Filipino school in Japan

Tonyang

11-26-2005, 11:04 AM

Hi Folks! :stuck_out_tongue:

Herewith is the curriculum of Manila Xiamen International School in
China… this is a model school for us.

Appreciate your comments as we proceed to the feasibility… patulong
na lang sa paghakot ng mga survey data natin sana. Thanks.

Online survey for Filipino school in Japan is at

http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm

Various agencies and organizations as well as individuals and
diaspora funds could be tapped to build a very transparent trust
fund… yes it is possible with everyone’s help. Let’s be
visionaries in action.

If you’re interested to help, please disseminate our online survey to
your friends who have children in Japan.

many thanks and persevering,

Tonette B:D
www.tpmovers.org
www.ruralcomp.net
www.ofw-salusalo.net

The curriculum combines features from the Eastern and
the Western models. We use two (2) international languages:
English as our medium of instruction and Mandarin as a
second language. We employ foreign as well as local
teachers. Our textbooks in Mathematics, Social Sciences,
Science, Literature/Reading and main references are
basically from the respectable world publishers such as
the Prentice Hall, Scott Foresman and Ginn, Silver Burdett,
and for high school mathematics, we use the
University of Chicago School Mathematics Project.

Summer!

11-26-2005, 10:48 PM

Tonyang san, akala ko ba Filipino school, bakit hindi na lang Tagalog ang second language, Mandarin? kasi Manila Xiamen, so parang Chinese Intl school di ba, paano na ang kulturang Pinoy, at salitang Pinoy, ituturo din ba?

Tonyang

11-27-2005, 07:44 AM

Kabayan, maraming salamat sa iyong tanong.

Sample model na overseas Filipino school natin ang Manila Xiamen International School kung paano ito naitatag sa Xiamen City at Fujian Province sa China. Interesado tayong maintindihan kung anu-anong curriculum ang ginagamit nito para sa mga Filipino-Chinese at Filipino student na nandoon. Alam mo pinag-aaralan natin ngayon para sa Filipino School dito sa Japan kung anong curriculum ang magandang gamitin para maabot ang international standard.

Kabayan, di lang Manila Xiamen International School ang puwedeng modelo - nandiyan din ang Indian International School na nasa Koto-ku. Dalawa iyang anggulo sa ngayon:

Una - Philippine school model overseas - mga nabuong school sa Saudi, China, Greece etc.
Ikalawa - Japan-based overseas school model - mga nabuong foreign school sa Japan

Dito sa Japan, ang tinatarget nating Filipino school ay may bicultural orientation na minimum requirement nito. Pinakaimportante ang kaganapan ng isang Japanese-Filipino identity. Next iyung active participation ng mga magulang sa pag-raise ng kanilang mga anak dahil sa ngayon, may nangyayaring blind parenting dahil sa problema sa language at culture ng karamihang Pilipina.

Pinaka-basic na understanding siguro iyung pagtuturo ng mga hindi natututunan sa isang regular Japanese school. Ibig sabihin Japanese at Filipino cultural system ang ituturo, may awareness sa mga religion at may international atmosphere.
:dogpile:

Paki-spread sana ang balita dahil kailangan natin ng maraming data para mabuo ang ating feasibility. Ang tulong mo rito ay tulong mo na rin sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino sa Japan.

Ang survey na ito ay nasa http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm .

Tanong lang Kabayan tungkol sa Filipino school sa Japan at pipilitin kong masagot ang mga ito sa abot ng aking makakaya.
:king:
Sa ngayon, nasulatan na natin ang various agencies at mga puwedeng makatulong sa pagbuo ng building nito sa Japan. Babalitaan ko kayong mga interesado sa project na ito.

richie

11-27-2005, 04:17 PM

Hi! Puedeng paki-elaborate at iditalye kung how important and unique ang project na ito para sa mga bata. Yung mga binanggit mo dito, Kaganapan ng isang Japanese-Filipino Identity at sa nangyayaring Blind Parenting are too generalized and therefore vague to join. Otherwise, magsusugest na lang ako ng katamtamang room na parang sa cram school or Juko (forgive my spelling) para diyan.

Kung ang medium ay English which di maikakailang magagamit ng mga bata in the future kahit saang lugar sa mundo. My preference is that religion should not be included because anong secta naman? Filipino values instead.:slight_smile:

Tonyang

11-27-2005, 08:34 PM

Richie, may mga extension school na existing na sa ngayon pero irregular ang mga ito at karaniwan, iilan ang pupuwede sa mga sked. Karaniwan pa, ang mga ito ay volunteer activities lamang at walang standard na sinusundan.

English ang medium ng karaniwang extension schools.

Sa Meguro, mag-uumpisa kami ng isang bicultural orientation class para sa mga Japanese-Filipino children pero extension class lamang ito pag Linggo. Sa January ang umpisa nito kung sakali.

Tanong ko lang sa iyo Bro… may mga Japanese-Filipino children sa iyong paligid? Naoobsersabahan ang kakulangan ng Japanese-Filipino identity at blind parenting? Kung hindi, maigi. Walang problema sa paligid mo kung gayon.

Una sa lahat, ang may final say pa rin kung saan dapat pag-aralin ang mga bata ang kanilang mga magulang. Ang pagkakaroon ng isang Filipino school ay idinadagdag na option lamang. Alternative school lamang ito sa umpisa. Kung nakikita ng mga magulang na walang problema sa pagpapalaki nila sa mga bata o nai-enhance ang galing ng mga kabataan para maging Japanese-Filipino sa pamamagitan ng sistema nila, mainam. Kung ganito, di na nila kailangang mag-participate sa isang Filipino school. Pero paano iyung mga lumapit at mga lumalapit na mga magulang na halos bukas din kung mag-uumpisa ito ay ililipat na nila ang kanilang mga anak? Di natin puwedeng isawalang-bahala ang mga ganitong reaction.

May learning curves ito mula sa conception ng physical at internal structures nito maging sa pag-proseso ng accreditation at licensing nito.

Paki-spread sana ang balita dahil kailangan natin ng maraming data para mabuo ang ating feasibility. Ang tulong mo rito ay tulong mo na rin sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino sa Japan.

Ang survey na ito ay nasa http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm .
:king:

Summer!

11-28-2005, 09:30 PM

Sana magkaroon ng proper accreditation Tonyang san, para naman makapasok tayo diyan kasi sa totoo lang, ako bilang isang ina, maraming dependency sa asawa at biyenan ko pagdating sa maraming bagay dito sa Japan. Ngayon, kung magkakaroon ng ganyang school, mas malaking convenience para sa akin dahil di ko kailangang i-asa sa iba ang complete understanding sa affairs ng anak ko sa school. At magkakaroon pa siya ng chance na mapasok sa isang IS which offers more than a usual school elsewhere. Sana rin, di lang sa Tokyo iyan, kundi sa iba pang lugar, sana dito sa Saitama, in particular meron, paki-include na ito sa feasibility niyo.
Thanks and more power! Bilib ako sa mga tulad niyo na gumagalaw through vision, na kahit maraming odds, lumalaban dahil naniniwala sa mas mabuting resulta nito later on.

richie

11-28-2005, 10:43 PM

Tonyang,

I talked to a friend about your project and the undergoing feasibility study. Her questions were: the medium of instruction and the accreditation and licensing. Thanks sa reply mo.

Ang concern ng mga kababayan natin dito sa amin banda, halos lahat kami, ay ang English ability ng mga anak namin. Kulang na kulang ang exposure nila. Sa dami ng mga Filipina dito, they will grab the oppurtunity kung hindi kalayuan lalo na kung makakaya ng bulsa, which makes us shy away sa mga English language schools.

Sagana sa mga Filipino-Japanese children dito , sana mag-open din kayo ng extension school. I try to help you if you will let me know.

sige ngarud!:slight_smile:

Tonyang

11-29-2005, 07:10 AM

Comment tungkol sa Filipino school in Japan Project:

‚ÄúMaganda talaga ang isang Filipino school dito dahil nga hindi naman nabibigyan ng emphasis ng Japanese curriculum ang English proficiency na nagreresulta sa pagiging ‚ÄúJapanese-only-speaking‚ÄĚ child. Hindi katulad sa Pilipinas na kahit 7 years old ay kahit paano nakakapag-English na, kahit pa sa isang public school lang nag-aaral. Sana lang, hindi Catholicism ang iturong relihiyon, kasi hindi naman lahat dito ay Katoliko, kung hindi kaya ng isang non-Catholic curriculum, maging isa na lang sanang neutral o non-gospel school ito. Meaning, magtuturo ng Kristiyanismo ayon sa Bibliya at hindi ayon sa kung anu-anong pampleto, libreto na di ayon sa pananampalataya ng lahat.‚ÄĚ

<><><><><><><><><>

Filipino school sa Japan - para buhayin at palaganapin na ang Japanese-Filipino identity ay isang advantage at hindi disadvantage… tulungan natin ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagkakalat ng balita at pagtulong sa survey na na nasa
http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm .

Bakit kailangan ng survey? Para malaman natin kung saan ang concentration na nakararaming JFC (Japanese-Filipino children) at ilan ang gustong mag-aral. So far sa 170 na na-survey na natin, 1 lang dito ang hihingi pa ng permission ng asawa bagong sumagot ng OO sa Filipino school sa Japan. Karamihan sa mga sumagot ay nasa Saitama at Tsukuba. Baka ibig sabihin nito, sa Saitama o Tsukuba ang unang school natin. Kaya hintayin natin ang iba pang sagot mula sa mga Ka-Timog Forum natin at OFW-Japan Forum sa Yahoogroup. Maraming salamat.

:dogpile:

Muli ang tagumpay ng proyektong ito ay tagumpay nating lahat na mga Pilipino sa Japan dahil tayo ay madalas na minamaliit sa bayang ito dahil na rin siguro sa ating mga kagagawan. Pero ito na nga ang isang paraan para maibangon ang bagong image nating mga Pinoy… dahil concerned tayo sa paglaki ng mga JFC.

nick

11-29-2005, 08:49 PM

Hi Tonyang, I merged your new post into your original thread. All topics regarding your proposal for an international Filipino school in Japan should be in one thread‚Äďto keep the forum in order. People also seem to notice longer threads better than several separate posts. Yoroshiku onegaishimasu.

This is an archived page from the former Timog Forum website.