Do you know?

makulit

08-10-2005, 08:20 PM

Kumusta Timog Members and Guests?

May tanong na naman ako :frowning: Pasensya na po …

Ilang buwan ko nang pinag-iisipan, gusto kong magkaroon ng e-commerce website. Either maging merchant sa Rakuten or sariling hosting ko talaga.

Ang tanong ko po … kailangan kong mag-resigter ng company kahit na online business lang? Pwede ba sya sa 1 yen company lang? I can not afford to pay for japanese staff, e kung online naman kasi, kahit ako lang pwede na, is that possible? May alam ba kayo kung saan ako pwedeng kumuha ng Japanese Import/Export law in English? Anu-ano ba ang dapat kong malaman bago makapag-open ng online business?

Maraming Salamat. Any suggestion is welcome.

goldhorse

08-11-2005, 12:45 AM

From a legal point of view, hindi mo kailangan magparegister as a company para mag online buisness. Kaya lang ang tanong doon ay kung ang mga ka business mo ba ay tumatanggap ng private business? Kunyari may mga asosasyon na kailangan registered companies lang para makasali ka sa virtual shop nila. On the other hand mayroong din asosasyon ng mga SOHO (which is a private business).

Form a taxation point of view, habang maliit pa ang buisness mo, hindi advisable na mag pa register ka as a company. Unang-una, gagastos ka para magparegister, and kailangan ka mag put up ng capital (para sa yugengaisha 3M sa kabushikigaisha naman 10M) at ke may kita ang company mo o lugi man may tax ka pa ding babayaran (50,000 yen for capital 3M below or less than 50 employees).

So bakit ba may gustong maging yugen or kabushiki? Dahil pag private business ka, lahat ng kita mo taxable. Pag corporation ka may entertainment fee na pwede mong i-declare as necessary cost na ibabawas sa kita, and kung aadjust mo ang salary ng mga owners (which is in this case, you) pwede mong palabasin na walang kita ang company. Babayaran mo lang yuong fixed tax na na mention ko kanina.

Tungkol naman sa 1 yen company, kung pwede wag mong gawin. Ang ibig sabihin ng 1 yen company, maski 1 yen lang ang capital mo sa pagtayo ng company, kailangan din magprovide ka ng required amount of capital (see above) after a number of years (5 yata di ako sure). So, minamanmanan ka palagi. Parang may tali sa leeg.

Ang isa pang advantage ng corporation ay siyempre status. May mga business na di makikipagusap sa iyo kung di ka corporation.

Isa pa ay ang financial responsibilities. Pag corporation, pag na bankrupt (wag naman sana) up to yuong assets lang ng companya ang responsibilidad. Pag nabenta lahat ng assests at may di pa bayad na utang, wala nang responsibilidad ang company. Kung private business, lahat ng pagaari mo sakop.

Maraming opinion kung kailan ka dapat maging corporation, sa akin pag may yearly sales ka na ng mga 30M yen siguro. Ang basis dito ay sa financial analyses kaya hindi na kita ibobobre.

So in conclusion, mas maganda sa umpisa na private (or SOHO) ka muna. Ang requirement lang naman ay mag declare ka ng tax as kojinjigyo. Regarding sa Japanese laws, la pa akong nakita na english, in Japanese ako nag aral ng corporate law. (pero di ako bengoshi) In that time di ako nakakita ng english textbook.

Regarding sa import/export, (yan ba gagawin mong business?) pwede kang mag consult sa JETRO.

Hope this helps.

makulit

08-11-2005, 03:36 PM

Hi Goldhorse. Thank you for your information. Have any idea kung pwedeng mag SOHO ang hindi permanent resident? At hindi rin married sa Japanese? Pwede kaya yang hingan na lang ng permission to engage in activity other than that permitted under the status of residence previously granted ?

goldhorse

08-12-2005, 12:05 AM

I can’t say for sure. Mas mabuti na magtanong ka sa immigration para sigurado. Although I don’t think na restricted ang SOHO para sa mga PR or spouse of Japanese. I do know someone na may Jimbunchishiki/Kokusaigyomu na nag sa-side business, although kung may blessing ito ng immigration ay hindi ako sigurado.

makulit

08-12-2005, 01:56 PM

Thanks Goldhorse. I’ll contact immigration and ask. Marami din akong naririnig na foreigners doing some things without immigration’s consent. Pero wala pa akong narinig na nag-start ng SOHO. Advise lang naman ng iba dyan, as long as your paying taxes religiously, its not going to be a problem. Totoo kaya yan? Anyways, I’ll talk to immigration. Salamat ulit!

neblus

08-12-2005, 02:23 PM

I know one person - used to be Senior Director na Filipino in one of the entertainment companies (Warner or somethign else?) na nagtayo ng sarili niyang private company while holding a “working” visa.

[Since magbabayad ka naman ng tax and this time, instead of your company filing it for you, you will get all the papers from your employer, combine it with your own private company and then file the income tax yourself]

More than an immigration issue, it will be an issue sa “employer” mo whether they will allow you or not. In most foreign companies, hindi ko alam sa mga Japanese companies ngayon, you will be required to sign “Integrity statements” or Compliance documents saying na if you are an officer, director, owner of such and such group, you have to DECLARE regardless whether within Japan or overseas.

Might as well check that…

makulit

08-13-2005, 02:48 AM

More than an immigration issue, it will be an issue sa “employer” mo whether they will allow you or not. In most foreign companies, hindi ko alam sa mga Japanese companies ngayon, you will be required to sign “Integrity statements” or Compliance documents saying na if you are an officer, director, owner of such and such group, you have to DECLARE regardless whether within Japan or overseas.

Might as well check that…
Hi Neblus. Am not worried about this part. There is no conflict of interest naman.
Thanks!

makulit

08-21-2005, 01:49 AM

Hi TF Members.

Am conducting a survery :smiley:

I hope to launch my ecommerce website first quarter of next year. If you are to visit my shopping site. What do you expect? What do you want to buy? Are there any specifics?
Ano po ba yung gusto ninyong makita sa store ko na will make you come back again
and again.

Will appreciate your input. Maraming Salamat!

This is an archived page from the former Timog Forum website.