HI EVERYONE!

artemis

03-16-2005, 12:30 PM

Hi everyone! I hope you dont mind that I joined the forum even if I haven’t even gone to Japan. The truth is I want to go there someday. I am a college student at the University of the Philippines and I am going to graduate on October with a degree on Organizational Communication. Hopefully I will find a job that will bring me there. (But now that immigration policies are tightening, I may not be able to ‘live the dream’ so to speak.)

My interest with Japan started because when I was young (6-10years old), I had Japanese friends in Makati. Unfortunately, my family moved to Paranaque and we lost contact. But my fascination with Japan remained strong. What with my experiences with “Ohayo, Konichiwa, and Konbanwa (tama po ba? nakalimutan ko na eh :stuck_out_tongue: )” with matching bow diba whenever my friends’ fathers would pass by. Hehehe. :slight_smile:

Tapos ang sarap pa ng pagkain! Share ko lang po, when I was a kid (mga 7 years old yata yun) ewan ko ba pero manghang mangha ako sa itsura ng sushi. Itsura pa lang ng sushi, feeling ko nang yun na ang pinakamasarap na pagkain na pwedeng kainin sa buong mundo. So nagpabili ako sa mama ko. Ang selfish ko pa nun. Nagtago ako sa kwarto. I opened the package excitedly…, tapos something caught my eye- “Hmm ano 'to?” Na-dazzle ako sa kulay niya. I popped it into my mouth, and…KABOOM! Nagluha ako ng matindi and I experienced my very first MIGRAINE. WASABI PALA! :eek: :smiley: Dapat may warning yun eh. Masyadong nakakahumaling ang neon green na kulay niya!

I think my early experience with wasabi warped my genes in such a way that, well…, let’s just say na pwede nakong sumali sa fear factor kung yun ang papakainin sa contestants. Fear of wasabi is not a factor for me. Haha! (wag sana kayo ma-gross sa hidden talent ko :D!)

Sigh! Those were the days! Of course, di lang ganoon kababaw ang aking fascination with the Japanese. I also respect their discipline. Kaya lang, I was so disappointed when I found out that they discriminate Filipinos. Hmpf! Oh well, sometimes we have to admit that we are to blame din because of the image we show the world, manifestations of 3rd world desperation. But dont get me wrong, I love our country. “Ibon man may layang lumipad…” Oops wrong song! :wink:

Kaya nga I am glad that despite these obstacles, you guys are out there proving to them that many Filipinos are matatalino at magagaling! Keep up the good work!

I hope that by joining this forum I will get to know more about Japan. By reading your daily experiences, it’s like you’re bringing me there na rin. I hope, too, that I can get some tips on how to get there by learning about how you managed to get there and work there too.

Sorry, mejo mahaba na yata itong post ko. well, hanggang sa muli! Si Yani Santos po ito. Toodles! :slight_smile:

Paul

03-16-2005, 02:48 PM

hi yani, and welcome to timog forum. have you ever thought of taking up graduate studies here? you can get information from JICC (Japan Information and Culture Center). it’s located at the Japanese Embassy compound in Roxas Blvd. you can also call them and inquire about the Monbukagakusho scholarship (their phone number is 551-7814). there’s also some information on the Japanese Embassy website (www.ph.emb-japan.go.jp (http://www.ph.emb-japan.go.jp/)).

don’t hesitate to ask any questions here, i’m sure someone will answer them. read, participate, and contribute.

gambatte kudasai.

Dax

03-16-2005, 03:55 PM

hi yani. yep tulad ng sinabi ni Paul, punta ka sa JICC. you can also join JICC’s mailing list at:

http://groups.yahoo.com/group/jiccmanila/

(ingat lang minsan may trojan virus na kumakalat. obvious naman na virus so just don’t open them)

tulad na narinig mo, hindi lahat positive ang mae-experience mo dito sa japan, maging estudyante ka o nagtatrabaho.

i suggest kung may plano kang applyan na scholarship (say, undergrad sa monbukagakusho) ay magtanong tanong ka sa mga naging recipient ng scholarship na un para mapagaralan mong maigi ang consequences.

goodluck!

reon

03-17-2005, 07:55 PM

hello artemis,

welcome to timog forum. taking a graduate program is a good way to come to japan (unless gusto mong maging japayuki). yung nga lang, hit or miss yon (wala akong experience sa graduate studies). kung desperado ka, baka puwede kang pumunta dito as tourist, hanap ka ng nihongo school na tatanggap sa iyo, tapos mag-aral ka habang nag-a-arubaito (part-time work). may mga alam akong mga intsik na gumagawa nito (kaso parang nakakapagod yata talaga). puwede kaya ito? ano sa palagay ninyo?

Dax

03-18-2005, 11:30 AM

hi reon/artemis,

sa opinion ko mahirap para sa isang pinoy/pinay gayahin ang mga ginagawa ng intsik. isang dahilan kung bakit nagagawa ng mga intsik ito ay dahil marami sila dito. napansin ko noon na karamihan sa kanila ay nagbabaito sa mga chinese resto (na may ari intsik din) bilang cook, waiter, dishwasher etc., o sa isang lugar na may sempai na sila dati.

hindi naman siguro imposible, pero mahirap nga lang. (dati rin akong monbu(kagaku)sho recipient pero…) naranasan ko nang 0 scholarship ng isang taon lang at naku, ayoko nang maulit ang ganun! lahat ng gastos sa eskwela (tuition mga 30man/sem x 2 sems), sa bahay (rent, bills) ay binaito ko, habang gumagawa ng thesis…

so i suggest artemis/yani na kung gusto mong pumunta dito ay kumuha ka ng scholarship. marami ding non-monbukagakusho scholarships na pwede mong applyan habang nandyan ka sa pinas. (di ko na mahanap sa website ng AIEJ, may lista sila dati ng GOJ at private scholarships)

opinion ko lang po. :slight_smile:

Dax

03-18-2005, 11:36 AM

kaya pala di ko mahanap kasi wala na yung www.aiej.(something) domain. :smiley:
eto ang bago:

at eto yung listang sinasabi ko:
http://www.jasso.go.jp/study_j/scholarships_e.html

artemis

03-18-2005, 06:24 PM

hi guys!:slight_smile: shocking! nakita ko na po ang mga requirements at mukhang duduguin yata ako! migoshness! thank you nalang. wala rin po akong balak magjapayuki. no offense meant. ayoko lang po sayangin ang pinaghirapan ko sa UP!! graveh! kayo po, ano po ang mga ginawa ninyo para po makapunta sa japan? gusto niyo rin po ba makapunta sa japan dati pa?

tenkei88

07-09-2005, 07:53 AM

hi guys!:slight_smile: shocking! nakita ko na po ang mga requirements at mukhang duduguin yata ako! migoshness! thank you nalang. wala rin po akong balak magjapayuki. no offense meant. ayoko lang po sayangin ang pinaghirapan ko sa UP!! graveh! kayo po, ano po ang mga ginawa ninyo para po makapunta sa japan? gusto niyo rin po ba makapunta sa japan dati pa?
isko/iska rin pala, artemis…

I was there in Dil , "nagsusunog ng kilay’:smiley: heheheh…before I came here…medyo mahaba nga lang ang kuwento ng buhay, kaya, let’s skip that, OK?

Anywaz, How’s UP nowadays? Ganun pa rin? Magkano na ba ang IKOT? :confused:

“Fascinating”, you say, about Japanese :japanese: and all that is attached to it.
BUt being in this place tooooo longgg …:bowdown: sometimes gets into you that you realize that there is nothing better than your own. We simply do not realize it because we feel we want to do something …or GO somewhere OTHER than ours. Nevertheless, I’d say, going into the world is LEARNING in itself.

Hope you find what you are looking for. Just keep on trying, kiddo!

see yah!:bouncy:

This is an archived page from the former Timog Forum website.