Mahilig ka ba sa motorcycle racing?

rodem

09-30-2005, 11:05 AM

Mahilig ka ba sa motorcycle racing? ako hilig ko yan… karera ng superbike or scooter… madalas akong manood nun ng live sa batangas, carmona, and subic racing circuit which involves big bikes like Aprilia RSV, Yamaha R1, Honda CBR, etc… 1000, 400 & 250 cc and also scooter 100 & 50cc, stock and modified engines… nahilig ako dito since 1997… member ako ng isang motorcycle club na involved sa scooter racing… natatandaan ko pa dati, kainitan nang sabado nights na ginawa nang kanta ng rizal underground, nagpupunta lahat kami sa greenhills so to show up our scooters then mag-uusap na ang mga officers ng different groups kung sino-sinong lalaro sa drag racing mga 2 traffic lights lang… then after we settle everything… kung magkano ang bet, minsan pati motor with babae sama na sa bet lalo na pag mabigat ang laban… punta na sa ortigas… sasarado namin yung west bound for 5 to 10 mins… then go… pag nanalo happy happy na ang group… kainan and konting inuman sa overlooking ng antipolo. nagsawa sa drag racing and besides nagkakahulihan na din… until nag-evolve into racing circuit although hindi ako yung rider kasi medyo malaki built ko kailangan magaan lang.:smiley: Masayang manood and exciting kaya lang expected… medyo magastos magset-up ng motor. It’s a fun experience… pag nasa Manila ko, I owned nga pala a 110cc SYM bike… sumasama pa din ako but pasyal pasyal na lang hindi na karera… like sa riding going to tagaytay… minsan sa subic… or laguna… pero madalas batangas kasi ganda beaches dun e sa anilao. :slight_smile: Siguro pag-uwi ko this year I’m planning to replace kasi my bike with a bigger one, yung… Honda Super 4… it’s a 400cc bike… malaki and medyo mabigat but masarap ang handling…

Right now, since nandito ako sa japan… I’m really eager and excited to watch the superbike racing live and buy some souvenir stuff like shirts or caps… ang problema lang is I don’t know the place…:confused: baka naman alam nyo kung saan? ituro nyo naman sa akin ha?.. kung trip nyo at hilig nyo din na manood or gusto nyong maka-witness nang live motor racing :rolleyes: … just tell me and sama-sama tayong manood… :slight_smile: para naman may kasama ko… mas masayang manood ng may mga kasama lalo na kung madami and at the same time makilala ko din kayo and makilala din nyo ko personally…

Paul

09-30-2005, 01:04 PM

dati nagpa-part time ako sa Sugo Racing Circuit. taga-pulot ng mga sumesemplang na mga riders at bikes. buti na lang at lagi akong napo-post sa pinakamagandang position sa circuit at bihira lang ang sumesemplang sa corner namin kaya nood lang kami ng race. minsan dala ko camera ko at kumukuha din ng pics. ayos 'yung part-time na 'yon, biro mo nakakapanood ka na ng race sa loob ng circuit mismo at binabayaran ka pa!

minsan may World Superbike Race at may sumemplang sa corner namin na VTR1000, ang bigat! tsaka ang laki ng gas tank (mas malaki kesa sa street version). pagkatapos ng race ay pinipick-up ng truck ang mga sumemplang na bike at kelangan ay may kasamang tao para hindi matumba ang bike sa likod ng pickup. siyempre volunteer naman ako. nakasakay ako sa bike habang nasa likod ng pickup papunta sa pit. feeling racer :). dito ko rin nakita yung unang protoype ng Kawasaki MotoGP bike na gamit ni Yanagawa. meron ding open track day sa circuit kaya pwedeng magpatakbo ng sariling bike sa circuit. sayang wala nang WSB race dito sa Japan.

may NSR250RR ako dati kaya lang bawal na kong mag-motor ngayon kaya bye-bye bike :(. nung undergrad ako, nag-tour ako sa hokkaido mag-isa. sarap mag-bike tour doon pag summer.

ba’t nga ba sikat ang Super 4 sa 'tin? di kasi ko mahilig sa naked e. dito kasi nakawin ang Super 4 at mga CB-series. hilig kasi ng mga bosozoku kasi mataas ang redline, mas ok paingayin sa gabi.

sayang hindi ka nag-post nang mas maaga. katatapos lang ng MotoGP Round 12 sa Motegi (http://www.twinring.jp/english/).

rodem

09-30-2005, 02:12 PM

Wow!:eek: Paul grabe… parang nainggit akong bigla sayo ha kasi ang sarap-sarap naman ng part time job mo biro mo yun nakapanood ka na, take note sa loob pa ng cicuit ha… kitang-kita mo pa yung live action… may sweldo ka pa! sarap nun pare…:smiley: kung ako siguro yung nasa part mo e magpapart-time job na lang ako hehehe…:thumb:

Ganun talaga pare… e xpected mo na malaki talaga yung mga 1000cc na superbike… yung friend ko kasi sa pinas, he owns a Yamaha R1 bike… ang laki nun… super lapad ng goma… mas masarap ang handling…

Sikat talaga super 4 sa atin kasi unang-una… mura sya, imagine, for a P130,000 may 400cc big bike ka na! modelo pa!.. pangalawa, maganda ang handling… pangatlo, very comfortable for a long ride and last, maraming mechanic sa atin na kabisado yung ganung bike kaya hindi ka kakaba-kaba na pag nagloko or may nasira mahihirapan kang maghanap ng gagawa.

san yung superbike round 12 ginawa? sayang naman hindi ako nakapanood… actually mag-iisang buwan pa lang ako dito sa japan and I still have 2 more months to go para makapanood. Siguro naman bago ko umuwi ng pinas nakapanood ako ng live para naman may maikwento ko at maipakitang pix sa family ko at barkada.

Nakawin nga Super 4 kahit sa Manila kaya dapat secured yung parking mo kahit sa mga malls… masyado kasing mainit sa mata e…

crister

09-30-2005, 10:38 PM

san yung superbike round 12 ginawa? sayang naman hindi ako nakapanood… actually mag-iisang buwan pa lang ako dito sa japan and I still have 2 more months to go para makapanood. Siguro naman bago ko umuwi ng pinas nakapanood ako ng live para naman may maikwento ko at maipakitang pix sa family ko at barkada.

superbike round 12 at Motegi Japan

http://www.motogp.com/en/motogp/calendar.htm?menu=ca lendar

once a year lang in japan kaya next year na ulit.

ang susunod naman kasi ay Round 18 ng Formula 1 sa Suzuka, Circuit on October 9

Paul

10-01-2005, 12:13 AM

wala nang World Superbike races dito sa Japan. MotoGP na lang. katatapos lang nung Sept. 16-18. pagkatapos nito wala nang international bike races puro mga nationals na lang. next year na ulit ang MotoGP.

@rodem
miss ko na nga yung trabahing 'yon e. di na kasi pwede ngayon kasi ang mga karera usually sa weekend, friday to sunday, di na papayag si misis nun.

nakasubok na ko ng ZZR-1100 tsaka ng V-max kaya alam ko namang malaki ang mga liter-bikes. kaya lang ang tinutukoy ko ay mas malalaki pa rin ang mga tangke ng Superbikes kumpara sa mga street legal versions nito. wala yata sa 'ting nagkakarera ng superbike e. puro mga production bikes lang. gulat nga ko dun sa mga nakita kong nagkakarera sa BRC. kahit siguro yung dating bike ko pwedeng lumaban doon. dito kasi kahit mga local races di uubra ang stock production bikes. yun nga palang NSR ko dati ang gulong galing sa circuit kaya ang sarap ihapay. di nakakatakot tulad ng street tires. yung campus namin nasa taas ng bundok at may konting winding kaya masarap pag naka-bike. dun ko rin na-experience na sumayad ang step sa kalsada habang nasa kurbada (normal kasi, hindi mataas tulad ng racing step).

This is an archived page from the former Timog Forum website.