i can't sleep

prettylily_1203

08-13-2005, 02:32 AM

pagod na ako dito sa Japan. Sorry, medyo nakainom ako. Alam kong ayaw ni Makulit sa mga Pilipinang nagtratrabaho sa gabi kahit may asawa ng hapon. I envy you, at lucky ka sa naging asawa mo. Sana you can understand the situation ng ilang nating kababayan dito. May ugali na tayo kahit may sarili na tayong pamilya tuloy pa rin ang suporta sa mga pamilya natin sa Pinas…
Pagod na pagod na ako… Hanggang kelan ba ang obligasyon na ito… Kaya cguro di ako bnagyan ni Lord na magkaanak… Nag arubaito lang ako ngayon sa isang Snack today kasi 1 year na nila at ang owner ay friend k…I’m really rired but I don’t have the guts to tell it to my family…:frowning:

makulit

08-13-2005, 03:43 AM

Pagod na pagod na ako… Hanggang kelan ba ang obligasyon na ito… Kaya cguro di ako bnagyan ni Lord na magkaanak… Nag arubaito lang ako ngayon sa isang Snack today kasi 1 year na nila at ang owner ay friend k…I’m really rired but I don’t have the guts to tell it to my family…:frowning: magandang umaga prettylily_1203. med yo down ka ngayon. i hope you are okey.:sweeties:

i didnt say na ayaw ko sa mga pilipinang nagtatrabaho sa gabi kahit may asawa na. hindi ko maintindihan kung bakit, pero maraming bagay na naman sa mundo na hindi mo kailangan intindihin … ipagpaumanhin mo kung nasaktan kita sa sinabi ko.

alam ko yung ugali natin na kahit may sarili na tayong pamilya ay tuloy pa rin ang suporta natin sa mga pamilya natin sa Pinas. isa na ako sa patuloy na nagsusuporta sa pamilya sa atin sa pinas. dumarating din ang araw na naiisip ko kung kailan ba matatapos to. alam ko rin naman ang sagot sa tanong ko, walang katapusan …

isa lang lagi ang iniisip ko pag ganito ang mood ko. napaka-swerte ko dahil I am in a position to help my family. mas maganda na para sa akin na ako ang tumutulong kaysa naman ako ang tinutulungan.

sabi nila blessed daw ang mga taong hindi nakakalimot at patuloy na tumutulong sa sariling pamilya na naiwan sa Pilipinas. palagay ko totoo yon … not that am asking anything in return. subukan mong maging positibo sa bagay na to. napakagandang bagay ng ginagawa mo para sa pamilya mo …

jay402c

08-13-2005, 12:33 PM

i agree…tama si makulit.
add ko lng yung kasabihan na kung tutulung ka,tulungan mo silang matutong mangisda at hindi yung bibigyan mo ng isda.

cyclops

08-13-2005, 12:58 PM

ako rin ganito ang problema. may sariling pamilya na ako sinusuportahan ko parin ang pamilya ko sa pinas.
paano ko(natin) silang tuturuang mangisda kung ayaw naman nilang pumunta sa ilog?
cyclops :frowning: :frowning: :frowning:

nona

08-13-2005, 02:00 PM

hi prettylily_1203… lam mo hanga ako sa iyo kasi you have the guts na i-broadcast s buong timog member problema mo…and yourself too…ang masasabi ko lang sa iyo sana bigyan mo sarili mo ng dahilan para hindi masyadong mabigat dalhin…i mean ano man ang ginagawa mo para sa iba hanap ka ng dahilan na magmumula sa listahan ng mga kaligayahan mo sa buhay…sa ganung paraan kahit paano mas madaling matanggap lahat ng bigat ng problema…lam ko nhihirapan ka pero lam ko rin maligaya ka rin sa ginagawa mo…sa kahit na ano pang mga bagay na gagawin mo sa mga susunod pang panahon may mga resulta yan at doon ka kukuha ng lakas sa mga mabubuting resultang yun…at lagi mo ring iisipin na lahat ng bagay kung hindi susubukan di mo malalaman ang resulta…walang masama kung subukan mong magsabi ng pakiramdam mo sa pamilya mo…at sa tingin ko naman mahal ka rin nila tulad ng pag-sasakripisyo mo sa kanila…cheer-up!!! you are one in a million na may napaka-laking puso para sa mga natutulungan mo…

makulit

08-13-2005, 03:36 PM

ako rin ganito ang problema. may sariling pamilya na ako sinusuportahan ko parin ang pamilya ko sa pinas.
paano ko(natin) silang tuturuang mangisda kung ayaw naman nilang pumunta sa ilog?
cyclops :frowning: :frowning: :frowning: palagay ko ganito lahat ang case natin. hindi na ako nagtatanong nga kung paano sila makakatulong sa akin, kasi oftentimes, i get frustrated with their answer. ako na lang ang nag-iisip kung ano ba ang pwede kong gawin. kaya gusto kong magkabiz na pwedeng ioperate from here.

goldhorse

08-13-2005, 04:58 PM

Tama talaga yuong sinabi ni Jay402c. Kung bibigyan mo ng panggastos lang ang isang tao mauubos at mauubos ito, tapos hihingi na naman. Mas maganda nga na bigyan mo ng capital at idea ng pagkakakitaan nila para noon maging self supporting. Kaya lang, katulad na din ng experience ni Makulit, at ako na din, may mga tao walang initiative. Basta alam nilang may makukuhanan silang pera for free, bakit pa sila magpapakahirap magtrabaho? Kabobohan nga naman ang magpawis kung may babagsak namang biyaya galing Japan. Kaya ako tinitigil ko ang padala from time to time, para maisip isip naman nilang hindi every time maghinigi e may darating. May epekto ba? Kung minsan. Pero madaling makalimot ang tao. Pag nagpadala ka, ibig sabihin oks na namang mag rely sa iyo.

Alam ninyo, hindi lang personal ang problemang ito. Ang mismong bansa natin malaki ang reliance sa foreign currency na pinadadala nating mga OFW sa mga kamag anak sa Pinas. Tuwing pumupunta si GMA dito palagi niyang sinasabi ito. Ang laki talaga ang amount na ito, at kung iisipin dapat sana nagagamit ang ilang mang parte nito para makapagtayo ng buisness, para maging self supporting ang mga kababayan natin. Ngunit kadalasan ay ginagastos lang ito sa pang araw-araw na bagay. Ang nangyayari ay parang yuong pinapadala na aid ng UN sa mga mahihirap na bansa, padala ka man ng padala, walang hangganan ang paghihingi.

Madaling gastosin ang perang hindi mo pinaghirapan. Ang talagang magagawa nating ay ipaalam sa pinadadalahan natin kung gaano kahirap maghanapbuhay sa pananalita at kilos. Ang suggestion ko ay kung pwedeng mag set ng condition, mag set tayo, maski anong maliit na condition, basta malaman lang nila na di sila makakakuha ni isang kusing kung hindi magpakita ng pagsusumikap. Tama yuong tumulong sa may kailangan, pero palagay ko hindi tama tumulong sa ayaw tulungan ang sarili, lalong lalo na kung may kapabilidad siya.

c2ny2

08-15-2005, 10:41 PM

Alam mo prettylily_1203, tama yung mga payo ng mga kapwa TFmembers natin. Dagdag ko lang na alam mo ba na habang paulit-ulit nating tinutulungan yung mga pamilya natin sa Pinas ay unti-unti nating nilulubog sila sa kanilang sariling kumunoy. Iahon natin sila sa pamamagitan ng pagtulong ng minsanan lang. Katulad halimbawa ng:
Bigyan natin sila ng katamtamang halaga para makapag-umpisa ng maliit na negosyo. Minsanan lang na tulong at hindi paulit-ulit… na kailangan nilang bagyabungin yun, paunlarin dahil iyon kapagka nawala ay wala na ring kasunod.
Nagawa na ito prettylily_1203 at ang naging resulta naman ay maganda. At makakaasa kang makakatulog ka na ng mahimbing sa gabi

makulit

08-15-2005, 10:57 PM

Alam mo prettylily_1203, tama yung mga payo ng mga kapwa TFmembers natin. Dagdag ko lang na alam mo ba na habang paulit-ulit nating tinutulungan yung mga pamilya natin sa Pinas ay unti-unti nating nilulubog sila sa kanilang sariling kumunoy. Iahon natin sila sa pamamagitan ng pagtulong ng minsanan lang. Katulad halimbawa ng:
Bigyan natin sila ng katamtamang halaga para makapag-umpisa ng maliit na negosyo. Minsanan lang na tulong at hindi paulit-ulit… na kailangan nilang bagyabungin yun, paunlarin dahil iyon kapagka nawala ay wala na ring kasunod.
Nagawa na ito prettylily_1203 at ang naging resulta naman ay maganda. At makakaasa kang makakatulog ka na ng mahimbing sa gabi maganda yan by theory c2ny2. nasubukan mo na ba sa pamilya mo? ako ilang bese ko nang sinubukan, walang nangyari. pang-apat na beses umuwi pa ako mismo dyan sa atin at nagtagal ng pitong buwan, ako ang nagmanage at tinuturuan ko sila kung paano. nung sa tingin ko ay okey na at kaya na nila bumalik na ako dito, pero wala pang 5 buwan, bagsak na ulit. nawala din ang puhunan, pinambili ng kung anu-ano. nagalit ako … sumama loob ko … nagbigay ako ulit … at ulit … at ulit … pero wala talaga. Kaya tayong nasa Japan na lang ang mag-isip kung paano pa tayo magkakaroon ng extra income o kaya tayo na mismo ang magnegosyo.

Paano mo rin masasabi na minsan ka lang tutulong? Lalo na kung magulang mo yung sinusuportahan mo. Pwede mo bang sabihin sa kanila yon? Paano ka naman makakatulog sa gabi ng maayos?

c2ny2

08-15-2005, 11:10 PM

Nasubukan ko na yun miss makulit na pinay. maganda pa nga ng nangyari. sa magulang naman obligayon na nating mga anak yun. yun naman ay di kalakihan. pero sa mga brod & sis kailangan may ngiting may pangil.

makulit

08-15-2005, 11:12 PM

hmmm … oo nga pero ang alam ko … obligasyon ng mga anak na lalaki yon … hindi ng mga babae. baligtad kami, ang mga lalaki ayaw magtrabaho … nakasandal sa malaking pader kasi …

c2ny2

08-15-2005, 11:32 PM

Yun ang masama mga lalaki pa naman. Dapat yung pader na ang lumayo layo ng mataohan yung dapat sasandal. Mahirap talaga pagaka nasanay. Tuloy-tuloy na kasi yun. Kaya nasa atin yung dapat na control.

MiaAiko

08-20-2005, 04:47 PM

well, sa lahat ng naka chit-chat kong OFW sa airport kahit saan yan yun problem.
Hindi ka nag -iisa.
well I dont know how you guys will feel if I ask all of you some answer and the answer will come it itself…

  1. Mahal ba ninyo ang kamaganak ninyo??
    ***Yes, then dapat ituro mo ang Tama sa Kanila.
    ***No, eh di sundin niyo kong ano ang gusto nila.
    2.Ano ang Tamo?
    *** maging self idepedent sila, wag sila umasa sa mga padala ng ibang Tao.
    *** mag trabaho sila, hindi mahirap mag hanap ng trabaho sa pinas kung walang namimili ng trabaho.
    *** papaano kong ayaw nilang magtrabaho? medyo masakit ang sagot dito thenStop ka muna sa padala, pag nagutom na sila and alam na nila wala silang maaasahan, then mag hahanap na sila ng trbaho.

Madami sa ating mga OFW nakakalimutan nila ang ibig sabihin ng Mahal nila ang isang Tao, ang dapat Kung Mahal mo ang isang Tao, dapat turuan siyang Gumawa ng Tama, hindi kunsintindihin ang maling gawain, ang pagmamahal ay dapat ibigay upang maging maunlad at makabuti sa isang Tao, hindi yun dahil sa sobrang pagmamahal, napahamak at naging walang silbi ang taong mahal mo.
naisip mo ba kung sakasakaling bigla kang sumalangit, ano na ang magyayari sa kanila…samantala pag naturuan mo sila gumalaw ng tama. kahit wala na silang maasahan hindi sila magugutom.

makulit

08-20-2005, 04:58 PM

These are very strong words MiaAiko. I bet you never had the need to support your family that’s why you can talk like this.

hotcake

08-20-2005, 05:03 PM

Hello MiaAiko, alam ko hindi dito ang lugar ng pag-welcome sa new member, pero dito nalang kita iwe-welcome kasi dito ako sasa got e.

Welcome toTF MiaAiko, hope you enjoy your stay. :slight_smile:

Se-second demotion lang naman ako sa reply mo e :smiley: , tama lahat ng sinabi mo. :thumb:

hotcake

08-20-2005, 05:13 PM

These are very strong words MiaAiko. I bet you never had the need to support your family that’s why you can talk like this.Hello Makulit,

I bet wala naman siyang intention na masama sa mga sinabi niya. Kumbaga gusto lang niya siguro magising tayong mga Pilipino na nasa ibang bansa sa katotohanan. Infact may point naman siya diba. Kasi kung hindi naman natin tuturuan maging independent ang mga mahal natin sa buhay ay paano nalang sila kung sakaling kailanganin na natin umuwi for good. Tayo uuwi tayo na alam natin na may sapat na tayong ipon para ikabuhay natin or pang-negosyo. Paano iyong mga mahal natin sa buhay pag-uwi natin, sasaluhin pa rin ba natin sila sa gayon pare-pareho na tayo na nasa Pinas. Alam ko di natin mafi-feel iyon mga sinabi ni MiaAiko kasi we are still earning, let us think/imagine about if we are not earning anymore. :slight_smile: Nakaka-relate pa ba sa topic ang sinasabi ko???:confused:

makulit

08-20-2005, 05:41 PM

Hello Makulit,

Hi Hotcake. Malamang wala nga syang intensyon na masama. Tama lahat ng sinabi nya. No doubt about it. Wala naman syang sinabi na hindi alam ng mga OFW’s. Geezzz … tayo ang kumikita ng salapi, ano ba ang ginagawa natin? Nag-iipon, nag-iisip kung paano maiaayos ang buhay. Hindi lang buhay natin, pati buhay ng mga mahal natin sa Pilipinas. Pinag-isipan din natin kung paano ba sila talaga magiging independent ng walang ibang taong nasa-suggest sa atin kung ano nga ba dapat ang gawin natin. Sa ibang pamilya, it works, sa ibang pamilya, sadyang hindi pa yata swerte. Sabi nga nila, swerte-swerte lang daw ang nag-nenegosyo. At hindi madaling mag-hanap ng trabaho sa pilipinas. Kung maraming trabaho sa Pilipinas, bakit maraming tambay? Siguro yung iba likas na tamad lang, pero yung iba naman talagang wala lang makuhang trabaho. Kahit factory work nga, hirap pa ding kumuha …

We spill our hearts out here, just asking TF members to listen. Dont pass judgment and dont give unsolicited advise. Its like for once , you can rant, say whatever you want and nobody has to feel sorry, lecture you, or whatever.

hotcake

08-21-2005, 07:14 AM

Hi Hotcake. Malamang wala nga syang intensyon na masama. Tama lahat ng sinabi nya. No doubt about it. Wala naman syang sinabi na hindi alam ng mga OFW’s. Geezzz … tayo ang kumikita ng salapi, ano ba ang ginagawa natin? Nag-iipon, nag-iisip kung paano maiaayos ang buhay. Hindi lang buhay natin, pati buhay ng mga mahal natin sa Pilipinas. Pinag-isipan din natin kung paano ba sila talaga magiging independent ng walang ibang taong nasa-suggest sa atin kung ano nga ba dapat ang gawin natin. Sa ibang pamilya, it works, sa ibang pamilya, sadyang hindi pa yata swerte. Sabi nga nila, swerte-swerte lang daw ang nag-nenegosyo. At hindi madaling mag-hanap ng trabaho sa pilipinas. Kung maraming trabaho sa Pilipinas, bakit maraming tambay? Siguro yung iba likas na tamad lang, pero yung iba naman talagang wala lang makuhang trabaho. Kahit factory work nga, hirap pa ding kumuha …

We spill our hearts out here, just asking TF members to listen. Dont pass judgment and dont give unsolicited advise. Its like for once , you can rant, say whatever you want and nobody has to feel sorry, lecture you, or whatever.Hi Makulit. Easy ka lang:) based sa mga sinulat mo ay para bang nasira ang araw mo ( which I hope na di naman sana):slight_smile: .Tama ka rin sa mga sinabi mo, kasi nga kung madaling kumuha ng trabaho sa pinas ay bakit maraming pilipino sa ibang bansa.

tama ka din sa sinabi mo sa 2nd par. ng reply mo. pero di ba nasa atin din naman ang pagde-decide in the end. kahit na ano pa ang sabihin sa atin, it is up to us kung ia-apply natin sa atin or not diba…:slight_smile:

Mel

08-21-2005, 05:25 PM

Hello Everyone,

Im quite new here in japan for 11 months now. And i find japan as an interesting place to see but the thing is im not happy with my job i mean im bored for what i am doing( documentations) i hate it so much. I want more technical jobs by the way i work here as an Engineer in a German Company. So if theres any filipinos out there who’s in need of electrical Engineer please let me know. I appreciate the big help if ever. Besides sobrang nakakalungkot pala d2 lalo na pagayaw mo yung salita nila it doesnt mean that i dont like japanese but i dont have any ineterest in learning their language.

By the way, regarding our kababayan na hindi makatulog dahil sa mga pinapadala nya sa family nya sa pinas, well i would suggest that life in the philippines is terrible i mean mahirap ang buhay kaya we are lucky that we are blessed na may work tayo d2 japan. Kung ako tatanungin mo kailangan pa din tayong magpadala sa family natin kasi tayo lang inaasahan nila PERO please have something for you also you need to save oney for yourself dont give everything to them, there is a saying that NO ONE WILL LOVE YOU IF YOU DONT LOVE YOURSELF FIRST.

Comments are welcome…Keep in touch mga kababayan

Best regards,
MEl

hotcake

08-21-2005, 06:10 PM

Hello Mel, welcome to Timog :band: . Enjoy your stay.
Good to hear that you find japan interesting but sad to hear also that your being bored or not happy with your job. Sana maibsan naming mga taga-TF ang kalungkutan mo.:slight_smile: One good advice, since na andito ka sa japan try to learn their language. Kasi pag natutuhan mo na ang nihonggo, I’m sure mae-enjoy mo din ang stay mo dito. Gambatte ne.:smiley:

jomerperter

08-21-2005, 07:51 PM

sang-ayon ako ky jay at c2ny2…
lahat ng obligasyon ay may limit, kung ang pagsuporta ay bukal sa kalooban ngbibigay ito ng kligayahan, ngunit kung ito ay nagiging mbigat n sa kalooban, lalo na bulsa, nararapat na ito ay bigyan na ng hangganan.

Mel

08-22-2005, 08:28 PM

Hello Kababayans,

Im online right now. It was interesting to know filipinos have this kind of chating forum i hope everybody is fine. Well i have some insights regarding the money that someone is sneding to our families in the phil, Well i think we still need to continue supporting them as much as we could coz we all know how difficult life in our country is. Giving support to our loveones will be a great help and they need us very much especially our parents,but of course we need also to save something for ourselves right? Comments are welcome

By the way, do we any filipino gatherings out there im so homesick thats why i need to talk to filipinos who wants to meet me. Maybe a good suggestions will be a barbeque? I miss it so much…

Thats all for now folks, Take care…Hope to see you all…Enjoy and have agood night

All the best,
Mel

:smiley:

pointblank

08-22-2005, 09:21 PM

Good evening, people of the ripablik of da Pilipins!!!

Nakakabuang ang thread na ito - bakit ko yata di napansin hanggang ngayon?:confused:

Nasabi na yata ninyo ang lahat ng masasabi - both for and against - tungkol sa pagsusuporta sa mga kamag-anak natin sa Pinas. Naiintindihan ko kayong lahat, and in a way, tama din kayong kahat. Ultimately, pareho naman ang hangad natin - ang kabutihan ng mga mahal natin sa buhay.

I guess that this is the point that we should go back to: anong ang pinakamabuting gawin para sa mga mahal natin? Alam natin na ang isang ina ay hindi dapat pagbigyan lahat ng layaw ng kanyang anak, kahit na gaano niya kamahal ito (or should I say DAHIL mahal na mahal niya ito) para hindi ito lumaki na walang disiplina.

Let us make a distinction between the need for help - kung tutuong nangangailangan o kung induced lang ang situation. Pag meron may sakit, o kaya’y matanda na si Nanay at talagang di dapat pang magtrabaho, tulungan natin bilang masunuring anak. Pero kung umiinom lang ng beer sa tanghaling tapat ang mga lalaking kapatid o kaya’y nagma-majong lang araw-araw, seriously, kailangan mag-isip na talaga.

Tandaan natin na hindi tayo palaging genki na makakapagkayod para suportahin ang mga kamag-anak natin. Kailangan rin natin alagain ang sarili natin at magtira for our own old age.

Pero sa tutuo lang, for better or for worse, hanga ako sa malasakit nating mga Pinoy sa mga kamag-anak nila!

Maruchan

08-23-2005, 12:49 AM

By the way, do we any filipino gatherings out there im so homesick thats why i need to talk to filipinos who wants to meet me. Maybe a good suggestions will be a barbeque? I miss it so much…

Hi Mel,

I think you’re just a walking distance from where I live. Sorry to hear that you’re bored in Japan. I hope that will change soon. Anyway, kapag meroong gathering dito sa amin I’ll invite you para naman sumaya ka ng konti.

Hi Prettylily_1203,

Medyo na stressed out ka yata. I hope you find the solution to your problem and may it provide relief and peace of mind that I think you badly need.

God bless!

Maruchan;)here

MiaAiko

08-23-2005, 11:11 AM

HI! Makulit and Hot Cake, My answer are not ment to scold or lecture anybody, an example of this is hindi nawawala ang sakit sa ulo if you dont take medicol. you might be able to tell the whole world about your headache, but if everybody just listen, then headache will still be there.

Tama ka rin Makulit, I never supported any body … But I saw how my mom suported her 2 sis and 2 brother na parang baby, ayon naging sayang buhay nila, 70’s na sila still yun family nila call para to ask money, nakakaawa, my mom stop supporting them 1995 kasi nag zero balance yun bank book niya, the bank called my dad and after some discussion, my mom stop giving her bro and sis money, yun daily expenses sa bahay si dad na nag hahandel.
My mom 2 brother and 2 sister are collage graduate pa, but since my mom support them well dati, hindi na sila lumabas ang nag work, but after the support stop… super kawawa sila ngayon… even slippers wala sila pang bili. looking for work kaso walang nag mag hihire sa kanila, eh papaano naman nasa 60++ na sila, how can they start??
Nakakaawa sila pagtumatawag, but my mom can’t help them kasi wala na siyang bank account, and my dad warn us if we gave money to my mom para ibigay niya lang sa mga brother and sis niya, we will be moving back australia. which all of us dont want.

Now a days superdami ang mga OFW, bakit?? dahil nainganyo sila sa mga kwento ng mga nagbalik bayan na OFW, kung baga mas nanaig yun mga story ng nagtagumpay kaysa sa mga story na mga minalas. kaya ang dami pumipila.

Yes makulit Tama ka rin sa sinabi mong Even Factory Worker mahirap pa nga makapasok, Tama po ito!! kasi nagsasara na halos lahat ng mga small to med na factory sa Pinas… bakit?? eh kasi naman nagsibaksakan ang mga super mura na item na Made in China… yun Payong for example… hindi ba dati nasa 100pesos ++ ang isa pag nakawala ka ng isa…ay sermon siguro ang aabutin mo sa mama mo ,… ngayon 30 to 50 pesos lang mayroon na made in china siya… kaya yun mga gumagawa ng payong dati sa Divisoria… wala na nagsara na sila…

ang mga trabaho ngayon na open ay puros mga call center Job na, yun ang uso… ang work nila ay grave yard shift… dapat nasa college level … magkano sweldo nila?? start ng mga 10,000.00 pesos sa mga nag tratrabaho ng mula 10p.m. to 6 a.m., mga nurse na now you see it now you dont… kulang na kulang din sa Pinas… halos lahat ng Hospital kulang sa nurse kasi naman maliit ang salary sa manila, nasa minimum lang sila, samantala kung pumunta sila ng US wow !!

sorri kung nasira ang araw ng ibang taga TF noon nabasa niya yun comment and suggestion ko, but I also wish you guys will be able to find a solution for thit matter, huwag sana matulad ang mga relative ninyo sa mga bro and sis ng mom ko. na naabot nila yun situation where in it’s too late to start.

neblus

08-23-2005, 12:28 PM

Isang advice na narinig ko ay sanayin daw ang magulang sa set na budget every month. Bigyan mo ng maximum at sanayin sila na hanggang ganon lang - nothing more. Kahit ano pang emergency ang mangyari… dahil hindi naman nauubusan ng emergency (unless of course Life and Death ng magulang).

but kagaya ng sinabi ni C2ny2, sa mga brod at sis, unless nag-aaral pa siguro, bahala na sila.

prettylily_1203

08-25-2005, 02:31 AM

sorry, i was the one who started this thread. I never expected na maraming nag post ng reply. If ever I cause trouble to you guys, then I’m sorry. But in the other hand, marami tayong nalaman na mga experiences ng ilang kababayan natin dito sa Japan… I’ve learned something, reading from all your replies… Thank you

pointblank

08-26-2005, 02:11 PM

Hello prettylily 1203!

Don’t feel bad about starting the thread. Actually, very relevant nga ito since many of us share exactly the same problem. This is an experience that is common to almost all OFWs, and it is something that all of us should seriously think about.

Minsan kasi, kayod lang tayo ng kayod, hindi natin iniisip ang kinabukasan dahil nga minsan ay hindi natin gusto ang nakikita natin. Sa pamamagitan ng thread na ito, nagkakaroon tuloy tayo ng chance na harapin ng diretso ang ganitong problema.

Just to add, if I may, another comment: huwag natin itago sa pamilya natin sa Pinas ang tunay nating kalagayan dito sa Japan. Let them know na kumakayod tayo at nagtatrabaho ng husto para sa makaroon ng perang pandala sa kanila. Let them know na hindi natin pinipitas ang pera sa puno.

Minsan kasi, nauunahan ng pride (o yabang) ang mga Pinoy - kahit na hirap na hirap at bugbog sa trabaho, pag-uwi sa Pinas, super galante at blow-out dito, blow-out doon. Nagkakaroon tuloy ng maling akala ang mga tao doon na mabilis ang pera sa Japan!

Dax

08-26-2005, 02:36 PM

Siguro lahat tayong OFW’s pareho ng nararamdaman kay lily. Ako din may sarili nang pamilya at hindi maka-ipon para sa amin kasi imbes na ipunin ay ipinapadara ko sa Pinas. :frowning:

Maliit lang ang sahod ko at alam nila ito, pero para bang automatically ay naging responsibilidad ko na ang magpadala sa kanila. Actually may binabayaran pa nga akong loan sa bangko dahil sa nagkaroon ng emergency ang isa sa mga kapatid ko. Since wala akong savings napilitan pang mag-loan. Haaay buhay.

“Kelan kaya matatapos ito?” Ang sagot siguro dyan ay: Pag-umuwi na kami sa Pinas. Matagal akong naging estudyante (8 years) dito at 3 years pa lang na nagtatrabaho. Kaya nga ako hindi muna umuwi ay para makaipon kami ng asawa ko! Pero sa sitwasyon ngayon mukhang hindi kami makakaipon hangga’t dumating ang oras para umuwi na kami. Napapa “shouganai” na lang ako…:nono:

pointblank

08-26-2005, 02:45 PM

… kasi imbes na ipunin ay ipinapadara ko …

Hello Dax!

Mukhang yung been in Japan too rong, etse, long pala… :smiley:

Natandaan ko tulong yung isang joke tungkol kay Marcos:

Japanese says to a Pinoy:
You Firipinos are so rucky! You have a President who robs (loves) you and a First Redy who robs you even more!! :stuck_out_tongue:

Dax

08-26-2005, 02:54 PM

Hello Dax!

Mukhang yung been in Japan too rong, etse, long pala… :smiley:

Oops! Gomenchai! :bonk:

That joke is the best! :hihi:

gvidanes

08-26-2005, 07:13 PM

hello everybody! i am here in makati and speaking as what i have witnessed sa mga friends ko na diyan na nagsi-settle.

akala kasi nung family ng best friend ko, pag andiyan ka sa japan, namumulot ka lang ng pera. it is easy for them to ask financial help. eh wala rin namang trabaho ang kaibigan ko kasi maliit pa ang baby nya. ok lang sana kung ang parents mo ang nanghihingi ng tulong, pero yun pang mga kapatid mong me asawa na. minsan, nahihiya na rin sila kaya ang ginagawa nila, yung mga anak na lang ang inuutusang humingi. at sino naman kayang tita or tito ang tatanggi sa hinihingi ng pamangkin? ilang beses na rin syang nagalit…hindi tumawag ng matagal…pero eto uli nagpapadala na naman. minsan ako na ang nagagalit at nagri-react sa family nya (kahit alam kong wala akong paki). pero alam ko ang hirap at sakripisyo nya para me maipadala lang. lalo na nung magbakasyon ako diyan.

blood is thicker than water talaga…pero prettylily_1203, try to count na lang your blessings. tama si nona, mas iba yung feeling pag ikaw ang tumutulong at hindi ikaw ang tinutulungan. alam naman ni GOD yung ginagawa mo eh. GOD will continuously bless you. naging mabuti kang anak at kapatid.

and of course, pray. nakakabawas ng bigat ng pakiramdam yun…kaya mo yan, sis!

lovered

08-31-2005, 05:02 PM

prettlylily pareho tayo:) nag wowork ako from 9:00-5:00 then 30mins akong nag bibisikleta hanggang bahay namin then pag dating sa bahay hindi naman makapar relax kahit sandali konting kain lang then prepare uli for work unlike you sa lounge naman ako mas maraming pressure dahil maingay ang mama namin…pag dating ng sweldo nagdadaan lang ung pera sa wallet ko paminsan pa kahit may gusto kong bilhin hindi ko na binibili kasi laging ang iniisip ko yung family ko sa pinas pero lam mo ba kahit anong pagod at hirap ko makausap ko lang sila sa phone ang saya saya ko na at kung bibigyan ao ng second life gagawin ko pa rin ang ginagawa ko ngayon para sa kanila

Stacie Fil

09-02-2005, 06:38 PM

Pagod na pagod na ako… Hanggang kelan ba ang obligasyon na ito… Kaya cguro di ako bnagyan ni Lord na magkaanak… Nag arubaito lang ako ngayon sa isang Snack today kasi 1 year na nila at ang owner ay friend k…I’m really rired but I don’t have the guts to tell it to my family…:frowning:

Hi pretty Lily and other TF family,

Nakakatuwang isipin na halos lahat tayong Pinoy ,lalot sa ibang bansa ay pare-pareho ang value sa pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya. Kita talaga ang samahan at sarap nang ties nang bawat kasapi nang pamilya. Hindi matatawaran ang ang ganuong pagmamahal, lalot marami ngayon sa buong mundo ang case na hindi kilala nang isang bata kung saan siya galing, or sino ang kanyang either mom or dad. Masarap magpadala nang biyaya sa ating mga mahal. Alam nating sadya itong nakakatulong at nakagagaan nang pamumuhay nila.

Alam natin ang value nang pagbibigay na walang hinihintay na kapalit. Kung naibigay mo na, kalimutan mo na, di na yon sa iyo. Kahit ano ,bahala siya sa kanyang gagawin. Nasasa-kanya na iyon, kanya yon eh. Yuon eh kung bigay.

Kung sa palagay mo na medyo mabigat at nakakapagod rin, ibahin mo ang sistema. Sabihin mo na mula ngayon ,hindi mo na kayang mag bigay for some reason. Halimbawa hirap nang trabaho, walang trabaho, mababa ang sahod. But bigyan mo rin nang hope na ang ipadadala mo ay suporta kay tatay/nanay…lamang. Kailangan maliwanag. Kailangan maramdaman ka rin nila ang intensity nang sitwasyon mo. Hindi masama yuon at kung totoo. Gumawa ka nang arrangement at time table kung hanggang kailan mo kayang magpadala pa. Hanggang matapos ang trabaho mo, or hanggang matapos ang pinag-aaral mo, or after 3yrs. kaya, etc.

From there, hindi na basta bigay lang yon. It makes you the bread winner/head of the family para sa parent/sinusuportahan mo.Make it clear na suporta ang purpose at di dapat basta ma divert sa ibang gastos. From there, OK lang siguro to inquire or know the cash flow. Magkano ang sa ganito at ganoon.Sa suporta mo, may direction kung alin at magkano ang para saan. Magkano sa estudyante, allowance, budget sa bahay, investment/negosyo franchise na binibili mo,or sa private bankbook mo. etc. Politely decide who shall hold accounts and report to you regularly on your call.

Learn to follow up if there are good changes or growth sa kanila. Syempre, ikaw ang head of the family at concern ka, make sure na ang tone eh hindi nanunumbat ,hindi sa naghihigpit but tunay naman na malasakit.

Teka mukhang mas mabigat ito at maraming iisipin na problema.:eek:

Heto po naman ay sa akin lamang. Good Luck and keep smilling.:slight_smile:

striver

09-04-2005, 01:56 PM

the fact is that culture na natin siguro iyon. values na kinalakihan na atin ever
since. the problem with you siguro is sinanay nyo sila. ok lang sana kung parents lang
natin or mga kapatid, pero karamihan siguro sa inyo eh pati mga kamag anak damay damay.
eh talagang magiging pasan mo mundo nya till death. i knew lot of pilipina na tulad then
ng problema nyo. umiiyak sila pag nalalasing na. pagod na pagod na talaga. talagang
nakakaawa. meron ko kakilala here na talagang same ata ng problem or mas higit pa kasi
buong lahi ata nila tinutulungan nya. as in patay patay na kakatrabaho. lubog sa utang at
kung ano ano pa. meron akong sulotion dyan, since di alam ng mga tao sa inyo kung
gaano kahirap kumita ng money rito or kung gaano nyo kinaaayawan work nyo, papuntahin
mo dito ang isa mong kapatid or any member ng family nyo. pakita mo sa kanya kung paano
kahirap mamuhay dito. then if you make her/him believe na hirap na hirap ka na dito,
sya na mismo ang magkukwento sa family mo don. pag di sila man lang naawa sa iyo or
walang effect, believe me or not, wala ng sulotion sa problema mo. all your life kaw ang
tatakbuhan nila at di na sila mahihiya pa. iyong sa isa kung kaibigan ganun ang ginawa po.
hayun may effect. since that medyo nahihiya na silang humingi, at iba na lagi ang usapan sa
phone. lagi syang kinakamusta kung ok lang sya or not. and less na iyong mga kwentong
puro problem. o diba pag ganun nangyari eh mas maganda. bawas problem at mga iniisip sa
buhay po. sige po. ganbatte kudasai.

honey

09-04-2005, 10:53 PM

LOVERED and PRETTY LILY mababait pala kayong mga anak nagtatrabaho para sa pamilya sa pinas.goodluck sa inyo pero ingatan nyo ang katawan nyo 'wag masyadong abusuhin magkaraoon pa rin kayo ng panahon para sa sarili nyo at kahit may problema :slight_smile: .concern lang!!!

lovered

09-05-2005, 03:43 PM

LOVERED and PRETTY LILY mababait pala kayong mga anak nagtatrabaho para sa pamilya sa pinas.goodluck sa inyo pero ingatan nyo ang katawan nyo 'wag masyadong abusuhin magkaraoon pa rin kayo ng panahon para sa sarili nyo at kahit may problema :slight_smile: .concern lang!!!Honey thanks sa concern mo ha:) May god bless you for always

Summer!

09-05-2005, 05:25 PM

prettlylily pareho tayo:) nag wowork ako from 9:00-5:00 then 30mins akong nag bibisikleta hanggang bahay namin then pag dating sa bahay hindi naman makapar relax kahit sandali konting kain lang then prepare uli for work unlike you sa lounge naman ako mas maraming pressure dahil maingay ang mama namin…pag dating ng sweldo nagdadaan lang ung pera sa wallet ko paminsan pa kahit may gusto kong bilhin hindi ko na binibili kasi laging ang iniisip ko yung family ko sa pinas pero lam mo ba kahit anong pagod at hirap ko makausap ko lang sila sa phone ang saya saya ko na at kung bibigyan ao ng second life gagawin ko pa rin ang ginagawa ko ngayon para sa kanila

Hanga ako sa yo, lovered, nakakaiyak pa ang sinabi mo about kung bibigyan ka ng second life e gagawin mo ulit ito. Love talaga natin ang mga pamilya natin, ano? nakaka-relate naman yata tayong lahat pagdating diyan sa bagay na iyan. delayed reaction pero ang sarap makidamay sa ganitong uri ng discussion…mina san, gambatte ne!!!:slight_smile: :slight_smile: :slight_smile:

adechan

09-05-2005, 10:52 PM

ngayon ko lang nalibot ito, at nabasa …

marami na akong nabasang mga share, para pa magdagdag ako.

pero i want to let you all know that kapreho nyo din ako dati.

mahabang nobela kung paano ako na ka graduate

prettylily_1203

09-06-2005, 10:51 PM

Honey, thanks for ur concerned…

Stacie Fil

09-11-2005, 12:49 AM

LOVERED and PRETTY LILY mababait pala kayong mga anak nagtatrabaho para sa pamilya sa pinas.goodluck sa inyo pero ingatan nyo ang katawan nyo 'wag masyadong abusuhin magkaraoon pa rin kayo ng panahon para sa sarili nyo at kahit may problema :slight_smile: .concern lang!!!

Dagdag po; Just in case na day off ninyo kinabukasan or at anytime possible, dont forget to walk out in the morning sun. Also drink lots of milk kung OK lang sa taste nyo.

puting tainga

09-11-2005, 05:25 AM

Hi, I hope the following analysis will comfort you.

In some countries, (including Japan), the poor people are protected by the government, that is, by taxpayers’ money.
Usually tax rate is very high in these countries.

Therefore, if you are a Japanese, when your brother or sister has no job and no money, you can say,

"Go to welfare office. Don’t come to my house anymore. You are a disgrace of my family. "

Functionally, sending money to the Philippines is like paying welfare tax.
Good thing is it goes directly to your family.

If it is a tax, as long as you work, you have to keep paying it.

ankizze

09-21-2005, 01:01 AM

kailangan talaga may limitasyon na pag2long natin sa pamilya… sa magulang ok lang pero sa mga kapatid…tsk…t sk…tsk… i think kailangan bigyan ng leksyon!!! like what happened to me sa kanila lahat napupunta pera ko binigay mo na lahat dahil ate ko nag aalaga sa anak ko!!! as in sagana sa lahat tapos pag uwi mo sa pinas magugulat ka na limas na pala lahat ng pinaghirapan mo dahil sinanla ng mabait kong kapatid lahat ng gamit ko like PC,TV,REF, and aircon!!! kaya ayun nag alsa balutan ulit ako at kinuha ko na anak ko sa kanila!!! mas maganda pa talaga na humingi ng 2long sa ninang ko kaysa kapamilya mo na ilulubog ka sa pagkakautang!!! palagi ko nga naiisip sana ibang tao na lang gumawa sa kin para di masakit!!!:frowning:

crister

09-21-2005, 10:05 PM

kailangan talaga may limitasyon na pag2long natin sa pamilya… sa magulang ok lang pero sa mga kapatid…tsk…t sk…tsk… i think kailangan bigyan ng leksyon!!!

kasi di naman sinabi sa 10 utos ng Diyos na “Mahalin mo ang iyong mga anak.”
kundi, “Mahalin mo ang iyong mga magulang.” Yung unang 2 kauutusan ay related sa Diyos, ito ang pangatlo at kauna-unahan na related sa tao.

regarding sa pagtulong sa mga kapatid, i agree, if kung ang mga kapatid natin ay may pamilya na at di naman marunong matuto sa buhay, dapat paminsan minsan talaga ay tiisin at bigyan ng leksyon. pero depende rin syempre sa situation.:wink:

seanty

09-22-2005, 12:52 AM

ang ganda ng thread na ito kasi ang pinag-uusapan natin ay hindi lang applicable sa ating mga nandito sa Japan, or sa lahat ng OFW’s…ang totoo, lahat tayo ke nandito sa Japan, or sa Pinas o kahit saan pa eh tumutulong sa pamilya sa iba’t-ibang paraan pero lalo na sa financial aspect ng buhay. Ang pagkakaiba lang kasi eh, nandito tayo at akala nila eh SOBRANG LAKI ng KINIKITA natin dito. PERO KUNG NASA PINAS DIN TAYO, hindi sila mag-e-expect masyado ng galing sa atin, kung hindi kung ano lang ang kaya natin ibigay.

Yung tungkol sa pagsusuporta sa mga magulang, para sa akin, hindi iyon tulong BUT AN ACT OF GRATITUDE. Nung naging magulang ako, doon ko na-realize ang hirap na dinanas ng nanay at tatay ko sa pagpapalaki sa akin, sapat na yung reason na yon para pasalamatan ko sila habang buhay kahit na anong terms pa. PERA is JUST PERA, I mean, madali palitan basta masipag ka lang pero yung mga sakripisyo ng nanay at tatay ko, hindi ko siguro mababayaran kahit maging bilyonaryo pa ako.

Sa mga kapatid, tama rin na paano natin iaaahon ang mga tao na ayaw umahon?..kaya lang sa Pilipinas, hirap masyado ang buhay, kahit me trabaho pa, kulang pa rin. Sa tax pa lang, halos kalahati na ng sweldo ang nawawala…ang mahal pa ng bilihin, kuryente at gas…sa liit ng sahod, kahit siguro ayaw humingi ng tulong or kahit hindi nanghihingi ng tulong, mag-iisip pa rin tayo sa lagay nila…bakit? KASI DITO SA JAPAN, kahit malaki ang tax, mahal ang bilihin maganda ang benefits…20% lang ang bayad sa doktor at gamot kung magkakasakit, mas mura ang kuryente etc etc

Hindi masama ang tumulong sa pamilya kung ang tinutulungan ay nagpapahalaga sa tumutulong. Ibig sabihin, nakikita natin na talagang pinagbubutihan nila na maayos ang buhay nila, ayos lang…masarap pa ang feeling non. Pero kung nakikita natin na napapariwara sila dahil sa pagkalinga na ginagawa natin, masakit man sa dibdib, siguro dapat ITIGIL dahil magiging sagutin natin ang mga bagay na yaon sa pangingin ng DIOS.

myukasky

09-22-2005, 01:53 AM

Ako din tumutulong sa family ko pero di malaking halaga, nakabudget sila. Sinasabi ko lagi sa kanila pagkasyahin kasi di puwede malaking halaga. May pangangailangan din kasi ako at dalawa ko anak. Kapag kasi sinanay mo sa malaking halaga, paano na kung dumating yung time na medyo lumiit padala mo daming tanong at reklamo. Ako sinasabi ko kung ayaw nila sa halagang ganon eh di salamat! Ano magagawa ko kung ganon lang kaya ko, pero kapag may emergency doon lang ako nagpapadala ng medyo malaki.:frowning: :frowning:

prettylily_1203

09-22-2005, 03:57 AM

:slight_smile: I just want to thank everybody who posted in this thread… With your replies it really helped me a lot. Guys, THANK YOU…

piNkAhOLiC

10-05-2005, 03:11 AM

pagod na ako dito sa Japan. Sorry, medyo nakainom ako. Alam kong ayaw ni Makulit sa mga Pilipinang nagtratrabaho sa gabi kahit may asawa ng hapon. I envy you, at lucky ka sa naging asawa mo. Sana you can understand the situation ng ilang nating kababayan dito. May ugali na tayo kahit may sarili na tayong pamilya tuloy pa rin ang suporta sa mga pamilya natin sa Pinas…
Pagod na pagod na ako… Hanggang kelan ba ang obligasyon na ito… Kaya cguro di ako bnagyan ni Lord na magkaanak… Nag arubaito lang ako ngayon sa isang Snack today kasi 1 year na nila at ang owner ay friend k…I’m really rired but I don’t have the guts to tell it to my family…:frowning:

Just as what my mom always tells me…“walang obligasyon ang anak sa magulang. nasa anak ang pagkukusa kung gusto nyang magbigay.”

There is no law written or stated that children must and is obligated to support their parents or even their siblings. It is however in the filipino culture that clearly defines the close-family-ties that sometimes become a burden instead of an asset. And at most times, family tends to depend and abuse the generosity of a member who cares deeply for them.

Get your heart-to-heart talk with your parents/siblings.
Tell them what your plans are and how it would affect them. Be firm with your decision and don’t let anything disturb you. You should keep in mind that, the time for them to be independent would always come. Don’t procrastinate. You have to set things in its proper place before anything else, otherwise this situation will haunt you all throughout your family life and it’s not a pretty sight, i tell you. You have a life of your own and you’re entitled to live it the way you want to. As for the meddling relatives, tell them “_ _ yrs na po akong tumutulong sa pamilya ko. Sa tingin ko panahon na rin para tulungan ko ang sarili ko.”

Hindi ka naman siguro lalabas na “walang utang na loob” cause it doesn’t necessarily mean that you totally get them out of your system. You will still help when you can, but only when there’s excess…I hope you’ll manage to clear everything out…

God Bless You!

alamagawa

10-23-2007, 04:01 AM

ang hirap hulaan ng favorite color ni pinkaholic:p

nakatulog na kaya si prettlily?:rolleyes:

This is an archived page from the former Timog Forum website.