Have you ever been in love and What is the meaning of love to you ?

midnight

12-26-2005, 01:27 AM

Hi guys ! Alam ko na marami na sa atin ang nakaranas ng mainlove ng husto before or present. I just want you to share your experiences & kung nagkatuluyan man kayo nong love mo or true love mo.Kung hindi naman, what is the reason of your break - up ?
I belive that Love is giving,understanding & trust. I also think that Love is Pain.
I fell so much in love before & we didnt work out coz it lead to a Long Distance Relationship.We still contact each other & i believe that we are good friends. I would never stop caring for him & he’ll always have a special place in my heart.

docomo

12-26-2005, 01:54 AM

@midnight

… meron na rin tong katulad ng question mo … si fisher ang starter ng thread … :slight_smile:

midnight

12-26-2005, 01:58 AM

@docomo

ganon ba, i didnt know.anyway, for those who want to share i’ll be happy to listen to your stories:wave:

japphi

12-26-2005, 09:33 AM

Okey share ako dito…tamad na akong maghanap sa ibang thread eh…so hold on…

Love…hhmmmm…na-in love…oo…nung early 20’s ko…seaman sya at ok na both families ang relasyon namin…in fact may usapan na kami to settle down pag-uwi nya.Kaya lang sa kakapunta ng ibang bansa may nakilala sya na taga ibang bansa at naging daan para maka-punta sya sa ibang bansa permanently…to make it short…leaving me a broken-hearted.No words or formal break-up…nalaman ko na lang…sinoli ko sa nanay nya yung ring na bigay sa akin…at sa nanay nya ako naki-pag-break-up he he he…ano ba yan.Kasi hindi na sya nagpakita sa akin…magkalapit lang naman kami.

Pero never na nag-judge ako sa ginawa nya…that’s life…we’re not meant for each other.At alam ko naman ang purpose nya…panganay sya…it is his family ang naging priority nya.Instead of hating him…I’m was so proud of him.Dahil kung kapatid ko yon…thankful ako dahil inuna kaming pamilya nya.At sinabi ko yon sa nanay nya…kaya wala akong sama ng loob sa kanya.

Dahil…kung mahal o minahal mo ang isang tao you can forgive him…you can consider all the circumstances…pwe de kang magparaya…accept ang naging mali at ituwid ito.And I’m happy for him until now…dahil yung hangad nya para sa pamilya nya ay nakamit nya…naisama nya sa ibang bansa ang mga kapatid at parents nya…no regrets and I salute him…na alam ko deep in his heart…hindi pang sarili ang pinili nya.And on my part wala rin akong pagsisi sa paghihiwalay namin…dahil ang naging kapalit naman ay True Love…

Dahil…sa break up namin dumating sa akin ang true love ko or partner in life,my husband.Mahabang kwento eh…kaya lang napa-kwento na…sige na nga…

Nung on pa kami no’n…ay nag-Japan na ako…meet this japanese man,na niloko ng isang pinay.Two times kaming nag-meet sa club,he’s so good in English na for this 2x meetings ay tinuturuan ako ng nippongo habang nasa club sya.Third time na meeting namin ay sa airport nung pauwi na kami ng grupo.He was the man who told me not to go back to Japan anymore,it doesn’t fit daw sa akin.

He knows na may bf ako sa atin…my bf naman alam din ang tungkol sa kanya.We became penfriends na tumagal ng almost 5 years(hindi na naulit ang pagpunta ko ng Japan).My bf naman ilang beses na inutusan ako na tigilan ko na ang pagsulat sa kanya kung wala kaming relationship other than Friends.

Pero hindi ko magawa-gawa…kasi naaawa ako dito sa hapon…gusto kong malaman nya na hindi lahat ng pinay ay nanloloko…gusto kong mawala sa isip nya yon.Pero 5 years …wala talagang ibang relasyon kung hindi friends lang talaga…I even surrendered all his letters to my bf…at yon ay alam ng hapon,I was so sorry for that na sulat nya nabasa ng iba…para mapatunayan ko na walang ibang namamagitan sa amin…he agreed naman.

Pero ang Diyos may plano para sa lahat…gave my bf a good fortune…left me a broken hearted…pero hindi ko alam na ito pala ang stairway naming mag-asawa to have this marriage.Dahil nung nalaman nyang nag-cool off kami ng bf ko…ay nagplano sya na pumunta sa atin for my sake daw…dahil sya raw ang pinag-mulan ng sinapit ko.He had to see my bf at kausapin na wala talaga kaming relasyon.He decided to go just for 3 days.

Everyone in my family were surprised…may bisita akong hapon at doon sa amin sya titira…what for??Came that day…sa isip ko…yun na ang 4th meeting namin and would be the very last…then bye bye.During his stay…wala kaming private time na mag-usap dahil kahalubilo nya ang mga kapatid ko.At hindi rin sila nagkita ng bf ko…wala sa prubinsya that time.Then it was his last day…bago sya natulog,he asked me kung pwede kaming mag-usap and through my father’s permission nag-usap kami…tulog na ang lahat…(pero father ko gising pa pala…worried ano he he he he)

Tinanong ako kung ano ang palagay ko sa pagsulat-sulat ko sa kanya for 5 yrs…sabi ko…“you were a very best friend I ever had…I don’t know why I can’t stop on answering your letters…maybe I could, if you’ll tell me na mag-aasawa ka na or may gf ka na…and that would be the end for sure,…at matatahimik ka na rin”.

Naku!!! …nabigla ako…hinawakan ang kamay ko…(very touching moments…:open_mouth: )at sinabing for him…for 5 years I was not “just” a friend …I was not a gf for him too para sulatan ng ganoong kahabang panahon.I was a very especial person for him na kung ano man ang naging resulta ng break up namin ng bf ko ay hindi nya pababayaan na iwanan sa ganoong sitwasyon na alam nyang s’ya ang naging dahilan.

Sabi ko sa kanya huwag syang maawa sa akin…ok lang naman no regrets.Pero sabi nya…hindi awa…“I’m just telling you my feelings…of having you as friend for 5 years …I won’t waste time kung ganoon lang na penfriend lang"I was expecting more from your bf…pero he left you…now it the right time for me”…

Nak’s ha…parang drama talaga…at umabot kami ng madaling araw sa pag-uusap namin…na hindi na rin naman ako nagpa-ligoy-ligoy at sinabi na pareho kami nang feelings,his a very especial one…but it doesn’t mean na I love him.Give ourselves more time to think and feel kung ano ang kasunod no’n.I’m just an entertainer at their country nung makilala nya…if ever na matuloy man ang gusto nya…I won’t let na ma-down s’ya dahil sa naging entertainer lang ang magiging mrs. nya in the future.Hindi raw sya tumitingin sa naging trabaho ko…it is me ,the real me ang pinili nya.Prublema ng mga taong mag-jya-judge…not his problem. Hindi ko sya sinagot at hindi rin naman sya nag-propose ng kahit na ano.The next day…nagsimba kami before his departure.

Back to sulatan…then na-realized namin pareho ang meaning ng 5 yrs na yon…ang break up namin ng bf ko…ang hindi nya pag-asawa…ang pagkikita namin.How many times na sinabi nya sa akin na pumunta ako dito through him para malaman ang culture nila and live with him…Malaking NO ang sagot ko…dahil ang inyong lingkod po ay Prom-Di…from the province na may pagka-conservative…nag pa kipot pa ano…:cool:

After 5 months he left…exactly 5 months… 5th time na magkita kami ay ikinasal kami.Ang daming ???marks sa amin…tsismis…ba kit nagkaganoon daw?Can you believe na inaayos ko ang kasal namin na wala sya…nangungumbida ako na wala sya…sino ang maniniwala na ikakasal ako?Ginawa kong madalian ang pag-asikaso…dahil nga kukuha ng visa na matatagalan din naman ang paglakad no’n…so took it in advance…parang ako yung lalaki ano…:rolleyes:
Hindi kami kinasal sa simbahan…dahil ayokong pilitin sya na magpalit ng religion…na talagang againts sa family ko…dahil pag di raw kinasal sa simbahan iisipin ng mga tao na #2 lang ako.Natanong ko sila…"alin ang importante…magsama kami ng matiwasay…o ang sasabihin ng mga tao?"Anong saysay ng kasal simbahan o kasal na mabongga kung ang pagsasama naman namin ay magulo…at ayoko rin na makita ng mga tao ang kasal ko compare sa iba na nag-asawa ng hapon sa amin…totally bongga…talagang masasabi mo na asawang hapon.

Nakiusap ako sa Tatay ko na payagan ako sa simpleng kasalan lang…ilang kundisyon ang binigay ng tatay ko bago ko sya napapayag…“na huwag na huwag naming gagawing mag-asawa iwanan sya ng pera…dahil hindi raw ako pinagbili…huwag na huwag kong gagawin ang ibili sya ng kung anu-ano para masabi na may manugang syang hapon” na kahit naman hanggang sa namatay sya ay hindi ko naipunta dito…wala akong nai-pundar para sa kanya o sa pamilya…maliban sa perang 1 lapad monthly.Huwag na huwag akong uuwi sa atin at sasabihing nagkamali ako sa pagpili ng napangasawa ko…

Mababa ang narating ng tatay ko(na tulad ko)…pero sa simpleng pride nya bilang magulang at mahirap ay pinag-mamalaki ko sya at ipagmamalaki pa rin kahit kanino as long as I live.

Ay…nawala na sa linya…yun nga,nakasal kami…after 5 years and 5 months…nagkaanak… …na masasabi kong Lucky number namin ang 5…dahil 5 kami sa pamilya ngayon.Kaya ngayon ay nakikibaka pa rin dito…para tuparin ang pangako ko sa Tatay ko na hindi ako nagkamali sa pinili kong buhay at mahal ko naman ang asawa ko ang prepared my life with him ang my family.At hindi ko sasayangin ang 5 yrs 5 months na yon na naging path of Love namin…

Yun po ang meaning ng Love at True Love sa akin…sorry ha at nahilo kayo sa kababasa nito…niladlad ko na pala ang buhay ko ano and that’s true…Thanks…

(hay…makapaglinis na nga…naalala ko tuloy nung bata pa ako…akala ko sa drama ko lang nababasa ito…sa akin pala mangyayari din…how romantic pala ng love story ko…ma-serve nga ulit ng mahusay si Lolo pag uwi…style Nova Villa ha ha ha ha ha…)

Hungry eyes

12-26-2005, 10:13 AM

@ japphi.it was good …you are very lucky to found your true love…and wish you all the best to make it work…mahaba pa ang panahon diba…i know true love never fade…:wink:
here is mine although meron na ngang tread like this before…yes na inlove na rin ako before.i was 18 years old…3rd time ko mag work sa japan as entertainer din…he is an architect… elite and very good in his profession …i saw the building he designed…very good one…na met ko din sa club…i felt envy and ashamed at the same time…high school graduate lang ako and just an entertainer…but he is the one who open my eye…he told me…be proud of…nothing wrong in your job…i met his family also…no one is aggaist about our relationship…but sad to say…hindi kami nag katuluyan…he passed away after a year…may naiwan sya sa akin…my precious gem…dalaga na ngayon…matagal na syang wala sa mundo but sometime …naaalala ko pa sya…pero wala na yun sakit…he used to tell me that when he is gone.keep on moving…and try to find another love…ang daling sabihin…mahirap gawin…sabi ko sa kanya it will come naturally…hanggang ngayon wala pa rin syang kapalit dito sa puso ko…ehem korni ba…?sa toto lang ang hirap i explain kung ano ba talaga ang tunay na pag ibig…mayadong mahiwaga:D but i still believe na may dadating na bagong pag ibig …i know i cant love the same way…and every one has a special place in the heart…

japphi

12-26-2005, 10:30 AM

Hungry eyes…ang iksi naman nang sa’yo:rolleyes: …kabaligtaran ng sa aking page…

Anyway…kahit na ginawa mong short cut…you were Lucky too…dumaan sya sa buhay mo…the Precious one…hindi pa nga masasabi na True Love…pero part na rin yon …para sa akin.

Tama ang sabi nya…you have to move on…keep on going…dahil ang buhay ay maraming branches…natuon na yung isang branch ng buhay mo ay nawala…pero hindi ibig sabihin no’n wala na yung peak na dapat mong mapuntahan.

May kasabihan na, sa binigay na daan sa atin ay minsan lang tayong dadaan…so habang andoon tayo sa daan na yon…it maybe a good one…bad one …but take it preciously…dahil sa patutunguhan mo ay may nakahanda para sa’yo.

And lucky he is for having you…still treasuring what he had left…but still keep on going…I’m sure he’s guiding you to a new path…a path of life na masasabi mong true Love nga…goodluck and take care always…

depp

12-26-2005, 11:16 AM

hungry eyes,touching ang love story mo,darating din ang bagong pag-ibig sa buhay mo.isang araw,magugulat ka na sya.
japphi,yang ist b.f.mo nagkakatugma kayo ng istorya ng sa ate ko.di rin sila nagkatuluyan.ganyang-ganyan ang istorya.nag-flash back bigla sa utak ko ang sakit ng puso na dinanas nya.pero dats life talaga.pag hindi para sa isat-isa,hindi talaga.
my story naman,bilog na ko nun,na nagtatrabaho sa japanese pub,almost na pinagtrabahuhan ko ay japanese pub.mas gamay ba.
my friend introduce dis guy to me,a tall guy,cute,ang galing mag-english.kadarating lang daw from singapore.base sya sa singapore at nag-wowork na pala dun for almost 5 yrs.mejo kumislot-kislot ang puso ko.tagal naming nag-usap,pero ilang araw ko lang syang na-meet pa uli.bigla ng lang syang nglahong parang bula.bakit kaya?me nagawa ba ako para ayawan?lumipas na cguro ang 3 taon,nagkasalubong kami den nagkumustahan,etc.et c.kumislot na naman ang puso ko,hehe.next day,minit nya naman ako,tinanong nya buhay ko,sabi ko me anak ako,yah,your baby ang sagot nya sa akin.no,shes not a baby anymore.malaki na sya.really?alam nyo kung bakit sya biglang nawala?sabi ng friend ko,me baby na raw akop,me boyfriend pa raw ako etc,etc.e wala naman akong b.f.mula nun,madalas na kaming magkita.
den,tinanong nya initial ng name ko,nung sinabi ko.nagulat sya.back in singapore meron syang naging friend na indian,magaling manghula.hinulaan siya na ang mapapangasawa mo ay ganitong initial.kaya on dat moment,nag-propose sya sa akin.ayun,syempre umoo naman ako,love ko e.ilang buwan pa,pinauwi nya ako sa pinas at ilang bwan pa rin sumunod na syat pinakasalan n nya ako.
nung makasl kami,doon nya lang nsabi sa kin na unang meet pa lang namin,na-inlove na sya sa kin kaya lang sabi sa kanya ng friend ko e me b.f. na ko,me maliit na anak pa.e laki-laki na ng anak ko.tanong ko,ayaw mo ng me baby?ayaw daw talaga nya,gusto nya malaki na.pero pano kako kung maliit pa anak ko,ibang usapan na raw yun.
haba nito,basta naniniwala ako na kung talagang para sa isat-isa ay magkakatuluyan talaga.kahit ano pa ang mangyari.:wink:

Summer!

12-26-2005, 11:30 AM

@ japphi ang ganda naman ng love story mo, nakaka-inspire, you’re blessed with a kind-hearted husband. at ang tatay mo, aba, may dangal talagang pinanghahawakan ha. may ganyan pa pala sa atin sa pinas. Pero di naman ako umaangal sa mga pinapadalhan ko, bukal ito sa loob ko, bihira lang kasi ang mga ganyan ngayon sa hirap ng buhay sa atin.

bianca marie

12-27-2005, 03:53 AM

I fell in love when i was 14 years old…sabi nga nila mahalin mo ang kapit-bahay nyo so i did. My mother hated him so much kasi he came from a broken family. and high school palang ako noon and kubo pa ang bahay namin not anymore me and my sisters are here my 2 brothers are in Manila one is seaman and the other one works in Uniliver Phils his a manager. Then my sister came to canada, then the second sister ko. I was so in love na i don’t care kung ano ang maging buhay namin as long na magkasama kami. We’ve gone too many heartaches and pain just to be together.Cutting class is the best thing just to be out with him. We teach each other coz were both naive i was 14 how do i know.We stayed being a couple until im 21 then time came i have to leave for Canada,it hurst like hell. Long distance relationship never works. Now his in Singapore married to a filipina also and the last time i spoke with him i asked him na sabihin nya sa akin nahindi nya na ako mahal he can’t say it and he never did. Hangang ngayon i know he still love me coz i still dream of him. And i told him that if his relationship did not work he knows where i am. It sucks! Dapat ako ang asawa nya at aking anak ang hawak nya. pero sabi nga nila if you love someone let him go, if he comes back to you its yours. Im not gonna lie there’s only one Mario in my life.And no other one will fill up that gap in my heart,:wink: not in the million years.

tower23ph

12-27-2005, 06:59 AM

so good expirience bianca san, sana makahanap ako ng katulad mong magmahal.

For me, Love demmands EFFORT, DISCIPLINE, and SACRIFICE…

bianca marie

12-27-2005, 09:10 AM

so good expirience bianca san, sana makahanap ako ng katulad mong magmahal.

For me, Love demmands EFFORT, DISCIPLINE, and SACRIFICE…

Of course makakhanap ka rin ng partner mo in life. It’s better to have loved and lost than never to have loved at all…

midnight

12-28-2005, 06:12 AM

@japphi
ang cute naman ng love story mo. stay happy :wave:

midnight

12-28-2005, 06:17 AM

@hungry eyes
ganyan talaga ang buhay.don’t worry somebody out there is searching or waiting for you. at least you have your precious gem & the memories of your love one who passed away in your heart & mind forever. :wave:

midnight

12-28-2005, 06:22 AM

@depp
parang lovestory fairy tale din buhay mo no.it’s like magic:wave:

midnight

12-28-2005, 06:29 AM

[quote=bianca marie} if you love someone let him go, if he comes back to you its yours. Im not gonna lie there’s only one Mario in my life.And no other one will fill up that gap in my heart,:wink: not in the million years.[/quote]

I believe in what you said bianca. I can feel the pain that you experienced coz ive been in love before & its really like blood,sweat & tears. Im sure the love that I gave to that person can only be for that person & itll be forever.

kikx_miles

12-28-2005, 07:52 AM

Nakilala ko sya nung HS,grabe ang pagka presko.nung una talaga sobrang hate ko sya pero nung tumagal naging barkada kami.ramdam na namin yung feelings sa isat-isa pero may takot,kasi pareho kaming playboy and playgirl that time so nanligaw sken yung friend nya at ako naman 'tong si tanga,sinagot ko naman!nung nalaman nya na bf ko na yung kaibigan nya bigla na lang naglaho na parang bula,as in wala talagang communication.hangga ng nakarating nako sa japan,after 6 years nagkaron ulit kami ng communication thru internet at ang sabi nya eto na daw yung perfect time na manligaw sya kasi alam pa rin daw nya he still loves me at never 'tong nawala…

sa tingin nyo true love ba 'tong na ffeel ko for him,kasi i still love him after all those years na hindi kami nagkita?

1 year na syang nanliligaw sken pero hindi pa rin ako makapag decide kasi mahirap nga ang long disctance relationship…tulo ng naguguluhan ako:confused:

Hungry eyes

12-28-2005, 09:14 AM

@japphi@depp@mid nyt…thank you…sana nga …dumating na SYA sa buhay ko…hirap ng loveless:D …feel ko tuloy…kuluntoy na beauty ko…ekkk…
@kikss…if you love him…go sagutin mo na…ikaw din pag nawala uli yan at naglahong parang bula…your heart will cry to the max…sayang ang panahon…kung sana pwede ibalik ang panahon…kaso hinde…wish you all the best…and good morning nga pala mga kapatid:)

Hungry eyes

12-28-2005, 09:16 AM

I believe in what you said bianca. I can feel the pain that you experienced coz ive been in love before & its really like blood,sweat & tears. Im sure the love that I gave to that person can only be for that person & itll be forever.

YES…thats very true…we cant love the same way.

docomo

12-28-2005, 10:37 AM

pag in~lab ka… nawiwindang ka :smiley:

kikx_miles

12-30-2005, 06:59 AM

@japphi@depp@mid nyt…thank you…sana nga …dumating na SYA sa buhay ko…hirap ng loveless:D …feel ko tuloy…kuluntoy na beauty ko…ekkk…
@kikss…if you love him…go sagutin mo na…ikaw din pag nawala uli yan at naglahong parang bula…your heart will cry to the max…sayang ang panahon…kung sana pwede ibalik ang panahon…kaso hinde…wish you all the best…and good morning nga pala mga kapatid:)

thanks hungry eyes!

skyteam

07-12-2008, 02:32 AM

Okey share ako dito…tamad na akong maghanap sa ibang thread eh…so hold on…

Love…hhmmmm…na-in love…oo…nung early 20’s ko…seaman sya at ok na both families ang relasyon namin…in fact may usapan na kami to settle down pag-uwi nya.Kaya lang sa kakapunta ng ibang bansa may nakilala sya na taga ibang bansa at naging daan para maka-punta sya sa ibang bansa permanently…to make it short…leaving me a broken-hearted.No words or formal break-up…nalaman ko na lang…sinoli ko sa nanay nya yung ring na bigay sa akin…at sa nanay nya ako naki-pag-break-up he he he…ano ba yan.Kasi hindi na sya nagpakita sa akin…magkalapit lang naman kami.

Pero never na nag-judge ako sa ginawa nya…that’s life…we’re not meant for each other.At alam ko naman ang purpose nya…panganay sya…it is his family ang naging priority nya.Instead of hating him…I’m was so proud of him.Dahil kung kapatid ko yon…thankful ako dahil inuna kaming pamilya nya.At sinabi ko yon sa nanay nya…kaya wala akong sama ng loob sa kanya.

Dahil…kung mahal o minahal mo ang isang tao you can forgive him…you can consider all the circumstances…pwe de kang magparaya…accept ang naging mali at ituwid ito.And I’m happy for him until now…dahil yung hangad nya para sa pamilya nya ay nakamit nya…naisama nya sa ibang bansa ang mga kapatid at parents nya…no regrets and I salute him…na alam ko deep in his heart…hindi pang sarili ang pinili nya.And on my part wala rin akong pagsisi sa paghihiwalay namin…dahil ang naging kapalit naman ay True Love…

Dahil…sa break up namin dumating sa akin ang true love ko or partner in life,my husband.Mahabang kwento eh…kaya lang napa-kwento na…sige na nga…

Nung on pa kami no’n…ay nag-Japan na ako…meet this japanese man,na niloko ng isang pinay.Two times kaming nag-meet sa club,he’s so good in English na for this 2x meetings ay tinuturuan ako ng nippongo habang nasa club sya.Third time na meeting namin ay sa airport nung pauwi na kami ng grupo.He was the man who told me not to go back to Japan anymore,it doesn’t fit daw sa akin.

He knows na may bf ako sa atin…my bf naman alam din ang tungkol sa kanya.We became penfriends na tumagal ng almost 5 years(hindi na naulit ang pagpunta ko ng Japan).My bf naman ilang beses na inutusan ako na tigilan ko na ang pagsulat sa kanya kung wala kaming relationship other than Friends.

Pero hindi ko magawa-gawa…kasi naaawa ako dito sa hapon…gusto kong malaman nya na hindi lahat ng pinay ay nanloloko…gusto kong mawala sa isip nya yon.Pero 5 years …wala talagang ibang relasyon kung hindi friends lang talaga…I even surrendered all his letters to my bf…at yon ay alam ng hapon,I was so sorry for that na sulat nya nabasa ng iba…para mapatunayan ko na walang ibang namamagitan sa amin…he agreed naman.

Pero ang Diyos may plano para sa lahat…gave my bf a good fortune…left me a broken hearted…pero hindi ko alam na ito pala ang stairway naming mag-asawa to have this marriage.Dahil nung nalaman nyang nag-cool off kami ng bf ko…ay nagplano sya na pumunta sa atin for my sake daw…dahil sya raw ang pinag-mulan ng sinapit ko.He had to see my bf at kausapin na wala talaga kaming relasyon.He decided to go just for 3 days.

Everyone in my family were surprised…may bisita akong hapon at doon sa amin sya titira…what for??Came that day…sa isip ko…yun na ang 4th meeting namin and would be the very last…then bye bye.During his stay…wala kaming private time na mag-usap dahil kahalubilo nya ang mga kapatid ko.At hindi rin sila nagkita ng bf ko…wala sa prubinsya that time.Then it was his last day…bago sya natulog,he asked me kung pwede kaming mag-usap and through my father’s permission nag-usap kami…tulog na ang lahat…(pero father ko gising pa pala…worried ano he he he he)

Tinanong ako kung ano ang palagay ko sa pagsulat-sulat ko sa kanya for 5 yrs…sabi ko…“you were a very best friend I ever had…I don’t know why I can’t stop on answering your letters…maybe I could, if you’ll tell me na mag-aasawa ka na or may gf ka na…and that would be the end for sure,…at matatahimik ka na rin”.

Naku!!! …nabigla ako…hinawakan ang kamay ko…(very touching moments…:open_mouth: )at sinabing for him…for 5 years I was not “just” a friend …I was not a gf for him too para sulatan ng ganoong kahabang panahon.I was a very especial person for him na kung ano man ang naging resulta ng break up namin ng bf ko ay hindi nya pababayaan na iwanan sa ganoong sitwasyon na alam nyang s’ya ang naging dahilan.

Sabi ko sa kanya huwag syang maawa sa akin…ok lang naman no regrets.Pero sabi nya…hindi awa…“I’m just telling you my feelings…of having you as friend for 5 years …I won’t waste time kung ganoon lang na penfriend lang"I was expecting more from your bf…pero he left you…now it the right time for me”…

Nak’s ha…parang drama talaga…at umabot kami ng madaling araw sa pag-uusap namin…na hindi na rin naman ako nagpa-ligoy-ligoy at sinabi na pareho kami nang feelings,his a very especial one…but it doesn’t mean na I love him.Give ourselves more time to think and feel kung ano ang kasunod no’n.I’m just an entertainer at their country nung makilala nya…if ever na matuloy man ang gusto nya…I won’t let na ma-down s’ya dahil sa naging entertainer lang ang magiging mrs. nya in the future.Hindi raw sya tumitingin sa naging trabaho ko…it is me ,the real me ang pinili nya.Prublema ng mga taong mag-jya-judge…not his problem. Hindi ko sya sinagot at hindi rin naman sya nag-propose ng kahit na ano.The next day…nagsimba kami before his departure.

Back to sulatan…then na-realized namin pareho ang meaning ng 5 yrs na yon…ang break up namin ng bf ko…ang hindi nya pag-asawa…ang pagkikita namin.How many times na sinabi nya sa akin na pumunta ako dito through him para malaman ang culture nila and live with him…Malaking NO ang sagot ko…dahil ang inyong lingkod po ay Prom-Di…from the province na may pagka-conservative…nag pa kipot pa ano…:cool:

After 5 months he left…exactly 5 months… 5th time na magkita kami ay ikinasal kami.Ang daming ???marks sa amin…tsismis…ba kit nagkaganoon daw?Can you believe na inaayos ko ang kasal namin na wala sya…nangungumbida ako na wala sya…sino ang maniniwala na ikakasal ako?Ginawa kong madalian ang pag-asikaso…dahil nga kukuha ng visa na matatagalan din naman ang paglakad no’n…so took it in advance…parang ako yung lalaki ano…:rolleyes:
Hindi kami kinasal sa simbahan…dahil ayokong pilitin sya na magpalit ng religion…na talagang againts sa family ko…dahil pag di raw kinasal sa simbahan iisipin ng mga tao na #2 lang ako.Natanong ko sila…"alin ang importante…magsama kami ng matiwasay…o ang sasabihin ng mga tao?"Anong saysay ng kasal simbahan o kasal na mabongga kung ang pagsasama naman namin ay magulo…at ayoko rin na makita ng mga tao ang kasal ko compare sa iba na nag-asawa ng hapon sa amin…totally bongga…talagang masasabi mo na asawang hapon.

Nakiusap ako sa Tatay ko na payagan ako sa simpleng kasalan lang…ilang kundisyon ang binigay ng tatay ko bago ko sya napapayag…“na huwag na huwag naming gagawing mag-asawa iwanan sya ng pera…dahil hindi raw ako pinagbili…huwag na huwag kong gagawin ang ibili sya ng kung anu-ano para masabi na may manugang syang hapon” na kahit naman hanggang sa namatay sya ay hindi ko naipunta dito…wala akong nai-pundar para sa kanya o sa pamilya…maliban sa perang 1 lapad monthly.Huwag na huwag akong uuwi sa atin at sasabihing nagkamali ako sa pagpili ng napangasawa ko…

Mababa ang narating ng tatay ko(na tulad ko)…pero sa simpleng pride nya bilang magulang at mahirap ay pinag-mamalaki ko sya at ipagmamalaki pa rin kahit kanino as long as I live.

Ay…nawala na sa linya…yun nga,nakasal kami…after 5 years and 5 months…nagkaanak… …na masasabi kong Lucky number namin ang 5…dahil 5 kami sa pamilya ngayon.Kaya ngayon ay nakikibaka pa rin dito…para tuparin ang pangako ko sa Tatay ko na hindi ako nagkamali sa pinili kong buhay at mahal ko naman ang asawa ko ang prepared my life with him ang my family.At hindi ko sasayangin ang 5 yrs 5 months na yon na naging path of Love namin…

Yun po ang meaning ng Love at True Love sa akin…sorry ha at nahilo kayo sa kababasa nito…niladlad ko na pala ang buhay ko ano and that’s true…Thanks…

(hay…makapaglinis na nga…naalala ko tuloy nung bata pa ako…akala ko sa drama ko lang nababasa ito…sa akin pala mangyayari din…how romantic pala ng love story ko…ma-serve nga ulit ng mahusay si Lolo pag uwi…style Nova Villa ha ha ha ha ha…)

Sis japphi ang ganda naman ng love story … medyo risky nga pero nakakainspired … sana lahat ng pinay happy ending rin ang love story with her japanese suitor

black PeN

07-12-2008, 11:07 AM

Para sa akin po, love is a verb… that expresses an action.

emi_san

08-25-2008, 12:05 AM

Para sa akin po, love is a verb… that expresses an action.

And consist of four letters with two consonants and two vowels…:stuck_out_tongue:

marsuke0807

08-25-2008, 09:50 AM

ganda love story mo ate japphi…talagang kayo siguro…Plano talaga yan ng Diyos sa mga taong mababait!hehe!..ako din po if kuwento ko love story ko naku baka maiyak ang TF members!kasi andami talaga luha ang natapon nung mga time na yun…and now for me the meaning of love is"kapag tumama sa puso ninuman lahat ay hahamakin masunod lamang…"harangan man ng sibat!!!malalim na tagalog po to! isa din po ako sa may magandang love story and i hope hanggang sa end ng aking love story maganda…sayang kasi kung matatapon sa wala ang sakripisyo naming mag asawa…ang ipinaglaban naming pag-ibig…naks!more power po sa lahat…thank you po sa pagbasa…

marsuke0807

08-25-2008, 10:12 AM

yes!nainlove na po ako!sa aking asawa…hehe!He is my first and the Last…masarap mainlove…masaya…pe ro minsan malungkot lalo na pag maalala mo ang nakaraan sa buhay niya…pero sabi nga po niya mae wa mae.ngayon ang importante at ang bukas.kalimutan ko na daw ang past…di ko naman makalimutan kasi bahagi din ako ng past niya noon eh…pero ang mahalaga ay importante!joke…:pa ng mahalaga po is masaya ako ngayon after ng sakit at pagluha ang kapalit is saya…isang masayang pamilya…di mawawala ang away kasi part na yun sa buhay ng mag-asawa at minsan nauuwi sa hamon na hiwalayan na!pero pagkatapos ng away nasasabi namin sa sarili namin "baka mitai"3 years pa lang kami kasal pero sobra kami pinatatatag ng mga pagsubok…na nakakaya naman namin dahil ang weapon is "hawakan at huwag itapon ang sakripisyo at ipinaglaban ninyong pagmamahalan…thank you midnight kasi nagpost ka ng ganitong thread…bago lang po ako 2 days pa lang…masaya ako na naging member dito at sa lahat po ng mga senior member thanks po sa pakikinig at pagpapayo sa mga baguhan…love you all…:love:

mamimo

08-26-2008, 01:54 PM

True Love Won`t Desert You daw sabi sa kanta ng Journey :):wink:

thermometer

08-26-2008, 09:09 PM

ganda love story mo ate japphi…talagang kayo siguro…Plano talaga yan ng Diyos sa mga taong mababait!hehe!..ako din po if kuwento ko love story ko naku baka maiyak ang TF members!kasi andami talaga luha ang natapon nung mga time na yun…and now for me the meaning of love is"kapag tumama sa puso ninuman lahat ay hahamakin masunod lamang…"harangan man ng sibat!!!malalim na tagalog po to! isa din po ako sa may magandang love story and i hope hanggang sa end ng aking love story maganda…sayang kasi kung matatapon sa wala ang sakripisyo naming mag asawa…ang ipinaglaban naming pag-ibig…naks!more power po sa lahat…thank you po sa pagbasa…
naku nahukay ang lumang thread ni lola japhi :smiley:
its been 2 or 3 years nba …ang pagkawala ni lolo…mukhang mamumugto na naman mata ni lola japs nit …

marsuke0807

08-26-2008, 09:29 PM

naku nahukay ang lumang thread ni lola japhi :smiley:
its been 2 or 3 years nba …ang pagkawala ni lolo…mukhang mamumugto na naman mata ni lola japs nit …
bakit po thermometer san?iyak po ba si ate japphi nito?naku baka kasalanan ko sinundan ko kasi post nung nauna sa akin…naku baka may magalit…

choc nut

08-26-2008, 09:36 PM

Hi guys ! Alam ko na marami na sa atin ang nakaranas ng mainlove ng husto before or present. I just want you to share your experiences & kung nagkatuluyan man kayo nong love mo or true love mo.Kung hindi naman, what is the reason of your break - up ?
I belive that Love is giving,understanding & trust. I also think that Love is Pain.
I fell so much in love before & we didnt work out coz it lead to a Long Distance Relationship.We still contact each other & i believe that we are good friends. I would never stop caring for him & he’ll always have a special place in my heart.

:)thanks sis for starting a thread like this…grabe… ang gaganda ng mga love
stories ng mga nag posts…although there are those na hindi nag work out…
i know and can feel that they were so happy that time and un ang importante…
nakaka inlove tuloy…i have my own din…but di kasing ganda nung sa
kanila kya djahe…well anyway…ang sarap talagang ma in love…
kahit matagal na kami ni hubby…in love pa rin ako sa kanya…:love:

This is an archived page from the former Timog Forum website.