Ikiru

reon

05-23-2005, 07:46 PM

Kahapon pumunta ako sa video store sa Ishimaru dito sa Tsukuba at wala akong makitang disenteng DVD na puwedeng panuorin. Medyo malaking investment ng time ang dalawang oras na panunuod ng sine kaya pinipili ko lang kung ano’ng movies ang papanuorin.

http://images.amazon.com/images/P/B00005JLMU.01.LZZZZZZZ.jpg

Tamang-tama namang kalalabas lang ng All-Time 100 Movies ng online edition ng Time Magazine (http://www.time.com/time/2005/100movies/). Siyempre subjective lahat ang mga listahan ng mga “best movies of all time.” Pero minsan, kailangang may nagrerekomenda sa iyo kung ano nga ba ang magandang panuoring sine.

Kasama dito ang “Ikiru” (To Live) (http://www.time.com/time/2005/100movies/0,23220,ikiru,00.html) ni Akira Kurosawa mula sa 1952, ang “best movie” daw ng 1950s, at tatlong pang Japanese films: “Tokyo Story” (http://www.time.com/time/2005/100movies/0,23220,tokyo_story, 00.html) ni Yasujiro Ozu mula sa 1953, “Ugetsu” (http://www.time.com/time/2005/100movies/0,23220,ugetsu_monogatari,00.html) ni Kenji Mizoguchi mula 1953 din, at “Yojimbo” (The Bodyguard) (http://www.time.com/time/2005/100movies/0,23220,yojimbo,00.html) mula din kay Kurosawa mula sa 1961 (na ginawang “A Fistfull of Dollars” starring Clint Eastwood.)

Alam ko itong “Ikiru” dahil meron ako nito sa bahay na matagal nang nakatambak sa isang sulok. Nakuha ko ito sa isa kong kaibigan sa Pinas, na nakuha naman niya sa – saan pa? – Quiapo, ang tambakan ng DVD sa Pilipinas. Hmm, mapanuod nga…

goldhorse

05-25-2005, 09:46 AM

“Yojimbo” (The Bodyguard)[/url] mula din kay Kurosawa mula sa 1961 (na ginawang “A Fistfull of Dollars” starring Clint Eastwood.)

Base din sa Yojimbo ang “Last Man Standing” starring Bruce Willis na ipinalabas nuong 1996. Nakakatuwa ding malaman na may mga Hollywood remakes ng mga Japanese movies. Ang pinaka latest na alam ko ay ang “Shall We Dance” ni Richard Gere na palabas pa sa sinehan ngayon. Napagusapan namin kaibigan ko nuong isang araw na hindi naman kailangan ng malaking budget para makagawa ng isang sineng ma-appreciate ng taga ibang bansa, nasa istorya ito.

This is an archived page from the former Timog Forum website.