Itigil na ang Technical Intern Training Program at pag-isahin ito sa Specified Skilled Worker Program

(This is my translation of Nikkei’s article 技能実習は廃止し特定技能に一本化せよ. Read the original here.)


People on train, Tokyo, Japan by Nikolay Likomanov

Sisimulan na ng pamahalaan ang isang malawakang pagsusuri ng Technical Intern Trainee Program para sa mga dayuhan. Isang ekspertong panel ang itatayo sa katapusan ng taon upang simulan ang mga talakayan.

Ang Technical Intern Trainee Program, habang itinataguyod ang internasyonal na kontribusyon bilang prinsipyo, sa totoo ay naging paraan ng pagtanggap ng manggagawa upang mapunan ang labor shortage sa bansa. Sinabi ng Minister of Justice na si Yoshihisa Furukawa sa isang press conference noong huling bahagi ng Hulyo, “Gusto kong dalhin ang matagal nang isyu na ito sa isang makasaysayang konklusyon.” Tama ang desisyon ito, ngunit hindi kasiya-siya ang bilis ng aksyon.

Sa unang dako, dapat ay nakagawa na ng matinding pagsusuri ang gobyerno noong itinatag ang Specified Skilled Worker Program para tumanggap ang dayuhang manggagawa noong 2019. Maraming masasamang epekto ang Technical Intern Program, at binatikos ito sa ibang bansa bilang isang paglabag sa karapatang pantao. Problema kung bakit pinayagang manatili ang programang ito, at kailangang bilisan ang talakayan kung paano ito ihinto nang tuluyan.

Nagpapatuloy pa rin ang mga problemang nauugnay sa technical intern training, tulad ng iligal na mahabang oras ng pagtatrabaho at hindi pagbabayad ng sahod. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, mayroong 6,556 na kaso ng mga business establishment na lumalabag sa mga batas na may kaugnayan sa paggawa noong 2021, at ang bilang ay tumataas.

Ang mga technical intern trainee ay hindi makakapagpalit ng trabaho sa loob ng tatlong taon, at isang structural problem na sila ay nasa mahinang posisyon bilang mga manggagawa. Marami din ang mga trainee ang pumupunta sa Japan na may malaking utang sa mga broker, na isa sa mga dahilan ng kanilang pagtakas sa pinagtatrabahuhan.

Ang pagpapabuti ng sitwasyon ng mga technical intern trainee ay hindi mangyayari sa pamamagitan ng mababaw na reporma. Ang Technical Intern Trainee Program ay dapat nang itigil, at ito ay dapat isama sa Specified Skilled Worker Program na direktang tumatanggap blue-collar workers.

Sa pagtatapos ng 2021, ang bilang ng mga technical intern trainee ay umabot sa humigit-kumulang 280,000, na higit na mas marami kaysa sa humigit-kumulang na 50,000 na specified skilled workers. Ang pagsasama ng Technical Intern Trainee Program at Specified Skilled Worker Program ay mangangailangan din ng mga hakbang upang maiwasan ang kalituhan, tulad ng pagtatatag ng panahon ng pagsasama.

Dahil kakaunti pa rin ang mga taong kwalipikado para sa Specified Skilled Worker Program, posibleng hindi pa nakikita ang maaring panggalingan ng problema. Mahalagang isagawa ang mga inspeksyon sa mga tumatanggap na kumpanya at masusing pagsusuri sa mga consultation desk para sa mga manggagawa.

Ang Japanese Language Proficiency Test para sa specified skilled worker ay isang mataas na hadlang para sa mga dayuhan. Mayroong sistema kung saan ang mga technical intern trainee ay maaaring matuto ng Nihongo habang nagtatrabaho at lumipat sa Specified Skilled Worker nang hindi kumukuha ng pagsusulit. Pagkatapos tanggalin ng gobyerno ang Technical Intern Trainee Program ay kakailanganin ng pamahalaan na gumawa ng mga paraan upang mapaunlad at matiyak ang pagkuha ng human resources, tulad ng pagtatatag ng mga institusyong magtuturo ng Nihongo sa mga pangunahing bansa.

Ang mahalaga ay makagawa ng isang kapaligiran kung saan ang mga dayuhan ay maaaring magtrabaho at mamuhay sa bansa nang panatag ang isipan. Ang mga kumpanya ay dapat magbigay ng mga pagkakataon para sa pag-unlad ng mga kasanayan na katumbas ng mga manggagawang Hapon, at itaas ang sahod na naaayon sa pagpapabuti ng kasanayan. Dapat palawakin ng gobyerno ang mga uri ng industriya para sa mga specified skilled workers na nagpapahintulot sa pangmatagalang trabaho at pagdala ng kanilang pamilya sa bansa. Kailangan ding pagbutihin ang suporta sa mga pamilyang ito.

Kung ipagpaliban natin ang repormang ito, mahuhuli lamang tayo sa global competition para makakuha ng human resources. Ngayon na ang oras upang matukoy ang mga kakulangan sa sistema ng pagtanggap ng dayuhang manggagawa at magmadali upang gumawa ng mga pagpapabuti.

Vietnamese Turn Away from Japan Internships

https://youtu.be/04kfB_MKlQs