Dito ko nga pala nakuha itong earlier post: OFWs in Japan: OEC Support Group
Ito ang impressions ko habang nag b browse sa FB Group na ito:
-
Helpful ang mga admins pati ang members na nag-post ng kanilang experience sa pagkuha ng OEC.
-
Mas helpful sana kung naka-post ito sa open internet, hindi sa gated compound na kagaya ng FB, at lalo na sa isang private FB group.
-
Accomodating ang staff sa Migrant Workers Offices sa Tokyo at Osaka.
-
Most members in this group are Specialist in Humanities / Engineer / ALT and even they have many problems getting OEC. Paano naman ang mga Specified Skillled Workers? Marami akong kilalang Specified Skilled Workers na hindi makakuha ng OEC dahil their companies don’t want to put up with the bullshit rules that POEA/DMW imposes on Filipino workers.
-
Pinapahirapan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga OFW.
Ang mga rules daw ay para sa proteksyon ng OFW. Understandable kung first-time ka lumabas ng bansa (e.g. mga technical intern trainees).
Pero kung ilang taon ka na sa Japan, you should be able to know whether your work conditions are fair or not. Ang totoo, ang mga rules na ito ay para kontrolin ang mga OFW hindi para bigyan sila ng proteksyon.
Hindi siguro naiisip ng POEA/DMW na hindi lang nila pinapahirapan ang mga OFW, binibigyan pa nila ng disadvantages vis-a-vis workers from other countries.
Ang dahilan lang kung bakit nag h hire ang mga schools sa Japan ng maraming Pinoy ALT ay dahil sa mas mura / mas madaling i-handle ang mga Pinoy compared to other countries.
Pero kung technical intern trainees / specified skilled workers natabunan na ng Vietnam ang Pilipinas dahil sa overbearing rules na ini impose ng POEA/DMW sa mga kumpanya.
It’s sad, ang balita ko pa naman sa maraming Japanese employers ay mas gusto nila ang performance at disiplina ng mga Pinoy trainees/ssw, pero mas madali lang talagang e-employ ang mga Vietnamese dahil walang complicated demands ang gobyerno nila.