Health tips

peacemaker

10-10-2005, 04:57 PM

HEALTH TIPS

Karaniwan sa atin ang maghanap ng gamot at/o kumunsulta sa doctor kapag may nararamdamng hindi maganda sa katawan. Ang ganyang mga hakbang ay natural at kailangan lamang 'di ba? Pero magugulat at matutuwa kayo kapag natuklasan ninyong may mga natural na pamamaraan upang malunasan natin ang mga karaniwang karamdamang ito. Hindi na kailangan ng karagdagang gastos o kung mayroon man mas maliit kaysa ibabayad sa doctor at ipambibili ng gamot.

Bukod sa makatipid, may ibayong buti sa ating kalusugan ang pag-iwas hangga¨t maari sa pag-inom ng mga gamot na yari sa kung anu-anung kemikal. Sa kadahilanang ang mga ito ay may posibilidad na makapagdulot ng allergy, overdose at ng pagkabugbog ng ating katawan sa halo-halung kemikal na nakapaloob dito at kung minsan naghahatid pa ng iba sakit o panghiina ng resistens’ya.

Ang solusyon sa maraming sakit ay kasing simple lamang ng tamang pagkain. Kung alam natin kung ano-ano ang mga pagkaing pangkontra sa ating karamdaman o pagsugpo sa pagdapo ng mga karamdaman ito, halos wala na tayong dahilan pa upang pumunta sa doctos at butika.

Narito and ilang mga karamdaman at ang pagkaing magpapagaling o susugpo sa mga iyon:

  1. Sakit ng ulo. Isda

Sinusugpo ng likas na langis na nasa kalamnan ng isda ang maraming uri ng pananakit ng ulo.

  1. Arthritis . tuna/salmon/mackerel/sardenas

Mainam ang ilang uri ng isda sa pagsugpo ng arthritis.

  1. Ulser. Repolyo

May mga sangkap ang repolyo na sadyang nagpagpapagaling ng gastric at duodenal ulcer.

  1. Sirang tiyan. Saging/Mansanas

Mahihinto ang pagtatae kapag nagkakain ng saging. Kung mansanas naman, gayatin ito kasama ang balat at hayaang maging kulay brown.

  1. Sipon. Bawang

Magluluwag ang sipon sa pagkain ng maraming bawang lalo na at dinikdik o ginayat ng maliliit.

  1. Ubo. Sili

Nakabubuti ang pagkain ng maanghang na sili kapag inuubo.

  1. Insomnia. Honey

Nakakapagparelaks at nakapagpapaantok ang honey.

  1. Alta Presyon. Olive oil

Napatunayan na sa buong mundo na nakapagpapababa ng presyon ng dugo ang olive oil.

  1. Baradong ugat. Abokado

Nakapagpapababa ng kolesterol ang abokado.

  1. Stroke. Tsa

Isang sanhi ng stroke ang pag-ipon ng mga taba sa loob ng mga ugat at nakakasugpo pagkaipon ng mga iyon, ang madalas na pagiinom ng tsa.

  1. Marupok na buto. Pinya

Napipigilan ng manganese na taglay ng pinya ang paghina ng mga buto.

  1. Pagkakamalimutin. Talaba

Nakakatulong sa pagpapalakas ng ating pananda ang zinc na taglay ng talaba.

  1. Kanser sa baga. Ilang uri ng gulay

Mabisang pangkontra sa kanser sa baga ang caroten na taglay ng mga gulay

na madidilaw carrot at kalabasa ang mga pangunahing halimbawa) at iyon ding mga gulay na mataas ang pagkaberde.

  1. Kanser sa suso. Repolyo

Nakakatulong ang repolyo sa pagpapanatiling sapat na estrogen
ng babae upang makontra ang kanser.

  1. Hika. Sibuyas

ang pagkain ng sibuyas ay nagpapaluwag ng bronchial tubes upang maging maluwag ang paghinga.

  1. Diabetes. Broccoli/Mani

Isinasaayos ng chromium na taglay ng broccoli at ng mani ang insulin at blod sugar sa katawan.

  1. Menopause. Corn flakes

Nakakabawas ang cornflakes sa mga epekto ng paghinto ng regla
tulad ng pagkalumbay at pagging magagalitin at mabilis na pagkahina.

Raiden

10-10-2005, 05:12 PM

Hindi ko yata nakita sa listahan mo ang pito-pito.
Magtatampo sa iyo si ka Ernie niyan. :smiley:

docomo

10-10-2005, 06:01 PM

Hindi ko yata nakita sa listahan mo ang pito-pito.
Magtatampo sa iyo si ka Ernie niyan. :smiley:

ang khuleeet ni raiden :toofunny:

Raiden

10-10-2005, 06:14 PM

ang khuleeet ni raiden :toofunny:

That’s enough pangungulit from me for tonight.:slight_smile:

Pasado 2:00 AM an dito, it’s time for some shut eye for me.:sleep:

honey

10-10-2005, 07:32 PM

hmmm! ok!:smiley:

myukasky

10-11-2005, 12:28 AM

Aloe vera - gamot sa kagat ng lamok, balatan sya yung pinaka laman lang ipahid sa nakagat ng lamok. :smiley: :smiley: :stuck_out_tongue:

McBONG

01-16-2007, 11:37 PM

Sana nabanggit mo rin yong pinepple juice, na ang pag-inom nito ay nakaka-iwas sa ibat-ibang sakit na kanser dahil sa taglay nitong phytochemicals.
Ang mango juice,kalamansi juice,apple juice ay nakakatulong din sa pag-prevent ng ALZEIMERS or pagiging malilimutin.

Ang kapeng Barako naman ay nakaka-detoxify or nakakalinis ng iyong atay kung ikaw ay tomador ng alak.

At ang balat ng kalamansi ay nakakababa ng iyong blood sugar,para sa mga diabetics(yan ay aking research ngayon)at problema ko pano gawin pulbos yan balat ng kalamansi.

At last kala ko un talaba ay pambatibay ng tuhod,nakakatulong din para di maging malilimutin dahil sa Zinc,kaya pala lagi ko na-aalala pag-kumakain ako ng hilaw na talaba,di ko malimutan ang sarap,sayang me virus ngayon ang talaba…Ang hilaw na talaba,miss ko na kumain…!!!

pzaway

03-17-2008, 10:37 PM

ampalaya pra s mga my diabetes at anemic

majime22

03-18-2008, 12:50 AM

…thanks for the info:king:

rhynissa

03-18-2008, 12:59 PM

thanks for posting this… thanks din sa mga nagparticipate ng mga kaalaman nila… mas maganda nga ang herbal/fruits/veggies/seafood sa ating katawan, kesa ang mga gamot o vitamins na may halong chemical na…

an apple a day is good for the body daw, plus high in antioxidants kaya pampaganda din ng skin…

Drink plenty of water, maganda din daw para sa skin (esp pagdehydrated ang skin ng tao).

Squash, pampalinaw daw ng mata (ibabad daw sa mata, haha joke)…

at ang mga fish esp tuna, which has omega 3 that fights against cancer!!!

This is an archived page from the former Timog Forum website.