Looking for a part-time job in Chiba City

pinoyonline

08-29-2005, 08:13 AM

Hello,

New TF here. I am from Chiba City, Chiba Ken. Been here since the 3rd month of this year and will be home in a month time from today (8/29)

Gusto ko po sana mag-part time, kahit sa loob lang ng isang buwan. Been looking for a part time job since I came here. Pero since wala ako masyadong kakilala, wala akong natagpuan. Basic lang ang alam ko sa nihongo. I am into I.T. (my full time work), I am working 8AM to 6PM, Mondays to Fridays. Free on Saturdays and Sundays.

Anong klaseng work? Kahit ano po, kahit taga-hugas ng plato:)

Willing ako mag-partime during the night and Saturdays and Sundays as well. Will wait for a reply.

Dax

08-29-2005, 01:50 PM

May mga legal requirements na kailangang sundin bago ka makapag-arubaito. Depende sa visa (in your case I’m assuming “engineer” visa) ay iba-iba ang restrictions sa mag-aarubaito.

Ang tawag sa permit para mag-arubaito ay 資格外活動許可書 (shikakugai katsudou kyokasho)
http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/13.html

  • Permission to engage in an activity other than that permitted by the status of residence previously granted
    This permission is required when a foreigner who has a status of residence limiting his or her activities wishes to engage in an income-generating business or a paid activity that is not permitted under that status of residence. In other words, this permission is necessary if a foreigner wishes to engage in a secondary activity that belongs to a different status of residence.

Sa case ko (“engineer” visa din ako) ay kailangan daw ay magkaroon na muna ako ng kontrata sa balak kong pag-arubaitohan, bago ako pwedeng mag-apply ng permit. Mukhang baliktad ata no? Pero ganyan ang sinabi sa akin dun sa Shinagawa Immigration Bureau. Noong estudyante pa ako (“college student” visa) ay kahit walang kontrata, basta may:

  1. Name, address, telephone number of prospective employer
  2. Nature of work
  3. Tentative schedule
    Ay pwede nang mag-apply ng permit.

Sundin po natin ang batas. Para sigurado, paki-contact na lang po ng pinakamalapit na Immigration Office.

http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/appendix3.html

summer

09-02-2005, 05:50 PM

Ngayon na yata Dax is may kailangan na i-sign ng Adviser mo na ina-allow ka na mag-arubaito. Yung form is galing sa Immigration mismo. Nagtry akong kumuha straight from the Immigration Office ng permit to work pero hinanap nila yung form na may signature ang Adviser. Buti na lang may reason na mag-sign yung Adviser ko kasi nag-apply akong TA. Tuwang-tuwa ako na nabigyan ng permit to work pero hanggang ngayon wala pa akong nahanap na arubaito hehehehe.:frowning:

Dax

09-02-2005, 06:11 PM

summer:

Baka nga nagbago na ang requirements. Tungkol sa baito, bakit di mo subukan magtanong sa 学生課 (gakusei ka: student affairs office) ng school mo? Baka may maii-introduce sila sayo. Sa daigaku ko noon may listahan ng companies/individuals na naghahanap ng baito w/ job details at contact info.

vicjmjr

09-03-2005, 07:15 PM

ako naghahanap din ng baito kaso wala pa mahanap. meron na rin akong permit so kung may alam kayo paki-sabi na lang po:)

vic

lovered

09-03-2005, 11:29 PM

ako naghahanap din ng baito kaso wala pa mahanap. meron na rin akong permit so kung may alam kayo paki-sabi na lang po:)

vichello vicjmjr subukan mo maghanap sa ‚Ï‚Ç mag or town work o lya mag punta ka sa hello work…happy job-hunting

ayris_mari

09-19-2005, 10:42 PM

Hello All! Naghahanap kami ng mga researchers sa Japan para sa mga projects namin. May mga kailangan kaming i-conduct na survey/interviews and we need people who can do this for us. If you have some free time and looking for extra cash, just contact me at iris@explorasia.com paki include na din yung contact numbers if you want to discuss this over the phone. Salamat!

tfcfan

10-22-2005, 09:46 PM

Good pm po.Kahit po ba hindi residence ng Tokyo pwede sa company nyo!Graduate po ako ng computer studies pero i got married kaya di na ko nakapagtrabaho.

This is an archived page from the former Timog Forum website.