Need pa ba ng bagong OEC kapag nag-lapse yung una?

Post mula sa Japan OEC Support Group:

First time ko uuwi ng Pinas ngayong December. Gusto ko lang itanong yung tungkol sa OEC validity. Ang nakalagay sa OEC ko ay VALID FOR EXIT UP TO December 30, 2023 ngunit ang lipad ko pabalik ng Japan mula sa Pinas ay January 2, 2024, kailangan ko bang mag pa-verify ng panibago? Salamat sa sasagot. God bless.

Reply 1:

Print nalang po kayo from DMW site po. Ako din po hanggang Nov15 ako pero napaaga pagprint ko kakakalikot sa site kaya Nov13 1:46pm naging expuration ng OEC ko. Tapos po kahapon 1:47 nagtry ako kumuha nakakuha naman po agad ako.

hello po. so nakabalik na po ba kau ng Japan now? naging valid po ung new OEC nio pabalik?

opo nakabalik na po ako flight ko pabalik is Nov15 00:50 wala naman po naging prob. naging valid po ulit siya for 60days

thank u po s reply. Wow so online na po tlg ang pagkuha ng OEC. Pumunta pa po ba kayo sa POEA office s PH? Or no need na po?

online nalang po talaga yung sa DMW e register. Hindi na po ako pumunta POEA pinaprint ko nalang ulit … ahaha

woww maraming salamat po sa pagsagot ng tanong ko po.

Reply 2:

Kuha lang ulit kayo ng bagong OEC sa website sa January 1 kasi automatic na pwede ulit kumuha ng OEC after the expiration ng current oec.

confirm ko lang po ulit. So, by January a few days bago bumalik ng Pinas, updated na ulit yung validity ng OEC? Kasi nagupdate din ako nung Sept. for my Christmas vacation sa December. Kaso yung validity ng OEC ko hanggang Nov. 24 lang.

base sa observation ko, pwede ulit kayo kumuha ng OEC sa portal once naglapse yung validity ng una niyo nang nakuhang OEC.

Saka i-identify niyo naman yung date ng flight niyo paalis ng Pinas pag kukuha kayo ng OEC. Dapat December ang nilagay niyong departure date mula Pinas. Or, saka lang kayo kukuha ng OEC a week or two bago ang flight ninyo. Not months before kasi aabutin talaga kayo ng expiration date.

This topic was automatically closed 30 days after the last reply. New replies are no longer allowed.