pangarap kong tumira sa inaka dito sa japan pero hindi ko alam kung matutupad hindi naman ako marunong magsaka
teach english? pero bihira na siguro mga bata sa rural areas
dati gusto kong tumira sa isang isla sa may
okinawa tapos may nabasa akong blog ng
isang hapon na nakatira doon, ang ganda
ng tanawin para kang nasa pinas pero japan
siyempre
tapos sabi niya, problema lang kapag gusto
kong pumunta sa dentista sasakay pa ako
ng eroplano naisip ko, wag na lang haha
kung nasa honshu ka pede pa
may nabasa ako dati sa isang japanese bbs, sabi nya kapag nag-retire ako pupunta ako sa inaka para wala akong kailangang pakisamahan na kabitbahay o ibang tao. tapos sabi ng nagreply, kung gusto mong walang nakikialam sa iyo, tumira ka sa isang mansion sa malaking city, kahit katabi mong kuwarto hindi mo kilala at hindi ka papakialaman
kung retirement bakit hindi na lang pilipinas? mura ang bilihin kumpara mo naman sa japan
mura ang bilihin pero less safe, maraming kamag-anak, mahirap ang health-care
mas pipiliin kong tumira sa ganitong bahay sa japan kesa sa isang magarang bahay sa gated community sa pilipinas
ok din sana sa pinas, kung may ganto na relatively malapit sa maynila