Contract Breached- Patulong lang po

steakzone

12-24-2005, 07:46 PM

hello mga TF friends may gusto lang po ako i-confirm. Nagpunta kme dito sa japan with a contract to work for one year. To our luck, outsourcing company pala and iba ang pangalan ng company sa contract. Ok lang sana, kaso wala pa rin kmeng work, naghahanap pa sila for us and while doing that, they asked us to study japanese and be fluent in 2 months and to study on our own lang. So far more than one month na kme and kahit allowance di kme binibigyan kse trainee pa lang daw kme and wala pa kme work, pero pede daw kme umutang for the meantime which we do not want to do. wala sa contract namin na trainee kme at di kme sesweldo for one month. sorry po sa mahabang paliwanag.

Ang question ko lang po eh, if nagbreach ba ng contract ang “employer” can we still use our working visa to apply to other companies regardless of the kind of job we will apply for? And how can we go about it without going back sa Pinas?

We went here to work and earn money, hindi magutom at umutang. Sana po may makapagbigay input, thanks ng marami.

docomo

12-24-2005, 10:37 PM

…pwede nyong ireklamo yan eh , may paglalagyan yang employer nyo pag nagkataon … may hawak ba kayong kontrata ngayon , i mean hawak nyo ba?

… mahirap yung sinasabi nyong maghahanap ng ibang work eh, parang malabo… kasi may kontrata kayong pinirmahan sa employer nyo… employer nyo dapat ang kausapin nyo ng maayos… i’m sure naman mahihiya yon or much more kung medyo padadaplisan nyon ng konti eh baka matauhan kung maririnig nya sa inyo yung mga reaksyon /reklamo nyo … baka umaksyon yong bigla , dahil kung tutuusin yung employer nyo ang may resposibilidad sa inyo :slight_smile:

steakzone

12-24-2005, 11:35 PM

thanks docomo,
yes, we have our original contract. saan ba namin reklamo? embassy? dapat ba i-reklamo na namin agad or kausapin muna namin? kse we already requested for at least our food allowance kaso they insist na pahihiramin lang daw kme ng money kse wala pa kme work. ang masama nito, baka umabot ng 2 months wla pa din sila mahanap… kasalanan pa namin eh in the first place nung pagdating namin dito dapat may work na kme accdg sa contract eh. thanks po ulit.

docomo

12-25-2005, 12:00 AM

steakzone welcome to Timog Forum pala… :slight_smile:

… The best thing is kausapin nyo muna ng maayos… paliwanag nyo yung side nyo regarding food allowance … marinig nyo rin yung side nila and kung ano yung plano nila regarding sa case nyo nga…ngayon pag di umubra yung usapang maayos dyan na kayo kumilos … i mean mag reklamo /mag apila …

question: sa kontrata nyo ba ano-anong nakasaad/ nakalagay sa nasabing napagkasunduan nyo ng employer nyo? pwede mo bang sabihin dito? (teka muna di ko alam kung ok sa mods i-state dito sa forum …ask muna natin) …

… nakakalungkot naman kalagayan nyo ngayon dyan … ang hirap nung pakiramdam na pinapatay ka sa kutob … :frowning:

steakzone

12-25-2005, 12:36 AM

thanks ulit docomo, it’s such an honor to be welcomed by a senior member hehe.

neways ok lang naman ng magsabi about the contract wla naman akong binabanggit na specifics eh. eto yung side nila, according to them, trainee pa lang kuno kme which is short for saying wala pa kmeng work kaya trainee ang status namin. we already asked for at least our food allowance and yun pa din sinabi nila, pwede lang daw kme umutang kse nga wala pa kmeng work to which they said na “shinpai shinai de” kse hinahanapan na nga daw kme ng work, eh puro kme mensetsu pero wlang natutuloy, tapos dahil daw poor nihonggo skills kme. eh in the first place, na-interview na kme sa pinas so dapat alam na nila yung japanese skills namin diba? kaya nga we were confident when we went here because they hired us despite our limited jap skills… sigh…
Merry Christmas nga pala sa lahat! :slight_smile:

docomo

12-25-2005, 01:03 AM

… Thanks for the nice introduction steakzone … I don’t treat myself as a senior with regards to learning ,I always treat myself as a newbie , marami pa kong di alam…I always look forward to learn new things ( as in anything)… :smiley: I myself was a newbie before , I just pay it forward to the next newbies ~like you … :slight_smile:

… Back to the topic; Kung nakalagay naman pala sa contract nyo na pagdating nyo dito ay may trabaho na kayo , dapat naman siguro ma-consider nila yun kahit papano… kumbaga mewaku( abala) yon sa inyo eh… dapat lang in return na pinaghihintay nila kayo sana kahit food allowance man lang eh bigyan na nila kayo kesa pautang pa… ( sorry natatawa ako sa employer nyo talaga… di kaya nila naisip na minsan yan ang cause ng mga employees para makapagisip ng hindi maganda?? wala lang )… kausapin nyo muna ng maayos the best way …

~ shimpai shinaide - meaning wala kayong dapat ipag alala/ ikabahala … hmmm may word of honor ang mga japanese( in fairness … ewan ko din …) :slight_smile:

fremsite

12-25-2005, 01:09 AM

hello steakzone san … welcome to TF …
kawawa naman pala lagay ninyo diyan …:frowning:
sana man lang kahit food allowance eh mabigyan kayo …
pano na kayo kumakain ? may natutuluyan ba kayo ? or
iaawas din sa magiging sweldo nyo … wala akong alam
mashado sa case mo … hintay ka lang ng sagot ng ibang
members dito … marami silang alam … si docomo san na
sumagot sa yo … mabait na bata yan … marami ding alam
yan … wait ka pa ng konti … Merry Christmas nga pala
sa yo and sa mga kasamahan mo …:slight_smile:

steakzone

12-25-2005, 01:23 AM

Hello ulit.
May tinutuluyan kme dito which is also office ng company on the other room. Pero wag nila sabihin na di na nila kelangan kme bigyan allowance dahil libre tirahan na kme at bigas, tama po ba? kse ksama naman sa contract namin yung housing allowance eh. neways, hehe wag nyo po ko masyado kaawaan at baka maiyak ako dito… thanks po docomo and fremsite. lungkot nga xmas namin eh… pero at least nag celebrate kme kahit konti (konti lang talaga hehe) pinoy naman tayo eh and pagdating sa survival, kayang kaya. nakakabadtrip pa dito eh yung kakarichou namin eh pinagtitripan kme, isip nya siguro dahil di kme umaangal eh kya nya kme pagtripan. neways, tama ka docomo nakakatawa employer namin. minsan gusto ko tanungin, wala siguro sila talgang pera at dapat antayin na may mapasukan na kme company para pangsweldo samin. mejo sinwerte lang sila kse mababait kme ng konte at mejo kalmado. but we’ll try to talk to them kaso baka next year na kse yung buchou eh nasa pinas nagpapakasarap sa pinay, at yung shachou ayaw magpakita… yung kakarichou eh chuchu lang naman. hehehe. we’ll try to consult sa phil embassy about our case, sana may options pa kme. yung kasama ko dito may relative sa tokyo kaso we’ll have to make sure muna if hopeless case na kme dito sa company na ito. they have promising plans pero i dont think to the point na dapat magutom kme or mabaon sa utang for their company’s sake. we got mouths to feed right? Merry christmas din po fremsite. Thanks for the replies…

docomo

12-25-2005, 01:40 AM

… pwedeng magtiis ,tutuo yan… pero pag gutom ka na ang hirap magtiis … pero konting tiis pa … makaka-survive din kayo… ( inis ako sa employer nyo , grrrr )

keep us updated kung anong mangyayari sa usapan nyo ha… Merry Christmas sa inyo …God Bless :slight_smile:

steakzone

12-25-2005, 02:00 AM

ok, i sure will. thanks ulit. good thing nga at nilagyan kme ng pc dito sa room. kaso naman, dapat daw pang-email lang at pang research. wag daw kme aalis ng di sama sama… at wag papagabi. naknangpusang galang walang paa talaga. buti sana kung may binabayad sila at ok lang ng konti na ganito ang treatment nila.
tanong ko lang, karamihan ba ng jap employer ganito talaga or isolated case lang itong samin. thanks. God bless din po.

docomo

12-25-2005, 02:08 AM

… hindi lahat steakzone… natyempuhan nyo lang yung may konting sablay … iba iba ang rules and regulations … pero yang binanggit mo isa lang yan sa mga patakaran nila… behave lang muna kayo kasi bago pa kayo eh… ganyan talaga …lagi yang i- re-remind sa inyo yang mga rules nila kasi bago pa lang kayo … :slight_smile:

fremsite

12-25-2005, 02:12 AM

ok, i sure will. thanks ulit. good thing nga at nilagyan kme ng pc dito sa room. kaso naman, dapat daw pang-email lang at pang research. wag daw kme aalis ng di sama sama… at wag papagabi. naknangpusang galang walang paa talaga. buti sana kung may binabayad sila at ok lang ng konti na ganito ang treatment nila.
tanong ko lang, karamihan ba ng jap employer ganito talaga or isolated case lang itong samin. thanks. God bless din po.

naka-tsamba lang kayo ng " panget " na employer …:stuck_out_tongue: maraming mababait na japanese employer ( like mine ) walang alien-alien sa kanya … hehehehe…
uy! gusto ko yang qoute mo … " pusang galang walang paa " … :smiley:
God Bless din sa inyo … ingat kayo ng marami and "tiis " na marami ? maaayos nyo rin yan …
i hope so … update mo naman kami kung ano man …chizmowsa ba ? hehehehe … di … para
malaman din namin kung paano kayo matutulungan … :slight_smile:

steakzone

12-25-2005, 02:35 AM

ok no prob.
lotsa thanks talaga guys or babes? (sori di ko po alam eh)… actually i came from a jap company sa pinas and have frequent visits to japan before but it’s my first time to work based here. next week may final interview kme, if it does not push through… we’ll make our move and talk to them. di naman na siguro tama na umabot 2 months at wla pa din kme pera or allowance… our only hope is makakuha kme ng ibang work if ever makaalis kme dito. hindi ba mahirap maghanap ng work for non-fluent jap speakers like us? kse yaw namin umuwi ng pinas, kangkungan abutin namin dun, hehe.
tomorrow pa-consult kme about our case. update ko kayo next week hehe. Sore ja, mata ne.

japphi

12-25-2005, 10:07 AM

Hi steakzone…welcome to TF at Merry Christmas sa’yo at sa iba mo pang kasamahan ngayon dyan sa tirahan n’yo.

Few years ago may pinsan ako na nag-training sa Toyota Company…sila ay asikaso talaga,pabahay,budge t sa pagkain etc…training lang naman…iba sigurado sa case nyo…Kasi after few months ay umuwi na sila.Kayo naman yata ay talagang pinangakuan ng trabaho dito ano.At sila…company to company ang usapan…kaya masasabi kong iba sa case ninyo.
Ang kumuha ba sa inyo ay talagang sila yung sa kumpanya o agency lang dito para ihanap kayo ng trabaho dito.Pwedeng mag tanong ako sa’yo…nagbayad ba kayo sa pagpunta nyo dito o may lagay ba kayo?

Kasi may narinig na rin ako sa mga pamangkin ko na may nag-ha-hire daw at ihahanap sila ng trabaho dito…pero sabi nila walang lagay daw.Nagtatanong sila sa akin…baka may alam daw ako or did heard about this.

Wala akong alam…at wala akong nababalitaan.Ang mga hapon o japanese companies naman pag nag-hire e walang lokohan…pwera na sa ibang kumpanya o agencies na kung minsan may lokohan sa transaksyon o koneksyon na pangungurakot(kung minsan ha)

Sana naman ay maayos kaagad ang problema ninyo…tulad nang sabi mo…may pamilya doon na umaasa sa inyo.I just pray na maayos at makapag-trabaho na kayo.

steakzone

12-26-2005, 12:15 AM

thanks for replying japphi…
di kme nagbigay ng lagay. we came here for a job and kaso lang wala pang job. i guess uso ngayon sa japan ang outsourcing kse nga pataas daw economy nila. tell your nephews to make sure na may basic allowance while there’s no work yet when they get there or else they’ll end up like us. sana nga maayos namin ito. thanks.

striver

12-26-2005, 05:37 PM

first of all merry christmas po. reading your thread looks like you dont know something about the outsourcing company here in japan. im also like you, pagdating ko dito eh, di ko rin alam na outsourcing company pala napasukan ko. i dont know about outsourcing company kasi halos wala ko narinig na company about that in the philippines.

before i give you some information (as i knew) about outsourcing here in japan, i just have a question about how you get here to work.

  1. may agency ba kayong inaplayan sa pinas or wala po?
    kung agency ang dinaanan nyo to work here, medyo di siguro na clarify iyong contract nyo. about me, wala ko agency na dinaanan. direct ako dito. so, dumaan me ng poea and talagang binusisi nila ang contract ko. anything about it, hanggang don sa kapag namatay ako dito, sino daw ang mananagot. something like that. so medyo clarify lahat po kasi my company needs to sign that bago nila ako payagang makaalis ng pinas. sa tingin ko di nyo na clrify ang employment status nyo. siguro akala nyo eh employee na talaga kayo dito where in monthly eh, may tatanggapin kayong salary my work man kayo or wala.

  2. what field ang work nyo?
    field of your work will depend on your chances to get a job here.
    outsourcing company here in japan or any part of the world is i think the same. they will stand like a medium between you and your employer. the good thing is sila nga ang maghahanap ng work for you. but be careful on your employment status po. employment status on outsourcing company (as i know) are:

(1) hirasyain (common employee)
a common employee, meaning you will be treated as employee of the outsourcing company. you will get all benefits, bonuses, leaves and a fix salary may work ka man or wala.

(2) jikansei (part time job)
you are not a common employee and no benefits will be receive. your salary will be based on the time you work only on the company. (time rate) x (working hour) and you will get your salary.

(3) geppousei (monthly salary base employee)
your salary will be on monthly bases. wala ka ring benefits na makukuha. you will have a contract for this. short term job lang ito. pag katapos ng work, your out po. wala na sila pananagutan sa iyo. within the work term at may nangyari or maaga natapos ang work shorter than your contract, they will pay you the remaining, base on the contract

(4) nenpousei (yearly base employee)
this is almost same with the gepposei, kaya lang long term to. no benefits kang makukuha. you will only get paid based on your contract term. kung kailangan ka pa nila after the said term, bibigyan ka ulit nila ng bagong contract.

(5) trainee/ojt
employee under this status normally dont get paid their salary. mostly allowances lang ang matatanggap nila and transportation fee. swerte nyo at may pabahay pa kayo at pagkain pa. i think under kayo right now within this status po.

your salary in the outsourcing company here in japan is base on your contribution to the company. kung may uriage(income) kang ipinasok, meron silang ibabayad sa inyo. in laymans term, ikaw rin ang magpapasweldo sa sarili mo. what outsourcing do is, they will get some commision on your income po sa madaling salita. to be a permanent employee in an outsourcing company is very difficult. hanggat di nila alam na you will not capable of producing a permnent income, di ka nila pepermanent. maaaring gawin sa inyo is nenpousei lang. kaya dont expect na may matatanggap kang bonuses. in my case. just like you, almost 1 year din akong naghintay bago nakakita ng work iyong boss ko for me. i was in hiroshima before. 1 year ako don. but sometimes tumutulong ako don sa mga kasama ko sa mga work nila. when my boss find me a job here in tokyo at medyo maganda, saka nila ginawang permanent employee po. what good being a permanent employee is, tatanggap ka ng salary ng buo with bonuses kahit wala ka pang work na pinupuntahan. parang stand by fee. pero kapag matagal ka ng walang trabahong assign, medyo kacut ang salary mo at benefits.

what good about outsourcing company is that they will give your salary based on your performance. meaning kung maganda ang performance (base on your income) mo malaki ang salary na makukuha mo. that’s is why performance getter here in japan like outsourcing company po. one more is you will be in different environment, gain lot of experience in your work. kasi palipat lipat ka. unlike pag nasa isang company ka lang po.

in your situation right now, i think wala ring mangyayari kung magreklamo man kayo. baka pabalikin pa kayo sa pinas. there is a possibility na matagalan din kayong makahanap ng work lalo nat di kayo marunong magjapanese po. japanese skill here is a must when you are working. i just have a tip to you kapag may interview kayo. show them your eagerness to work and that you are learning japnese right now. in my situation marunong na ko mag japanese non. level 2 ako, pero medyo kulang sa work experience kaya medyo natagalan makhanap ng work.

remember that outsourcing company runs based on the salary of every employee there, kung walang income na maipapasok, babagsak na ang company. ayaw na ayaw ng mga boss na may nakatambay sa office. what they like is as possible, nasa field lahat ng tao nila and working. if you are only in the office and do nothing, try to talk to them to help in their job. baka kamo may maitutulong kayo. remember na iyong mga taong may trbaho sa office ninyo ang nagpapasweldo sa inyo or nagbibigay ng allownace sa inyo. show them some gratitude.i remember, pinagtitimpla ko pa ng coffee ang mga kasama ko non. linis baga umuwi. something like that. then what i did is nagturo pa ko ng english non sa opis. subukan nyo rin. in return is turuan kamo nila kayo ng japanese.

magreklamo man kayo or stop your job now and search for another one, lalo lang siguro kayo mahihirapan. kung ako sa inyo is mag aral muna kayo ng maigi ng japanese. try to take japanese language examination. kahit level 3 lang next year. then level 2 next next year, then level 1. not doing that is di kayo makakatagal siguro sa work.

goodluck!:slight_smile:

steakzone

12-27-2005, 01:53 AM

good am sir, thank you for the information. Marami po akong natutunan.
Yes may agency kmeng dinaanan and a reputable one. Sad to say, they never informed us the company who hired us is an outsourcing company who does not a job for us yet when we got there and the name of their company was never really written in the contract that we signed. We’re supposed to be employed in a software company pero naging trainee kme. Tapos ang alam namin ang trainee may allowance, pero kme baket wala. Isa na lang pangpalubag loob samin is mabigyan kme ng work in a short span of time, kaso more than one month na wala pa din kme work. yung bahay namin, same as office ng company. pakain? libre kme bigas. :))

Anyways, we already emailed yung buchou na nagpapakalunod sa pinas na we want out kse di cguro namin kaya ng another month na walang allowance. we have skills and level 3 nihonggo namin so i think we can survive. Bago kse yung company kaya wala pang revolving money, but that doesnt mean to our expense diba? If di nila kme payagan umalis, uwi kme pinas and we’ll sue the agency sa pinas dahil sila nagdeploy samin dito, ganda pa namn record nila sa poea… :))

oyasumi… puyat nanamn ako, sigh…

docomo

12-27-2005, 01:56 AM

@ steakzone

admit it… it’s worth the puyat :smiley: … oyasumi na din :stuck_out_tongue:

steakzone

12-28-2005, 01:44 AM

@ steakzone

admit it… it’s worth the puyat :smiley: … oyasumi na din :stuck_out_tongue:
yep it’s worth the puyat nga po hehe. neways… after namin magcomplain sa kanila about our condition mukhang nahimasmasan ang mga pongi at bibigyan daw kme kaso di pa ngayon at japanese style daw eh every end ng month… so end of december meron daw kme allowance. nung isang araw kinuha yung passport namin, pero kanina binalik na din kse sabi namin hanap na lang kme ng work on our own pero meron na actually sasalo samin pag umalis kme. kaso kakagulat eh biglang naging maamong tuta. kaya sabi ko sa mga kasama ko, i smell a rat… hehehe sana wala silang pinaplanong masama.

oyasuminasai…

midnight

12-28-2005, 03:06 AM

to steakzone:
nakakaawa naman pala situation nyo dyan.sa totoo lang wala ako masyado alam tungkol sa sitwasyon nyo at di ko alam na pwede pala magpunta sa japan to have a contract for 1 year & be able to have a job here or to work here.Napakahirap kasi makahanap ng job dito kahit nga may visa ka pa nahihirapan dahil kailangan magaling ka talaga magjapanese at magaling ka rin sa pagsulat ng kanji or other japanese writing.
May question ka na may iba pa kayang work para sa inyo dito sa japan ? sa tingin ko mahihirapan kayo sa paghanap.
sana maayos na problema niyo at ingat kayo dyan:wave:

fremsite

12-28-2005, 09:06 AM

yep it’s worth the puyat nga po hehe. neways… after namin magcomplain sa kanila about our condition mukhang nahimasmasan ang mga pongi at bibigyan daw kme kaso di pa ngayon at japanese style daw eh every end ng month… so end of december meron daw kme allowance. nung isang araw kinuha yung passport namin, pero kanina binalik na din kse sabi namin hanap na lang kme ng work on our own pero meron na actually sasalo samin pag umalis kme. kaso kakagulat eh biglang naging maamong tuta. kaya sabi ko sa mga kasama ko, i smell a rat… hehehe sana wala silang pinaplanong masama.

oyasuminasai…

steakzone … good am sa yo and sa mga kasamahan mo … nice !!! mabuti at nag-complain kayo … mabuti rin at may matatanggap na kayong allowance and napaka-buti rin at may sasalo sa inyong kumpanya pag umalis kayo riyan . naging maamong tuta kamo ? hmmm… bakit kaya …? ingat kayo ng marami … and Ganbatte :slight_smile:

v_wrangler

12-28-2005, 01:29 PM

What is stated in your visa? If you have a trainee visa, tama yong nagsabi na all you are entitled to is an allowance which isnt really considered as a salary. Unfortunately, that visa category is oftenly abused by unscrupulous employers to get cheap labor. Sicne I do not know the contents of your contract, the agency that processed your documents might have been hiding the truth since the very beginning. And I suggest you get back at them if ever you decide to go back home. I also doubt if the Japanese employers were liable at all, but as a trainee, they are bound by the law to provide you with the allowances, regardless of whether they have work for you or not. BTW, what is your educational background and professional expertise?

docomo

12-28-2005, 01:57 PM

yep it’s worth the puyat nga po hehe. neways… after namin magcomplain sa kanila about our condition mukhang nahimasmasan ang mga pongi at bibigyan daw kme kaso di pa ngayon at japanese style daw eh every end ng month… so end of december meron daw kme allowance. nung isang araw kinuha yung passport namin, pero kanina binalik na din kse sabi namin hanap na lang kme ng work on our own pero meron na actually sasalo samin pag umalis kme. kaso kakagulat eh biglang naging maamong tuta. kaya sabi ko sa mga kasama ko, i smell a rat… hehehe sana wala silang pinaplanong masama.

oyasuminasai…

… We’re glad to hear that news steakzone , at least kahit papano medyo natauhan din yang employer nyo… pero be ready , you don’t know what your employer is up to? for sure may vested interest yan :slight_smile:

steakzone

01-04-2006, 12:29 AM

Happy New Year!!!
hello mga TF friends… update ko lang kayo sa status namin. So far, 1 and a half months na wala pa din kme allowance and ang gleng gleng tlaga, dapat pa kme magpaalam paglalabas kme (even on holidays) at pagnagpaalam kme (thru email) we should wait for their reply whether payagan kme or not. So we already told our agency sa Pinas na ayaw na namin ng condition and asked them to tell these company to release us and let us find a job (actually may willing magabsorb samin but sa monday pa pupunta sa immigration) if di nila kme release, might as well uwi na lng kme sa Pinas kesa tumagal pa kme dito. Dami nila atraso samin:

  1. Dummy company name on the contract we signed (not related to them)
  2. Not stated in the contract that we are going to study japanese first while they look a job for us.
  3. Given the case in no.2, we were named trainees but with no allowance since we still have no work.

We already tried to complain but pinamumukha nila samin na libre daw yung bahay namin and bills (kse nga wala pa kme work).

We plan to contact NGO’s for backup, bad timing lang talga kse bakasyon pa so di kme makagalaw. Sana lang makausap nanamin NGO before dumating yung buchou para alam na namin isasagot namin.

May tanong lang po ako, pwede po ba ang representation pagmagaapply ng reentry permit? thanks. God bless po and sana maayos na itong problema namin. Di ko naisip na pupunta pala ako ng Japan para mamalimos. sigh… But heck it’s part of the game we decided to play so we’ll just keep on playing hard till we win.

oyasumi…

steakzone

02-15-2006, 12:53 PM

hello mga prends… here’s what happened to me now.

i was able to get my resignation signed by the bogus dispatch company. But before that we already contacted another dispatch company that we applied for. So lumipat na kme ng place to stay while waiting for the release letter. Then we got a call na in exchange daw sa release letter, yung alien card namin surrender namin sa kanila. So we decided not to get the release documents and went to another dispatch company. In two days time nahanapan na nila kme ng work.

Regarding sa immigration, ok na lahat, they said we no longer need to apply for a Certificate
of Authorized Employment. Basta pagdating ng expiration ng visa at may mag sponsor, pwede pa-extend. Then we had our address changed na rin sa Ward office.

The previous agency sa pinas at yung bogus dispatch dito went to our family sa pinas and told lies about us escaping and being reported to the police. Kaya we informed them that we reported to immigration about our status. kaya ayun eversince we informed them, they never bothered us na.

Well, all I can say is it was a good experience and thankful pa din ako kse kahit papaano maraming tumulong samin. At least I learned na kahit nasa foreign land ka, as long as you are doing the right thing, no employer can hold you and treat you unfairly.

docomo

02-15-2006, 01:13 PM

@steakzone

… I’m glad to hear that … Good Luck sa inyo dyan … Gambatte ne :slight_smile:

Paul

02-15-2006, 01:47 PM

Glad to hear that everything turned out fine for you. I hope you also reported the bogus dispatch company and their agency in the Philippines to the authorities so that they won’t be able to do the same thing to other people again.

Welcome to TF nga pala.

This is an archived page from the former Timog Forum website.