Bon Odori

crispee

07-19-2005, 07:27 PM

Dahil panahon na naman ng bon odori, eto ang una kong kuha ngayong taon. Kinunan ko sa malapit na koen. Nagbabakasakaling may paputok (di nga kami natuloy sa yokohama) pero ibang ‘putok’ yung naamoy ko lipon ng mga tao…

http://www.timog.com/gallery/showimage.php?i=282

http://www.timog.com/gallery/showimage.php?i=281&c=24&cutoffdate=all

Nag-experiment ako sa shutter speed, wala akong nadalang tripod kaya sumandal na lang ako sa poste ng ilaw;) . Baka may payo naman yung mga mahuhusay dito para mas maganda ang resulta sa susunod kong mga kodaks? Para sa akin, pwede na 'to…pagtiyagaan :smiley:

crispee

07-19-2005, 07:35 PM

Kumander Nick, paano bang maglagay ng picture within my message? Katulad nung thread ni Reon sa “Square”…:whistle:

goldhorse

07-19-2005, 08:15 PM

Wala bang kuhan ng mga line of 2 ang edad? :smiley:

nick

07-19-2005, 08:49 PM

Sorry Crispee, I as tinkering with some codes, hindi ko nakita ang post mo. How to add pictures? When you’re on the editor box, press the little yellow icon that looks like a moon over a mountain, and enter the url of the image, and you’re done.

This is tricky though; if the picture is wider than 440 pixels and it shows on the frontpage, it will stretch the whole page. Kung hindi naman madi-display sa frontpage (kung nasa ilalim siya ng post mo), the maximum is 585 pixels, otherwise it will also stretch the page. Try it and experiment.

stanfordmed

07-19-2005, 10:34 PM

null

crispee

07-20-2005, 07:08 PM

Thanks for the assistance Ka Nick. I will test some posts later… And to Goldhorse, may ilang teen-agers and primary students na kasali sa sayawan pero i didn’t notice kung may mga line of 2’s. Maliit lang kasi yung koen, as in pam-purok lang. I did enjoy taking photos of the obasans kasi mas they love to pose sa aking kamera :D.

Sa mga taga tokyo, kailan ang Samba parade sa Asakusa? BTW, Goldhorse may samba parade sa Shinjo shotengai this coming sunday. Shinjo eki on JR Nambu line. Sigurado akong line of 2’s ang dancers dito:D.

reon

07-20-2005, 08:02 PM

nice pictures crispee. maganda ang mga kulay. may flash ba yang kuha mo ng mga obaasan? hindi ako marunong kumuha ng magandang picture na may flash kaya bihira kong gamitin. nasubukan mo na bang kumuha ng super-slow shutter speed, yung may mga streaks ng light sa buong picture. mukhang interesting pero hindi ko pa nasubukan (nang maganda).

crispee

07-21-2005, 09:29 PM

May flash nga yung kuha ng mga obaasan Reon. At naka-manual mode ang setting. Di kasi maganda ang kuha kapag “auto” ang camera. Tutal digicam din lang, mag-experiment ka sa flash photography. Tiyaga lang din ang puhunan ko;)

May ilan akong kinunan gamit ang ‘slow shutter’ setting
http://www.timog.com/gallery/files/9/0/lights.jpg

Saka ito,

http://www.timog.com/gallery/files/9/0/lights2.jpg

v_wrangler

07-21-2005, 09:33 PM

Pre, galing ah. I know you know already, pag slow ang shutter speed at malaki din ang opening, mas madaming liwanag ang papasok, so mas exposed. Ganda nyan kung me dumadaan na sasakyan, streak of lights… Buti pa kayo panay ang kodakan…

crispee

07-21-2005, 09:44 PM

‘pag slow ang shutter speed at malaki din ang opening, mas madaming liwanag ang papasok, so mas exposed.’

Tama ang sabi mo 'pre. Actually, matagal ko ng kinunan yan. At ang kodakan ay nagagawa ko lang kapag ‘hima’ o kaya bumabiyahe papasok at pauwi. Ugali ko ng magdala ng maliit na camera para anytime eh ready to shoot.

andres

07-24-2005, 11:47 PM

okey yung mga kuha mo crispee a. okey yung mga obaachan.
at tila yata mahilig ka sa night shots (nocturnal ka din ba tulad ko?).
ako hanggang ngayon wala pa rin flash yung camera ko kaya hindipa ako nagna-night photography.
kool din yung effects ng slow shutter shots. sinubukan mo bang parehong shutter speed, pero mas maliit na aperture? baka maging mas-defined yung streaks mula sa mga kotse…

crispee

07-27-2005, 11:38 PM

Hello Andres. Pasensiya na at ngayon ko lang nahalungkat uli ang thread. Mahilig din ako sa nightshots pero palagay ko’y di ako nocturnal. Susubukan ko next time yung maliit lang ang aperture, tapos papakita ko sa iyo. Kung gusto mo:wink:

Paul

07-28-2005, 12:36 AM

isa pang tip crispee. magdala ka ng tripod o ipatong mo sa kahit na anong stable na lugar yung camera pag kukuha ka ng long-exposure shots.

This is an archived page from the former Timog Forum website.