Medical Expenses Notice 医療費のお知らせ

Ang Medical Expenses Notice (医療費のお知らせ iryōhi no oshirase) ay abiso na pinapadala ng Kempo o Japan Health Insurance Association (全国健康保険協会 zenkoku kenkō hoken kyōkai) sa mga gumamit ng health insurance para sa pagpapaduktor o pagpapagamot.

:information_source: This wiki page may be edited by any logged-in anonymous user.

Sa ibaba ang sample ng dokumentong ito:

Mga bagay na nakalagay sa Medical Expenses Notice

Sa ibaba ay makikita ang English sample ng documentong ito.

Patient Yr/Mo Class Days Medical Institution Expense Paid by Kempo Paid by Gov’t Paid by Member Reference No.
Timog Reymond 04/02 Outpatient 1 Tsuchiura Hospital 9,890 6,902 0 2,958 0406 08000000000
Timog Reymond 04/02 Medicine 1 Aosora Pharmacy 3,250 2,275 387 588 0406 08000067890
Timog Genalyn 04/04 Dental outpatient 2 Tsuchiura Dental Clinic 21,700 15,190 2,550 3,960 0406 08000012345
Total 34,840 24,367 2,937 7,506
  1. Patient: Pangalan ng taong nagpagamot. Kasama din dito ang pangalan ng mga dependent (asawa o anak) na covered ng sariling insurance.
  2. Taon at buwan: Ang 04/02 ay ibig sabihin Reiwa 4 (2020) February.
  3. Class: Karamihang nakalagay dito ang A. Outpatient (外来) (kung ordinaryong sakit na hindi kailangang ma-confine sa hospital); B. Hospitalization (入院) (kung na-confine sa hospital); C. Dental outpatient (歯外); D. Dental hospitalization (歯入) (kung na-confine sa hospital dahil sa ngipin); E. Medicine (調剤) (para sa gamot).
  4. Gastos sa pagpapagamot: Ang kabuoang gastos sa pagpapaduktor at pagpapagamot ay binabayaran ng pasyente, ng gobyerno, at ng Kempo (o Japan Health Insurance Association).

:information_source: Maaring hindi nakasulat sa papel na ito ang lahat ng binayarang gastos dahil mga tatlong (3) buwan bago dumating sa Kempo ang resibo mula sa hospital o pharmacy kung saan nagpaduktor o bumili ng gamot.