Curious lang po...

Teddy

08-03-2005, 05:10 PM

Unang una, pasensya na po sa stupid post ko… pero curious na curious lang ako…

Ano po ang general impression ninyong mga Pilipinos kay Kris Aquino???
Hindi ko masyadong kabisado ang showbiz world sa Pinas, pero she is the only showbiz person na kilala ko. Sa alam ko, kadalasan ay di maganda ang impression nila kay Kris dun kahit na mukhang palagi nasa TV o movie siya.

Bakit naman po? Meron ba dito sa forum ang gusto sa kanya:confused: Mukhang okay siya sa akin… wala lang…:rolleyes:

Salamat po sa mga sasagot nito in advance:)

juy

08-03-2005, 06:31 PM

hi ted!
ang masasabi ko lang eh matalino si Kris Aquio sa lahat ng bagay maliban nga lang sa lovelife!!!
wala lang din, pero isa cya sa mga personalidad na dapat mong marinig ang opinyon o ideya. cguro nga lang eh na iirita ang iba dahil masyado cyang pranka sa ibang tao o di kaya masyadong open ang kanyang buhay sa publiko. pero sa kalahatan para sakin ha… OK cya.

NemoySpruce

08-04-2005, 09:47 AM

Mahirap na magsalita, baka mademanda ako… :smiley:

lovered

08-31-2005, 10:31 PM

ted lam mo gusong gusto ko si kris kasi napaka vocal nya sa nararamdaman niya sa isang tao hindi ko alam kung mag aagree ang lahat pero diba kahit namn tayo pag nagmamahal bukambibig natin yung pangalan ng taong mahal natin

honey

09-02-2005, 01:55 PM

OK si KRIS matalino, maganda, magaling din naman umarte kaya lang ang problema nagmumula rin mismo sa kanyang bibig ang pwedeng ihusga ng tao sa kanya.

piNkAhOLiC

10-05-2005, 06:43 AM

Kris Aquino maybe beyond zero when it comes to love but without a doubt a no nonsense woman.
She was campaigning for her dad and against marcos publicly at 7. Hows that for a 7yr old at that time? She’s smart,rich & famous… Very LUCKY! :wink:

mOtt_erU

09-09-2006, 02:43 AM

hi:)
I think shes Very Smart & talagang talented sa Hosting Career niya.. kaso minsan hindi niya napapansin may ilan siyang interviewees na napapahiya o naOoffend sa comments niya o pananalita niya…
pero I admire yung kaprangkahan at Truthfulness niya sa ano mang bagay,.
yun nga lang Everything should be in moderation…, ika nga.

This is an archived page from the former Timog Forum website.