Mount Kumotori 雲取山 Hike 24.06.29 (Sat)

minasan, base sa resulta ng poll, itutuloy natin ang trip hanggang sa tabayama village, at tignan natin ang options pagdating doon :smiley:

@Osteng1337 sabihin mo kung sasama/susunduin ka :slight_smile:

weather forecast saturday

latest weather. (halos) walang ulan.

kahit may unting ulan kuya pwd yan,haha

1 Like

Kuya if maghapon ang ulan ngaun at hindi na maulan bukas. Still safe pa rin po ba umakyat?
Possible po ba basa pa din ang lupa dun.
Baka po kasi madulas. Tingin nyo po kuya?

Yung shoes ko po kasi nagagamitin is hindi pang hiking kaya naisip ko lng po yung status ng lupa bukod sa weather na pupuntahan ntin.

baka nga less than ideal ang mga daan lalo na kung wala kang proper hiking boots

dahil first time mong aakyat ng bundok, baka mas maganda sa susunod na hiking ka na lang sumama para mas maganda ang unang experience mo sa bundok :smile:

ano sa palagay mo?

gusto kong umakyat ng tsukubasan nang umuulan :cloud_with_rain: kung may rain gear ka akyat tayo minsan :slight_smile:

latest weather forecast

image

2 Likes

Kuya Mitsubishi na ako sasakay gawa di makaalis sa bahay maulan pa

1 Like

Okutama Town, Tokyo

1 Like

Guys salamat. Sa uulitin ulit :smile:










1 Like

1 Like

otsukaresama! ayos! may lakas pa kayong mag post ng pictures :smiley:

salamat kuya sa uulitin po

1 Like

marami akong kinuhang pictures pagbalik ko sa parking lot dahil dahan-dahan lang akong naglalakad. namatay ang battery ng cellphone ko bago ako makarating sa kotse at hindi ko dala ang powerbank dahil akala ko mababasa ng ulan

mahamog ang paligid. bukod sa umaambon, hindi siguro nakakapagtaka dahil lang sa pangalan ng bundok

marami akong nasalubong na hikers na may mga cowbells sa bag, para daw hindi magulat ang mga osong nakatira sa budok na ito, bukod sa mga unggoy at usa

siguro dahil palaging humid maraming tumutubog maliit na halaman, kabute at mga lumot

ito yung cairn na nadaanan natin, pinatungan ko rin ng isang maliit na bato sa tuktok

ang maliit na bahay ng mga espiritu. may mga offerings ng coins at sake. may sign “huwag pakainin ang mga oso”

1 Like

mga pictures sa Tabayama Village Public Parking Lot

kahit tanghali at mainit na, hindi pa rin nawawala ang mga ulap sa gilid ng bundok

pagbaba ko tamang-tama namang may parating sa maliit na sasakyan at lumabas ang isang batang pulis (mga 25 years old siguro) at umikot sa parking lot, tinitignan ang plate number ng mga sasakyan

public toilet. may gripo at brush para sa paglilinis ng hiking boots

pagkalinis ko ng hiking boots ko lumapit yung pulis. mukhang mabait naman at gustong mag small talk.

  • sumimasen, hanggang saan kayo aakyat ngayong araw? (siguro alam naman niyang galing na ako sa itaas dahil naglilinis na ako ng boots)
  • ang totoo ay kabababa ko lang, hindi ako umakyat hanggang sa tuktok.
  • talaga? hanggang saan ka umabot?
  • ano nga bang tawag doon? dodokoro ba? (hindi ako umabot doon pero yon ang natandaan kong susunod na lugar)
  • tama, may lugar nga na dodokoro ang tawag
  • hindi ako nakatulog nang mabuti kagabi kaya naisip kong bumalik nang maaga para matulog muna
  • oo nga, mas magandang magpahinga kung wala sa kondisyon ang katawan, etc, etc…

alam siguro ng pulis na hindi ako hapon base aking hitsura, pero naisip din niya siguro na matagal na ako sa japan dahil maayos naman ang aking nihongo, kahit hindi native level. hindi ako tinanong ng aking residence card

pagkatapos naming mag-usap, nakita ko na binuksan niya yung post box sa harap ng toilet, na nalaman ko pagkatapos na hindi naman talaga para sa mga sulat kundi lagayan ng “climbing notice”

may mga papel sa malapit na maaring sulatan ng mga hikers para malaman ng mga pulis ang ruta mo kung sakaling mawala ka o maaksidente at kailangan na nilang i-rescue. hindi natin nakita ito

may mga notice sa paligid, at itong warning tungkol sa pag-akyat sa winter. ang usual na time sa mount kumotori climb ay 10 hours (5 hours papunta, 5 hours pabalik) tama lang pag summer, pero baka kulang kapag winter.

donation box para sa mainenance ng toilet (nalimutan kong maglagay ng pera). parang familiar ang black-and-green na pattern na yan.

sa gilid ng toilet ay may nakapaskil na article tungkol sa Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba:

Mount Kumotori is attracting attention as a place connected to the hit anime “Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba,” which has become a worldwide hit. The mountain straddles Tabayama Village (Yamanashi Prefecture), Tokyo, and Saitama Prefecture, and is visited by enthusiastic fans as a “key location.”

This is the setting where the main character, Tanjiro Kamado, lived with his sister Nezuko and his family while making charcoal, and comments such as “Why don’t they promote it with Demon Slayer?” and “How many hours does it take to climb Mount Kumotori?” were received at roadside stations and village offices.

According to official documents, Tanjiro lived in the mountains of Okutama County on the Tokyo side, but the life depicted in the work overlaps with that of the former Tabayama Village. In the work, Tanjiro is depicted living a modest life with his family while making charcoal on Mount Kumotori.

Tabayama Village also once had a charcoal-making culture, and charcoal was made from wood cut from Mount Kumotori. Many villagers also felt that the atmosphere of the village where Tanjiro came down from the mountain to sell charcoal was similar to that of the former Tabayama Village.