Birth Certificate Authentication

lily

10-13-2005, 08:43 PM

:stuck_out_tongue: :open_mouth: hi,everybody!i just want to ask about authentication of birth certificate in the Philippines,how long does it take ba to authenticate documents, parang matagal yata ngayon!Talaga bang 1 month ba bago matapos?

reon

10-13-2005, 08:55 PM

edited and moved to correct forum.

hi lily, welcome to timog forum!

hindi naman siguro aabot ng isang buwan ang authentication ng birth certificate. last time na umuwi ako at kumuha ng driver’s license at pina-authenticate sa malacanang at foreign affair hindi naman umabot ng isang linggo. isang araw sa malacanang at kinabukasan ko nakuha pagka-submit sa foregin affaris (express service). hindi ko lang sigurado sa birth certificates siyempre. baka ang ibang tf members may siguradong info.

ganda_girl89

10-13-2005, 09:14 PM

nagpakuha ako ng BC sa kamag anak last month kasi may inimvite akong pamangkin sa jpn.1 araw lng sa regional office ng NSO sa pampanga.yung pamangkin ko,inabot ng 3 araw sa NSO main sa mmanila.
authentication sa DFA at malacanang ng mga dox ay kadalasan makukuha the next day.

baka yung 1 month na sinasabi ay kung late registered sya o ipinanganak ng maaga before 1950 (yata?).may katagalan talaga yun kc wala sa NSO ang mga pangalan nila.

lily

10-13-2005, 09:53 PM

:slight_smile: Thanks sa reply n`yo ha,oo nga late register nga yun pinagawa ko …ganoon ba pag delayed register matagal ang processo ng authentication?kaya pala,anyway thanks!!!

This is an archived page from the former Timog Forum website.