Dati ay naisipan kong gumawa ng kanji dictionary, dahil lang sa wala pang Pilipino na kanji dictionary sa Internet. Masaya nung una pero nung natapos ko na yung 80 na Grade 1 kanji, naisip ko na mahirap matapos ito ng mag-isa lang.
Kaya importante ang role ng community sa ganyang malaking project na kailangan ng maraming oras.
Isa sa mga puwedeng gawin sa site na kagaya ng Timog ay magsulat ng mga wiki article o guide para sa Pinoy community sa Japan, mga gabay na kagaya ng tamang paghihiwalay ng basura.
Matagal ko nang naisip ito pero naalala ko ulit dahil may nagtanong sa akin kung paano itapon ang vaccum cleaner.
Dito sa Tsukuba, Ibaraki kung saan ako nakatira, ang vaccum cleaner ay non-burnable garbage (燃やせないごみ moyasenai gomi). Pero ito yung vaccum cleaner na may flexible na tube, napuwedeng ipasok sa ordinaryong non-burnable garbage bag.
Iba pa yung vaccum cleaner na mabaha ang katawan at hindi maipasok sa non-burnable na bag. (Tumawag ako sa city hall ng Tsuchiura, kung saan nakatira yung nagtatanong at ang vaccum cleaner na ganito ay oversized garbage (粗大ごみ sodai gomi) at nagbayad kami ng 200 yen para itapon.
Palagay ko ay marami ring mga ganitong hindi alam ang mga Pinoy sa Japan na puwedeng gumawa ng madaling maintindihang guide na nakasulat sa Pilipino.
Dito sa Timog ay may lugar kung saan puwedeng magsulat at mag-edit ang mga members ng wiki articles, kagaya nitong Paano ideklara ang dependent na nasa Pilipinas para bumaba ang income tax sa Japan na sinulat ni @dcat at ilang beses na inedit ko at ni @nick.
Sa site na kagaya ng Timog ay marading mag-share ng mga kwento at pictures (video medyo mahirap), pero magandan din na mag-share ng impormasyon na maari nating isulat sa isang madaling basahin na wiki article.
Kaya kung may maisip tayong useful ng article, sana ay magsulat tayo tungkol dito. Hindi kailangan na mahaba at kumpleto, ang importante ay masimulan: kahit na title lang at ilang sentences, maari na itong i-edit ng ibang members na may karagdagang kaalaman tungkol dito.
Sa pag-e-edit naman ng mga article ay hindi kailangang may malalim tayong kaalaman tungkol sa isang bagay. Kahit na pag-e-edit lang ng maling spelling o grammar sa article ay malaking tulong sa pag-aayos nito para mas madaling basahin.
Maaari din tayong maglagay ng picture sa article kung kailangan ito para mas madaling maintindihan.
Kung nasa English ang article ay maari din nating isalin ito sa Pilipino para mas madaling basahin ng ating kababayan.
Sa thread na ito natin pag-usapan ang mga puwedeng isulat na guide, o kung may tanong tayo tungkol sa pagsusulat at pag-e-edit ng wiki articles.