Online na naman ang Timog

Kanina, pagkapos kong i-setup ang server ng bagong bulletin board, dumungaw ako sa may bintana at naalala ko ang masayang pakiramdam noong unang nag-online ang lumang Timog 18 years ago.

Matagal nang panahon yon at marami nang nagbago, at may walong taon na rin ang lumipas mula nang nag-offline Timog Forum noong simula ng 2012, katatapos lang ng Triple Disaster sa Japan noong 2011.

Paminsan-minsan naalala ko yung lumang community na yon ng mga Pinoy sa Japan, at although maraming naubos na oras ng mga admins at moderators sa pagma-manage ng ganoon kalaking grupo ng tao (lalo na meron ding magugulo), naisip ko rin na marami din ang sumaya dahil nagkaroon ng Timog Forum.

Kaya naisip ko kailan lang, kahit na para lang sa ilang tao sa Japan na gustong may mapuntahan para may makausap bukod sa social media na kagaya ng Facebook o Twitter o Instagram, maganda sigurong may ganoon ulit na website.

Hindi ko na matandaan kung ilang tao ang naging member ng Timog Forum dati (mababa siguro ang 10,000), pero kung kahit na may 20 lang na regular members ang bagong Timog na ito at may maayos na usapan, masaya na ako.

1 Like

Ano na namang kalokohan ito? :grinning: Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga ganyang internet projects mo?

Hello Nick-san, ikaw na naman ulit ^^;

Wala lang siguro akong magawa noong isang araw o feeling nostalgic dahil autumn, kaya naisip kong gumawa ulit nitong BBS. Naisip ko wala namang mawawala, at magandang experience ang paggawa ulit ng isang community.

Salamat nga pala sa tulong mo last time, haha. Kondo mo yoroshiku.

2022 na ngayon alam mo? Patay na ang mga forum!

Wala ba kayong FB dyan sa Tsukuba? Bili ka ng スマホ tapos download mo yung app. Baka magustuhan mo, madaming Pinoy doon. Baka makita mo pa yung dating mong crush noong high school. Yung nga lang, baka may sampung apo na yon.

:joy: Hindi rin naman kita nakikita sa Facebook. Tsaka mahirap gumawa ng meaningful na usapan sa fb, maikli lang ang attention span ng mga tao, marami pang distraction.

Isa pa, puwede namang gumamit ng iba’t-ibang website: fb, flickr, twitter, ig, reddit, etc, hindi lang naman isa.

Palagay ko may unique na experiences at challenges ang mga Pinoy sa Japan para magkaroon ng ganitong website, kung saan baka mas madaling ipunin at i-organize ang usapan at impormasyon.

超忙しい。No social life, no online social life.

Ano ba ang gamit nating webhosting?

Lahat busy e ano?

Yung app nasa isang tsipipay (1,500-yen) na Amazon Lightsail instance, yung mga files nasa Amazon S3, pay as you go.

So mga 3,000 yen siguro monthly. Puwede na yan sa sa umpisa, i-upgrade na lang kung kailangan.

Magastos na hobby yan, parang photography. :laughing:

Babawasan ko lang ang pagbili ng CD. :cd: :notes:

CD :joy: :joy:

Cassette tapes na ang IN ngayon.

Actually, namimiss ko yung mga cassette tapes ko, haha. Mas natutuwa ako sa hitsura ng cassette tape kesa CD o plaka.

May ganito akong tape dati, natapon ko na.


Hisashiburi, hisashiburi!
Balita ko buhay ulit ang Timog!
Ayos yan.

2 Likes

andres, hisashiburi! welcome to timog 2.0! may bago tayong server, marami ang space para sa pictures, hehe

4 years ago nanonood tayo ng france vs argentina kasama si paul. ngayon world cup na naman ulit! ayaw talaga manalo ng argentina. :laughing:

Welcome back to timog, andres!

Timog is back?! It has been what, almost 10 years?

I missed the Pinoy community we had before. Salamat reon-san for putting it back up.

1 Like

Welcome back to Timog, Rika! Mabuti at may babaing member na, puro kami lalaki dito ngayon! :tada: :star_struck: