Let's hiking!


Two peaks of Mount Tsukuba as seen from Mount Hōkyō.

Matagal na akong hindi umaakyat ng bundok, kaya siguro nanlalambot ang katawan at matamlay. Hindi na masyadong pinapawisan, nakakapag-bonding sa nature, at nacha challenge sa pag-akyat sa bundok.

Kaya naisip kong gumawa nitong hiking club para ma-enganyong mag-hiking ulit hindi lang ako, kundi lahat ng taong may interes sa ganitong gawain.

Simple lang ang layunin ng hiking club na ito: lumabas nang bahay at mag-hiking (o umakyat ng bundok) isang beses sa isang buwan.

Kung interesado kayo ay mag-comment sa thread na ito.

3 Likes

Sama ako kuya

1 Like

@Ekaj19 welcome to the Timog Hiking Club! bilang unang member, kasama ka sa susunod na hiking (hindi pa nade decide) :smiley:

1 Like

Sama ako kuya

@Ian welcome to Timog Hiking Club! dito nating pag-uusapan ang unang hiking sa December

1 Like

Mukhang kailangan mo ng taga picture ya :smile: ako na bahala parang documentary

:grin: :laughing: sige ba! okay yan! maganda ding chance para sa photography :camera_flash: :video_camera:

Parang seryoso itong hiking club na ito, a. Siyempre hindi puwedeng seryosong hiking club nang hindi pupunta sa Mount Fuji :smile: :mount_fuji:

Oo naman! Para saan pang may hiking club kung hindi aakyat sa Mt. Fuji?!

Iniisip ko sa August 2023, sama ka, daanan ka namin dyan. :grinning:

Sali po sir

Welcome to our hiking club jhonel!

Sama po ako :relaxed:

Welcome Lendel!

Sa ngayon, isa lang ang sasakyan natin at 9 lang na members ang puwede kong isakay. Kaya kung marami (sobra sa 9) ang may gustong sumama sa akyatan, kailangan nating mag-jak-en-poy o palabunutan.

Siyempre, dahil isang club ito, mayroon tayong regular na activity (once a month na hiking) kaya yung mga hindi nakasama sa isang hiking, maaring sumama sa susunod na buwan.

Ang unang hike ay sa Mount Tsukuba (pinakasikat ng bundok sa Ibaraki). Ang date ay December 17 (SAT).

Ang susunod at sa Mount Kaba (sa likod ng Tsukuba-san). Sa January ito gagawin (wala pang date).

Wala pang kasunod na bundok na naka-schedule para sa February onwards, pero sa August 2023 ay sana makapunta tayo sa Mount Fuji. :mount_fuji:

1 Like

Ito ang relief map ng Mount Tsukuba (bandang kanan) at Mount Kaba (sa babang kaliwa), ang direksyon ay paharap sa Tsuchiura at Ami.

1 Like

Isip, isip… :thinking: Kung bundok na malapit sa Mount Fuji mas okay siguro, mas madaling akyatin.

Sali din ako kung may space pa sa van, hehe

Matagal ko nang binabalak ang hiking sa bundok sa malapit sa Tokyo, yung may malapit na view ng Mount Fuji. Gawin natin yan!

@dcat Okay ba dyan sa Takao-san? Makikita ba ang Mount Fuji?

Alam ko umakyat na kami dyan dati, pero parang 30 years ago na yon hindi ko na matandaan :sweat_smile:

Please check the this page for the Mount Tsukuba hike.

1 Like