Cosmos

reon

10-09-2005, 07:55 PM

merong maliit na hill sa Hitachi Seaside Park (http://www.hitachikaihin.go .jp/) (Hitachi Kaihin Kouen) dito sa may Ibaraki na tinatawag na Miharashi no Oka (http://www.hitachikaihin.go .jp/contents/002_flower/index.htm) at punong-puno ng cosmos sa ganitong season. meron daw itong 5 million na cosmos (halaman o bulaklak hindi ko nabasa ang detalye) pero hindi ko na binilang at kumuha na lang ako ng pictures.

http://www.timog.com/gallery/files/5/front.jpg

ang totoo ay hindi pa ako nakakita na ganito karaming cosmos kaya hindi ko alam kung anong gagawin, kung anong style na pagpi-picture ang maganda, kaya kahit na ano na lang, kuha lang ng kuha. eto ang kinalabasan.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos02.jpg

gusto ko ang pagkakaayos ng mga pulang bulaklak sa gitna ng picture. nagkataon lang yan siyempre. sa sobrang dami ng mga bulaklak, hindi na ako makapili kung angulo sila kukuhaan ng piktyur. pacific ocean nga pala yung dagat sa background.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos11.jpg

ano ba’ng masasabi ko dito? wala lang, cosmos.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos05.jpg

cosmos kahit saan ka magpunta.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos01.jpg

etong dalawa mukhang enjoy din sa pagkuha ng pictures. alam mo kaagad na digital ang camera ng mga ito dahil hindi sa mga cosmos nakatingin kundi sa screen ng camera.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos14.jpg

cosmos nga pala ulit ito.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos03.jpg

tsaka ito.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos13.jpg

medyo marami ring tao dito sa park kahit na maulan. nai-imagine ko na lang kung gaano ka-traffic dito kung maganda ang panahon.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos12.jpg

mawawala ka sa loob ng dagat ng cosmos.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos08.jpg

alam kong hindi cosmos ang mga ito pero kinuhanan ko na rin. (ano nga bang mga halaman ito?) mukhang masayang nagkukuhaan ng pictures sina lolo at lola.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos09.jpg

minsan kailangan ng konting bokeh sa mga pictures, para masaya.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos07.jpg

gaya neto. isa na naman sa mga kinuha kong pictures “from the hip” kahil gusto ko sanang kuhanan ng picture yung lalaki sa bandang baba sa kanan nang hindi lantaran kaso iba ang nakuha.

bokeh. hindi siguro ako magkakaroon ng interes sa photography kung hindi ako nakakita ng picture may bokeh.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos06.jpg

mga obaasan-tachi. nakapayong. umuulan kasi.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos04.jpg

eto medyo tumila na ang ulan at lalo dumadami ang mga cosmos-seekers.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos10.jpg

hmmn. cosmos din yata ito, e.

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos17.jpg

meron kayang isang bulaklak dito sa loob ng 5 million na hindi cosmos?

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos16.jpg

eto ang munting bundok ng cosmos. sankatutak ang pictures ko ng cosmos hindi ko alam kung anong gagawin sa mga ito. medyo matagal-tagal din siguro akong hindi kukuha ng pictures ng cosmos. sunflowers na lang siguro sa susunod, gaya ni maruchan, hehe.

crispee

10-09-2005, 08:13 PM

Nakakalula talaga ang mga cosmos mo Reon:D. Maulap nga ngayon pero mahusay pa rin ang kinalabasan ng mga litrato mo.

gaya neto. isa na naman sa mga kinuha kong pictures “from the hip” kahil gusto ko sanang kuhanan ng picture yung lalaki sa bandang baba sa kanan nang hindi lantaran kaso iba ang nakuha.

Yung isang new model ng Fujifilm Digicam na FinePix S9000 (http://www.finepix.com/promo/s9000/index.html), nagagandahan ako dun sa multi-angle na LCD monitor niya. Ang di ko lang gusto pati viewfinder ay electronic din.

Malapit lang kayo sa Hitachi?

stanfordmed

10-09-2005, 08:16 PM

Wow! So nice and pretty! :thumb: Thanks for sharing.
Is there anything like that in Yokohama?

reon

10-09-2005, 08:37 PM

Yung isang new model ng Fujifilm Digicam na FinePix S9000, nagagandahan ako dun sa multi-angle na LCD monitor niya. Ang di ko lang gusto pati viewfinder ay electronic din.

Malapit lang kayo sa Hitachi?thanks crispee. mukhang mahusay nga yang finepix at maganda din ang kulay. hindi ko sigurado pero yung dating gusto ko sanang digicam (sony f-828) ay electronic din ang viewfinder. pero kahit anong angle kumuha madali lang. (kahit nasa lupa na ang camera.)

medyo malayo ang tsukuba sa hitachi seaside park (more than one hour by highway). actually, ang hitachi seaside park ay nasa hitachinaka-shi. ang hitachi-shi ay medyo malayo pa pataas.

Wow! So nice and pretty! Thanks for sharing. Is there anything like that in Yokohama?thanks. there are probably parks with lots of flowers down there. i’ve seen some pretty nice pictures of parks in yokohama, but mostly with tulips. i’m sure some yokohama natives here in timog know where to look. :slight_smile:

Teddy

10-09-2005, 09:14 PM

Sobrang aliw tingnan ang mga cosmos… Thanks for sharing, reon-san:)

maple

10-09-2005, 09:23 PM

alam kong hindi cosmos ang mga ito pero kinuhanan ko na rin. (ano nga bang mga halaman ito?) mukhang masayang nagkukuhaan ng pictures sina lolo at lola.

Hi reon, ang ganda na naman nitong mga photos mo. Sa tingin ko lang ha, these are tumbleweeds. Tumbleweeds yung madalas na makikita sa mga pelikula na ililipad ng hangin bago mag-barilan yung mga cowboys:eek: :smiley:

maple

http://www.timog.com/gallery/files/5/cosmos08.jpg

crispee

10-09-2005, 10:10 PM

hindi ko sigurado pero yung dating gusto ko sanang digicam (sony f-828) ay electronic din ang viewfinder. pero kahit anong angle kumuha madali lang. (kahit nasa lupa na ang camera.)

Out of topic pero sisingit ko lang:p

Meron akong black na Sony DSC-F77 (http://www.dpreview.com/news/0209/02090502sonydscf77.a sp) for ‘impulse photography’. Maliit lang siya at halos di makita pag hawakan mo ng dalawang kamay. No.1 feature na nagustuhan ko ay yung rotating lens unit. Dagdag pa ang tipid nito sa battery consumption. Meron akong kinunan ngayon sa Sengendai, Yokohama. I was told na lumalabas lang daw ang ganitong bulaklak pag umpisa ng autumn. Di ko matandaan yung pangalan:(.

Yung unang pic, normal shooting. Tapos nasa lupa nga yung camera sa pangalawa. :slight_smile:

maple

10-09-2005, 10:17 PM

Out of topic pero sisingit ko lang:p

Meron akong black na Sony DSC-F77 (http://www.dpreview.com/news/0209/02090502sonydscf77.a sp) for ‘impulse photography’. Maliit lang siya at halos di makita pag hawakan mo ng dalawang kamay. No.1 feature na nagustuhan ko ay yung rotating lens unit. Dagdag pa ang tipid nito sa battery consumption. Meron akong kinunan ngayon sa Sengendai, Yokohama. I was told na lumalabas lang daw ang ganitong bulaklak pag umpisa ng autumn. Di ko matandaan yung pangalan:(.

Yung unang pic, normal shooting. Tapos nasa lupa nga yung camera sa pangalawa. :slight_smile:

Hi crispee, these are called Higan bana. Di ko know sa Ingles:O . Higan means autumnal equinox naman yata!?

maple

reon

10-09-2005, 10:24 PM

Hi reon, ang ganda na naman nitong mga photos mo. Sa tingin ko lang ha, these are tumbleweeds. Tumbleweeds yung madalas na makikita sa mga pelikula na ililipad ng hangin bago mag-barilan yung mga cowboys:eek: :Dhi maple, eto pala ang tumbleweeds?! haha, ngayon ko lang nalaman, wala kasi nito sa tsukuba. :doh:

yung halaman ni crispee matami dito sa tsukuba, pero hindi ko rin alam ang pangalan. mukhang maraming pictures ng halaman ngayong autumn, no?

hi teddy, thanks!

Pinay

10-09-2005, 10:34 PM

Out of topic pero sisingit ko lang:p
Meron akong kinunan ngayon sa Sengendai, Yokohama. I was told na lumalabas lang daw ang ganitong bulaklak pag umpisa ng autumn. Di ko matandaan yung pangalan:(.

Yung unang pic, normal shooting. Tapos nasa lupa nga yung camera sa pangalawa. :slight_smile:

It’s called Spider Lily (Lycoris radiata) http://atypically.net/smilies/flowerhead.gif

stanfordmed

10-09-2005, 10:44 PM

“L. radiata is called “Higan-bana” in Japan because it blooms around the time of the Ohigan observances.”

Common name: Spider Lily
Family: Amaryllidaceae
Genus: Lycoris
Species: radiata

crispee

10-09-2005, 10:52 PM

Pinay, Maple & Stan,

Thanks sa infos. Marami yatang variety itong spider lily/higan bana? I saw a white one somewhere in the net. Pero pula pa lang ang nakikita ko dito.

@Reon
Pasensiya ka at mukhang 'thread hijacking" yata ang mga post ko:). Tulad ng sabi mo, maraming bulaklak ang tumutubo sa autumn. Parang spring din.

And Welcome to TF Pinay…

docomo

10-10-2005, 12:05 AM

Awesome pics :wink: The photos are very good … super love your composition in the relative size… Keep up the good work Mr. talented photographer … :slight_smile:

reon

10-10-2005, 01:01 PM

hi docomo! thanks for your comments. i’m not really an “photographer”. i’m just a guy with a camera and a trigger-happy finger. :slight_smile:

life is good, i agree. :smiley:

betong

10-10-2005, 03:01 PM

Hi Reon. :wavey:
More Flower Power to you.
Thanks for the nice pics and the stories behind them.
Really entertaining on a dreary, rainy day like today. :tiphat:

reon

10-10-2005, 04:04 PM

thanks betong. yes, a three-day weekend of rain. on rainy days like this when you just want to stay indoors, it’s good to have na online gathering like timog forum. :slight_smile:

kalypso

10-10-2005, 07:04 PM

very nice pictures, reon! nagpipista na naman ang mga mata ko.:slight_smile: thanks for sharing.

saan ba matatagpuan ang mga cosmos na eto?

reon

10-11-2005, 12:17 AM

thanks kalypso. sa Hitachi Seaside Park (http://www.hitachikaihin.go .jp/) sa may taas ng Ibaraki ako pumunta at kumuha ng pictures.

side note: interestingly, may nakita akong sign na nakalagay: 秋桜 (autumn sakura) tapos ang reading ay コスモス (cosmos). ang cosmos ba ang cherry blossoms ng autumn?

Maruchan

10-11-2005, 12:57 AM

Wow, Reon, nice! :king: Ang gleng-glen naman. Lahat maganda ang kuha, pero fave ko ang first photo and also the one with two people with red raincoats. I love nice pictures! Thanks for sharing. :yippee:

sonix

10-12-2005, 12:40 PM

nice pics… i though sa cartoons lng meron nito… :slight_smile:

Paul

10-13-2005, 12:36 AM

Nice pics reon! I really like your short photo-essays. I’d love to do something similar. Unfortunately, I’m not a good writer so I’ll just stick to pictures.

There’s also a Cosmos Matsuri ongoing at Michinoku Kohan Koen, a big park about a half-hour’s drive from Sendai. We went there last month and took some pictures with a cheap film SLR I got for 3000 yen. Unfortunately, it was cloudy the whole day so I just took pictures of the flowers up close (and also to hide the fact that I suck at composition :p). Here are some of the pictures.

There’s the common variety.

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/purple_cosmos_tf.jpg

One with lotsa petals.

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/magenta_cosmos_tf.jp g

Its yellow sibling.

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/yellow_cosmos_tf.jpg

And one with curly petals.

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/magenta_cosmos2_tf.j pg

docomo

10-13-2005, 01:27 AM

@ Paul

Nice shots… You got good taste just like Reon … I like the colors … sweet and powerful at the same time… I guess you don’t need to write anything because the picture itself says a thousand words… :slight_smile:

Paul

10-13-2005, 03:13 AM

Thanks docomo. Eto pa isa, pahabol. :slight_smile:

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/cosmic_red_tf.jpg

Maruchan

10-13-2005, 03:19 AM

Thanks docomo. Eto pa isa, pahabol. :slight_smile:

Wow, eto ang pinaka-type ko, Paul! Nice talaga! :king:

reon

10-13-2005, 07:35 PM

thanks for your comments, maruchan and sonix. :smiley:

okey ang mga kuha, paul! pinakagusto ko yung common variety, simple lang at makulay. mas magaling pa rin talaga ang mga kulay ng film, no? ano’ng film ba ang ginamit mo dito?

kalypso

10-13-2005, 09:41 PM

thanks kalypso. sa Hitachi Seaside Park (http://www.hitachikaihin.go .jp/) sa may taas ng Ibaraki ako pumunta at kumuha ng pictures.

side note: interestingly, may nakita akong sign na nakalagay: 秋桜 (autumn sakura) tapos ang reading ay コスモス (cosmos). ang cosmos ba ang cherry blossoms ng autumn?
thanks for the link reon.

hmmm, interesting indeed. you are probably right. first time ko yatang narinig eto.:slight_smile:

kalypso

10-13-2005, 09:54 PM

Paul, beautiful pictures as always. very pleasant to the eyes.:slight_smile: pareho kami ng type ni Maruchan. ngayon lang yata ako nakakita ng cosmos na ganyan ah.

Paul

10-13-2005, 10:33 PM

okey ang mga kuha, paul! pinakagusto ko yung common variety, simple lang at makulay. mas magaling pa rin talaga ang mga kulay ng film, no? ano’ng film ba ang ginamit mo dito?

@reon
iba talaga kulay at dynamic range ng film. Fujichrome Sensia III 100 ang ginamit kong film dito. sinubukan ko lang, first time kong gumamit ng Sensia. yung lens na gamit ko Carl Zeiss Jena MC Flektogon 35mm/f2.4. medyo manipis yung depth-of-field tsaka hindi ko gumamit ng tripod :p. ok tong lens na 'to kasi pwedeng kang lumapit ng husto (hanggang 4 inches), mura pa.

@Maruchan & kalypso
thanks. ako rin ngayon ko lang nalaman na may cosmos palang ganito na patong-patong ang petals. siguro mga hybrid na. royal-something yata ang tawag diyan. sorry, wala kong alam sa mga bulaklak e.

Maruchan

10-13-2005, 10:36 PM

mas magaling pa rin talaga ang mga kulay ng film, no?

Agree ako d’yan, Reon. Iba talaga ang kulay kapag film camera…mas type ko ito. Bago ko i-click, parang mas maingat at attentive ako kasi mahal magpa-develop ng film. :slight_smile:

gabby

10-13-2005, 11:06 PM

Wow! A picture that looks like heaven, so to speak. How come you guys are good at taking hotos like that. Those photos are like the ones I see in the National geographic mags. You are a Pro. Well done.

docomo

10-13-2005, 11:28 PM

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/cosmic_red_tf.jpg

How you took it is pretty cool… good job Paul :slight_smile:

Janer

10-15-2005, 06:38 AM

Wow! Ang gaganda ng flower pictures nyo Reon & Paul! :king: Saka andami din palang varieties ng cosmos ha, nakikita ko kasi yung common variety na iba-ibang kulay lang.

Makikisali na din… feeling ko lang cosmos din 'to :smiley:

Paul

10-16-2005, 02:44 AM

@docomo
How I took it is pretty simple. I just got very close to the flower, focused the lens (manual kasi) and pressed the shutter button.

Now here are my wide-angle shots. The composition is not as good as reon, though.

Maruchan

10-16-2005, 02:58 AM

@docomo
How I took it is pretty simple. I just got very close to the flower, focused the lens (manual kasi) and pressed the shutter button.

Now here are my wide-angle shots. The composition is not as good as reon, though.

Hay naku, Paul, masyado kang humble. All the photos are so NICE! Magaling ka talaga. (Please don’t forget my birthday: March 13) Ahihihi! :hihi:

reon

10-16-2005, 02:51 PM

Okay ang pictures mo Janer, closeups. Gusto ko rin sanang kumuha ng macro kaso mahangin kaya hindi pumipirmi sa posisyon ang mga cosmos. :slight_smile:

Janer

10-16-2005, 08:40 PM

Okay ang pictures mo Janer, closeups. Gusto ko rin sanang kumuha ng macro kaso mahangin kaya hindi pumipirmi sa posisyon ang mga cosmos. :slight_smile:

Salamats Reon! Kung yung napuntahan mo kasi limang milyon yung cosmos, yung napuntahan naman namin ay li-lima lang yata ang bulaklak kaya no choice na kundi mag-macro. Mini-garden lang yun sa gilid ng Johgi temple. :slight_smile:

Paul

11-19-2005, 12:18 AM

Huling hirit ng Cosmos. Super-Saturate it.

http://www.timog.com/gallery/files/1/4/cosmosis_tf.jpg

kalypso

11-19-2005, 12:28 AM

Magnificent! I couldn’t help but sigh in awe.

docomo

11-19-2005, 12:48 AM

@ paul

My vote goes for the second …Simple unpretentious beauty …It’s one of the few ones you took without moving at the time …love it!

…Edges are clear ,You are good and I mean it (jealous of your scenic drive now :stuck_out_tongue: )

reon

11-20-2005, 11:34 PM

Ganda neto Pol. :slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.