Need advice for reentry permit to Japan

RISINGSUN

09-12-2005, 06:48 PM

Meron po akong kaibigan na lumapit sa akin regarding her reentry permit. Siya po ay dating talento at naka-pagasawa ng Nihonjin. Yun pong kanyang visa ay nag-expired last 30 June 2005 tapos tinatakan po ito ng extension dahil nakapag-asawa nga po siya ng Nihonjin. Sa ngayon po hinihintay pa niya yung tinatawag ng “hagaki”:confused: , mga 2 or 3 months po ata bago ito lumabas. Ang problema po ngayon ay pinauuwi po siya ng Pinas para makausap ang kanyang inang maysakit… siya na lang daw po ang hinihintay…Tanong po niya kung pano raw po siya makakuha ng reentry permit na hindi pa lumalabas yung kanyang “hagaki”. Maraming salamat po sa mga tutugon sa kanyang problema.

makulit

09-12-2005, 09:05 PM

Hi RISINGSUN. Kailan ba tinatakan yung passport ng friend mo na nareceive ng Immigration ang application for extension? Nag-overstay ba sya? I just spoke to a friend of mine (used to be an immigration lawyer), sabi nya you cant get a re-entry permit unless may valid visa. Since expired na yung visa nya at wala pang extension visa na gina-grant ang immigration, hindi daw pwedeng mag-apply ng re-entry permit.

Also, hindi rin daw pwedeng i-expedite ang processing ng extension sa immigration. However, since iba yung case ng friend mo, punta na lang daw sya sa Immigration with the spouse at subukan na makiusap.

puting tainga

09-13-2005, 06:24 AM

Tama ang sabi ni Makulit.
Go and talk.
Never leave Japan, until you are sure you can come back.

Also note that the date of decision(決定日ketteibi ), the start of the eligible date(有効期間開始日 yuko kikan kaishi bi), and the day the Hagaki(postcard) comes to the applicant’s house(通知受領日 tsuchi jyuryou bi), are all different dates.

Nawa’y she gets the reentry permit.

RISINGSUN

09-13-2005, 03:00 PM

thanks makulit and puting tainga. will inform her of your suggestions…mabuha y…and God Bless.:thumb:

This is an archived page from the former Timog Forum website.