Japanese movies

sat afternoon, mindlessly scanning netflix and i came to this. mukhang okay… mapanood nga…

hmmm not bad for a 3hr movie, pero kailangan ng 2nd viewing para maintindihan ang mga nuance ng istorya

pinanood k yung bagong ghibli movie kahapon, hindi ko masyadong nagustuhan malayo sa spirited away

napanood ko din ito last week, altho hindi kasing galing ng spirited away o howl’s moving castle, okay lang din naman, parang gedo senki siguro, kumplikado lang ang kwento

magaling yung character ng heron

base sa usapan namin kanina nung kasama kong nanood, marami pala akong hindi naintindihan (nihongo yung movie), kaya kailangan ko ng 2nd at baka 3rd time na panoorin para ma appreciate ng husto

marami pa rin talagang kailangan para ma improve ang japanese comprehension

nung pinapanood ko ang ghibli movie na ito, naisip ko parang may kakaiba sa kanya hindi parang ibang ghibli movies na nakita ko

pagkatapos ng ilang araw naiisip ko ang dahilan. ang protagonist ay batang lalaki hindi kagaya ng mga babaing bida sa ibang ghibli films, kagaya ni satsuki/mei sa tonari no totoro, o nausicaa o si kiki o si chihiro, etc etc