ISANG LIBO
Galing sa imahen ng pinagsamang kanji ng tao 人 (亻) at isa 一, naglalarawan ng pagkakaisa ng isanlibong tao (kagaya ng isang hukbo) at nagbibigay ng ibig sabihin sa konsepto ng “isanlibo.”
Dito nanggaling ang katakanang チ.
Mnemonic: “Pagkakaisa ng isanlibong tao.”
COMPOUNDS
1. ISANG LIBO
- 千円札 sen’ensatsu 1,000-yen bill
- 千キロ senkiro 1,000 kilometro
- 一千万年 issenmannen 10,000,000 taon
- 千代 chiyo isang libong taon, mahabang panahon
- 千切れる chigireru matanggal, mapunit
RELATED KANJI
NOTES
Sa pelikulang Spirited Away (千と千尋の神隠し Sen to Chihiro no Kamikakushi), ang pangalan ng babaeng bida ay Chihiro (千尋), pero tinanggal ng bruhang si Yubaba ang ibang kanji pati ng kanyang apelyido at tinira lang ang 千 (Sen).
Ang ibig sabihin ng pangalan ng prefecture ng Chiba (千葉県) ay isang libong dahon.
ORIGIN
Timog Kanji Dictionary is licensed under CC BY-SA 3.0. Kanji GIF animations from Kanji.gif by Jean-Christophe Sirot and the KanjiVG project by Ulrich Apel. Kanji illustrations from Wiktionary. All under CC BY-SA 3.0 license.