Okey lang bang magbigay ng paulit-ulit na advice sa kaibigang Haponesa?

mc_akey

09-10-2005, 10:10 AM

tanong ko lang kung okey lang ba na paulit-ulit na pagsabihan ng mga advices ang isang kaibigan na haponesa tungkol sa pribadong buhay?turn-off ba sa mga japanese ang ganitong pag-uugali?
kailangan ko po ng mga comments nyo…please…

hotcake

09-10-2005, 12:45 PM

tanong ko lang kung okey lang ba na paulit-ulit na pagsabihan ng mga advices ang isang kaibigan na haponesa tungkol sa pribadong buhay?turn-off ba sa mga japanese ang ganitong pag-uugali?
kailangan ko po ng mga comments nyo…please…He llo mc_akey, for me di naman siguro masama na bigyan mo siya ng advice ng paulit-ulit kung nanghihingi siya ng advice. :slight_smile:

“turn-off ba sa mga japanese ang ganitong pag-uugali?”

di lahat ng japanese ay pare-pareho, may mga hapon na gusto nila na binibigyan sila ng advice, meron naman iba na ayaw makinig sa advice ng iba.

myukasky

09-11-2005, 03:07 PM

Para sa akin eh di masama lalo na kung nakikinig sya sa mga payo mo, pero yung paulit-ulit eh di na yata tama yun. Tama ba ako? Kasi kung paulit ulit na lang di ka ba napapagod? Kung hindi I’m pround of you KABABAYAN. Suwerte naman ng friend mo kasi lagi ka nandiyan kapag kailangan ka nya:) :slight_smile: :slight_smile: GODSPEED

mc_akey

09-11-2005, 10:34 PM

maraming salamat mga kapatid;)
naitanong ko ito kasi habang kinakausap ko sya mukha namang interesado at panay din ang tanong(dahil siguro pilipino ang kasalukuyan nyang boyfriend daw?)
kaya lang,sa dami ng nasabi ko wa epek yata :frowning: dahil tingin ko tuluyan ng nagpaka-tanga.gusto ko sanang kulitin eh!para baka kako matauhan.
naaawa kasi ako sa mga anak nya me maliit pa,tsaka sira na ang konsentrasyon nya sa trabaho dahil sa lalaki.lagi pa syang nangangailangan ng malaking pera para madalaw ang bf?daw nya sa omise.
tingin nyo okey lang kulitin ko?

This is an archived page from the former Timog Forum website.