Osampo osampo

Ang lamig kaninang umaga, pero maaraw kaya tamang-tama para sa osampo

Isa sa mga passages sa libro ni Steinbeck na Winter of Our Discontent na natatandaan ko ay:

The yellow-painted bulldozer and the big crane that swung the wrecking ball were silent like waiting predators in the early morning.

Kaya naiisip ko ito kapag nakakakita ng construction equipment sa umaga.

Natutuwa ako dito sa aking macro setup ng iPhone SE. Macrophotography on a budget.

Commemoration of the 60th year of His Majesty the Emperor’s reign (天皇陛下御在位60年記念) in Doho Park

Dati parati kaming pumupunta sa park para magpakain ng tinapay sa mga itik, pero may mga sign na na huwag pakainin ang mga ito. Mukhang maraming issue sa kalusugan ng mga itik at ng habitat dahil sa pagkain nila ng “junk food” na kagaya ng tinapay.

Ang “aking” maliit na lawa, frozen sa lamig sa umaga.