Manila city hall: correcting errors in birth certificate

Laiza

10-06-2005, 03:03 PM

:confused: Gusto ko sanang magtanong tungkol sa tunay na patakaran ng mla. city hall para sa pagkorek ng mga maling ispeling sa birth certificate. Baka meron naman ditong may kakilala doon. Kasi naman nakailang balik na yung mom ko wala pang nangyayari , kung ano ano na ang pinakukuha nila pati ata birth ng mga kanunu-nunuan mo kailangan mo pa atang ipakita samantalang isang letter lang ang mali. Masyado silang mahigpit ,pero sana naman matulungan nilang mapadali ang proseso para di na mahirapan ang mga kababayan nating nasa Pinas. I need your advise guys here in TF! Thank’s!:wink:

crispee

10-06-2005, 06:57 PM

Hello Laiza,
Kung wala ka talagang koneksiyon sa manila, walang mangyayari sa inyo. Pinakamadali diyan ay sa probinsiya mo lakarin ang mga papeles. Ganyan ang eksperyens ko. Goodluck.

myukasky

10-06-2005, 07:56 PM

Laiza tama si crispee kung wala kang kakilala sa manila city hall mapapagod lang kayo. Ako kasi naexperienced ng sister ko mali din spelling ng name ng anak nya, buti na lang may kakilala kami sa city hall sa amin kung wala siguro hanggang ngayon di pa ayos yun. Kaya siguro pinababalik balik kayo eh para mapagod at dumating sa time na magpabayad na lang at ng mapadali, di kaya?

Laiza

10-07-2005, 11:48 AM

Salamat sa inyo guys! Naisip ko na rin yun na pag talagang wala kang kakilala ay walang mangyayari. Kaya nga siguro pinababalik-balik ka para mapagod ka at magbayad na lang sa gusto nilang presyo. Alam mo naman sa atin mga mukhang pera dahil na rin siguro sa hirap ng buhay. Well, di ko naman nilalahat pero karamihan talaga ganon.Well, bahala na ang Diyos sa kanila.Thank’s again!