How do you celebrate All Souls Day?

c2ny2

10-06-2005, 01:23 PM

Kabayan, malapit na naman ang araw ng mga kaluluwa:skull:. Papaano n’yo po bang na cecelebrate itong araw na ito dito sa Japan? Share n’yo naman ang mga nagawa n’yo noong mga nakaraang All Souls Day. Salamat Po!

Dax

10-06-2005, 01:32 PM

Here in Japan I don’t.

Sayang at walang “long vacation” dito sa Japan
na natapat sa All Souls’ ay Saints’ Days. :frowning:
Kung meron uuwi sana ako.

Naalala ko pa ang mga adventure namin noong
maliliit pa kami: iniikot namin ang buong sementeryo
at palumaan ng pontod na mahanap! :smiley:
Tapos gumagawa kami ng wax balls - palakihan!
Nakakamiss.

honey

10-06-2005, 02:01 PM

wala kaming celebration dito o ritwal na ginagawa para sa mga patay dito sa japan.sa pinas syempre yun nakaugalian na ang magtirik ng kandila take note ang kandila na itinitirik ko sa tapat ng bahay namin walang kalat samantalang sa iba nagkalat kailangang kayudin talaga. :eek:

hotcake

10-06-2005, 02:54 PM

Nagtitirik lang ako ng kadila sa harap ng bahay namin. (kung gagawin mo rin ito, huwag mong kalimutan patayin ang apoy ng kandila bago ka matulog at baka magkasunog…:smiley: )

Chibi

10-06-2005, 03:29 PM

wla!!!basta pray ko lng ung mga relatives ko n wala na, chaka nagpamisa sa 'Pinas/nag p-pray cla sa bhay!!

eps

10-06-2005, 04:24 PM

Naalala ko pa ang mga adventure namin noong
maliliit pa kami: iniikot namin ang buong sementeryo
at palumaan ng pontod na mahanap! :smiley:
Tapos gumagawa kami ng wax balls - palakihan!
Nakakamiss.

Hello Dax :wave:

I can relate to that kind of “adventure”. Kami naman ng mga pinsan ko ay umiikot sa cemetery para maghanap ng magagandang puntod. And those candles—nakakatuwa because they come in different colours!! Nakakamiss talaga ang happy childhood ano?:open_mouth:

Dito sa Japan, nagdadasal na lang ako para sa mga deceased relatives ko.

c2ny2

10-07-2005, 11:00 PM

Iba talaga ang celeberation ng mga Pinoy pagdating sa araw ng mga namayapa na. Katulad din ako noon ni Sir Dax at Eps. Ikot ng ikot sa sementeryo para lamang kunin yung mga kandilang tunaw na para gawing ballwax. Pero talo naman tayo kung mapapadaan sa lugar nila honey dahil ang kandila nila ay walang kalat.

Dito naman sa Japan for the past nine years eh sa balcony lang ako ng aming apartment nag titirik ng kandila. Pero katabi ang waterhose. Ginagawa ko ito tuwing Nov. 1 ng gabi hangat maubos yung mga kandila. Pero this year makakaranas na naman ako ng All Saints Day sa atin. Palagay ko malaki na ang pagkaka iba kaysa dati.

fremsite

10-07-2005, 11:18 PM

Kabayan, malapit na naman ang araw ng mga kaluluwa:skull:. Papaano n’yo po bang na cecelebrate itong araw na ito dito sa Japan? Share n’yo naman ang mga nagawa n’yo noong mga nakaraang All Souls Day. Salamat Po!

wala po and wala ring kandilang tinitirik …
just a little prayer before going to sleep :slight_smile:
kung di ko malimutan :smiley: :smiley: :smiley:

goldhorse

10-08-2005, 09:26 AM

Nasa probinsya kasi ako nakatira hanggang high school, at pag November 1 nagdadatingan ang mga kamag anak naming galing Manila para dalawin ang mga puntod ng mga ninuno namin at para sa kanila ay todo ang handaan. Kaya ang impression ko dati sa mahal na araw ay parang noche buena sa umaga.

halloween

10-08-2005, 09:35 AM

Sa aken laging memorable ang October 31 kasi ito ang b-day ko. Double celebration dahil kapiling kong nagsasaya ang mga namayapa na, o di ba kakaiba. So sa cemetery ang venue ng party ko.

It’s my first time to experience all souls day here in Japan at 1st b-day ko rin abroad kaya nakakalungkot, buti na lang may TF.

c2ny2

10-08-2005, 10:56 AM

Ang galing naman ng timing!!! Noon ko pa gustong itanong sa iyo kung bakit halloween???:open_mouth: Since I will be leaving this 24th this month e gre GREAT na kita ng Happy Birthday:band:. Baka makalimutan ko pa! Happy Birthday ulit may friend…

Hungry eyes

10-14-2005, 09:06 PM

nakagisnan ko na na tuwing all saint or souls day…ginagala namin ng mga frends ko yun Loyola sa Marikina…kasi may last supper doon…tsaka feeling namin rich kami…may nakalibing na relatives…sa tototo lang wala…kasi na nauso yun tanong na saan kayo dadalaw na libingan…pag sagot mo ay …dyan lang sa barangka…laming ng mata matitikman mo…:rolleyes: tsaka sa totoo lang…marami na sa atin ang hindi nakakaalam ng totoong ibig sabihin ng all souls day…yun iba parang piknik…disco…may gamble at inuman sa loob ng cementary…at yun iba…guys or gals hunting…hindi rin namin nakaugalian na magtirik ng candles sa house…wala naman kasi yun puntod doon…it must be done in front of grave with prayers…

halloween

10-14-2005, 10:45 PM

sa greeting. When I was a kid, I always looked forward to my b-day. Ngayon, d na wish ko nga sana parang February tapos laging leap year, hahahaha, as if naman, maiiwasan. Grabe, I’ll be a year older.

By the way, Mr. Tony thanks sa offer na ayusin reservation ng ticket ko. Now its final, my flight is on the 22nd of Dec and I’l be back on the 4th of Jan. If I may ask, san punta nyo on the 24th? Are you leaving for Manila? Mausisa ba, pasensya na.

c2ny2

10-14-2005, 11:03 PM

Yes, 24th aalis ako punta sa atin untill November 09 via Pal. Ikaw ha hallowen ni buking mo naman ang name ko. Ok lang sis, Kaya ko natanong yung mga ginagawa nyo tuwing sasapit ang All Saint’s Day dahil in my case, ito yung first after 18 years na di natatapat ang vacation ko sa ganitong date.:skull::skull:: skull::yippee::yippe e::yippee:

halloween

10-14-2005, 11:17 PM

Ni buking? ang cute naman tagalog nyo, parang kolehiyala. Buti pa kayo maaga ang uwi, ako mag-intay pa ng Dec. Di nga ako sure kung intact pa sanity ko non, sana naman. Happy trip Mr. c2ny2, ingat sa byahe.

As for the traditional celeb, ala namang nabago kasi the last time I was there party pa rin mga tao sa panchon, the very festive mood, the usual heavy traffic at dagsang tao sa may Dimasalang para bumili ng bulaklak (mura kasi don).

gabby

10-15-2005, 12:16 AM

Saan ba ang mga bahay nyo nang makapag-trick or treat naman.

depp

10-30-2005, 12:36 PM

undras na sa makalawa at parang gusto ko na namang umuwi para personal na mapakag-alay ng bulaklak sa namayapa kong ama.
magluluto na naman si nanay ng bibingkang ube,ganun kasi sa probinsya namin.at masaya na naman ang mga tao sa barangay namin dahil buzy na naman sila sa pagtingin sa mga taong dumadaan papuntang sementeryo.malapit kasi kami sa sementeryo.as in tabi lang pala namin.at marami na namang tao sa amin.haggang umaga ang agos at ingay ng tao.ngkakagulo na naman ang mga bata at panay porma na naman ng mga teen-agers kabilang na pamangkin ko.
magtitirik na lng ako dito ng kandila para sa tatay ko.and i will pray for his soul and for my relatives souls.

Maruchan

11-04-2005, 01:25 PM

Okay, late na ang post ko; tapos na ang All Souls Day pero share ko pa din…

Kami ni hubby, if we can attend a mass we do tapos we offer a mass for all the souls in Purgatory, especially our departed love ones. If we’re staying home, we leave a lighted candles on our altar the whole day. Then we pray the Holy Rosary, the Chaplet of The Divine Mercy and other prayers to help shorten the sufferings or to alleviate the condition of the souls in Purgatory. Then we remember our departed loved ones by talking about them; remembering them.

adechan

11-05-2005, 06:19 PM

Sa aken laging memorable ang October 31 kasi ito ang b-day ko. Double celebration dahil kapiling kong nagsasaya ang mga namayapa na, o di ba kakaiba. So sa cemetery ang venue ng party ko.

It’s my first time to experience all souls day here in Japan at 1st b-day ko rin abroad kaya nakakalungkot, buti na lang may TF.

belated happy birthday

mOtt_erU

09-01-2006, 11:11 PM

…Pag nasa Pinas ako,…
Me & my Family goes to church. then sa cemetery …nagRorosary, nagaalay ng "Favorite Food " nung pumanaw namen na relative …then we`ll leave a boquet of flower…dito sa Japan nagdadasal lang kame ng asawa ko pag Obong.:slight_smile: