Picturan sa DFA

yuri

10-28-2004, 06:06 PM

“Kailangan ninyong i-checkin ang camera ninyo,” sabi ng babaeng security guard sa gate ng DFA. Napaisip ako dahil first time kong masabihan na kailangan kong i-surrender ang aking camera. Hindi naman sa iniisip kong mawawala, pero mawawasak ang camera ko pag nabagsak ng mga hindi nag-iingat na kamay.

“Bawal palang magdala ng camera sa loob?”
“Oo, e. Hindi kasi pwedeng kumuha ng picture sa loob.”
“Kung ganoon, baka pwedeng tanggalin ko na lang ang film at battery ng camera para hindi gumana?”
“Hindi rin ho pwede. Kailangan ninyong kumuha ng permit kung gusto ninyong dalhin ang camera ninyo sa loob.”
“Saan ba nakakakuha ng permit?”
“Sa loob, sa office.”
“Ibig sabihin, kailangan kong pa ring iwan dito ang camera ko para kumuha ng permit?”
“Oo. Iwan mo na lang, tapos balikan mo ulit pag nakakuha ka na ng permit.”

Ngayon, naisip ko na baka mas matagal pang kumuha ng permit para sa camera kaysa sa kunin ang mga papales na kailangan kong lakarin sa loob. At wala naman akong balak na kumuha ng picture sa loob ng DFA. Sabi ko na lang:

“Mukhang mahigpit ang security dito, a.”
“Siyempre, naman. Embahada ng Pilipinas ito, e.”

Hindi yata embahada ang DFA sa pagkakaalam ko, pero naintindihan ko ang ibig niyang sabihin at ayaw ko namang maging makulit kaya lumabas muna ako para mag-isip kung anong magandang gawin.

Nang nasa labas na ako ng gate, naisip kong kumuha ng picture sa labas. Nagpaalam ako sa isang guard na kumunsulta naman sa isa pang guard.

“Saan ka ba kukuha ng picture?” “Dito, kung saan ako nakatayo.” “Okey lang kumuha ng picture sa labas ng gate, nasa labas ka na, e. Sa loob, kailangan ng permit.”

Mabuti. Nilabas ko na ang camera ko at sinimulan ko nang kumuha. Nakailang pictures pa lang ako nang biglang may lumabas na guard mula sa loob na mukhang galit.

“Meron bang permit yang camera mo?!” malakas ang boses ng guard at dinig ng lahat ng mga nakapilang tao sa labas ng gate.
Nabigla ako ng konti, “Nasa labas naman ako ng gate, a.”
Lalo naman siyang nainis, “Kailangan mong kumuha ng permit kung kukuha ka ng picture dito!”
“Papaano ko naman malalaman yan, e, nagpaalam naman ako dito sa dalawang guard at sabi nila okay lang daw.”

Yung dalawa namang guards na pinagtanungan ko, biglang hindi na nila ako kilala at nalimutan na nila na sila ang nagbigay ng permission wala pang isang minuto ang nakakalipas.

Yung guard naman na galit, parang walang narinig.

“Bakit ka kumukuha ng picture dito ng walang permit?!”
“E, sinabi ko na nga sa iyo na nagpaalam ako at pinayagan naman ako. Kasalanan ko ba yon?”

Para paikliin ang mahabang istorya, umalis na lang ako. Nakatingin na ang lahat ng mga tao sa labas at ayaw kong makipagtalo sa isang taong may baril. Naglakad ako ng ilang hakbang papuntang Roxas Boulevard at pinara ko ang unang bus na dumating. Habang nasa bus ako, naisip ko:

  1. Bakit kailangang sumigaw? Hindi ba puwedeng, “Sir, pasensiya na kayo pero hindi ho puwedeng kumuha ng picture dito nang walang permit.”? O kaya, “Pasensiya na kayo, nagkamali lang yong dalawang guard sa pagbibigay ng permiso.”?

  2. Bakit yung dalawang guard na nagbigay ng permiso, hindi man lang nagsalita at akuin ang kanilang responsibilidad?

  3. Bakit kung talagang mahigpit ang security ng DFA, ang mga security guards ay hindi alam kung ano talaga ang tamang rules?

Mas maigi pa rin talaga sa Japan, kung saan ang mga tao ay magalang, merong sense of responsibility at alam ang mga patakaran.

nick

10-29-2004, 07:33 PM

:slight_smile: hehe. okay ang kuwentong ito, may picture pa, hehe. kaya siguro wala masyadong street photographers sa pilipinas. o meron din? anong masasabi ng mga photographers dito sa TF?

reon

10-29-2004, 09:23 PM

Kung nasa Pilipinas si Henri Cartier-Bresson (BBC NEWS | Entertainment | Photographer Cartier-Bresson dies), malamang hindi siya aabot nang 95, dahil mababaril siya sigurado sa kanyang “street photography” at camera (http://www.leica-camera.com/produkte/msystem/mp/bildansichten/index_e.html). :hihi:

http://www.cc.gatech.edu/~potts/Photo.Manipulation/images/hcb.jpg

reon

11-01-2004, 03:44 PM

Addition: Even in the United States, documentary and street photography after 9/11 have become problematic because of the issue of terrorism. A Google search on Photo.net will get you some interesting links (http://www.google.com/custom?hl=en&lr=&ie=ISO-8859-1&oe=ISO-8859-1&client=pub-1734703147688622&cof=FORID%3A1%3BL%3Ahttp%3A%2F%2Fwww.photo.net%2Fgraphics%2Fanimated_photonet_logo.gif%3BGL%3A1%3BBGC%3AFFFFFF%3BT%3A%23000000%3BLC%3A%230066cc%3BVLC%3A%23336633%3BALC%3A%230066cc%3BGALT%3A%230066CC%3BGFNT%3A%23666666%3BGIMP%3A%23666666%3BDIV%3A%23999999%3BLBGC%3AFFFFFF%3BAH%3Acenter%3B&domains=www.photo.net&q=street+photography+police+legal&btnG=Search&sitesearch=www.photo.net).

Sayang, marami sanang interesting na nangyayari sa Pilipinas para sa documentray at street photography pero maraming hindi magandang mangyayari lalo na kung meron kang dala-dalang conspicuous na camera. Kahit sa MRT at LRT, bawal ang pagkuha ng pictures, sa aking pagkakaalam.

reon

andres

11-01-2004, 05:47 PM

Wow, great post, pare ang tapang mo a. Ako matagal nang nag-give up mag expect ng logical behavior mula sa mga tao :).
Palagay ko isang reason kung bakit napakaganda ng street photos ni Cartier-Bresson ay dahil napakaliit at unobtrusive nung kanyang camera (Leica 35mm M3, tama ba?). Pero regardless, mahirap talagang kumuha ng candid pictures of strangers, kaya nakakahanga talaga si HCB at mga katulad niya.

rodick

11-03-2004, 09:16 PM

Magaling ang picture, pero talagang mapapaaway ka kung gagawin mo lagi sa Pilipinas yan.

rodick

Paul

11-04-2004, 01:37 PM

dapat siguro itong Minox Leica M3 ang camera mo para hindi conspicuous.

http://www.weblogsinc.com/common/images/5562468691402114.JPG (http://www.engadget.com/entry/7155274527448363/)

yuri

12-12-2004, 03:08 PM

Dapat eto, kamo…

http://www.vodafone.jp/english/products/domestic_images/img_v702smo.jpg

mck_studio

10-20-2005, 07:25 PM

grabeh ang pinoy talaga di maintindahan, siguro dala lang ng kahirapan sa bansa kaya tabla tabla na lang like you tinabla ka ng dalawang guard oh my goodness tama ba yun diba napaka iresponsable nun at yung isang guard wow
di pa naman mapaliwanagan kasi napangunahan ka na ng galit nya. grabe pinoy talaga…!?!

ariz

10-20-2005, 08:17 PM

Alam mo naman sa aten,kapag may baril ka…kaw na ang bida!ewan ko ba,ugaling pinoy talaga!!

This is an archived page from the former Timog Forum website.