CHIKKA Texting

summer

08-18-2005, 02:53 PM

Hello. Matanong lang po kung may gumagamit ba ng Chikka texting services using their phone e-mail dito? I’ve been using the chikka text service since it was introduced here in Japan (last year?) pero may mga problema akong na-encounter like my recepients (textmates) in the Philippines are receiving sort of lost messages which is registered under my code pero hindi ko naman e-mail message yun. May naka-experience ba nito? Salamat po. :slight_smile:

Paul

08-18-2005, 05:26 PM

sorry i can’t help you with that, i only use chikka from our computer.

Dkid

08-18-2005, 05:45 PM

Gumamit din po ako ang chikka txt using my cellphone email, since early this year. Mga ilang beses din na di natanggap yung mga txt ko sa pinas. At ilang beses din na di ko natanggap yung txt messages galing sa pinas. Pero di pa po nangyari sa akin yung nakareceive yung ka txt ko sa atin ng ligaw na txt using my code.

Pero may napansin ako (baka cocinsidence lang to), madalas hindi matanggap o hindi ko masend (kase walang confirmation reply) kung gagamit ako from 5pm - 7pm. minsan hanggang 8pm.

juy

08-18-2005, 06:28 PM

hello po! ganun din po ang nangyari sa akin… kaya tinigilang ko nalang. nag suggest po yung tito ko na gumamit nalang ng vodafone na ketai, kasi may txt na daw yun ngayon… ang charge eh 35yen/msg sent… mas ok na po cguro yun kasi cgurado naman na ok ang service.

ning2

08-19-2005, 12:15 AM

Gumamit din po ako ang chikka txt using my cellphone email, since early this year. Mga ilang beses din na di natanggap yung mga txt ko sa pinas. At ilang beses din na di ko natanggap yung txt messages galing sa pinas. Pero di pa po nangyari sa akin yung nakareceive yung ka txt ko sa atin ng ligaw na txt using my code.

Pero may napansin ako (baka cocinsidence lang to), madalas hindi matanggap o hindi ko masend (kase walang confirmation reply) kung gagamit ako from 5pm - 7pm. minsan hanggang 8pm.

hello to all,

sabi ng napagtanungan ko sa IPS kaya hindi nakakarating at hindi nakakatanggap ng txt using chikka dahil minsan nagkakaproblema sa technicalities nila. lalo na kung mga peak hours! minsan nga doble-doble pa ang natatanggap na txt sa pinas kaya hindi mo namamalayan bawas din ang unit ng txt mo.:confused:

Dax

08-19-2005, 10:49 AM

hello summer,

madalas akong gumamit ng chikka text via cellphone e-mail lalo na pag hindi ako nasa bahay/office. every now and then (mga once or twice a month) ay may mga natatanggap nga ang pinadalhan ko ng text messages na seemingly galing sa akin. minsan pa 1/2 ng text ko at 1/2 ng text ng ibang tao ang natatanggap nila.:mad:

buti na lang hindi ako masyado marunong ng “text speak” kaya napapansin naman ng pinadalhan ko na hindi galing sa akin. :smiley:

lately nilalagyan ko na din ng signature para sigurado.

Hello. Matanong lang po kung may gumagamit ba ng Chikka texting services using their phone e-mail dito? I’ve been using the chikka text service since it was introduced here in Japan (last year?) pero may mga problema akong na-encounter like my recepients (textmates) in the Philippines are receiving sort of lost messages which is registered under my code pero hindi ko naman e-mail message yun. May naka-experience ba nito? Salamat po. :slight_smile:

summer

08-19-2005, 02:24 PM

Thanks sa lahat ng replies ninyo. Ang experience ko ay medyo nakakainis kasi nakakatanggap yung hubby ko ng sweet messages na minsan may halong Bisaya. Buti kung may halo siyang Bisaya para obvious na di galing sa akin, pero minsan nakakatanggap din siya ng text messages na ibang-iba talaga ang laman (medyo bastos pati). Nangyari din yung experience ni Dax na 1/2 ng text ko ang nasa message, 1/2 naman ay galing sa ibang tao. Minsan gusto ko na ring ihinto ang pag-gamit ng chikka text via phone e-mail pero sobrang nakakatipid ako using texts instead na tatawag ako.

Dax maganda nga pala yung idea ng paglagay ng signature. Salamat din sa idea.

makulit

08-19-2005, 03:54 PM

Hi. Suggestion lang po.

Try sending SMS via Yahoo Messenger. Kung walang access yung celphone owner doon sa Manila sa computer at hindi makapag-create ng yahoo messenger account. Try creating one for them. May security code na ipapadala sa celphone nila from Globe or SMART. I-enter mo lang yon sa Yahoo Messenger. Ako kasi, ganito ginawa ko sa parents at mga kapatid ko. Its cool. Walang nawawalang messages. At never nangyari na nakareceive sila ng weird messages na katulad ng na-experience ninyo.

Dax

08-19-2005, 05:32 PM

yes ym din ang gamit ko sa bahay at office. 2php lang daw ang charge sa reply galing pinas so affordable naman. :slight_smile:

minsan nga lang pati ym may mga delayed messages din. once natanggap ng nanay ko the next day na! more than 12 hours after sending!:eek:

Dkid

08-19-2005, 05:58 PM

minsan may maitutulong din yung mga ligaw na txt. tulad ng nangyari sa kaibigan ko. nagpadala siya ng txt message sa girlfriend nyang bisaya, kaso, inadvertently, napadala pala niya dun sa asawa nyang kapampangan! sinabi lang nya na baka ligaw na txt lang yun, lusot!

tulad ng sinabi ko, gumamit din ako ng chikka txt, dahil po libre lang ito pag bumili ako ng tel card. pero may is pa akong ginagamit na pang txt sa atin using my cellphone email, 20yen/txt, piso lang kung magreply galing sa atin, pero mabawasan ng isang txt ang load mo dito. teks po yun.

pinaypie04

08-20-2005, 12:32 AM

maybe may nagbgay lang ng number mo taz nag 33p:P hahaha joke

This is an archived page from the former Timog Forum website.