Madali bang kumuha ng working visa sa Japan?

picty8

11-11-2005, 03:51 PM

Hello po sa lahat ng mga TF members at magandang hapon! Maraming salamat po sa reply nyo sa aking tanong kahapon regarding tourist visa holders. Meron po uli akong tanong, kung hindi po legal magtrabaho dito ang tourist visa holder, gusto ko po sanang kumuha na lang ng working visa for my brother, ano-ano po ba ang mga requirements? at madali lang ho ba kumuha noon? Sana po mapaliwanagan nyo ako…

v_wrangler

11-11-2005, 05:27 PM

Hello Picty,

There really is no such thing as a working visa. But there are categories where employment is allowed, like if you belong to any of the following:

Professor
Artist
Religious Activities
Journalist
Investor/Business Manager
Legal/Accounting Services
Medical Services
Researcher
Instructor
Engineer
Specialist in Humanities/International Services
Intracompany Transferee
Entertainer
Skilled Labor

Usually, the process is a bit different, the applicant should have enough credentials depende sa kaniyang ina-aplayan na kategorya ng visa. At kinakailangan na mayroong institution dito sa Japan na mag-eemploy o magsusuporta sa kaniyang mga dokumento. Isa na rito ang tinatawag na Certificate of Eligibility na nagpapatunay na siya ay qualified at may suporta mula sa isang kumpanyang pagtratrabahuhan dito sa Japan. Ang Certificate of Eligibility na ito ay dadalhin sa pinakamalapit na Embahada ng Hapon sa Pilipinas kasama ang iba pang dokumento. Bagamat hindi ito automatic na garantiya na makatatanggap ng visa, mas mabilis ang magiging proseso vs kung ikaw ay wala nito. Sa aking pansariling haka-haka, ang ipinaka-unang hakbang ay ang paghahanap ng isang kumpanya na maaaring maging sponsor.

http://www.mofa.go.jp/j_info/visit/visa/03.html

picty8

11-11-2005, 07:17 PM

hi wrangler, thank you for the information you’ve provided, it helps a lot!

This is an archived page from the former Timog Forum website.