Certificate of Eligibility requirements for dependent visa

asyong21

10-03-2005, 03:45 PM

Tanong ko sana sa mga members dito sa TF kung merong
may alam sa mga requirements sa pag-aaply ng Certificate of eligibility.
Ang pagkakaalam ko kasi, kailangan ng Cert of eligibility para sa
dependent visa para sa pamilya ko. Hindi ko alam kung anu ano
mga requirements at qualified ba ako na maging sponsor nila.
May natitirang 2 years pa sa visa ko (eng’r. visa).

Thanks.

Dax

10-03-2005, 05:42 PM

Hi asyong21,

Qualified kang mag-sponsor ng asawa at anak. Ako noong kinuha ko si misis ng CoE para sa dependent visa niya ay 3 months na lang ang natitira sa visa ko.

Ito ang mga naaalala kong sinubmit nung nag-apply ako:

  1. 外国人登録原票記載事項証明書 (gaikokujin touroku genpyou kisai jikou shoumei sho)
    Certificate of Confirmation of Alien Registration

Makakakuha ka nyan sa ward office (kuyakusho) or city office (shiyakusho) na pinag-registeran mo.

  1. 雇用契約書 (koyou keiyaku sho)
    Employment Certificate

Hingi ka sa employer mo…

  1. 源泉徴収表 (gensen choushuu hyou)
    Tax Withholding Certificate

Hingi mo din to sa employer mo…

  1. Photo copy ng passport niya/nila

  2. ID pictures nila (nakalimutan ko na yung size)

  3. Baka may iba pa kaya para sigurado ay…

Contact:
Immigration Information Center (may English-speaking staff daw sila)
http://www.moj.go.jp/ENGLISH/IB/ib-18.html

Check mo na rin ang mga to:
http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/
http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/03.html
http://www.moj.go.jp/ONLINE/IMMIGRATION/16-1.html (Nihongo)

Pag na-approve ang application mo ng CoE nila, padadalhan ka ng post card/sulat. Ipapadala mo yun sa Pinas at dadalhin nila sa Japanese Embassy para madikitan ng dependent visa. Take note, MAY EXPIRY DATE ang CoE (3 months yata) at kailangang within that period ay makapasok na siya/sila sa Japan. Otherwise ikukuha mo sila ulit.

Good luck! :slight_smile:

p.s. 在留資格認定証明書 (zairyuu shikaku nintei shoumei sho) ang formal na pangalan ng CoE sa Nihongo.

sojor

07-24-2008, 11:16 PM

great info. mod. thank you. gusto ko lang po malaman kung ilang months or gaano katagal ma release ang Cert. Of Eligibility for Dependent Visa?

pineapple

07-25-2008, 10:21 AM

usually depende yan meron mabilis lang lumalabas coe nila pero meron din aabutin ng years in my case 3months ako naghintay… awa ng dyos eto nasa japan nako…

sojor

07-26-2008, 12:05 AM

ay ganon po? meron din pala matagal, abutin ng years? pero meron din daw 1 week to 3 months. depende daw po talaga… thank you po sa info.

This is an archived page from the former Timog Forum website.