Eye opener: Walang kwenta ang Pilipinas

shadowman

07-27-2005, 12:36 PM

Sharing…

With all that’s going on, I’m tempted with supportng this idea. But we
really need to give a voice to the taxpayer, who is giving life to
government.


Walang kwenta ang Pilipinas

By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw na magbayad
ng tax…ever!)

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga
nangyayari sa bansang 'to!

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos,
pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa
bawat
isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala
namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng
kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad
at tangang Pilipino, patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala
namang silbi.

Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng
Malabanan ? saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka
na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa
mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila
sugapa sa kapangyarihan at sa pera.

ANAK NG TETENG! !$#%Q!&!* @!!!

KAHIT KRISTIYANO AKO, HINDI KO MAPIGILANG MAGMURA AT HILINGIN SA
DIYOS (MINSAN NGA PATI SA DEMONYO) NA MAMATAY NA SILANG LAHAT AT
I-BBQ SILA NG HABANG-BUHAY SA IMPIERNO.

SINONG “SILA”? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND
WORKERS,
MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN
NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARISTANG
TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS
NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!! MAMATAY NA KAYO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan
ang masa! Mahalin ang masa!

PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA PUNYETANG BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING
ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO
BAWAS NA ? KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA
'TO!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA
NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX!!!

F**K YOU! KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN,
KAHIT
SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC
CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW’S, LABORERS AT IBA PANG
NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX ? KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA
BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto
kong
maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero
ginagamit
lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko,
pamilya ko at ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng
chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko.
Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera,
junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang
napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa
isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes.
Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga
corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na
hirap
akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga
mansyon.
SUV’s at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa
pedicab lang sumasakay!

P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba
galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap,
di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng
mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA
TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng
katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera
sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

PUNYETA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos.
Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future
criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong
namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher
na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA
NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA
LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya
nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo
lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang,
nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy.
Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at
maduming lugar ? SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at
kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na
mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga
adhikain.

PUNYETA! EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA
MUKHA NYO!

MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAX
COLLECTION BA SA BUNDOK?!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO,
HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA
KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI
NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG
PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA
IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA
NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA
ANG
TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin (mas maganda kung patayin na lang) ang lahat ng pulitiko at
political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang
organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng
hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga
bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral
sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng
bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit
sino.
At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos
lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng
kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng
pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain
pero
takot namang mamatay para dito.

(Sa mga nakaka-alam sa anime na Gundam Wing, yan ang inspirasyon ko
sa new Pinas hehe. I love you Zechs! I love you Treize!)

Hangga’t hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang
kwenta
ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga
Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang
panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak.
Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi
silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na
magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang
kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang
magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito.
Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang
bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko.
Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko.
Gusto
ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh
maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang
bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck
and God bless! Sana tama kayo at mali ako.

RISINGSUN

07-27-2005, 12:58 PM

I agreeeeee.:tiphat:

honey

07-27-2005, 03:39 PM

agree ako:) sana lahat makabasa nito lalo na ang mga nasa gobyerno at ang nagpupumilit sa pwesto.

shadowman

07-27-2005, 04:00 PM

You still haven’t read the whole story…abangan nyo ang response ni jologs kay
jawbreaker…sigur adong iiyak kayo.hehehehe

logical

07-27-2005, 06:44 PM

hehehe:D napakagandang pangungusap. sang ayon ako lahat dyan. tama ka

stanfordmed

07-27-2005, 06:51 PM

:thumb: Heavy, dude! 'Couldn’t agree more.:thumb:

NemoySpruce

07-27-2005, 08:54 PM

This is my first post. Glad to see that many of us are getting heated up about this crap. Sobrang nakakapikon na nga. Opinyon ko lang, lahat naman ng bansa may kurakot. Sa states nga presidente nila tuta ng oil companies eh. Dito din sa Japan palagay ko meron din mga kurakot. Ang diperensya lang, ang mga kurakot sa industrialized countries, naiintindihan nila na kelangan din nila alagaan ang kababayan nila, kasi global na ang labanan. Sa pinas eh utak trapo pa din mga pulpol na politiko. Mani mag isip, masaya sila na naiisahan nila kababayan nila, pero di nila alam, naiisahan sila ng mga dayuhan… sana na lang ma realize nila bago sila mamatay, ang katangahan na ginagawa nila… wala akong rekomendasyon or solusyon. di naman ako pulitoko eh… kakabwiset lang. Ganda ng Forum nyo… two thumbs up!!

v_wrangler

07-27-2005, 09:03 PM

Ano ba yang jologs jologs na yan? Parang tunog itlog. PAsensya na kabayan di tayo updated sa mga bagong salita eh.

nick

07-27-2005, 09:21 PM

Heavy stuff for first posts, shadowman and NemoySpruce! Welcome to Timog Forum.

Ganda ng Forum nyo… two thumbs up!!Shouldn’t that read, “Ganda ng Forum natin.”?

Paul

07-27-2005, 10:25 PM

Ano ba yang jologs jologs na yan? Parang tunog itlog. PAsensya na kabayan di tayo updated sa mga bagong salita eh.
pareho pala tayo v_wrangler. ako rin hindi ko maintindihan ang mga bagong salita sa 'tin e. mukhang kelangan natin ng talasalitaan ng mga bagong salita. meron ba nun sa national bookstore? papabili ko. :smiley:

skywalker69

07-27-2005, 10:27 PM

Well, I agree to all that you’ve said bro especially dun sa national and political cleansing but I also would like to add na we have to systematized the plan and procedure on how to do it. Like Hitler did when he wished to do a racial cleansing for the Germans(Aryan race) from the Jews. Kailangan mabigyan talaga ng kaukulang kaparusahan lahat ng politiko na nagkasala mula pa sa panahon ni Marcos hanggang ngayon kay GMA and I don’t agree to lifetime sentence only, mas maigi kung public execution where the public could view it para hindi pamarisan and iisang tabi muna natin ang human rights at kung anu-anong batas pa na maaaring sumagabal dito. A civil war may work, but a coup d’etat from military would do and then a new constitution and snap election would follow and of course I agree na only those who pay their taxes should be given the right to vote kasi pera natin ang ginagastos pag dating dyan kaya dapat boses natin ang marinig hindi ng maliliit nating kababayan na walang pinag aralan at mga tamad. How we should choose to nominate each candidate as official representative of the people and how to make sure he has no “utang na loob” to other entity should be studied more. And finally, I agree that forced labor should be enforced here in our country and the children with irresponsible parents should be seperated and should go to school and be thought on how to truly love and served their country while their parents maybe working in forced labor since they are bad examples. Criminals should be put in an isolated island with no means of escape. The rich and famous but are actually corrupt should suffer the same fate as the dirty politicians and so with the people in the military and police who sought ties with politicians and richman for personal gains. Then and only then would there be hope for a better and new Philippines! Sana ma magkalakas ng loob na gawin at simulan ito, sana mangyari ito sa panahon ko, ang lahat ng pagbabagong ito that will make me a proud Filipino again! Let’s joined together to make this country better again, sana magtulungan tayo! Sana hindi lang tayo puro salita katulad ng mga pulitiko natin nagyon!

NemoySpruce

07-28-2005, 07:08 AM

Ang sarap nga siguro makita na maparusahan ang lahat ng magnanakaw sa pilipinas. Lahat sila, not just politicians, but all those who take advantage of other people who just want to be left in peace. Ang malaking tanong ay, pano mo malalaman at huhusgahan kung sino ang tao na dapat bitayin. Sino ang mag de-desisyon? kung magkaroon man ng rebolusyon, sino ang magpapatakbo ng bagong gobyerno kung sakali? malungkot man isipin mga kababayan, hindi ma-iiwasan ang politiko. There will always be politics. Kahit sa bahay natin, sa kanya kanyang pamilya ay may politiko. Kahit dalawa na lang kayo ng gelpren or boypren mo sa loob ng kwarto, may politiko pa din. Malaki ang problema ng Pilipinas pero sigurado may solusyon ito, at pwede to magawa within our lifetimes, or within 30-40 years kung buhay pa tayo pwede natin makita ang Pinas na maayos. Ano basis ko? 40 years ago, ano sitwasyon ng Pilipinas? maayos naman diba? so kung anu nagawa ng mga tao in 40 years kaya din yan i-reverse… mas marami pa tayo ngayon dahil sa population eksplosion ng mga alang mgawa kungdi ‘magkalabitan at magsundutan’ … kaya siguro mas marami tayo magagawa. Anong solusyon? Ewan. baka kayu may maisip. post nyo lang.

pointblank

07-28-2005, 02:54 PM

Hello, pipol of the da repablik of Timog Forum. Eto na naman si ako, getting involved in political discussions… anyveys…

I agree in principle na dapat ay controlled yung voting rights at i-limit doon sa mga may malasakit o contribution sa progress ng bansa. One very obvious manifestation of such a contribution is the payment of taxes.

Pero pag ini-limit mo ang voting sa mga nagbabayad ng taxes, siguradong mas mabilis pa sa alas quatro (saan nga pala nanggaling yan expression na yan, bakit hindi alas tres o alas singko - any linguists in the house?) ay nagpro-protest ang mga human rights group na elitista ka at may discrimination sa mga mahihirap.

May I therefore propose a solution that would solve this technicality: hindi mo kailangan magbayad ng taxes pag wala kang significant income, pero kailangan mo pa ring MAG-FILE ng income tax return, kahit na below taxable levels ang income mo. All voters should be required to get an income tax number (TIN) and keep it active by filing returns every year for a certain number of years before an election. This way, hindi nila maaring sabihin na discriminatory, dahil duty ng bawat adult citizen ang mag-file ng tax return, at since libre naman yung income tax form. I think it is not too much to ask voters to prove their allegiance and interest in the welfare of the nation by asking them to file a return once every year. An additional benefit of this system is that it will lessen the chances of dead people voting (in short, the classic dagdag-dagdag technique), since logically, potential cheaters will not go through the effort of filing income tax returns annually for non-existent citizens just so they can get multiple ballots once every 3 or 6 years. It also increases awareness, even among the poor, that there is such a thing as the duty to pay taxes - para ma-wean off sa mendicant mentality.

I have also another proposal which is even more radical and controversial: there should be a law that prevents people who become politicians, elected officials, high-ranking bureaucrats, and senior military officers and their immediate relatives from ever leaving the Philippines to reside abroad. Pwede silang magbakasyon ng let’s say one month maximum, pero di sila pwedeng mag-immigrate o magkaroon ng long term visa sa ibang bansa. This should be made a trade-off for anyone who is seeking a position of “public service” kuno.

Why? In order to prevent them from stealing money and sneaking it out of the country. In order to prevent them from plundering the Philippines without shame or restraint, since they think they can leave the country anytime anyway if it collapses. The only way you can prevent these people from totally destroying the Philippines for their personal gain is to ensure that their fates are directly tied to the destiny of the Philippines. Kung lumubog ang Pinas, sige, kasama kayo sa paglubog, kaya tigil-tigilan niyo na yang paghuhuthot ninyo!!

To illustrate: maraming foreigners ang nagsasabi na mas systematically corrupt pa raw ang Indonesia kaysa sa Pinas; pero sa Indonesia, ang pera hindi linalabas - iba lang ang may-ari pero yung pera nasa loob pa rin ng bansa - reinvested in industries and businesses at nag-ge-generate tuloy ng employment. Kung hindi natin mapigilan ang pagnanakaw, at the very least, we should prevent the money from leaving. One way to discourage this is to make sure potential stealers cannot leave - anong gagawin mo sa pera mo in a Swiss bank o sa mansion mo in California kung nasa Pinas ka naman for the rest of your life?

Papaano uunlad ang isang bansa kung mismo mga generals mo ay nahuhuling nagsma-smuggle ng bayong-bayong na pera into the US to buy luxury properties? If your senior military officers have green cards, nasaan ang loyalty nila? Di kapani-paniwala! :mad:

stanfordmed

07-28-2005, 07:36 PM

I have also another proposal which is even more radical and controversial: there should be a law that prevents people who become politicians, elected officials, high-ranking bureaucrats, and senior military officers and their immediate relatives from ever leaving the Philippines to reside abroad. :mad:I vote to the aforementioned proposal of pointblank. Marami na kaming naging patiente na former Philippines corrupt politicians. They are and were (sorry patay na yo’ng iba) filthy rich, living in a wealthy neighborhood and have no problem paying their hospital bills in cash! Kung minsan isang buwan na nasa hospital… at may iba pang reason, kaya lang ‘di p’weding i-mention due to confidentiality.
FYI: :gossip: one Marcos’ daughter nakatira sa wealthy neighborhood sa California (kapitbahay ng kaibigan ko kaya alam ko) at may video sourveillance pa ang multi million dollars na bahay n’ya.

skywalker69

07-30-2005, 03:29 PM

well, if all are lost to philippines, then we should go to last resort of bloody revolution! enough of those peaceful revolution kung saan pati diyos ay idinadamay para ipakita lang na sila ang good side! i am sick and tired of those tricks! ang kailangan natin ay isang tunay na rebolusyon na magmumulat ng kaisipan ng bawat pilipino since hindi pa nakakatikim ang pinas ng ganitong rebolusyon in 100 yrs already! and i believed na this is also a way para maibalik ang lost nationalism sa 'tin. yan naman ay kung hindi na natin matigilan ang pamumulitika at pangungurakot ng bawat isa at hindi natin malaman at masabi kung sino ba ang kakampi sa kalaban!

pinaypie04

08-14-2005, 01:26 AM

even though na ganyan ang pilipinas… all i know is na dyan ako lmaki… and i should love my country whatever happens… and for me… philippines is one of the best country… kse msya d2… hNd 2lad ng ibang country asenso nga kso nakakabagot nmn ang buhay… =P i know d kayo aagree sken… =D

Dkid

08-14-2005, 09:04 PM

There should be a radical change at all cost. It is a very good start to limit the voters only to the taxpayers . This idea is so reasonable and doable

jay402c

08-16-2005, 07:22 PM

heto ang headline sa Inquirer kanina…

Teves: Deferring VAT
will hurt poor [I]

itong bansa natin,alanganin akong matuwa at mainis.alanganin ko din sabihin na napakaswerte o napakamalas.bakit ko po nasabi?

  1. napakaraming nagko-concern na pulitiko sa mga mahihirap pero ngunit datapwat pahirap pa din ng pahirap ang buhay nila.

2.mahirap na bansa daw ang pilipinas pero bat ang daming nag aaply ng tourist sa mga mayayamang bansa?

3.wala daw pera ang mga tao pero puno lagi ang mga mall at padami ng padami ang mga SM at robinson.

4.mahal daw ang bilihin pero lahat naka selpon at panay ang teks.mas maraming pinoy pa nga sa pinas ang may nakasabit na ginto sa leeg kesa sa mga hapon sa jpn.

5.ang daming gustong kumandidato ,kung paramihan ng gustong maging public servants,walang panama ang japan at usa sa kaunlaran ang bansa natin.

MiaAiko

08-20-2005, 11:07 AM

Well, mukha pong updated ang lahat, ako naman eto lang ang maidadagdag ko.

  1. Yes halos sa pinas, ang lahat ng tao may cellphone Bakit!
    *mura kasi ang 2nd hand na cellphone sa pinas. Php1000.00 lang may mabibili ka na.
    *mas ok ang function ng Cellphone kaysa sa landline ng PLDT or Bayan Tel.
    **hindi ka magkakaroon ng sira na line… na ang tagaltagal bago i-repair.
    **pag gusto mong magpalit ng number…ang hirap…mag iintay ka pa.
    **mahal ang landline PLDT600.00++ BayanTel400.00++
    **dapat mag iwan ng tao para sumagot ng phone kapag may inaantay na tawag.
    *sa cellphone naman eto ang rason bakit type ng lahat.
    **mura yun load…may Php30.00 makakapag text ka na.
    **pag maraming nanloloko sa number mo… bili lang po ng bagong sim card. ok na!
    **sure wala kang mapapalusot ng tawag pwede mong idala kahit nasa CR or supermart, kahit sa palengke pwede.
    **mga text joke na natatangap ng cellphone na nag bibigay aliw, balita at yun mga grafix at sms picture na hindi kaya ng landline.

3.wala daw pera ang mga tao pero puno lagi ang mga mall at padami ng padami ang mga SM at robinson…galing mo mag observe!
**pero nakakaawa rin yun mga mall, madami ngang tao nagpapalamig lang po ang karamihan, hindi bumibili.
**sumusulpot ang mga mall na parang mushroon diba? puros utang ang ginagamit nila sa pagtayo, kumikita sila sa rental ng mga tenant. hindi sa mga mamimili.

betong

08-20-2005, 02:56 PM

Well, I agree to all that you’ve said bro especially dun sa national and political cleansing but I also would like to add na we have to systematized the plan and procedure on how to do it. Like Hitler did when he wished to do a racial cleansing for the Germans(Aryan race) from the Jews.

Hindi ba medyo maselan na gamitin si Hitler bilang halimbawa.

Anyway, I agree that the current administration is corrupt to the bone and that most of them have to be taken from their seats. But mob rule (kilawin, katayin at kainin) is probably not the best way to go about making an over-haul of the system.

What I believe will save the country is education. The people should be educated to be able to choose the leaders for what they stand for and not for their mass appeal. People should be educated to be able to see their way out of the poverty they are in now. And not by leaving the country but by helping to build it. An Austrian uncle of mine who lives in Manila told me that it’s hard to deal with Filipino’s in everyday business because everybody’s trying to cheat everybody. Maybe with education we can get rid of the tribal mentality that drives everyone of us to think first of our own family (tribe) before the good of the whole community. The Japanese were able to do it and built itself up from the ravages of the second world war. Why can’t we?
My guess is that thru our tribal mentality we strived to make only those of our own tribe to gain without thinking of the welfare of everybody else. Thus the cronies, the despotism and the continued wealth amassing of the oligarchs.

Maybe, as has been told to me several times, it is us the expats that have to change everything. Dapat daw tayong bumalik sa ating bansa para ipakita sa mga tao ang mga mali na nangyayari sa ating bayan. Sometimes you have to get out of the circle to see what is happening inside of the circle. Di ba pati si Jose Rizal at ang kanyang mga kasama bumalik galing sa yuropa para sa ating bayan…

docomo

08-28-2005, 11:38 PM

… I guess the only way for our country to improve is that EVERYONE stay UNITED…maybe it’s time for us to be good examples to each other and stop blaming our woes to the politicians…Let’s pay it forward, in whatever little things we can do. It’ll be a kinder and warmer world then :slight_smile:

shyboy

08-29-2005, 01:41 AM

ako against ako sa limited vote na yan. very fundamental ang right to vote for a citizen para ipagkaila lalo na sa mga mahihirap na halos walang makain. wala na nga silang makain tapos aalisin pa natin sila ng karapatang bumoto. by the way, lahat ng pilipino ay nagbabayad ng tax, mula sa isang butil ng bigas na kinakain nila hanggang sa milyon-milyong bahay o property na binibili nila. in fact patong patong na ang indirect tax na nakapatong sa mga bilihin sa pinas.

dapat siguro ang dapat gawin sa mga hindi nagbabayad ng tax na may taxable income ay ipakulong.hehe dapat ding tanggalin sa trabaho ang mga empleyado sa gobyerno na nag-a-under the table. problema ng mga pinoy maigsi ang pasensya at marami sa atin ang walang disiplina. kaya nagmumukha tayong katawa-tawa sa mata ng mundo. imagine naka-ilang people power tayo in a decade?

marami sa atin ang exempted sa income tax dahil na rin sa kahirapan. wag na nating ipagkaila sa kanila ang karapatang bumoto. sa halip siguro ay turuan natin sila na mag-isip ng tama sa pagde-desisyon sa pagboto. dapat siguro ang media natin ay i-focus ang kanilang mga balita sa mga plataporma ng kandidato. nung huling eleksyon, ni wala akong nabasang plataporma ng mga kandidato sa dyaryo sa halip ay puro tungkol sa survey ang nababasa ko. ni hindi mo nga alam kung ano ang idelohiya ng mga partido sa atin (baka naman wala)dapat din siguro na ipagbawal kumandidato sa atin ang mga balimbing, kaya tuloy nalilito ang mga botatante.

dapat siguro ayusin ang education system natin at mag-create ng total awareness tungkol sa issues na dapat ayusin at kung ano ang nararapat na gawin para umayos ang pinas. dapat siguro ang mga nagpapakamarunong na pilipino ay tumigil sa kadadakdak at sa halip ay umaksyon para mapaayos ang pilipinas. dapat siguro ang mga matatalino nating kababayan na nasa ibang bansa ay bumalik sa pinas at tumulong sa pagpapaahon ng pinas. pero kung minsan di na rin masisisi ang ilan sa atin na nananatili sa ibang bansa dahil na rin sa kagustuhan na maayos ang buhay ng napakaraming dumedepende sa kanila.

against violence ako. di na kailangan pang dumanak ang dugo para mabago ang pilipinas. kailangan siguro (temporarily) ng medyo authoritarian na presidente gaya sa singapore noon. im willing to give up some liberty para sa ikabubuti ng pilipinas. sa mga panahong ito, dapat di na tayo nagsisisihan, kailangan lng ng gawa, pagkakisa, at tyaga.

shyboy

08-29-2005, 01:58 AM

…but I also would like to add na we have to systematized the plan and procedure on how to do it. Like Hitler did when he wished to do a racial cleansing for the Germans(Aryan race) from the Jews.

i dont think we should even think of citing Hitler or his example para mapaayos ang pinas. this is just going too far. lets not forget that what hitler did was evil…very evil in fact.

peace

piNkAhOLiC

10-05-2005, 02:03 AM

I do pay taxes and I know I have every right to demand for change but don’t EVER think that the change must come only from our government. If we want change, change should begin with OURSELVES. Change our attitude - our habits. LET’S START LOVING OUR COUNTRY MORE. :yesyes: Loving means continuing to believe that YOU and ME can make a difference, in whatever small way. If we can make a difference in our home, we can make a difference in our community, and we can inspire other people to change for the better as well.

May point si Jawbreaker (whoever he is) pero, I think mali siya sa iba niyang points. Tama ba namang sabihing walang kwenta ang pinas? At laitin ang mga tao at halos lahat na nga bagay sa Pilipinas?! Marami sa atin ang tingin sa Pilipinas ay ‘‘walang kwenta’’. Hindi ba natin alam na our country is where it is at because of ALL of us? NO ONE is exempted. Just think about this ha, kung ikaw ay isa sa mga taong nagtatapon ng basura sa bintana ng kotse mo, o isa ka sa mga nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalsada, GUILTY karin katulad ng mga opisyal na corrupt sa bansang ito. Kung kahit sa isang segundo e,pinangarap mo o naisip na"sana hindi kona kailangang magbayad ng tax" ,GUILTY ka rin… Eh pag di mo nga makanta ng maayos ang pambansang awit eh you’re considered a part that makes this country disgraceful eh!.

I find his essay self-centered… :shutup:I mean, puro sarili nalang niya ang iniisip niya… Yes, i understand na sobra-sobra ang paghihirap niya… But,walang siyang konsiderasyon sa iba. I mean, pinapakita niya yung galit niya sa mga mahihirap… It’s true na yung greater majority are not tax-payers but only because they do not have jobs and they do not have enough opportunities to better their lives. We who are more blessed and who have more in life are RESPONSIBLE for the poor because they are our countrymen. If we consider ourselves “Filipino”, WE HAVE A RESPONSIBILITY to make our country a better place to live in, not only for us but most especially for our less fortunate brothers & sisters! Kung gusto niya umasenso ang bansa, ipakita muna niya na mahal niya ang Pilipinas… Gaya nga nung sinabi niya na kung kakayanin, aalis na siya ng bansa… Hello?! Wouldn’t it be better na nandito siya at kaisa sa pagtulong sa pag-asenso ng bansa… Hindi ba siya magiging proud na one day, pag umasenso ang Pilipinas, masasabi niyang, “ISA AKO SA TUMULONG AT NAGPAKAHIRAP NA PAANSENSOHIN ANG BANSA…” rather than saying na walng kwenta yan mga yan, puro ako pakahirap, wala namang nanyayari… I pity him…:doh:

Just my 2 cents ! :fence:

shyboy

10-06-2005, 01:17 PM

agree!

mOtt_erU

09-12-2006, 07:22 PM

:smiley: Hi Shadowman

Sabagay may POINT yang Ordinaryong Office Worker na yan.
Halos lahat ng sinabi niya sa post eh katotohanan lang naman.
pero sana nga , hindi pa huli ang lahat sa mga Bansa nateng Pilipinas at sa mga kapwa
Pinoys naten…sana nga may Pag-asa pa.:slight_smile:

love0308

09-16-2006, 02:11 PM

Nice post saludo po ako dito. Kaya nga si ate nag resign na sa trabaho sayang lang daw ang talino nya dahil kahit supervisor na siya parang wala din dahil sa liit na nga ng sweldo laki pa ng tax. Kaya tuloy yung iba mas gusto pang mag DH kesa maging ordinary employee sa Pinas. kahit anong sikap mo balewala. Grabe corruption sa atin kaya sa susunod di na lang ako boboto. Buti pa nung panahon ni Marcos kasali tayo sa third world country. Ngayun ano turing sa atin? pinaka corrupt na bansa. Di kaya nahihiya ang mga nakakataas. Puro rally Puro prinsipyo saan ba patutungo yan! At yung mga malalaki katawan diyan mahiya naman! Daig pa kayo ng mga bakla na successful sa buhay! Mahiya naman kayo!:mad: :grrr: :karate: :nono:

This is an archived page from the former Timog Forum website.