How to install Macintosh OS?

Willy2k5

09-18-2005, 12:48 PM

Sa mga TF members, pakisagot lang po…

How to install Macintosh OS version 9? Paki detail lang po (from formatting,system disk and etc)… Kasi ang alam ko Windows system lang po…

What type of computer ang kailangan?

yon lang po…
salamat

Paul

09-20-2005, 02:39 PM

umpisahan natin sa computer mo. anong model yung mac mo?

shyboy

09-20-2005, 07:16 PM

pano kung hindi Mac ang pc (original OS ay Windows), pwede bang palitan ng Mac OS. arigatou!

Paul

09-20-2005, 09:36 PM

pano kung hindi Mac ang pc (original OS ay Windows), pwede bang palitan ng Mac OS. arigatou!

hindi ko sasabihing hindi pwede kasi may paraan pero limited lang ang system configuration na pwede. at ang paraang ito ay hindi legal kasi kelangan mo ng installer ng OS X na binibigay lang sa mga developer.

ang masasabi ko ay hindi kumpleto ang mac experience kung software lang. ang nagpapaganda sa mac ay ang pagkakaroon nito ng tight integration between hardware and software (bukod sa pagkakaroon ng hardware na talagang maganda). sa madaling salita ay bakit ka gagamit ng mac os sa computer na hindi mac?

Willy2k5

09-21-2005, 07:05 AM

sorry paul, wala akong mc pc. tinatanong ko lang kasi balak kung bibili ng mc pc. pag aaralan ko muna kung paano mag install… kasi pag dinala mo sa centre para repair, talagang napakamahal. or may website ba na paano i repair or install ang mc pc?
salamat

Paul

09-21-2005, 07:40 PM

a ganun ba. magbasa-basa ka muna sa PinoyMac (http://www.pinoymac.org) o PhilMUG (http://www.philmug.ph). meron silang newbies section. marami kang matututunan dun.

Willy2k5

09-22-2005, 12:36 PM

maraming salamat paul

goldhorse

09-22-2005, 12:55 PM

Hi Willy2k5!

Just a question. Is there a particular reason why you want to install OS9? It’s just that its an old OS and is being currently phased out. Other than that you want to use an old mac model that’s capable of running only OS9, maybe it’s better to use OSX, the latest version. I think you can find second hand OSX macs easily enough.

Willy2k5

09-22-2005, 01:16 PM

salamat goldhorse sa mga payo mo. Actually my purpose is to study on how to install, format, or repair Mc pc. Kasi first time ko pa sa McOs at hardware. Wala akong kaalamlam kung papaano mag install or repair. Tama ka OSX yung bago… hihiram na lang ako sa kaibigan ko

goldhorse

09-22-2005, 02:13 PM

I see. So balak mong mag service ng mga macs? Better nga you know both OS9 and OSX kung ganoon. Kagaya sabi ni Paul madami kang malalaman sa mga PinoyMac Forum. Pwede ka ding pumunta sa Apple site. Madaming techinical database doon. Siya nga pala, kung di mo pa alam, maglalabas ang Apple mga next year ng mac na umaandar sa Intel processor, so yuong developer model na nabanggit ni Paul ay para sa mga software companies na maglalabas ng hybrid versions na aandar both sa PowePC at Intel CPU. Isa pa, kung may UNIX background ka, based sa UNIX ang OSX. So baka familiar ka sa terminal.

This is an archived page from the former Timog Forum website.