa pwera lang bilang props sa mga dance numbers na pang-intermission habang nagbibihis ang mga finalists. Sa totoo lang, ang lupit din ng contest na yan, ano? Natalo ka na, pagta-trabahuin ka pa!
:smiley:

maple

03-27-2005, 07:05 PM

hello reon,

hah, nasa mapa ba kami? :smiley:
baliktarin mo kaya yung mapa na tiningnan mo. Malayong malayo kami sa Nagano. Look for Fujinomiya City or Fuji City or Shibakawa Chou (all these in Shizuoka ken), dito sa places na ito kami malapit.

I don’t know where Hijiri-dake is. And I think Kita dake is in Hayakawa Chou, an hour drive from here. Our town 南部町 is southernmost part of yamanashi Ken.

wala akong alam na magandang akyatin na bundok dito sa town namin. But there’s a very beautiful stream near our house at may camp site sa paligid nito.

hello pointblank,

kapag nangyari pa ulit sa akin ito, talagang hindi na ako gagamit ng pasokon! Will go back to my old hobby (stealing rose branches…hehe).

Maple

This is an archived page from the former Timog Forum website.