Hello, pasensya na sa tanong ko. Baka medyo personal. Madami na kasi akong napapanuod na mga videos na hindi na daw sulit magtrabaho sa Japan ngayon dahil mababa ang palitan. Totoo po ba? Nagiisip po kasi ng ibang bansa na maari kong pagturuan dahil kulang po ang sahod ko dito sa Pinas bilang isang public school teacher, T2, 5 years na po ako nagtuturo. Kung sakali po na ako ay papalarin maging ALT sa Japan, sulit po ba o parang sa Pinas lang din? Pasensya na po. Sana matulungan niyo po ako masagot ang tanong na ito. Salamat. Please share your experiences/insights about this matter.
Reply 1
It used to be .44 mga 7-8 years ago, pero bumaba na ang halaga to .38 ngayon. Plus inflation (8% consumption tax rate before, ngayon 10% na).
Weigh your pros and cons. Are you willing to give up your position / chance of job stability sa Pinas? Kaya mo bang mahiwalay sa pamilya mo for a year or more? How flexible / prone to adjustment / weak to culture shock are you? Do you have health issues that may require emergency services every once in a while (hindi 24/7 hospitals dito)? Would you be able to survive in an environment with a foreign language? Will you be willing to pay 70-80k pesos for your annual resident tax if you stay here beyond 3 years? Kaya mo bang mabuhay ng walang lechon?
Jokes aside, ALTs have 2.8~3 million yen annual income (dispatch). Compare it sa nakukuha mo sa Pinas, and your overall situation.
Reply 2
Hello, sei. Totoong mababa ang palitan ngunit hindi naman lugmok levels tulad ng pinoproject ng iilan. Definitely, malayong malayo at hindi maikukumpara sa sahod natin sa Pinas. So far, malinis naman nakakapapagpadala ng 40k pesos a month (may part-time ng kasama ito ha) at labas na dun ang mga bayarin dito sa JP. Diskarteng marino talaga ang kailangan. Sa tulad ko na single at hindi naman magastos, makakatipid talaga. Nasa lifestyle din kase talaga sei. Mas mainam na kung mapupunta ka dito sa JP, maghanap ka ng part-time job na solid para yung utilities mo dito, sasaluhin na ng part-time mo at hindi mabawasan yung sahod mo sa full-time mo. Huwag ka na magdalawang isip. Iba-iba naman din talaga ang sitwasyon dito. Good luck!
Reply 3
Well, if you’re going to apply for JET, one of the questions that you need to answer for your SOP is “Why Japan (of all the other countries)?” For those who chose Japan, we have our own reasons.