Need your help from the Philippines

sherbien

08-22-2005, 10:06 PM

Greetings from the Philippines.

Magandang hapon sa mga kababayan natin na member ng Timog Forum. Ako po pala si Sherbien Dacalanio, researcher po ako dito sa pilipinas. Sa ngayon po naghahanap ako ng mga magagandang istorya ng mga kapwa nating Pilipino dyan sa Japan na pwedeng ifeature po sa TV para mainspire po mga kapwa nating pilipino. Istorya ng tagumpay, ng pagsubok at pakikibaka sa buhay. Halimbawa po ang mga sumusunod:
-successful filipinos in Japan
-mga pilipino sa japan na nakapulot ng malaking halaga pera at ibinalik sa may-ari
-mga pinoy animators na nasa animation company dyan sa japan
-mga pilipino na sikat na celebrity sa japanese showbizness
-mga pilipinong reporter o kaya anchor sa mga tv stations da japan
-naaksidenteng filipino, overstayed siya sa japan at ngayon gusto niyang makita ang kanyang anak na nasa pilipinas
-mga nagkaaway na magkasintahan. yung isa sa kanila nasa japan at yung isa andito sa pilipinas. gusto nang makipagbalikan yung isa sa kanila pero wala na silang contak
-isang inang gustong humingi ng tawad sa anak niyang inabandona sa pilipinas
-isang batang gustong makita ang kanyang nanay na nadeport dito sa pilipinas matagal nang panahon ang nakakaraan
-isang hapon na hinahanap ang dati niyang dyowang pilipina. nagkahiwalay sila at ngayon, narealize ng hapon na mahal na mahal niya ang pilipina
-or kahit na ano pong interesting stories diyan sa japan

sana po matulungan po ninyo ako sa aking research. kung may mamumungkahi po kau, pakiemail naman po sa akin ang pangalan, telephone o kaya cellphone number ng tao at yung istorya niya. email po ninyo ako sa sherbien@yahoo.com

salamat po ng marami at sana matulungan po ninyo ako

NemoySpruce

08-23-2005, 02:57 PM

aaah, pede po bang manawagan? helo jestoni! yung sinaing baka masunog! si brawnie ipasok mo na baka magkasakit yun at maulan jan sa pilipinas! Mama! Papa! andito ako sa Japan! I lab yu! Yung mga kapit bahay ko jan sa Tumana! oy! tama na inuman! lester! magpagupit ka na! … saalamat po! tenkyu.

pinoyjin

08-23-2005, 10:48 PM

Sherbien, pasensiya ka na Hija. Palagay ko ay matuwid ang iyong hangarin na mai-feature sa TV ang ating mga kababayan na nasa Japan. Siguro naman ay hindi mo kilala ang isang katulad mo ring researcher ng isang TV station na nagpunta dito sa Japan at gumawa ng feature story tungkol sa buhay ng isang Pinay. Ang hangarin ng “researcher” na ito ay i-feature ang “success story” ng Pinay na ito. Pero ang kinalabasan ay buong kamag-anak at pati na mga anak ng kawawang Pinay gusto siyang itakwil pagkatapos lumabas ang akala’y “success story” niya. Ang kawawang Pinay ay walang nagawa kahit pa humingi ng tulong sa mga maykapangyarihan upang mailabas ang tunay na storya niya.

Sana’y makahanap ka rin ng mai-feature mo. Pero siguruhin mong may kontrol ka sa editing ng iyong story at ng maiwasan ang katulad ng nangyari sa kababayan nating Pinay. Kawawa naman kasi siya, at nasira pa ng husto ang image ng mga kababayan nating nandito sa Japan. Goodluck sa iyo Hija, at sana’y pagpalain at gabayan ka palagi ng Maykapal sa iyong gawain…

pinoyjin

08-23-2005, 10:55 PM

08-24-2005, 02:22 AM

pinoygin, lalake po ako. heheeh.

parang nainterview ko na po yung sinasabi po ninyong fipilina. nakwento na ngarin niya ang mangyari kung pareho po tayo ng iniisip. pero sabi ko po sa kanya, sa panayam namin, baka pwede niyang iklaro sa mga kamag-anak niya ang nangyari sa kanya.

isa pa po, di po namin pwedeng gawin po iyong ganung pagsisinungaling para lang po makakuha ng istorya. at ang purpose po ng programa namin ay to inspire our filipino viewers.

salamat po at kung may alam po naman kayong mga istorya diyan, kwentuhan naman po ninyo ako sa email ko: sherbien@yahoo.com

salamat po ulit

This is an archived page from the former Timog Forum website.