Maganda ba ang trato ng mga Hapon sa mga Pinoy?

Raiden

09-02-2005, 05:36 PM

sa mga Pilipino na nandiyan sa Japan?

I just want to compare Japan, Hong Kong, and the Middle East sa pagtrato nila sa mga OFWs and other Filipinos in their country.

Share naman kayo ng inyong mga nalalaman.

striver

09-02-2005, 06:27 PM

kahit saan naman siguro kung alam mo ang language and culture nila mas madali
ang pakikisama and working relationship will be much better. ok naman ka work
ang mga hapon. kasi masisipag sila. ive been here in japan for more than 7 years
now including my student days here. and working now here in tokyo for more
than 4 years. they are good to work with. i also experience na madiscrimenate.
why, kasi wala pa kong alam non. kailangan kasi pakita mo sa kanila na compe-
tent ka rin. na di ka pahuhuli. pag nakuha mo na iyong tiwala nila sa iyo, then
there you go. wala ka ng pakime. kung papipiliin mo siguro ko, mas pipiliin ko
to work with japanese people and not with the filipino one. if the topic is working
attitude and environment lang. kasi when you say work here, trabaho talaga.
you will not see any people doing some tsismisan or biruan. all people eh talagan
naka focus and concentrate sa trabaho nila. they have time para sa mga lukuhan
din but their doing that outside the company. kaya pag pumupunta sila sa mga
philippine club eh don sila nagiging wild minsan. nagtatanggal ng stress. this is
my experience right now ewan ko lang in other field. pag iba kasi ang working
environment eh talagang magbabago rin working atmosphere. im workiing here
as system engineer. fast face ang technology kaya mahirap humabol. pero kailangan you will do that. improve your skill daily kung hindi maiiwan ka and that
will be the time that you will feel discrimanated.

try to differentiate other nation base don sa trabaho nila, kasi iba iba
ang reason nila. ikaw na lang bahalang mag filter, what is good and whtat
is bad para at the end eh di ka magsisi. :slight_smile:

puting tainga

09-02-2005, 08:51 PM

I’ve never been to Hong Kong, nor Middle East.

Well, all I know is technically speaking, Hong Kong is a part of China, a communist country.
Back in the past, it was one of the British colonies.

As for Middle East, they are Muslims.

I don’t know how they (communists and Muslims) treat workers.:confused:

I guess it’s better to try to think where you live right now is the best place there is for you right now.:smiley:

ganda_girl89

09-03-2005, 02:15 AM

after my university days,sa japan ko lang naranasan makapag trabaho. personally,OK naman ang treatment sa akin ng company ko at mga japanese co-workers.im more than satisfied kasi lahat ng kailangan ko sa daily living hanggang sa visa sponsorship ng mga kamag anak at kaibigan na nagpupunta dito,napagbigyan ako.
i would say,mahigpit sila pag yung quality ng produkto ang nakataya and pag may problema sa prodkto,required talaga na magbigay ng input— individually and as a team.
pero sanayan lang…pag nasanay na,its like a walk in the park na…

Raiden

09-03-2005, 05:28 AM

Thank you everybody for your input.

World renowned talaga ang Japanese work ethic, kaya yung mga products nila ay one of the best in the world.

So base sa inyong mga experience na if you meet the standards required or necessary to function and contribute positively in to Japanese society, your relationship with them will be harmonious. Makes sense to me. :slight_smile:

Ngayon I am certain na mas maganda ang pamumuhay ng mga kababayan ko na nandiyan sa Japan, kaysa doon sa mga nasa Hong Kong at Middle East.

houseboy

09-03-2005, 08:51 PM

Thank you everybody for your input.

World renowned talaga ang Japanese work ethic, kaya yung mga products nila ay one of the best in the world.

So base sa inyong mga experience na if you meet the standards required or necessary to function and contribute positively in to Japanese society, your relationship with them will be harmonious. Makes sense to me. :slight_smile:

Ngayon I am certain na mas maganda ang pamumuhay ng mga kababayan ko na nandiyan sa Japan, kaysa doon sa mga nasa Hong Kong at Middle East.

Hmmmm… sa tingin ko depende sa company. Nadidiscriminate din ang mga Pinoy sa trabaho… based on my personal experience. Iniisip nila na ala kang alam, na kahit humawak ng computer at gumamit ng excel (micro-lambot) ay tatanungin ka kung marunong ka nun. Naranasan ko rin yung pagbawalan ka umupo at humarap sa computer, kahit na parte ito ng trabaho mo. Naranasan ko rin ang hiyain ka sa harap ng maraming Hapon, at isisi sa yo ang isang mali na hindi mo naman ginawa. Tulad ngayon, yung “sahod” namin ay napakababa na, andami pang “kaltas”.

Nakapagtrabaho na ako pareho sa Pinas at dito sa Japan. Pangalawang beses ko na dito, nung una ay trainee ako. Kung work ethic ang paguusapan, sa tingin ko hindi matatalo ang pinoy. Oo nga at may kuwentuhan at tsismis paminsan-minsan, pero natatapos pa rin yung trabaho sa oras. Yung mga Hapon, mas matagal lang ang inilalaan na oras sa trabaho pero yung natatapos, pareho lang sila nung sa Pinoy. Petiks sila sa umaga at pagdating sa hapon ay tsaka sila magiging masipag. Kung titingnan mo ng maayos yung ginagawa ng Hapon, kunwari ay seryoso siya at nakatutok sa trabaho pero ala rin pala siyang ginagawa. Dito ko nga nakita ang totoong ibig sabihin ng AIDS - As If Doing Something. Dito rin sa Japan ay importante ang pakitang-tao.

Hindi naman sa nilalahat ko ang mga mangagagawang Hapon pero ito talaga ang napansin ko. Siguro ay maganda ang turing sa ibang kababayan natin, at sana nawa ay dumami pa ang ganoong kumpanya.

ganda_girl89

09-03-2005, 09:27 PM

Tulad ngayon, yung “sahod” namin ay napakababa na, andami pang “kaltas”.

very disappointed talaga si houseboy sa salary nya,lols…if wala sa standard,pwede kang magreklamo sa labor office ng japan tulad ng ginawa ng 3 babae na engr na nakilala ko sa ibaraki dati.
since 3 mos ka pa lang sa japan,AFAIK,dapat around 16-19 lapad ang gross mo at 12 up (walang free)ang take home pay.

makulit

09-03-2005, 10:38 PM

may kaliitan nga sa sweldo mo houseboy. ano ba ang visa status mo? part time ka ba o full time? ano ang nature ng work mo? magtiyaga ka muna dyan sa pinapasukan mo ngayon habang naghahanap ng ibang trabaho na mas malaki ang sweldo. Pwede ka naman lumipat.

teka parang nabasa ko sa ibang thread na engineer ang status mo … dapat ang starting salary mo hindi bababa ng 22.5 lapad at two month bonus tuwing summer at winter time.

tungkol naman doon sa experience mo sa trabaho. nangyayari yan kahit na kanino, kahit saan. Kahit sa atin sa Pilipinas. May mga tao na hindi mag-a-admit na sila ang nagkamali at talagang magtuturo ng ibang tao. Just stand up for yourself.

houseboy

09-03-2005, 11:24 PM

very disappointed talaga si houseboy sa salary nya,lols…if wala sa standard,pwede kang magreklamo sa labor office ng japan tulad ng ginawa ng 3 babae na engr na nakilala ko sa ibaraki dati.
since 3 mos ka pa lang sa japan,AFAIK,dapat around 16-19 lapad ang gross mo at 12 up (walang free)ang take home pay.

Oo naman, nakakadisappoint. 3 mos pa lang ako ngayon. Mas mainam pa nga dati nung trainee ako (AOTS). Mas malaki ang aking net pay/allowance kesa sa tinatanggap ko ngayon. Reklamo? Hmm… wag na lang. Kawawa naman ang mga Pinoy na ipapasok ng “agency” namin dito sa Japan. Nagsabi na kami sa kanila pero ala pa ring nangyari. Tulad ng sinabi ni Sir Makulit, hahanap na lang kami ng bagong mapapasukan. Baka pwede niyo kami mairekomenda? :smiley:

Sir Makulit… bawal po ba manuntok ng Hapon? Hehehe…:roll eyes:

makulit

09-03-2005, 11:30 PM

Sir Makulit… bawal po ba manuntok ng Hapon? Hehehe…:roll eyes:

Mrs Makulit po houseboy. Kahit saan naman yata bawal maging violent :slight_smile:

ganda_girl89

09-03-2005, 11:36 PM

magagalit sa iyo si makulit…girl sya!

ganoon ba? mas maganda pa during aots days nyo?
ihasa mo na lang muna ang nihonggo mo dyan then try mo maghanap ng ibang company…its a difficult process nga lang kc magpapalit ka ng sponsor na company. mahirap yun kung ikaw lang mag-isa ang gagawa ng mga dox.

btw,saan ka nagtrained sa aots?

houseboy

09-03-2005, 11:41 PM

magagalit sa iyo si makulit…girl sya!

ganoon ba? mas maganda pa during aots days nyo?
ihasa mo na lang muna ang nihonggo mo dyan then try mo maghanap ng ibang company…its a difficult process nga lang kc magpapalit ka ng sponsor na company. mahirap yun kung ikaw lang mag-isa ang gagawa ng mga dox.

btw,saan ka nagtrained sa aots?

Oooops, my bad! Sorry po MRS. MAKULIT!

Sa YKC, Yokohama po ako nagstay dati… then lumipat ako sa Chiba. Mga 1 1/2 years ako dun then sa Mie naman ay kalahating taon ako. Hmmmm… nawawala na ata ako sa topic… :smiley:

Basta!!! Hindi maganda trato nila sa amin! Hehehe… walang kokontra!

striver

09-04-2005, 02:39 PM

after my university days,sa japan ko lang naranasan makapag trabaho. personally,OK naman ang treatment sa akin ng company ko at mga japanese co-workers.im more than satisfied kasi lahat ng kailangan ko sa daily living hanggang sa visa sponsorship ng mga kamag anak at kaibigan na nagpupunta dito,napagbigyan ako.
i would say,mahigpit sila pag yung quality ng produkto ang nakataya and pag may problema sa prodkto,required talaga na magbigay ng input— individually and as a team.
pero sanayan lang…pag nasanay na,its like a walk in the park na…

hi there! hajimemashite!
i just have a question, di mo ba nafeel na madiscriminate during your first working days dyan?
biilib din ko sa iyo. kasi bihira ang mga filipina here in japan na nagtatrabaho sa company with
other japanese. ako dito mag isa lang din. siguro perfect na ang japanese skill mo kaya wala
ka ng problema. at maganda rin ang napasukan mong company ha. mas better nga sigurong
wag mo na tayong magdemand ng salary increase. ispin nyo nalang muna compara sa salary
na natatanggap natin sa pinas, one more thing dapat talaga eh maganda ang performance
mo. kung engineer ka, dapat talga eh maganda ang salary mo. may bonus ka 2x a year. pero
kung akaji ang company na pinapasukan mo, ala ka choice. lahat talaga damay. iyan ang
kaibahan ng mga company here in japan.

ganda_girl89

09-04-2005, 07:02 PM

hi striver…hows your weekend?

di ko naman na felt ang discrimanation noong bago akong pasok sa company mas naramdaman ko yung pagiging supportive ng mga kasama ko sa jobplace.maybe dahil part-timer lng ang status ko noon (walang competition at insecurities sa kanila)saka madali lang ang trabaho…5hrs per day pa.
about japs communication skills,nakapag school ako ng 3 months b4 nag work at continue ang schooling hanggang ngayon…

honey

09-04-2005, 10:37 PM

no comment!

maribog

09-05-2005, 08:32 PM

sa experience ko…pagdating sa work ethic , hindi rin lahat masisipag or matinong magtrabaho…tulad nung boss nung ka opismate ko… pagpasok sa umaga…matutulog, palibhasa sa sulok nakapwesto kaya di nasisita…tapos pagdating sa gabi saka gising, tapos pag may di natapos na trabaho, isisisi sa kohai nya…yung isang senior naman namin na pinoy, mas parang robot pa magtrabaho kesa sa mga kasama nyang hapon…so it depends on the attitude na ng person siguro, pero kung estimate-in mo cguro, mas bihira sa kanila yung hindi nagtratrabaho ng maayos pag oras ng trabaho, (example: nag cha-chat, YM, friendster, timog forum…:smiley: , etc).

sa discrimination naman…wala naman ako napapansin. meron lang ibang cases na ayawako kausapin ng boss ko kasi napikon ata sa nihonggo ko hehe, kaya kumbaga nasa harap na nya ako pero ang kinakausap nya pa din is yung katabi kong hapon, pero diko naman sya masisisi hehe…pero generally wala sa company namin kasi may mga pinoy pa nga na umabot pa ng kacho eh…:slight_smile:

rheat21

09-06-2005, 01:48 PM

Ive been here for almost 5 years now, i experience working sa afternoon packing some veggies halos lahat obasan at ako lang ang filipino, maganda naman ang trato napansin ko lang na napaka dedicated nila sa trabaho, at as long as you follow the companys rule ala kang problema, siguro depende parin sa hapon , o baka swerte swerte lang?.

mquial

09-22-2005, 12:17 PM

Ive been staying here in Japan for 6 years na,
In my experience as soon as malaman nila na marunong ka sa field mo they will respect you

mutya

09-23-2005, 02:47 AM

about me naman po… ayy naku sobrang pleasing po ng ka work ko… lagi po shang 2log sa kitchen. kainis. antakaw pa, laging kumakain ng mga pagkain sa coffeeshop, d man lang mamigay. ansama talaga… pag gising naman lagi lang shang nakatayo iuutos pa sa akin kahit may ginagawa ako.

seanty

09-23-2005, 09:38 AM

depende siguro sa company talaga…yung una kong company, super utak non pagdating sa Math, super baba na nga ng sweldo namin, tapos hawak pa nila yung mga passports namin (mga 20 kami noon). Yung sweldo na un kinakaltasan pa nila ng pabahay etc etc, para sa bahay 5Lapad agad bawat isa sa amin kahit na 2 o 3 tao ang umuokupa sa iisang bahay…at wag na yung iba pa hehehe it was a very humbling experience I would say, pero thankful na rin at the same time dahil nakarating kami ng Japan for free ng dahil sa kanila.

pero nakalipat din kami sa ibang company, doon na namin naranasan yung sumuweldo ng tama at tratuhin ng tama…

halloween

09-23-2005, 10:25 AM

So far, maayos naman ang pakikisama sa ken ng boss ko at officemates. Yung salary ko as an English teacher eh pareho din don sa foreigner counterpart ko kaya happy naman ako.

Ang napansin ko sa kanila, pag trabaaho, eh trabaho tlaga di gaya sa 'tin sa Pinas. Isa pa, dito sa work ko walang taga-linis kaya bawat isa sa amin ay may kanya kanyang assigned task at pati boss ko naglilinis. Isang bagay na na impress ako kasi sa atin, ang boss may taga timpla ng kape at superior ang dating.

myukasky

09-23-2005, 02:39 PM

Ako naman sa mga napasukan ko ay okey lang, pero depende siguro sa ugali ng tao. May nakasama kasi ako pinay sa work ko dati, madalas absent at ang daming dahilan di na naubusan. Eh halata namang di totoo yung mga dahilan, ang madalas na dahilan kesyo punta immigration. Sabi ng satcho namin nag aarubaito ka ba sa immigration eh lagi ka napunta doon.:smiley: Di ko tuloy napigilang tumawa, eh kasi naman di man lang nya inisip na pinay din ako at di ako ganon kadalas punta immigration.:frowning: Kaya noong nagpapaalam sila umalis di na naghinayang satcho namin, kasi ba naman mas marami pa absent kaysa sa pinasok. Tanong tuloy yung mga kasamahan namin sa akin, ganyan ba sa Filipinas okey lang mas marami ang iabsent kaysa ipasok? Sagot ko hindi ah, ewan ko kako doon sa dalawang yan kung bakit madalas absent. Wish ko lang sana pahalagan ng iba yung trabaho dito kasi marami ding nadadamay at baka isipin nila pare-pareho tayong ganon.:smiley: Kaya ang napansin ko makisama ka lang ng maayos ganon din ibabalik nila sayo:D :smiley:

Hungry eyes

09-23-2005, 07:22 PM

Siguro nga depende sa tao…kasi yun mga kasama ko…mababait naman at mahal ako.minsan nga pag maysakit ako…ianaasikaso nila pati yung kids ko.o depende din siguro sa inuugali natin…pakikisama lang yan.(sa palagay ko)

missTerry_meh

09-23-2005, 08:33 PM

For me mas ok dito sa Japan kasi hanga sila sa mga Pilipino:) .We can speak english and fast learner tayong mga Pinoy lalo na sa language nilang nihongo.Nagstart din ako sa OFWs bago nakapag asawa ng Japanese Nationality pero sa tagal ko ring naging OFWs as Entertainer dito hindi ko nakitaan ng pangit na maltrato ang mga hapon.sa mga Pilipino na nandiyan sa Japan?
I just want to compare Japan, Hong Kong, and the Middle East sa pagtrato nila sa mga OFWs and other Filipinos in their country.

Share naman kayo ng inyong mga nalalaman.

c2ny2

09-23-2005, 09:54 PM

Ang suwerte ko naman pala. Di ko naranasan yung nararanasan ni houseboy. Kasi for the past nine years na eh halos ok naman yung company. Halos walang problema. Yun nga lang sa oras medyo mahaba kaysa sa mga counterpart naming mga Hapon. Pero ok lang sa akin yun dahil halos lahat eh sinagot na ng company ko. Housing, pagkain. Then minsan walang kang off for one week. Para sa akin ok lang dahil twice naman ako umuuwi sa atin na sa kanila yung airfare ko.

Sa mga kasamahan naman sa trabaho? may pag respeto naman ang halos lahat sa kanila sa akin. Dahil ganoon din ako sa kanila.

Kay houseboy tiis lang pre baka naman pagsubok lang yan.

camouflage

09-23-2005, 10:24 PM

Depende talaga sa tao yan totoo yun, kc dun sa una ko job ok naman mga kasama ko dun yun nga lang hindi mo rin maalis sa kanila na pag-usapan ka lalo na pag hindi kp marunong mag nihongo, ang dami rin kasi tsismoso/tsismosa dito eh lalo na dito sa probinsya. Dito nmn sa second job ko medyo nakakaintindi na ko ng konti ng salita nila, kaya yung mga pinag sasabi nung super yabang na semo namin medyo na g-gets ko hiyang-hiya nga ako kasi ako lang ang Pinoy tapos nagtatawanan sila, sumama talaga ang loob ko kaya hanggang ngayon galit ako sa tao na yun, nilait nya ang bansa ko, sana pinaguusapan nila yun kapag wala ako, eh hindi eh sakto nung nandoon pa ko.
Kaya ang masasabi ko lang depende talaga sa tao, kung sa lugar nyo walang ganito dito sa amin meron.Mahirap maka encounter ng ganito, kung maigsi pisi mo baka kung ano magawa mo!!!
:grrr: CAMOUFLAGE

halloween

09-23-2005, 11:48 PM

Ganyan din na feel ko minsan Camouflage pero ang advantage mo at least natutunan mong intindihin ang sinasabi ng co-workers mo. Ako kasi almost 4 months na dito pero almost nil pa rin knowledge ko sa Nihonggo. Nung una motivated akong matuto pero later on I lost interest. Pag tuloy nag-uusap mga officemates ko, feeling ko about me although mababait naman sila. Iniisip ko na lang, what I dont know wont hurt me basta nagtatrabaho ako ng maayos, okay na yon. Kasi naman kadalasan nakukuha sa pasenyas senyas ang message na gusto kng i convey tapos di rin naman required sa work kaya nakakatamad. Siguro pag nag ka bf akong Hapon, ma motivate ako, hehehehhe.

camouflage

09-24-2005, 12:35 AM

Well tama ka holloween, sa una talaga ganon, pero ngayon almost 2 yrs. na ko dito sa kaisha na to, ung semo wala talagang pagbabago buti na lang sa gembba kami at sya maghapon sa harap ng P.C nya sa opisina, nagkikita lang kami pag uwi namin. Lahat halos ng staff dito ayaw sa kanya, kaya lng walang magagawa ganun talaga eh!, may position sya kami wala.
Kaya napaka swerte ng mga kababayan natin na hindi nakaka encounter ng mga ganito! I hope sa mga kababayan natin na bago pa lang sa Japan at sa job eh, sipag lang talaga basta ginagawa ang job ng tama walang problema.
Sa lahat ng member ng T.F, GOOD LUCK!:slight_smile:

halloween

09-24-2005, 12:46 AM

Camouflage, halloween as in Oct. 31 (my b-day) ang name ko dto sa TF.

Ewan ko kung na experience mo 'to nung bago ka pa lang dito. Ang desk ko kasi sa office ay sa gitna ng 2 Japanese co-workers ko kaya pag nag- uusap sila ay parang crossfire ang dating at ang sakit sa ulo. Kaya ginagawa ko pumpunta ako ng restroom at nagtatagal don o kaya naman pag mahaba ang break ko ay umuuwi sa place ko which happens bo be a 10 minute walk from my workplace.

crister

09-24-2005, 01:35 AM

Oo naman, nakakadisappoint. 3 mos pa lang ako ngayon. Mas mainam pa nga dati nung trainee ako (AOTS). Mas malaki ang aking net pay/allowance kesa sa tinatanggap ko ngayon.

hello houseboy, YKC ka rin pala.

Anong batch ka? YKC din kasi ako , 6 weeks Y27 Class , Feb to Mar 2005.

So far sa company namin ok naman ang treatment kasi nga Trainee kami. No problem with allowance including transportation and free ang tirahan.

Nami-miss ko na nga pagkain ng YKC kasi dito sariling luto kami.

This is an archived page from the former Timog Forum website.