naghahanap lang po!

nona

07-27-2005, 06:44 PM

bk nman s tulong ng mga mababait n tg-timog mkita ko n ang nawawala kong kaibigan…hehehe… and2 din cia s japan k2lad kong nikkei-jin…ang pangalan po niya ay gail esperanza (sori friend buong-buo name mo ha?) nung dlaga ewan ko lang po kung may asawa n siya ngayon…ikakagagalak ko po ng lubusan kung may mkpagsasabi kung kakilala nyo siya…di ko rin po alam kung tama ba tong forum n napuntahan ko…naicp ko lng n ito ang may pinaka-malapit n agenda kasi mga announcements ay naririto rin…maraming maraming slamat po…:confused: :confused: :confused: :confused:

reon

07-27-2005, 08:54 PM

hnd ko yt mntndhan ang mssag mo nona. :slight_smile: nsa cell phone kb? :smiley:

Paul

07-27-2005, 08:59 PM

welcome to timog, nona.

pasensiya na ha, wala kasing txt speak translator dito e. hamo siya, 'pag nakahanap ako maiintindihan ko rin 'yang sinulat mo.

reon, wag ka nang magpanggap na marunong mag-txt speak, di ka talaga papasa.

v_wrangler

07-27-2005, 09:01 PM

hnd ko yt mntndhan ang mssag mo nona. :slight_smile: nsa cell phone kb? :smiley: Oo nga, uso ata sa Pilipinas yan eh…

Paul

07-27-2005, 09:05 PM

baka naman cellphone talaga gamit niya. di ba may mga cellphone na may web browser na ngayon? o baka kaya sira yung keyboard niya at kulang-kulang ang mga letra? marami dito sa 'min kung gusto mo.

reon

07-27-2005, 09:13 PM

easy lang mga TF oldtimers, bago lang itong si nona at baka magtampo. :slight_smile:

nona

07-27-2005, 09:31 PM

sori po mga mababait??? na tg-timog hindi ko na uulitin yung message ko…intayin ko na lang na makahanap kayo ng txt translator…baka sakaling may makaintindi rin…at maraming salamat din sa biglang paglitaw ng personals nyo sa forum lists ninyo…siya nga pala malaking tulong ang mga replies nyo…maraming slamat ha…

nick

07-27-2005, 09:58 PM

Hello nona, bina-bump lang nila itong thread para makita ng iba. Yup, I made a new forum, just for you. :slight_smile:

Paul

07-27-2005, 10:17 PM

ganyan lang talaga kami mag-welcome dito sa Timog. kita mo ginawan ka pa ng bagong forum category ni fafa nick. :slight_smile:

nakahanap na ko ng translator at naintindihan ko na ang una mong post. :yippee:

anyway, may picture ka ba ng kaibigan mong nawawala? mas mainam kung meron, malay mo kapitbahay lang ng isa nating kapatid dito sa Timog.

nona

07-27-2005, 11:11 PM

paul thanks sa warm greeting…at salamat naman n nag-spare ka ng time maghanap ng translator…no picture…slamat sa suggestion…baka nga kapitbahay ko lang pala di ko rin alam…nagbabaka-sakali lang po…happy din ako kasi kahit pano next time may mag-post they will learn a lesson not to even try abbreviating a single word…sori di ko lang talaga alam na one of the golden rules pala dito yon? hehehe!!!

nick thanks ulit sa category specially made for me…and for being ok…

y wrangler…wala lang

at ciempre to my ever ever beloved kuya reon…wala ako masabi sayo…iba ka talaga!!! you owe me something big now…hehehe…

Paul

07-28-2005, 12:16 AM

hindi naman golden rule yon. meron kasi ditong mga damatans na at hindi naabutan 'yang pag-text text sa 'pinas kaya hindi nila maintindihan kapag may nag-post na parang SMS.

reon, meron ka daw utang kay nona na something big (parang kris kringle a). ano kaya 'yon. :slight_smile:

nona

07-28-2005, 12:22 AM

sige paul naiintindihan ko naman na eh…sori na lang po ulit sa lahat…next time po talaga…di na po uulit…goodnyt na po ako…kita-kita na lang ulit…

at tama ka parang kris kringle kasi birthday ko po pasko…

gvidanes

07-28-2005, 09:41 AM

first, i really noticed that. totoo! ganyan nga sila mag-welcome. ako nga, na-notice nila yung paggamit ko ng caps lock. eh dun ako nasanay. pero buti na lang at sinabi nila, eto di na ako nagka-caps lock.

second, message ko sa mga nag-reply sa iyo: na-guilty rin ako kc hilig ko ring gumamit ng words in text format kahit di cellphone ang gamit. look at this message now…wala na text format. ang hirap pala!

but i appreciate na pinagtutuunan nila ng pansin yung mga message natin. thank you po!

neblus

07-28-2005, 03:55 PM

Baka naman may gustong mag-collect ng “txt spk” with translation?

Hindi ko rin maintindihan iyong mga pinadadala sa akin at minsan nakaka-inis na rin… hindi ba nila alam na “bago” lang ang texting at naturalmente, hindi alam ng mga matagal ng wala sa Pinas. Noong panahon ko… marunong pang makipag-usap ang tao. Lumabas ka lang ng bahay mo may kausap ka na. Ngayon, wala nang lumalabas at nagte-text na lang!

Just a thought…

sherbien

08-24-2005, 01:07 AM

nona, nahanap mo naba kaibigan mo, bakit mo siya hinahanap

Stacie Fil

09-05-2005, 11:20 PM

Hello Nona, welcome din sa TF.

Yung kaibigan mo, saan kayo last nagkasama at matagal na ba kayong naging magkaibigan. Maliban sa kanya, baka kilala mo rin ang ilan sa kanyang family member or other friends. Sayang, kagaya nang tanong sa iyo, kung may picture ka sana at alam mo rin kung saan prefecture. Baka nakakahalubilo na siya nang ilang TF member natin dito from their church group, nearby Pinoy tindahan/tambayan ,City chapter. Trace back from past, through your other friends/relatives, baka naroon ang link to connect with your friend again. Good luck and pray for your friend, malay mo magkasalubong kayo bukas.:slight_smile:

This is an archived page from the former Timog Forum website.